Chapter 7 "Deal"

"Oh bakit parang hindi maipinta 'yang mukha mo?" Pagtatanong sa akin ni D.J habang dala-dala ang tray na pagkain, siya kasi ang um-order doon ng pagkain. Hindi na ako pumila kasi ang haba at hindi ko kayang makipagsiksikan sa madaming bilang ng tao.

Napakamot na lang ako ng ulo. "Eh paano kasi pinoproblema ko yung performance namin sa vocal class. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Frost" Pumangalumbaba ako at sumipsip sa coke na aking inumin.

"Ha? Akala ko ba nag-usap kayo after class nung monday?" Pagtatanong sa akin ni D.J sabay kagat sa sandwich na kanyang binili.

"Sinubukan ko siyang kausapin pero hindi ko siya nakausap" Pagsisimula ko ng kwento kay D.J, kapag naaalala ko talaga ang araw na iyon ay naiirita ako dahil nagmukha akong fangirl ni Frost na buntot ng buntot sa kanya.

Matapos ang klase at pag-a-announce ni miss Rose sa pair activity na aming gagawin ay naisipn kong lapitan si Frost afterclass.

Nagligpitan ang mga kaklase ko ng kanilang mga gamit. "D.J mauna ka na sa dance class natin. Kakausapin ko pa si Frost tungkol sa pair activity" pagpapaalam ko sa aking kaibigan habang nagliligpitan ng gamit.

Nag-okay sign sa akin si D.J at naglakad na palabas ito na hanggang ngayon ay panay hila pa rin sa palda niya na maiksi para sa kanya.

Pagkaalis ni D.J ay napatingin ako kay Frost na kasalukuyang inaayos ang kanyang gamit. Hindi ko alam kung bakit may kaba akong nararamdaman nung kakausapin ko na si Frost, siguro ay natatakot ako na mamukhaan niya ako dahil nakita ko siyang kumakanta sa 8th floor ng music class.

Pagkaubos ng estudyante ay tsaka ako lumapt kay Frost. Maliliit na hakbang ang ginawa ko patungo sa puwesto ni Frost. "Ah ano Frost..."

Tumingin sa akin si Frost at para naman akong nabato sa aking kinatatayuan dahil sa malamig niyang pagtitig. Bagay na bagay sa kanya ang pangalang Frost sa sobrang lamig. "Sino ka?"

Napakurap-kurap ako sa pagtatanong niya. Seriously, isang linggo na kaming magkaklase ngunit hindi niya pa rin ako tanda. "Ah Cindy ang pangalan ko ako yung kapartner mo r--"

Naputol ang aking pagsasalita dahio bigla akong hinagisan ni Frost ng isang papel na may pirma niya. "Oh ayan. Umalis ka na, iyan lang naman ang gusto mo" Literal na namilog ang mga mata ko dahil sa tinuran ng lalaki

I clear my throat and inayos ko ang sarili ko. "Ah, hindi naman ako isa sa mga fangirls mo. Ako kasi yung kagrupo mo sa activity dito sa--"

Muli na namang naputol ang aking sasabihin ng biglang tumayo si Frost at naglakad na paalis. Naiwan akong nakatayo dahil sa inasta ni Frost. Ang sungit niya talaga, sagad sa kasungitan hmph!

"Hahaha! So iyon pala ang nangyari, pahiya ka doon," Natatawang turan sa akin ni D.J "Fangirl ka pala ah"

"Lelang niya, asa naman siyang magiging fangirl niya ako" Pero napadukdok ako sa table naming kinakainan. "Pero D.J paano na yung performance namin eh Wednesday na, mukhang ayaw naman makipag-cooperate ni Frost"

"Ayan kasi ang problema kapag ang ka-partner mo eh saksakan ng galing at saksakan ng taas ang tingin sa mga sarili nila. Hindi sila makikipag-cooperate sa gaya mo" Sabi ni D.J sa akin at masama ko siyang tinitiganm

"Wow ah! Para namang ang baba-baba ko"

"Kumpara kay Frost, totoo naman. Ikaw ba naman anak ng mga sikat na musician at sikat na tao" Napabuntong hininga na lamang ako dahil totoo ang tinuran ni D.J, pero nakakaasar pa rin dahil hindi ko alam kung paano ko ia-approach si Frost. Paano na yung activity ko sa vocal class, first activity pa naman 'to.

Hanggang sa matapos ang klase ay pinoproblema ko pa rin ang performance na gagawin namin ni Frost dahil ang hirap niyang lapitan. Samantalang si D.J tsaka ang ka-partner niya na si Lucas ay kahapon pa nakapag-practice. They are both fund of rock song kaya mabilis silang natapos, paano ko nalaman? Sumama ako kanila D.J sa kanilang practice.

***

Umusad ng umusad ang ngunit hindi ko pa rin nakakausap si Frost, sa tuwing nakikita ko kasi siya ay ang daming nakabuntot sa kanyang babae. Ayoko naman na makisiksik dahil baka isipin na naman nung masungut ma Frost na iyon na kabilang ako sa mga bumubuntot sa kanya.

"Uy biyernes na, wala ba kayong practice?" Pagtatanong sa akin ni Lucas na ka-partner ni D.J, kasalukuyan niyang tinotono ang electrical guitar niya.

Moreno si Lucas at mga 5'8 ang tangkad. May katangusan ang ilong nito dahil may lahing french ang tatay nito, sa nanay niya daw siya nagmana ng kulay ng balat kaya moreno siya. Kyng personality ang tatanungin, ang bait ni Lucas at sobrang approachable.

"Hindi ko nga alam ang gagawin ko. Mag-solo na lang kaya ako ke'sa mawalan ako ng grade sa unang activity natin sa vocal class?" Pagsasabi ko ng aking idea habang nanunuod sa kanya sa pagtotono ng gitara.

"Pair activity nga eh, baka mapagalitan ka lang ni Miss Rose" Sabi sa akin ni D.J sabay lapag ng meryenda na kanyang bili sa cafeteria. Kakatapos lang kasi nila mag-practice dito sa studio ng school. Ang galing nga eh, may mga studio pala rito para librwng makapag-praktis ang mga estudyante ar kumpleto rin ito sa musical intsrument.

"Gusto mo bang kausapin ko? Sabi mo 'di ka makalapit kasi iniisip niya na isa ka sa mga may gusto sa kanya" Sabi ni Lucas sa akin.

"Talaga Lucas?! Sige nga i-try mo" Pagpupumilit ko sa kanya.

"Wait lang, pupuntahan ko pagkakain natin ng meryenda kahit hindi kami clo--"

Naputol ang sinasabi ni Lucas nung biglang bumukas ang pinto ng studio at tumambad sa amin ang isang lalaki na may hazel brown na kulay ng buhok at mestizo ito, bilugan ang mata nito and to describe him overall-- cute.

"Hello sa inyo" Nakangiti niyang sabi sa amin at pumasok sa loob ng studio, samantalang kami ay nakatingin lang sa kanya. 'Sino 'tong lalaki na 'to?' Sa tingin ko ay pare-parehas kami ng thought ng mga kasama ko.

"Sino ka?" Si D.J na ang bumasag ng katahimikan dahil kulang na lang kanina ay may dumaan na ibon dahil na-shock talaga kami sa lalaking ito.

"Hindi mo ako kilala? Sikat ako bilang rising star sa pagpe-play ng piano" Sabi sa amin nung lalaki na Jiroh daw ang pangalan. Ang cute niyang pagmasdan dahil 5'4 lang ang kanyang height at sakto lang ang katawan nito. Um-akto pa siya na nagpe-play ng piano.

*Kruuuu* *kruuuu*

Hindi kami nakatugon dahil wala maman kaming kilalang tatlo na rising star na pianist dito sa school. Paano magkakaroon na sikat na freshmen dito eh ngayon palang kami tine-train para sa stardom... Unless na lang kung sikat na mga musician ang magulang mo.

Tumigil ang lalaki sapag-acting at bagot kaming tinignan. "Aish! Sabi ko nga hindi niyo ako kilala, mga wala kayong taste sa music," ngumuso ito and to be honest... Ang cute niya talaga. Kamukha siya nung mga napapanuod ko sa anime na cute na lalaki.

"Ako si Jiroh Fukushima. Half japanese pero dito na ako sa Pilipinas lumaki kaya bihasa ako sa pagtatagalog"

"And so?" Pagtatanong ni D.J muli, hindi naman sarcastic ang pagkakasabi niya. More on nagtatanong kasi bigla na lang susulpot ang lalaki na ito eh hindi naman namin siya kilala.

"Okay, sasabihin ko na yung ipinunta ko rito," Bumuntong hininga siya bago ituloy ang kanyang sinasabi. "May nakapagsabi kasi sa akin na nandito daw si Cindy Gonzales. Pinapahanap kasi siya ng kaibigan ko"

Napaturo naman ako sa aking sarili dahil sa tinuran ni Jiroh. "A-ako? Sino ba 'yang kaibigan mo?"

"Si Frost. Actually tinatamad siyang hanapin ka kaya ako ang pinapunta niya, hinanap ko pa yung mukha mo mo sa registrar office dahil hindi mai-describe sa akin ni Frost ang hitsura mo kasi hindi ka daw niya kilala" Napakagat ako sa ibabang labi ko at nagpigil ng inis. Jusko! Dalawang linggo na kaming magkaklase and yet... Hindi niya pa ako kilala.

"Pinapahanap?"

"Oo, magpraktis daw kayo para sa activity ninyo sa monday" Sabi niya da akin at ngumiti. "Halika na, sumunod ka sa akin"

Tumingin muna ako kay D.J at Lucas. "Ano ka ba, okay lang na umalis ka ngayon. Since monday mo pa hinihintay yung practice na 'yan" sabi sa akin ni D.J

Sumabay lang ako kay Jiroh sa paglalakad dahil sabi niya sa akin ay siya raw ang magdadala sa akin patungo kay Frost. To be honest, ang daldal ni Jiroh. Ang dami niyang baon na kwento. Dinala ako ni Jiroh sa 8th floor ng Music departmenr kung saan ko unang nakita si Frost.

"Sikat kasi si Frost sa mga babaeng estudyante kay mas pinipili niyang tumambay dito. Hindi masyadong crowded" pag-i-inform sa akin ni Jiroh kahit hindi ko naman tinatanong.

"Introvert?"

"Not really. Hindi lang showy si Frost, gusto niya parating nag-iisa. Kahit akong kaibigan niya, hindi ko rin siya maintindihan paminsan-minsan" Pagkukwento niya pa. Somehow ay naging interesado ako sa topic dahil sobrqng cold ni Frost. Sino bang hindi magiging interesado kay Frost eh sobrang misteryoso mung lalaki na 'yon, parang every part of him was a puzzle that full of mystery.

Nakarating kami sasilid kung saan ko nadatnan si Frost na tumutugtog. Nandoon si Frost, nakaupo sa ibabaw ng teacher's desk habang tina-tap niya ang kanyang kamay sa lamesa. "Paano, maiwan ko na kayo! Good luck Cindy! Pagtiisan mo na lang 'yang ugali ng kaibigan ko"

Tinulak ako ni Jiroh papasok sa silid na parang sobrang close naming dalawa. Napatingin ako kay Frost na mukhang inip na inip sa paghihintay. Wow, siya pang may ganang magalit ngayon.

"So you are my partner. Naalala ko na yung mukha mo," Sabi niya sa akin habang ako ay nakatayo lamang sa harap niya. "Anong favorite song mo?"

"H-ha?"

"May diprensya ka ba sa pandinig? Ano kako paborito mong kanta?" Napaayos naman ako ng tindig ng biglang dumapo na naman sa akin ang mga malalamig niyang titig. Nakakatakot, ba't ba ganoon siya makatitig?

"Tadhana" Tipid kong sagot. Well naging paborito ko 'tong kanta na ito ng i-introduce sa akin ng isang stranger nung highschool palang ako. It was a very good song and tagos na tagos talaga ang lyrics.

"Hindi na nakakapagtaka. A plain girl with a plain taste of music" Tumayo siya at saglit na nagpagpag ng kamay at tinungo ang mga musical instrument na nasa gilid. Kumuha siya ng isang acoustic guitar, same guitar na ginamit niya nung narinig ko siyang kantahin yung Kilometro last week.

"H-ha?"

"Wala ka na bang alam na ibang sabihin kun'di 'ha?' Iyon na lang ang i-present natin tutal mas kabisado mo 'yon" Sabi niya sa akin, kumuha siya ng upuan at umupo sa tapat ko. "Ayoko ng maraming arte, simulan na agad natin ang practice"

Ini-strum niya ang gitara at ako naman ay ilang ulit na nagbuntong hininga upang pigilan ang inis sa lalaking ito. Hindi ko ine-expect na may tao pa palang makakapagpa-inis sa akin bukod kay Caleb.

"Ano na?!" Napabalik ako sa ulirat ko sa biglaang pagtaas ng boses ni Frost. "Dapat ipinasok mo na yung first verse ng kanta! Ano ba naman 'yan! Ako na ang mag-i-start ng kanta"

Nagpatuloy ang pagpa-practice naming dalawa. Hindi ko nga alam kung maituturing kong ito na practice dahil puro sermon ni Frost ang naririnig ko. Puro panlalait sa pagkanta ko ang kanyang nasabi, wala naman akong masabi dahil maganda naman talaga ang boses ni Frost kumpara sa akin.

"Ayoko na kita ulit makasama. Magkita na lang tayo sa lines, sa mismong activity" Sabi ni Frost at iniligpit na ang gitara. Sinukbit na niya ang bag niya. "Wala akong pakielam sa grade na makukuha mo pero konsensya mo kapag bumagsak ako"

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis. Naglakad na paalis si Frost at naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto. "Bakit ba kasi kailangang si Frost ang maka-partner ko?" Mahina kong reklamo sa sarili ko.

Kinuha ko ang bottled water na nakapatong sa sahig at uminom ng ilang ulit. Sobrang sakit ng lalamunan ko dahil sa ginawa naming pagpapraktis.

Hindi ko napansin na madilim na pala sa labas, masyado yatang mabilis ang oras o baka naman matagal talaga kaming nagpraktis pero hindi ko napansin ang oras dahil puro sermon ni Frost ang napansin ko.

"Ginabi ka yata?" Bungad na pagtatanong sa aking Yngrid pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng aming room. Nakaupo siya sa study table at mukhang may binabasang libro na connected sa subject niya.

"Oo, nagpraktis ako for our performance sa Monday" Maikli kong sabi sa kanya. Umupo ako sa kama ko at minasahe ang aking paa. "Hindi ko nga alam ang gagawin ko eh. Baka mababa ang makuha kong marka dahil hindi stable ang vocal ko"

"Then practice hard. Watching videos may help, panuorin mo yung way nila ng pagkanta" Sabi ni Yngrid ng hindi ako binabalingan ng tingin.

"Tina-try ko naman kaso sa akin talaga may problema. Wala naman akong proper training vocally kaya mahirap para sa akin"

Doon na tumingin si Yngrid. "Kaya ka nga nandito para mag-training at sanayin, pero hindi lahat eh i-i-spoonfeed sa iyo" Sabi niya sa akin. May point si Yngrid. "If you want to learn then mag-aral ka"

"Tama ka"

"Wait totoo bang honor student ka nung highschool?" Pagtatanong niya sa akin.

"Ah-eh. Oo, pero wala naman connect yun dito" Kumakamot kong ulong sagot dahil baka sabihin ni Yngrid eh nagyayabang ako, which is not.

"May offer akong iaaalok sa'yo kung saan magbe-benefit tayong dalawa. I will teach you in singing then tutulungan mo rin ako sa academics ko" Sabi niya sa akin at doon lumaki ang ngiti ko.

"T-talaga!? Tutulungan mo ako?"

"Tutulungan kita kung tutulungan mo ako," Tumayo si Yngrid sa harap ko at nilahad ang kanyang kamay. "Ano, deal?"

Ngumiti ako at inabot ang kanyang kamay. "Deal"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top