Chapter 64 "Confrontation"

Cindy

Tinignan ko ang sapatos na ibinigay sa akin ni Henry na nakalagay sa shoe rack ng kwarto. Naalala ko na naman ang unang pagtulong niya sa akin. Kinuha ko ang sapatos sa shoe rack at hinipan upang matanggal ang mga nakakapit na alikabok dito. Maingat ko itong inilagay sa maleta ko dahil isa ito sa mga bagay na sobrang importante sa akin.

"Anak, sigurado ka ba? Okay ka na ba?" Tanong ni mama sa akin. Kasalukuyan kong inililigpit ang mga gamit ko at handa na akong umalis sa unit ko. Siguro ay babalik na lang akong Bulacan at pinag-iisipan ko na rin ang course na kukuhanin ko kung sakali man na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko.

Entering at Music Academy is like a dream, from inexperience performer ay hinubog nito ako upang maging magaling sa iba't-ibang aspeto ng musika. Pero ngayong na-kick out ako, it's like a dream. Para bang tinanggalan nila ako ng pakpak na ginagamit ko sa paglipad. Sa isang iglap ay bigla akong lumagapak at kinakailangan kong bitawan ang pangarap kong iyon.

After na matanggal ako sa school, wala akong naging balita kay Dela Torre pero napanuod ko sa TV na natalo ang team nila sa finals, natalo sila ng Ateneo. It's sad for me dahil nakita ko ang hirap ni Dela Torre para lang masigurado ang kanilang pagkapanalo. Naka-apekto ang isyu sa lahat ng pangyayari.

"Okay lang po ako 'ma," isinara ko ang maleta ko at tumayo. "Let's go?" Tanong ko.

"Hindi mo man lang ba gustong magpaalam sa mga kaibigan mo? Kay Kevin?"

"Wala akong mukha na ihaharap sa mga kaibigan ko 'ma, I am such a failure." Paliwanag ko at napayuko. "'Ma, bakit hindi ka galit kay Kevin?"

Hinawakan ni mama ang kamay ko at ramdam ko ang init ng kanyang palad. Umupo kami sa may couch. "Kasi ramdam ko ng mangyayari ito. Alam kong masaya ka kapag kasama mo si Kevin at nasaksihan namin iyon ng papa mo. Instead of denying the issue, pinaglaban mo talaga kahit na alam mong mali para sa iilan. If you love Kevin at kung ikaw nga ay hindi galit sa kanya... Paano pa kami, hindi ko magagawang magalit kay Kevin dahil iyon ang kasiyahan mo." Paliwanag ni mama at inipit ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga.

Hindi ko alam kung anong bagay ang nagawa ko to deserve this kind of family and set of friends. Para bang ang swerte-swerte ko sa kanila.

Pinagmasdan ko sa huling pagkakataon ang unit. Sa lahat nang parte ng bahay na ito ay puro alaala namin ni Dela Torre ang naiisip ko. Mula sa sala na wala kaming ibang ginawa kun'di manuod ng movie at magkwentuhan, sa kusina na parati kaming nagluluto at sabay kumakain, kahit yung maliliit na kalat sa sahig... Si Dela Torre ang naaalala ko.

My mom held my hand, "halika na?" Aya niya. I didn't expect that I will leave this pleace na gabutong kaaga.

Habang naglalakad kami pababa sa ground floor ay hindi ko maatim na hindi magpaalam kay Frost. Siguro ay deserve niya rin naman ng paliwanag sa nangyaring gulo sa buhay ko. Iniabot ko kay mama ang maleta. "'Ma, could you give me 5 hours? Magpapaalam lang ako sa isang malapit na kaibigan... Please."

"But, Cindy, baka kung ano lang ang mangyari sa iyo."

"I'm okay, 'ma. Please." Muli kong pagmamakaawa at tinignan siya ng mata sa mata.

Mukha namang naantig ang puso ni mama at papa, they both sighed. "Okay, just 5 hours. Hintayin ka namin sa Trinoma, if anything happens... Text us, call us." Paalala ni mama.

Nagmamadali akong tumakbo palabas ng condo at sumakay sa train. Kailangan kong mahabol si Frost dahil sa mga oras na ito ay siguradong nasa Cafe Adjurah na siya. May magilan-ngilan na nakakilala sa akin habang nakasakay ako sa bagan ng train. Mukhang wrong idea ang pagsakay ko rito. Kahit pa ilang araw na ang nakakalipas... Hindi pa rin namamatay ang issue. Hindi man ito ang hot topic ngayon, pinag-uusapan pa rin siya.

Sanay na ako sa masasakit na salita na ipinupukol sa akin ng ibang tao... O baka hindi pa rin ako sanay, nagpapatay-malisya na lamang ako. It's uneasy for us na mga babae na matawag na pakarat, malandi, bitch, flirt pero anong magagawa ko? Iyan ang tingin sa akin ng ibang tao sa ngayon.

Nakayuko lamang ako sa buong biyahe at matapos kong mag-train ay nag-taxi na ako pagbaba ko ng istasyon. Mas mabilis na paraan iyon para makapunta sa cafe Adjurah. Ang ganda pa rin ng cafe na ito, the cozy and warm feeling ay nararamdaman ko na sa labas pa lang.

Iniabot ko ang bayad sa taxi driver at nagmadaling pumasok sa cafe. But instead na si Frost ang magulat... Ako ang nagulat dahil nasa cafe mismo si Dela Torre at kausap si Frost. Paano niya nalaman na dito nagtatrabaho si Frost?

Kahit nakasuot ng nose mask si Dela Torre, alam kong siya 'yon. Mula sa kilos at body built niya... Siya 'yon. Saglit kong hinabol ang aking paghinga. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.

"Just talking to him," Dela Torre answered. "I know hindi ako ang pinunta mo rito kaya naman lalabas na muna ako, hintayin na lang kita sa kotse."

Kahit ilang buwan pa lang kaming magkakilala ni Dela Torre ay parang kilalang-kilala na niya ako. Naiintindihan niya agad ang mga bagay-bagay. Lumabas si Dela Torre, tumingin ako sa manager nila at tumango ito bilang pagpayag na kausapin ko muna si Frost.

"Can we talk?" I asked on him. Malamig siyang tumitig sa akin at kinabahan ako bigla. Ganyang klaseng titig ang ipinukol niya sa akin nung una naming pagkikita at kagaya nung una, natakot ako.

Pumunta kami sa sulok na bahagi ng Cafe Adjurah. "Gusto ko lang sana sabihin sa'yo na uuwi na ako ng Bulacan dahil mukhang wala na akong dahilan para mag-stay dito sa Maynila. Gusto ko lang sana magpaalam sa'yo."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat?" Tanong niya at binalewala ang mga una kong sinabi.

"You never asked. Lagi kang busy." Sagot ko dahil iyon ang totoo. I tried to talk to him several times, alam ni Lord 'yon pero lagi akong natatanggihan ni Frost.

Hi bit his lower lips na para bang pinipigilan ang kanyang inis. "G-gusto kita, Cindy." Sagot niya.

Mapait akong ngumiti. "Alam ko, ramdam ko naman ang bagay na iyon."

"You know?"

"Gusto rin kita Frost... Noon. I will not visit you here ng ilang beses kung kaibigan lang ang tingin ko sa'yo, espesyal ka Frost. Lagi akong pumupunta rito pero busy ka, kung hindi ka man busy, nagre-review ka. Ilang beses kong sinubukang kuhanin ang atensyon mo, but I guess, I'm failed. Alam kong gusto mo 'ko... Pero wala kang ginawa. Samantalang si Dela Torre, pinaranas niya na espesyal ako. Sinubukan ko siyang tanggalin sa buhay ko pero masyado siyang persistent,"

Saglit akong huminga bago itinuloy ang aking sinasabi. "Siya yung lalaki na lumaban na hindi mo nagawa. Siya yung lalaki na binigay ang lahat ng atensyon na hindi mo nagawa. Siya yung lalaki na naging stress reliever ko na dati ikaw ang gumagawa. Siya ang lalaking nakatanggal ng kaba sa puso ko na dati ikaw lang din ang nakakagawa. At siya rin ang lalaki na sumugal upang magkaroon ako ng dahilan para lumaban."

I'm not dense para hindi ko maramdaman na may gusto sa akin si Frost. Siguro ay nagpapatay malisya lang ako dahil baka mali lang ang assumption ko. Nung una ay alam ko na kay Frost ako babagsak but suddenly, Dela Torre entered, hinatak niya ako and he make me fall for him.

Mapait na ngumiti si Frost dahil sa mga sinabi ko. Totoo ang mga sinabi ko. "Hearing those words is like stabbing me a knife multiple times. Pero tama ka nga naman, ipinaglaban ka niya na hindi ko ginawa. We're not on a wattpad love stories na mahuhulog ka sa isang bad boy. This is the reality."

"A-ano ang pinag-usapan ninyong dalawa?" Tanong ko.

"It's funny dahil humihingi siya ng permiso ko para sa'yo. Aalagaan ka daw niya at poprotektahan." Kinilig ako sa sinabi ni Frost but I can't, alam kong nasasaktan siya. "So I guess I'm pretty late to fight for you dahil mukhang hulog na hulog ka na sa basketball player na iyon... Friends?"

Iniabot ni Frost ang kamay niya sa akin at iniabot ko rin ang aking kamay. "F-friends."

Naging pamamaalam ang mga sumunod naming pag-uusap and it took a couple of minutes. Well I guess, maayos akong nakapagpaalam kay Frost.

After namin mag-usap ay sumakay na ako sa kotse ni Dela Torre. Binawasan ni Dela Torre ang sounds nung music. "Kumusta?" He asked at tinatanong ang naging pag-uusap namin ni Frost.

"Kailan ka pa pumupunta rito?"

"Nung mga araw na hindi tayo nagkikita. Sinuyo ko ang first love mo. As a man, ayoko din naman siyang masaktan, maayos akong nagpaalam sa kanya at maayos kong ipinaalam na sa akin ka na." Nag-make face ako na parang nandidiri sa mga pinagsasabi ni Dela Torre na tinawanan lang ng mokong.

"Talo kayo sa finals?" Tanong ko habang nagsisimula ng magmaneho si Dela Torre.

"How can we win? That time puro ikaw ang nasa isip ko. Kung kumusta ka na, kung nakakakain ka ba ng maayos, at kung hindi ka ba nade-depress dahil sa mga issue." Paliwanag ni Dela Torre sa akin. Sinasabi talaga ni Dela Torre ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan, hindi niya alam na sobrang ang sarap pakinggan sa tenga nung bawat pag-aalala niya.

"Ang bading mo sa part na 'yan. Sa Trinoma lang tayo, Dela Torre." Sabi ko dahil doon ko kakatagpuin ang mga magulang ko.

"But seriously, ayos ka lang ba?" Saglit na tumingin sa akin si Dela Torre at ramdam ko ang kanyang pag-aalala.

Ngumiti ako. "Ayos na 'ko pero malungkot lang ako dahil kinakailangan kong umalis ng Music Academy. Pinag-iisipan ko na ngayon ang course na babagay sa akin kapag pumasok ako sa regular school." Sagot ko sa kanya.

"Who says na aalis ka sa Music Academy?" Biglang lumiko si Dela Torre at binaybay ang daan patungo sa school namin. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan ni Dela Torre.

"Huy, Dela Torre! Para kang sira, wala na akong gagawin diyan. Nasa Trinoma na sina mama at hinihintay ako." Sagot ko sa kanya.

"I already texted tita habang magkausap kayo ni Frost. Magpa-practice ka pa para sa final performance mo next week so you need to be there." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Dela Torre.

"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?"

"Bastaaa!"

***

Huminto ang kotse sa tapat nang gate ng aming school. Nakita ko agad sina DJ na nakatayo sa labas na parang may hinihintay. "Ano na naman bang kalokohan 'to?"

Instead na sagutin ni Dela Torre ay kinurot niya ang magkabila kong pisngi. "Always remember that I will be your number one fan. Pumasok ka na."

Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Napabalik ba ako sa school? Imposible dahil buong-buo ang desisyon ni ma'am Viola na tanggalin ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lumabas. Dela Torre waved his hand as a goodbye at pinaandar niya na paalis ang kotse.

Nung makita ako ng mga estudyante ay parang nagulat sila kung bakit ako nandito. Kahit ako rin naman ay walang ideya, bakit ako nandito? E, tinanggal na ako sa school. Baka magmukha lang akong desperada sa mga mata nila. Sabi ko na nga ba ag ginu-good time lang ako ni Dela Torre. Bwisit na lalaking iyon.

Lumapit sa akin si si DJ kasunod sina Lucas at Lisa.

"Welcome back, Cindy, let's make your final performance memorable."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top