Chapter 63 "Unexpected companion"

Third Person

Muling lumipas ang isang linggo at nalalapit na ang performance nila para sa finals, nakaupo lamang sila DJ sa isang table sa kanyang unit at tinititigan ang mga props na hindi pa rin nila nagagawa.

Hindi pa rin nila matanggap na tuluyan ng natanggal sa paaralan nila ang kanilang kaibigan. "Makakabalik pa kaya si Cindy?" Tanong ni Lisa habang gumugipit sa art paper. "Ang tagal niyang hinintay ang finals para makapag-perform siya." Dugtong pa niya.

"Ang principal na ang nag-desisyon sa kung ano ang magiging kapalaran ni Cindy." Malungkot na sabi ni Lucas.

"Ang tagal ng pangarap ni Cindy iyon. Matagal na niyang gustong maging performer and we witness how she started," Paliwanag ni DJ. "Cindy started from the bottom at ngayon, isa na siya sa pinakamagagaling na estudyante ng Music Academy. Her talent will be wasted dahil lang hindi siya sumunod sa rules."

"But rules are rules." Sabi ni Jiroh. "Baka naman kagagawan ni Betty iyan? Nung nakaraang midterms at prelims ay may ginawa siyang kalokohan kay Cindy... Hindi malayo na may gawin din siya ngayon."

Isang ideya ang pumasok sa utak ni DJ, "tutulungan natin ang kaibigan natin. We will find out kung sino ang nagpapakalat ng mga pictures at sino ang kumuha nito. We will make sure na makakabalik si Cindy dito sa Music Academy."

***

DJ

Maaga pa lamang ay nakatayo na kami sa school gate hawak-hawak ang isang petition para mapabalik si Cindy sa aming school. Hindi lang si Cindy, maging ang ibang estudyante na napatanggal dahil sa pag-break ng rules. Sana lang ay mapakinggan kami ng school.

"Ate! Pumirma na kayo ate!" Pilit kong hinabol ang isang babae sa paglalakad ngunit hindi niya ako pinansin. Napabuntong hininga ako at bumaling ang tingin ko sa isang lalaki na naglalakad. "Kuya! Pumirma na kayo rito!"

Saglit siyang napatigil sa paglalakad at napatingin sa petition paper na hawak ko. "Para saan 'yan?" Tanong niya.

"Para kay Cindy, at sa iba pang natanggal sa sa ating scho--" hindi ko na natapos ang aking paliwanag dahil nagdire-diretso na siyang maglakad paalis at binalewala ako. Bad trip.

Nasanay ako dati na nasa akin ang atensyon ng maraming tao pero ngayong binabalewala nila ang prisensya ko, ang sakit pala na daan-daanan ka lang ng iba at mawalan sila ng pakialam sa'yo. Lumalitbsa direksyon ko si Lucas at hinimas ang aking likod. "Okay lang 'yan, atleast, may napapirma ka ngayong araw."

Tinignan ko ang petition paper na may may labing-isang pirma. Sa daan-daang estudyante na dumadaan dito sa main gate, labing isa lang ang naglakas ng loob na ipaglaban ang karapatan ni Cindy. Gustong-gusto ko na makapag-perform ang kaibigan ko sa finals at sa mga susunod pang mga taon. Ayokong masayang ang pangarap at paghihirap niya.

Pumasok na kami sa loob ng school at napagdesisyunan na ipagpapatuloy na lamang namin mamayang hapon ang pagpapa-sign sa petition paper. Habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong namin si Betty na mag-isang naglalakad. Biglang kumulo ang dugo ko dahil malaki ang posibilidad na siya ang may kagagawan nang gulong ito.

Humarang ako sa nilalakaran ni Betty at tinignan siya ng mata sa mata. "Sa oras na malaman kong ikaw ang may kagagawan ng gulong ito, babangasan ko 'yang mukha mo." Banta ko sa kanya.

"Hindi ako ang nagpakalat ng mga litratong iyon at wala akong ginawang gulo. Back off." Akmang lalakad siya sa kabilang side ngunut humarang ulit ako.

"Paano ako maniniwala sa'yo, sinungaling ka."

"Ater I taste my own karma, sa tingin mo ba ay may lakas pa ako ng loob na gumawa ng gulo?! Kahit ako man ay nagtataka kung sino ang may gawa no'n... Dahil sa totoo lang, Cindy deserves to be here than to be kicked out because of childish rule." She explained to me. Ilang segundo kaming nagtitigan ni Betty pero siya na ang naunang umalis.

Si Betty, may pakialam kay Cindy? Imposible, alam ko naman na kaplastikan lang ang mga pinagsasabi niya.

Akmang hahabulin ko pa si Betty ngunit hinawakan ni Lucas ang balikat ko. "Stop it. Chill na, okay? Malalaman din natin kung sino ang may gawa no'n kay Cindy."

Nagkita-kita kami nila Jiroh sa may table sa garden, sila kasi ang nagpa-sign ng petition sa second gate samantalang sila Henrybsa Third gate. "Ano, kumusta?" Tanong ko.

Ipinakita ni Jiroh ang papel na hawak niya na may limang pirma. Samantalang kay Henry, mahigit 30 ang pirmang kanyang nakuha. Nagamit niya ang mukha niya para kahit papaano ay makakuha ng mga pirma, it really helps.

Kahit yata isang linggo kaming magpapirma dito sa school ay hindi pa rin kami makakakuha ng sapat na bilang na pirma para maipasa ang petition na ito

Tahimik lamang kaming nakaupo and it looks like na sumusuko na sila pero ako... Hindi. Kaibigan ko si Cindy, I will make sure na kasama namin siyang ga-graduate.

Tumayo ako at napatingin sila sa akin. "Kung hindi mapapabalik si Cindy, aalis din ako ng Music Academy."

"What?" Kunot noo nilang tanong sa akin.

"Seryoso ka ba sa pinagsasabi mong 'yan?!" Malakas at pasigaw na tanong na dugtong pa ni Jiroh.

"Kung hindi ko kasabay na ga-graduate si Cindy sa school na 'to, it's better na umalis na rin ako dito. Hindi lang naman ang Music Academy ang school na patungkol sa Musics, alam kong marami pang iba." Sabi ko sa kanila at isinukbit ang bag ko sa aking likod at handa na akong dumiretso sa office.

"Wait," biglang nagsalita si Henry kaya napatingin kami sa kanya. "Aalis din ako."

Namilog ang aking mata, seryoso?! Malapit na siyang mag-debut, it's a thing na pinapangarap ng lahat.

Tumayo din si Lucas, "Kung aalis kayo, aalis na din ako."

Nabigla ako nung sinabi nina Lisa, Jiroh, Henry, Zach, Lucas... At maging si Yngrid na aalis sila ngayon. I am not close with Yngrid pero kaibigan ni Cindy, and she's willing to help.

Nagtungo kami sa office na buo ang loob. Kung ano man ang mangyari, bahala na. Ibinigay namin ang buong makakaya namin para mapabalik so Cindy pero kung hindi namin siya mapapabalik, sasamahan na lamang namin siya na umalis. Alam ko naman na mali si Cindy, pero dahil lamang iyon sa walang kakwentang-kwentang rule.

Nakarating kami sa may tapat ng office at nakaramdam ako ng kaba lalo na't si ma'am Viola na ang aming kakausapin. Bago kami pumasok ay tumingin muna ako sa mga kaibigan ko. Yeah, I have my friends para gawin ang bagay na ito, wala dapat akong ikatakot.

Kumatok ako ng tatlong beses bago kami pumasok lahat sa office. Napatigil si ma'am Viola sa mga pinipirmahan niyang papeles at napatingin sa amin. She sighed na para bang alam niya na ang dahilan kung bakit kami nandito. "Kung sasabihin ninyo lamanh na ibalik ko si Cindy sa school natin. I'm sorry, hindi mangyayari iyan."

"No," kumunot ang noo ni ma'am Viola. "We are leaving Music Academy." May diin sa bawat salitang binitawan ko.

"What? Are you out of your mind? At ikaw, Henry, malapit na ang debut mo at hindi ka na dapat pumapatol sa mga ganitong klaseng kalokohan." Paliwanag ni ma'am Viola. So she's thinking na isang gaguhan ang gagawin namin? No this is friendship, we will never let anyone to sink, sama-sama kaming makakapag-perform sa finals.

"Then let's cancel my debut. Aalis din ako ng school kung hindi makakapag-perform si Cindy sa finals." Napangiti ako sa paliwanag ni Henry.

Matagal kaming tinitigan ni miss Viola, naglaban ang mga titig namin ngunit hindi ako nagpatinag. Alam kong hindi kami bibitawan ni miss Viola, karamihan sa amin na nandito... Magaling pagdating sa Music, isa rin kami sa mga leading students dito sa Music Academy.

Miss Viola sighed. "I will call Cindy and will allow her to perform... Hanggang finals."

Namilog ang aking mata at nagkatinginan kami nila Lucas, napangiti kaming lahat at napasigaw sa tuwa. Sa wakas, makakabalik din sa school ang kaibigan namin. Magkakasama kaming makakapag-perform sa finals.

***

FROST

Malakas na EDM music ang nagingibabaw sa buong club. May mga taong nagsasayawan sa gitna habang ako ay nakaupo lang sa stool, pinagmamasdan ko ang kulay nung alak. Mabilis ko itong ininom at naramdaman ko ang pagguhit nito sa aking lalamunan.

Life is so fucking unfair. Wala man lang akong ideya sa problema ni Cindy, kung hindi ko pa maririnig at mapapanuod sa balita ay hindi ko pa malalaman. All things became a shit, hindi ko maintindihan lahat.

"Frost, tama na 'yan," biglang may humawak sa kamay ko at pinigilan akong i-shot ang alak sa shot glass. "You're drinking for three consecutive days dude."

Tinabig ko ang kanyang kamay. "Fuck off."

He hissed but he managed to remove the shot glass on my hand. "Ano ba! Pabayaan mo na nga ako rito, uuwi ako kung kailan ko gusto, okay? I'm not a baby to be baby sitted anymore."

"Alam mo, umuwi ka na." Tumayo ako ng stool at naunang naglakad palabas nung bar, nawalan na ako ng gana dahil kay Jiroh. Hindi pa ako lasing dahil sa katunayan ay pang-anim na shot ko pa lang yung kanina. Siguro tipsy, enough lang para lumakas ang loob ko.

Kinuha ko ang susi ng kotse sa aking bulsa at pinindot ito nung nasa parking na ito. "Jiroh, you don't need to follow me anymore. Hindi ako lasing, kaya kong umuwi mag-isa."

"But you're so devastated this time. Ako na ang mag-da-drive." Akmang kukuhanin niya ang susi ngunit inilayo ko ito.

"Kaya ko."

"Frost, bumalik ka nga sa katinuan! Dahil ba kay Cindy kaya ka nagkakaganyan?!" Inis niyang sabi at parang hindi na natutuwa sa inaakto ko.

Because I'm a little bit tipsy, nagkaroon ako ng kaunting lakas ng loob. "Oo! Tangina! Wala man lang akong kaalam-alam sa issue na iyon! Hindi ko alam na kahit nagkikita kami ay may nagugustuhan siyang iba."

"You can't blame Cindy's heart. Ikaw 'tong walang ginawa para makuha siya." Pagbabalik sa akin ni Jiroh at napakunot ako ng noo.

Mapait akong ngumiti at sinipa ang beer can na nakakalat sa daan. "Tangina! Wala akong ginawa kasi ayokong maging hadlang sa mga pangarap niya. Naging okay ako na magkaibigan kami dahil ayokong maging distraction sa kanya."

For the second time, I loss my cool. Siguro ay epekto na rin ng alak, sumabog na lang ako bigla.

"Even I, hindi ko alam ang storya nilang dalawa pero base sa lyrics na naisulat ni Cindy. She's happy with him," Paliwanag sa akin ni Jiroh. "I'm not trying to be bias pero natakot ka kasi Frost, samantalang si Kevin... Sumugal. Alam niyang bawal but she didn't waste her time. Nakampante ka Frost na sa'yo babagsak si Cindy kaya wala kang ginawa. Without your knowing, may ibang tao nag-e-effort sa kanya and ibinibigay ang atensyon na dapat na makuha ni Cindy."

Parang naging sampal sa akin ang sinabi ni Jiroh. Nakampante nga ba ako kaya wala akong ginawa? I will admit it, busy ako nung mga nakaraan. Fuck.

Sumakay na ako ng kotse at mabilis itong pinaandar, narinig ko pa ang sigaw ni Jiroh ngunit hindi ko na siya pinansin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, I just wanted to be alone. Gusto kong lumayo sa mga kagaguhang nangyari sa buhay ko. I am shattered into pieces this time. Dinala ako ng kotse ko sa seaside sa MOA, hindi ko alam kung paano ako nakarating ng lugtas dahil okupado talaga ang aking utak sa mga nangyari.

Umupo ako sa gilid at pinagmasdan ang city lights, tumingin ako sa orasan, ala-una na ng madaling araw. Naririnig ko ang mga tugtugan ng mga bars and kainan. It's so peaceful. It's nice to be alone, I am far away from pain when I'm alone.

Habang nakaupo ako. "Patabi ako, ha?" Isang boses ng babae ang aking narinig at inabutan niya ako nang isang bote ng san mig. "Gusto mo?"

Tumingin ako sa kanya and I didn't expect na si Betty ang taong ito. Si Betty na siyang nanakit kay Cindy. "Don't worry, hindi kita papakialamanan sa problema mo. Inom lang tayo." She stated.

Tinanggap ko ang bote at mabilis ko itong ininom, sa isang tunggaan ay halos makalahati ko na ang bote. "What're you doing here. 'Diba dapat naghahanda ka for the finals?"

"Well, pinagbibintangan ako ng mga tao na ako na naman ang may gawa ng kaguluhang ito... Sa totoo lang, wala akong kinalaman sa gulo ngayon. In fact, nung pumutok ang issue na 'yon ay isa ako sa mga naawa kay Cindy 'coz I just realize... She didn't deserved every shitness that's happening this time." Paliwanag sa akin ni Betty.

One issue, one issue that fucking ruined everything.

Lumingon sa akin si Betty at ngumiti. "Alam mo, instead na pagkwentuhan natin 'yon. Why don't we just enjoy the breeze and watch the city lights?" Natatawa niyang sabi. "Cheers?"

Pinagtunog namin ang aming hawak na bote bago lumagok ng alak.

I didn't expect that she will be my companion in this shitness.

***---***

If you're thinking na kaya bumagal ang update dahil tinatamad ako, no. Una, may manuscript po akong ini-edit. Pangalawa, College student... Third year college to be exact, patayan na sa mga gawain sa ganitong taon.

Basta this month matatapos na ang Music Academy, kapit lang :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top