Chapter 65 "Finale"

"Let's give it up for, Cindy Gonzales!" Malakas na sigaw nung emcee, nanginginig ang aking paa bago ako tumuntong ng stage. Dati lamang ay magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa tuwing aapak ako rito, ngunit sa pagkakataong ito, kaba at takot.

Bago ko iapak ang aking paa sa platform nung stage ay biglang hinigit ni DJ ang kamay ko at mahigpit akong niyakap. "Good luck for your performance, bestfriend." Nangiti ako sa sinabi ni DJ.

Habang magkayakap kami ni DJ ay yumakap na rin sina Lucas at ang lahat ng aking kaibigan. "Do your best, Cindy. Make it the best as a last performer for this day." Sabi ni Jiroh.

Naalala ko pa ang mga pinagdaanan ko bago ako makatuntong sa stage na ito.

***

"Jiroh, pwede bang mag-request?" Tanong ko kay Jiroh habang nakaupo kami sa gilid ng stage matapos naming magpraktis ngayong araw. Sa totoo lang ay na-touch ako nung nalaman ko na sila ang nagpumilit na makapag-perform ako kahit hanggang finals.

Maganda ang set up ng stage ngayon at talagang pinaghandaan.

Actually, kahit finals lang talaga masaya na ako. Gusto kong magkaroon ng isang memorableng performance, ganito pala ang nararamdaman ni Frost noon nung umalis siya sa Music Academy, hindi komportableng malagay sa ganitong sitwasyon.

"Ano 'yon?" Tanong sa akin ni Jiroh.

"Gusto ko sanang palitan ang kanta na ipe-perform ko for finals," Pag-amin ko. I know less than week na lang ang natitira bago mag-finals and it will be hassle.

"Mahirap 'yan, Cindy. Sobrang last minute change ng gusto mong mangyari,"

Kumagat ako sa ibabang labi ko. "Ayoko lang kasing pagsisihan ang magiging final performance ko, alam kong maayos naman ang kanta na nagawa ko but if it will be my final performance. Gusto kong kahit papaano ay mabago ang tingin sa akin ng ibang tao." Malungkot kong sabi at tumingin sa damuhan.

"W-we will help you, Cindy." Biglang sabi ni Lisa at um-agree na sina Lucas. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng mga kaibigan na gaya nila. Hanggang huli ay sinusuportahan nila ang desisyon ko, hanggang huli ay hindi nila ako iniwan, hanggang sa final performance ko ay nandiyan sila sa tabi ko.

"Magsi-CR lang ako." Paalam ko pero ang totoo ay naluluha ako dahil sobrang na-touch ako sa kanilang mga sinasabi at ginagawa.

Hindi ko inaasahan pero natapos ko ang panibagong lyrics na sinusulat ko ng isang upuan lang sa study desk ko. Mabilis ko rin itong nalapatan ng kanta, habang isinusulat ko ito... ang nasa isip ko lang ay kung mali ba talaga ang pagkagusto ko kay Dela Torre.

Sa pamamagitan ng kantang ito ay gusto kong iparating sa mga tao na walang mali sa pagmamahal. It's a magical feeling that might create a miracle, kaya nitong baguhin ang takbo ng buhay natin sa oras na maramdaman natin ito.

Tinulungan ako nila DJ na malapatan ito ng lyrics and thanks to them, nakaabot ako sa finals. "Kinakabahan ka ba?" Tanong ko kay Henry, it will be a big day for Henry, it's his debut. It is the most anticipated debut this year.

"Of course, kung hindi ka kinakabahan, walang thrill," Sagot niya sa akin. "That's my big day, as well as yours. Good luck Cindy. Naalala mo nung una kang pumasok sa Music Academy?"

Bigla kong naalala ang unang tapak ko rito sa Music Academy, nung nag-audition ako. "Sobeang nakakahiya ang pinaggagawa ko noon dahil wala akong experience sa mga bagay-bagay. Pumasok lang ako sa Music Academy dahil gusto ko, hindi man lang ako nag-background research on how it works,"

"'Diba sinabi ko sa'yo dati na wala kang talent and luck lang ang nagdala sa'yo rito?" Tanong niya pa. "May ipapakita ako sa'yo."

Inilabas ni Henry ang kanyang cellphone. I am quiet confuse kung ano yung ipapakita niya pero isa itong CCTV footage, iyon ay pagkatapos na pagkatapos nung entrance performance. Kitang-kita sa video kung paano liparin ang isang papel. "That's your paper, ang totoo niyan ay bagsak ka talaga sa entrance performance pero dahil sa nangyari... Aksidenteng naisama ang papel mo sa pass," Explain ni Henry at hindi ako makapaniwala. That's explain everything kung paano nakapasok ang talentless na gaya ko sa prestigious school na ito.

"You are a chrysalis who evolve to a beautiful butterfly, Cindy. Nakita namin ang improvements mo from bottom hanggang sa anong mayroon ka ngayon. Maybe you are still lacking but you always do your best to improve. Sadly, after the performance... Aalis ka na." Medyo nalulungkot na sabi ni Henry.

Naluha ako sa kanyang sinabi. I remember how he gives me advices. Si Henry ang naging role model ko para mag-improve. I will make sure na tatatak sa puso ng maraming manunuod ang final performance ko.

Habang nagkukwentuhan kami ni Henry ay biglang dumating si Betty. Nagkaayos na kami ni Betty, "Cindy, can I talk to you?" She asked.

"No. Talk to her, dito mismo." Sagot ni Henry. Siguro ay na-trauma na sila sa mga ginawang gulo ni Betty sa dalawang magkasunod na performance dati. Pero ako, naikntindihan ko na si Betty ngayon and maybe, she already learned her lesson. She already had a taste of her own karma.

Nagbuntong hininga si Betty at napairap sa ere. May kinuha siya sa kanyang bag at iniabot sa akin ang isang papel. "Alam kong ako ang pinagbibintangan ninyo sa nanyaring gulo ngayon, but I'm not. Bilang pambawi ay nag-research ako, iyan ang listahan ng mga pangalan ng nagpakalat nang mga litrato. Karamihan sa kanila ay fan ni Kevin, they are the one who's responsible sa pagkasira mo, Cindy. Nasasa'yo na 'yan kung papatulan mo sila dahil kung tutuusin ay pwede kang magsampa ng kaso laban sa kani--"

Hindi na natapos ni Betty ang kanyang sinasabi dahil mahigpit ko siyang niyakap. "Thank you, Betty. Thank you."

Ngayong galit sa akin ang maraming tao, dito ko nakilala ang mga tunay kong kaibigan. Dito ko nakilala ang mga tao na handang manatili sa aking tabi para lang suportahan at tulungan ako. I have my family, group of friends... Myself. I also want to thank myself for not giving up.

Hindi ko pa alam ang plano ko sa mga taong nasa listahan na binigay ni Betty dahil focus ako sa Final performance. Isa pang nakakaasar ay hindi man lang nagpaparamdam si Kevin. Hindi ko alam kung busy siya o may ibang bagay na pinagkakaabalahan. Ewan ko doon.

Bukas na, bukas na ang araw ng performance namin.

***

Pagkaapak ko sa stage ay tila ba maraming nagulat nung nakita nila ako. Dito ko naramdaman ang mapanghusgang mata ng mga tao. Tinitignan nila ako na para bang ako ang pinakamakasalanang tao sa buong mundo... Isa lang naman ang naging pagkakamali ko, iyon ay ang nagmahal ako. Actually hindi siya mali.

"Bumaba ka na! Bumaba ka na!"

Nung una ay mahinang fanchant lang iyon hanggang sa unti-unting lumakas. Napahigpit ang kapit ko sa mic at parang nanghina ang tuhod ko. Para bang gusto kong biglang bumaba pero nung napalingon ako sa back stage, nandoon ang mga kaibigan ko they are cheering on me habang may hawak-hawak na maliit na bond paper na may nakasulat na 'Go, Cindy.'

"A-alam kong maraming tao ang galit sa akin ngayon," Um-echo sa buong paligid ang aking boses dahil sa mic. Naluluha ako habang nagpapaliwanag. "Sa mata ninyo, ako na ang pinaka bitch na taong nakilala ninyo. Ako na ang pinakamalandi, baka nga mas higit pa diyan at alam kong may mangilan-ngilan na hinihiling... Mamatay na lang ako."

Naiiyak ako habang nagpapaliwanag at hindi ko alam na magkakaroon ako nang lakas ng loob na magpaliwanag sa harap ng libo-libong tao. Ibino-boradcast din ito sa mga pangunahing TV stations. "Pero gusto ko lang itanong sa inyo..."

"Hindi ninyo ba ginustong magmahal?" Tanong ko at tumahimik ang buong paligid na para bang nagkaroon sila ng interes sa aking sinasabi. "Hindi ninyo ba ginustong mahalin?"

Napansin kong may mga event organizer na nagbalak umakyat mg stage ngunit mabilis silang pinigil nila DJ na para bang sinasabi nila na sabihin ko lang ang mga gusto kong sabihin. "This will be my final stage pero gusto kong iparating sa inyo na... Walang mali sa pagmamahal."

Napako ang tingin ko sa isang lalaki sa gitna ng libo-libong tao, si Dela Torre kasama niya ang basketball team niya. May hawak silang malaking tarpaulin na ang nakasulat:

I AM YOUR BIGGEST FAN, CINDY GONZALES

Dela Torre really knows how to make me happy and somehow, it boost my confident.

"Itong kanta na aawitin ko... Gusto ko lang iparating sa inyo ang mga salitang gusto kong ipaliwanag. Sa pamamagitan ng kantang ito ay sana ay maantig ko ang puso ninyo."

Umayos ako ng tayo sa stage at tumayo sa isang platform. Dumilim ang paligid at isang spotlight lang ang tumapat sa akin.

"I dedicated this song... Para sa taong tinulungan akong lumaban. The man who treated me like a lady." Tumingin ako kay Dela Torre at nakangiti lang siya sa baba.

***

"Ikaw at Ako"
By: Cindy Gonzales

Ang pag-ibig na nararamdaman
ay sadya nga bang lihim?
Ganito na lang ba tayo?

Para bang nahirapan akong kantahin ang bawat liriko dahil naalala ko ang pinagsamahan namin ni Kevin, from the start. Nung nasira ko ang phone niya, hanggang ngayon. Naalala ko pa na kailangan lang lihim ang aming pagkikita because of the school rule. The stupid school rule.

Ito ay isang damdamin na
Nagmumula sa puso

Ganito na lang ba tayo?

You can't restrict somebody on falling inlove. It's a feeling na kahit sino ay pwedeng maramdaman.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig kaso ay may ibang kumanta.

Buksan ang 'yong puso at hayaang magmahal,
Hayaang magmahal

Kung tayo'y magkasama ay,
'Di dapat mangamba.

Biglang umakyat si DJ sa stage at siya ang kumanta ng mga sumunod na lyrics. Wala ito sa inensayo namin. Nakangiti sa akin si DJ at hinawakan niya ang aking kamay. Naiyak ako dahil sinamahan niya ako ngayon.

Biglang umakyat din si Lucas, Lisa, at Jiroh na may hawak na mic at kinanta ang chorus.

Tanging ikaw lang at ako ang nagkakaunawaan
Kahit ano pang sabihin, minamahal kita.

Huwag na tayong magkubli sa ating nararamdaman,
Pag-ibig ay walang batayan

Mananatili ka sa aking puso.

It's a song that suppose to be dedicated to Dela Torre pero para bang ang kanta kong isinulat ay dedicated sa akin mismo. It's a farewell performance, naiyak na ako sa stage dahil hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng mga kaibigang gaya nila.

Biglang umakyat sa stage si Henry at umakbay sa akin... Siya ang kumanta ng sumunod na lyrics.

Ano mang sabihin nila, kahit anong katanungan.
Ikaw lang ang tugon.

Pumasok si Yngrid at nag-L sign siya gamit ang kanyang kamay na parang sinasabi na Loser.

Buksan ang 'yong puso at hayaang magmahal,
Hayaang magmahal

Kung tayo'y magkasama ay,
'Di dapat mangamba.

Pagdating ng sumunod na chorus ay sabay-sabay kaming kumanta na magkakaakbay. Nung una ay para bang ayaw ng mga tao sa performance na aking ginagawa pero nagalak ang aking puso nung nagsimula silang mag-wave ng hand na para bang nagugustuhan nila ang mensahe ng kanta.

Tanging ikaw lang at ako ang nagkakaunawaan
Kahit ano pang sabihin, minamahal kita

Huwag na tayong magkubli sa ating nararamdaman,
Pag-ibig ay walang batayan

Mananatili ka sa aking puso

Nagkaroon ng maikling instrumental, napatingin ako sa pwesto ni Dela Torre at wala na siya roon.

Matapos ng instrumental ay chorus na ulit. Nagulat ako nung may dalawang lalaki na umakyat sa stage-- si Dela Torre at Frost.

Naging mahina ang kanta at kinanta nilang parehas ang mga lyrics habang naglalakad papalapit sa akin.

Tanging ikaw lang at ako ang nagkakaunawaan,
Kahit ano mang sabihin
Minamahal kita.

Huwag na tayong magkubli sa ating nararamdaman
Pag-ibig ay walang batayan

Tumigil si Frost sa pagkanta at si Dela Torre ang nagbitaw ng huling lyrics.

Mananatili ka, sa aking puso.

***

This performance was far way better than I expected. Hindi ko inaasahan na kasama kong tatayo sa stage ang mga kaibigan ko. Ginawa nilang memorable ang pananatili ko rito sa Music Academy, although, this is my last performance pero pakiramdam ko ay ito ang performance na hinding-hindi ko makakalimutan.

"G-guys..." Naluluha akong nalatingin sa kanila at niyakap nila ako ng mahigpit.

Malakas na palakpak ng mga tao ang narinig namin. Everything is perfect. Naintindihan siguro ng mga tao ang gusto kong ipahiwatig. Hindi hadlang ang pagmamahal sa performance bagkus ay naging instrumento ko ito para mahaplos ang maraming puso ng mga tao.

Matapos ang performance ay hindi ko alam na may petition silang pinapaikot sa lahat ng audience. Mahigit 20,000 people ang nag-sign sa petition na iyon.

Ang performance na iyon, ang sumira sa isang rule na matagal ng nag-e-exist sa aming paaralan.

FORBIDDEN RULE IS NOW ABOLISH.

***---***

EPILOGUE NA ANG NEXT.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top