Chapter 61 "The Effect"

Nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang kaba at diretso lang akong nakatingin sa vase na nakapatong sa may wooden table. Inahan ko ng may possibility na mangyari ang bagay na ito pero hindi ko inaasahan na magiging ganito siya kakaba. Pakiramdam ko ay isang napakalaking kasalanan ang aking nagawa... Damn, Cindy, malaking kasalanan talaga ang nagawa mo.

"Cindy, are you okay?" Tanong sa akin ni DJ na nasa kabilang bahagi ng lamesa. Mabuti na lang talaga ay ini-expect na ni DJ na ganoon ang mangyayari at mabilis niya akong pinapunta rito sa Rest house nila sa Valenzuela. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili rito. "Ano bang nangyari?"

Nanatili lang akong nakatahimik, tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng aking luha. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka-bigdeal ang pagkakaroon ko ng malalim na friendship kay Dela Torre. Diretso lang akong nakatingin sa TV ngayong umaga kung saan ibinabalita sa isang morning show ang tungkol sa amin. There's no way I can do, we can't rid of every photos dahil huli na.

"Cindy, paano kita matutulungan kung maging sa akin ay ayaw mong magkwento? Wala akong pinagsabihan kung nasaan ka... Maging ang mga kaibigan natin." Seryosong sabi sa akin ni DJ.

Dela Torre tried to call me several times pero hindi ko ito sinasagot. Hindi ko alam kung paano ko lulusutan ang problemang ito.

Napahawi na lang ako sa aking buhok at mariin itong sinabunutan. "Hindi ko na alam DJ, hindi ko na alam ang gagawin ko." This is so frustrating. Para bang sa isang bigla, naging malabo na sa aking paningin ang pag-graduate ko as a musician.

"So answer me, totoo ba ang kumakalat na pictures? Kasi kung photoshop lang 'yan, we can sue the person who edit it! Pwede tayong magsampa ng kaso dahil sinisiraa--

Tumingin ako ng mata sa mata kay DJ. "Yes."

"Yes?"

"Totoo ang mga litrato. Lahat 'yon. Lahat ng nakikita ninyong litrato sa tabloids, TV, at mga naka-post online... Lahat totoo." Para bang bumagsak ang balikat ni DJ at nalungkot siya para sa akin.

Naalala ko pa dati na kumpiyansang-kumpiyansa ako na hindi ko mabe-break ang forbidden rule... Ngayon, nagawa ko na. Hindi ko na alam ang mukhang ihaharap ko kay DJ, sa mga kaibigan ko, sa mga estudyante sa academy, at hindi ko na alam ang mukhang ihaharap sa magulang ko. I'm such a disappointment.

"Cindy naman! Bakit wala akong alam tungkol sa mga bagay na iyan? Lahat g problema ko sa buhay naikwento ko na sa'yo tapos ito... Wala ka man lang nasabi sa akin tungkol dito." Sigaw ni DJ. Sabi ko nga, this is the start of my own downfall, lahat mas magiging magulo at lahat ay maaapektuhan.

"Kasi alam kong tututol ka! Alam kong pagsasabihan mo lang ako kung sakali." Ganti kong sigaw habang walang tigil ang pagbagsak ng luha sa aking mata. Ilang oras na ba akong umiiyak? Hindi ko na alam, kusa na lang siyang bumabagsak dahil sa frustrations and takot na nararamdaman ko.

Ang galit na galit na mukha ni DJ ay unti-unting lumambot nung makita niya ang aking mukha. Lumapit siya sa akin at mahigpit akong ikinulong sa kanyang bisig. "Syempre pagsasabihan kita, kaibigan kita. Hindi ko naman tino-tolerate lahat ng mali mong ginagawa, 'diba? Wala na tayong magagawa, nangyari na ang lahat."

Yeah, wala na akong magagawa. Nakaupo lang ako sa sala ng rest house nila DJ, ang daming what if's na tumatakbo sa utak ko at na-imagine ko na rin ang mga bagay na maaaring mangyari sa mga susunod na araw. Nakatingin lang ako sa cellphone ko, puro missed call galing kay Dela Torre, sa magulang ko, sa mga kaibigan ko, kay Frost.

Bumalik si DJ sa aking tabi matapos niyang sagutin ang phone call na natanggap niya kanina. "Cindy, hindi pala totoong pupuntang Dubai si misis Marasigan," Napalingon ako sa kanya dahil sa pagkukwento niya. "Natanggal siya. Tinanggal siya dahil alam niya ang tungkol sa inyong dalawa and yet hindi niya kayo pinagsabihan."

Natanggal si misis Marasigan ng dahil sa akin. Ang sakit isipin, may mga taong nadamay dahil dito. "Hindi totoo 'yan, ilang beses kaming pinagsabihan ni misis Marasigan, ilang beses niya akong pinaalalahanan. Ako 'tong matigas ang bungo dahil ipinagpatuloy ko kahit alam kong bawal."

Akmang tatayo ako nung hinawakan ni DJ ang aking braso. "T-teka, saan ka pupunta? Hibdi pa okay na lumabas ka, mainit pa ang issue sa pagitan ninyong dalawa ni Kevin."

"Sa school, gusto kong ibalik nila si Misis Marasigan sa pagtuturo. Ako lang dapat ang makatanggap ng parusa, wala dapat na madamay na ibang tao." Madiin kong sabi ngunit hindi ako binitawan ni DJ.

"No. It's still not safe outside."

Ilang beses akong nagpumilit ngunit napigilan pa rin ako ni DJ. Kapag ba bumalik ako sa Academy, gaano ba kalaking gulong haharapin ko?

Lahat ng social media accounts ko ay naka-deactivate. I'm surfing facebook using DJ's account.

Halos karamihan ng friends ni DJ ay nag-aaral din sa Music Academy so ang majority na nababasa ko... Patungkol sa akin.

Whoah! Kung gaano kataas ang rank ay ganoon din kataas ang kakatihan.

Siya pala ang secret girl behind Kevin's tweet. She deserve a big punishment, malaking kasalanan ang ginawa niya.

Waiting for Cindy to come back in our school... Excited na ako sa kung anong magiging parusa niya.

That bitch deserve to leave in our school.

Marami pa akong nabasa, kulang pa nga yata iyon dahil sa tingin ko ay ilang daang estudyante ang nagpo-post patungkol sa akin. May mga nakita pa ako na edited pictures ko calling me a slut, a bitch.

Naputol ang aking ginagawang pag-scroll nung biglang agawin ni DJ ang tablet na hawak ko. "You should stop reading posts from social medias, negative post ang majority na mababasa mo dahil maraming tao ang makikitid ang utak."

"O-okay lang naman ako e." I tried to smile... I really tried, pero ang luha ko... Hindi marunong magsinungaling. Nasaktan ako. In just one mistake, nagbago ang tingin sa akin ng maraming tao.

"Cindy... Tumigil ka na sa pag-iyak mo," nanggigilid na rin ang luha sa mata ni DJ at muli niya na naman akong niyapos. "Ayokong nakikita ka sa ganyang sitwasyon."

Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang sarili ko sa pag-iyak pero mas lumakas ang pag-iyak ko, tuluyan na akong bumigay. "Ang sama-sama nilang lahat, DJ. Ang sama-sama nila. Kung mag-post sila ng mga ganoong klase bagay ay para bang ako na ang pinakamaruming babae ngayon sa Pilipinas."

Does harsh words, ang lakas ng impact sa akin, yung natitira kong lakas para lumaban ay gumuho sa isang iglap.

Hindi iyakin si DJ, sa buong pananatili namin sa Music Academy ay hindi ko siya nakitang umiyak... Ngayon lang. Umiiyak siya hindi dahil nasaktan siya, umiiyak siya dahil nakikita niyang nasasaktan ako.

Tanghalian nung magkaroon ng flashnews na pinapakita si Dela Torre na naglalakad palabas ng school niya. Ang daming media, ang daming camera ang nakatapat sa kanya. Nahihirapan din kaya siya kagaya ko?

"Kevin, anong masasabi mo sa balitang nakikipag-date ka raw kay Cindy Gonzales na estudyante ng Music Academy." Tanong nung isang reporter at itinapat ang hawak na mic sa bibig ni Dela Torre.

"No comment." Dela Torre simply replied at tuloy-tuloy siyang naglakad palabas. Huminto ang isang puting SUV at dali-dali siyangvsumakay dito.

A few minutes later ay tumawag ulit siya sa akin. Pinag-isipan ko pa kung dapat ko ba itong sagutin o dapat na hayaan ko na lang. Kaso, naisip ko si misis Marasigan at si DJ, parehas silang naperwisyo dahil sa gulo na nagawa namin ni Dela Torre.

"Damn! Sinagot mo rin, Cindy! Nasaan ka ba? Pinuntahan kita sa unit mo pero wala ka! Okay ka lang ba? Damn! Ano? Nasa Bulacan ka ba? Sabihin mo kung nasaan ka, pupuntahan kita." Kakasagot ko pa lang nung tawag ngunit pinaulanan agad ako ni Dela Torre ng tanong. Para bang it's a relief for him na sinagot ko ang tawag niya and at the same time... Punong-puno siya ng pag-aalala para sa akin.

"D-Dela Torre..." Hindi ako mahinang babae, pero parang ngayon yung marinig ko lang ang boses niya, para bang gusto ko siyang makita at umiyak sa kanya.

"Shhh! Huwag kang umiyak. I will deny the issue, magpapa-presscon ako. Sasabihin ko nagkataon lang na nagkakasama tayo, I will make sure to you na makaka-graduate ka." Paliwanag niya sa akin.

Is denying the issue is a good thing? Iyon nga ba ang best solution para matakbuhan namin 'to? Or should we face it? Kung i-deny man namin ito ngayon, alam kong babalik at babalik lang ang issue.

"A-ayoko. Harapin na natin 'to Dela Torre. This is for me... For you."

"No, Cindy. Ngayong naririnig ko ang boses mo na ganyan... Mas nasasaktan ako. Gusto kitang protektahan, ako ang nagsimula ng lahat nang gulo na ito." Paliwanag niya sa kabilang linya. "Nasaan ka ba? Pupuntahan kita."

"Sa Valenzuela. I will text you the exact address."

"Pupuntahan kita."

He hang up the call at nagpaalam na rin ako kay DJ na baka pumunta rito si Kevin, pumayag naman siya dahil maging siya ay tingin niya ay dapat kaming mag-usap.

Maya maya pa ay isang lalaki na nakasuot ma bonnet at puting nosemask ang nag-doorbell sa labas ng rest house, si Dela Torre. Tumingin muna ako kay DJ kung dapat ko bang papasukin si Dela Torre dahil bahay niya pa rin naman ito. "Papasukin mo na, sa taas lang muna ako. Pag-usapan ninyo ang sunod ninyong gagawin about the issue."

I opened the door at nagulat si Dela Torre ang aking hitsura, inilagay niya ang magkabilang palad niya sa aking pisngi. "Are you okay? Safe ka ba rito? How about medias, nasundan ka ba nila rito?" Pagpapaulan agad ng tanong sa akin ni Dela Torre.

Ngumiti ako sa kanya at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin. Ang mainit na yakap ni Dela Torre, pakiramdam ko ay ligtas na ulit ako.

Umupo kami ni Dela Torre sa couch upang pag-usapan ang issue. "Nabalitaan ko ang nangyari sa tita mo and I'm really sorry about it. Ang daming taong naapektuhan dahil sa pagkakamali natin. Tita mo, kaibigan ko, career mo, pag-aaral ko, pamilya mo, pamilya ko--"

"I know. Kaya ko nga idi-deny ang issue para mamatay na agad, sasabihin ko lang na hindi tayo nagde-date. Wala rin naman tayong label sa isa't-isa." Hindi ko alam kung tamang desisyon ba na itanggi ito. Alam ko naman na mas uunahin ni Dela Torre ang kaligtasan ko. Ilang beses niya ng pinatunayan sa akin na ang kasiyahan at kalugtasan ko ang parati niyang pina-prioritize.

"Pero hindi nagsisinungaling ang mga litrato, Dela Torre. We hangout several times. May kuha pa na magkahawak tayo ng kamay, maging nung masa Bulacan tayo ay may mga kuhang litrato. Denying the issue isn't the right choice dahil paniguradong mabubuhay at mabubuhay ang issue." Mahaba kong litana.

"Anong gusto mo, lumaban tayo? Sabihin mo lang. Ipaglalaban kita." Dela Torre stated.

"Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin Dela Torre. Natatakot ako pero gusto kong harapin lahat nung mangyayari kasi ang daming nadadamay."

"Kung ano man ang mapagdesisyunan mo, iyon ang gagawin ko. Your happiness is also my happiness." Sabi niya at ipinatong ang kamay niya sa aking kamay. "Maligo ka na, ang baho mo na."

Mahina kong hinampas ang kanyang braso. Alam kong sinusubukan ni Dela Torre na tanggalin ang kaba na nararamdaman ko... But he's failed this time.

Masaya kaming nagkukwentuhan ni Dela Torre nung makatanggap ako ng isang text message galing sa Admin ng Music Academy.

Cindy Gonzales, go to principal office tomorrow. 9:00am sharp.

Simula pa lang ito ng mas malaki pang gulo.

***---***

Binibilisan ko na ang update and please, walang magko-comment ng update na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top