Chapter 60 "Downfall"
"Tapos na!" Malakas kong sigaw at hindi ko maiwasang mapatalon-talon sa recording studio dahil sa tuwa. Sa wakas, tapos na rin ang kanta na ilang linggo kong pinagpaguran. Masaya ako sa finish product nito lalo na't karamihan ng kaibigan ko ay tumulong para mabuo ito... Especially Frost.
"Congrats," Poker face na sabi ni Frost, well, hindi naman siya si Frost kung magkakaroon ng ekspresyon ang kanyang mukha sa mga simpleng bagay. Nasanay na rin naman ako sa ganyan.
Nakakapasok pa rin si Frost dito sa school kahit hindi na siya estudyante rito. Kamag-anak siya ni Henry and Henry is the ace student of Music Academy. Kaya ayon... Malaya pa rin siya nakakalabas pasok ng school. "Kain tayo? My treat." Alok niya.
"Alam mo naman na hindi ako tumatanggi sa libre." Inilagay ko na ang mga nakakalat kong gamit sa aking bag hanggang sa liparin ang isang papel na dinampot ni Frost.
"Petition to remove the forbidden rule?" Pagbasa niya sa papel. Actually kanina ko lang na-print 'tong petition na ito at wala pang ibang nag-sa-sign bukod sa sarili ko. "Para saan 'to?" Tanong niya.
"Last time, may estudyante kasing natanggal sa school dahil lang sa pagkakaroon niya ng relasyon from other school. Sa tingin ko ay hindi makatarungan iyon kaya naman naisip ko gumawa ng petisyon na naglalayon na tanggalin ang forvidden rule." Siguro mahihirapan ako para sa laban na 'to since na-establish itong Music Academy, umaandar na ang forbidden rule.
"Bakit, may karelasyon ka ba?" Saglit akong natigil sa tanong ni Frost ngunit mabilis ko rin ikinalma ang aking sarili. Am I too obvious. "I guess not, you're stupid and stubborn kaya paniguradong wala. That's a nonsense idea, Betty. That rule is basically the reason why students become successful after they graduated. Kasama sa training 'yan." Paliwanag niya.
"Basta! Wala naman mawawala kung susubukan ko, at isa pa, lahat naman kami ay magbe-benefit kung marami akong mapapirma dito." Kumpiyansa kong sagot sa kanya.
Sa totoo lang, ayoko na rin naman paghintayin ng matagal si Dela Torre lalo na't malinaw na sa akin ang lahat... Na gusto ko siya. Hindi ko rin gusto na maghintay pa kami ng maraming taon para lang masabi na legal kami, this is the little thing na magagawa ko para sa kanya so I will give this a shot.
"It's really a bad idea, tsk. Tsk." Iniling-iling ni Frost ang kanyang ulo. "Kain na lang tayo?"
Dinala ako ni Frost sa isang Ice cream parlor, this is the best! After long tiring weeks, eto ako! Matitikman ko na muli ang paborito kong ice cream, sobrang na-miss kong kumain nito. "Hindi ka ba nabe-brain freeze sa ginagawa mo? Walang preno 'yang bibig mo sa pagsubo ng ice cream." Frost just looked at me amazingly.
Saglit akong napapikit at tinunaw ang Ice cream na nasa dila ko. "Alam mo kasi, the best kasi talaga amg ice cream. Hindi mo kasi naiintindihan--"
Naputol ang aking sinasabi nung kumuha si Frost ng tissue at pinunasan ang labi ko. Hindi niya iton pinunasan na may lambing, pinunasan niya ang labi ko na para bang kulang na lang ay pati ang labi ko ay tanggalin niya na rin. "Masakit! Ano ba!" Tinabig ko ang kanyang kamay at natawa si Frost.
"Ang laki-laki mo na pero kailangan ka pa rin lagi na alagaan." Naiiling niyang sabi.
Kumain lang kaming dalawa ni Frost at nagkwentuhan. Ang maganda dito, maluwag na ulit ang schedule ni Frost. Wala na siyang test na pinoproblema at malaya na kaming nakakapaggala.
***
Napaaga ang balik ko sa classroom nung biglang nag-text si misis Marasigan na magkakaroon daw siya ng announcement kaya kinailangan namin bumalik lahat sa room.
"Para saan 'tong announcement? Change of rules ba sa finals?" Tanong ko kay DJ at nagkibit-balikat na lamang siya dahil maging siya ay hindi rin alam kung bakit kami pinatawag.
Sana lamang ay wala itong kinalaman sa finals, maayos na ang performance ko at ang popoblemahin ko na lang ay ang mga props na gagamitin.
Pumasok si misis Marasigan sa classroom kaya napatahimik kaming lahat. Para bang may kakaiba kay misis Marasigan dahil hindi ito ang awra niya kapag nasa klase. ang kilala kasi naming lahat na misis Marasigan ay 'yong masungit at strikta.
"Good afternoon class, sorry for the sudden meeting. May gusto lang akong i-announce kaya ko kayo pinapunta sa school,"
Tahimik lang kaming nakatingin kay misis Marasigan. "This is the last time na imi-meet ko kayo because I'm planning to leave Music Academy."
Kung mayroon man taong pinakanaapektuhan sa ibinalita ni misis Marasigan... Ako 'yon. Si misis Marasigan ang isa sa pinakamalalapit kong teacher rito, ang dami niya ring payo na ibinigay sa akin. Hindi man pansin ng mga kaklase ko pero may pakialam si Misis Marasigan sa aming lahat. "Ma'am, bakit po?" Ako na ang naglakas loob na magtanong.
"I got an offer na magturo sa Dubai, sayang naman kung papadulasin ko sa kamay ko ang isang magandang opportunity so mabilis ko siyang hinawakan." Paliwanag sa akin ni misis Marasigan.
Ito ang pangalawang beses na nalungkot ako sa pag-alis ng isang tao... Nung una ay kay Frost at ngayon na man, kay misis Marasigan. Tinulungan talaga ako ni misis Marasigan na mag-grow at siguro ay utang ko sa kanya ang maraming kaalaman na mayroon ako.
"I'm really hoping na sana ay galingan ninyo sa nalalapit ninyong final performance. This section has an awesome students." Napansin kong naiiyak si misis Marasigan kaya naiyak na rin ako.
I thought na isa lang itong announcement patungkol sa performance pero iba pala... Para nga yatang hindi ko gusto ang naririnig ko ngayon.
Naging tahimik ang mga sumunod na sandali hanggang sa i-dismiss kami ni misis Marasigan. Bago ako lumabas ay lumapit ako kay misis Marasigan. "Ma'am, hindi po ba pwedeng mag-stay kayo hanggang sa final performance lang? Gusto ko po kasong makita ninyo na kaya kong i-apply ang mga itinuro ninyo." Pakiusap ko.
"I loved to. But this is for your own good and para sa akin," She tapped my back. "Good luck on your performance." Iyan ang huli niyang sinabi bago naglakad palabas.
"Ma'am!" Napahinto si misis Marasigan sa paglalakad. "Pwede ko po ba kayong mayakap... For the last time?" I asked. Misis Marasigan opened her arms at napayakap naman ako.
Nagpaalam na sa akin si misis Marasigan at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa palikong pasilyo. "Favorite teacher mo talaga siya eh 'no?" Biglang tumabi sa akin si DJ.
Kumain na lamang kaming tatlo nila Lucas, hindi namin kasama sila Jiroh dahil pare-parehas silang busy sa nalalapit na performance nila. Ayoko rin naman maging isang abala sa kanila so let them focus muna.
Kinuha ko sa bag ko ang petition paper. "DJ, pirma naman kayo!" Panghihikayat ko.
Binasa ni DJ ang petition paper. "Ano naman nakain mo at gusto mong ipaglaban 'to, Cindy?" Tanong niya. "Baka mapaaway ka lang sa school dahil sa gagawin mo."
"Kung matatanggal ang rule na iyan, maibabalik na sa school si Ella. That rule is a trash, bakit nila lipigilan ang nararamdaman ng isang tao? You can't restrict someone for loving, nagiging inspirasyon pa nga ito e." Paliwanag ko sa kanya.
"Alam mo, ang weird mo lately." Biglang nagsalita si Lucas na nasa aking tabi. Kumuha siya ng ballpen sa kanyang bag at isinulat ang full name niya sa petition paper maging ang kanyang pirma.
"Thanks Lucas!" Masaya kong bati, ginawa rin naman ni DJ ang ginawa ni Lucas.
Nag-continue lang kami sa pag-uusap hanggang sa mapunta na naman ang topic nila sa basketball, finals na nga rin pala nung UAAP sa biyernes. "Manunuod kayo?" Tanong ko.
"Tinatanong pa ba 'yan?!" Sagot ni DJ at nakipag-fist bump siya kag Lucas. Boyish as always. May kinuha siya sa kanyang bag-- tickets for the game. "Bumili na ako ng limang tickets para makanuod tayo ng laro, kasama na si Lisa and Jiroh this time."
Sana lang ay galingan ni Dela Torre sa magiging laro nila dahil ito ang ikalawang beses na manunuod ako ng live. I'm also hoping na sila ang manalo.
Matapos namin kumain ay umuwi na ako sa bahay, hindi nanggulo si Dela Torre sa akin this day dahil busy na siya sa preparation niya. Big day iyon, ayoko rin naman maging distraction sa kanya so I will just support him silently.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at ipinikit ang aking mata. Nagising na lamang muli ako nung sunod-sunod na nag-vibrate ang phone ko na nakapatong sa mini cabinet. Tumingin ako sa orasan, ala-una na ng umaga. Pambihira! Sino ang tatawag sa akin ng ganitong oras?
Pupungas-pungas akong umupo sa kama, kinuha ko ang phone at mabigla ako sa dami ng missed call at sa dami ng text messages. Last time na nakatanggap ako ng ganito karaming message ay nung ni-prank ako ni DJ at Lucas, tinadtad nila ng text ang phone ko using other sim.
Bubuksan ko na sana ang message box nung biglang may tumawag ulit-- it's DJ.
I swipe the phone para masagot ito. "Hello--"
"Thanks God at sumagot ka rin Cindy? Ano bang nangyayari, Cindy?!" Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi ni DJ sa kabilang linya.
"What do you mean? Is this a prank?" Tanong ko.
"Check your social medias or much better, check the news," kinabahan ako sa sinabi ng aking kaibigan kaya dali-dali kong binuksan ang laptop ko. "Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang mga nakikita ko na pictures... Cindz, explain this."
Nagsimulang dumapo ang kaba sa akin, kahit papaano ay nagkaroon na ako ng hint kung tungkol saan ito, I atarted to browse on Philippine yahoo news... And yes, gaya ng inaasahan ko.
"Cindy, are you still there?" Patuloy na nagsasalita si DJ sa kabilang linya pero para bang wala akong naririnig. Naiiyak ako sa mga nakikita kong pictures.
Iyon ang MGA litrato na magkasama kaming dalawa ni Dela Torre, para bang kuha ito ng isang paparazzi na sinundan kami ni Dela Torre kung saan kami magpunta. I bet, this is one of the hottest topic here on social medias right now.
West University ace player Kevin Dela Torre spotted dating Cindy Gonzales for several times.
How can I deny the issue, ang daming pictures at kitang-kita ang mukha naming dalawa ni Dela Torre.
"DJ h-how can I get rid of this?" Tanong ko sa kanya habang nanginginig ang aking boses.
"Cindy, ano bang gulo 'tong ginawa mo? May ite-text ako sa'yong address, doon ka muna mag-stay dahil paniguradong maraming media diyan sa condo mo."
Hindi ko inaasahan na mabilis na puputok ang balita. Kinakabahan ako para kay Dela Torre at para sa akin.
This is the start of my downfall.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top