Chapter 6 "Fate or War?"
After the orientation ay dumaan ang sabado't linggo ng normal. Dahil nga first week of the class ay walang ibinigay na mga assignments ang mga teachers namin... Which is a nice thing dahil nakauwi naman ako sa amin pero kailangan ko rin bumalik ng school bukas.
"Oh anak kamusta ang unang linggo mo sa Music Academy?" Pagtatanong sa akin ni mama habang nasa hapag-kainan kami upang salo-salong maghapunan.
"Naku mama! Si ate pa ang tinanong mo, paniguradong nahihirapan 'yan dahil wala namang kaalam-alam sa mga music 'yan!" Pagsisimula ng kapatid kong mabg-asar at inirapan siya. 'Totoo ang sinabi ni Caleb huhu' pero hindi ko dapat ipahalata na nahihirapan ako.
"Mama 'wag kang maniwala diyan kay Caleb. Okay lang naman ako doon tsaka mama may mga bago na akong mga kaibigan" Pagkukwento ko dahil minsan na lang naman kami magkakasabay-sabay sa hapunan at paniguradong nag-aabang sila ng kuwento sa akin.
"Mabuti naman anak at may mga kaibigan ka doon. Hindi ka namin mababantayan kaya't parati kang mag-iingat," Sabj sa akin ni papa at napatango-tango naman ako bilang tugon. Iba talaga ang care ng isang ama. "At yung parati kong bilin sa iyo anak baw--"
"Bawal mag-boyfriend. Opo 'pa, gets ko naman po! Kailan ba sumuway 'tong anak noyo sa utos niyo?" Natatawa kong tugon at napatawa si papa dahil hindi ko pa rin naaalala ang parati niyang paalala. Ginulo-gulo ni papa ang buhok ko sabay halik sa buhok ko.
Sobrang swerte ko talaga sa pamilya ko dahil sobrang mapagmahal at suportado nila ako. They are the best!
"Ay Caleb fan ka ng Tuxedo 'diba?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Oo naman! Sino ba namang hindi magiging fan nila eh sobrang tagos sa puso ngmga kanta nila! Iyon nga labg ang the best na banda rito sa Pilipinas and the rest puro ka-corny-han na" Seryosong sabi ni Caleb, bihira lang kasi magka-idol si Caleb. Sa Tuxedo talaga siya naaadik.
"Kapatid pala ng kaibigan ko sa Music academy ang vocalist no'n" Casual kong pagkukwento dahil sa akin ay hindi naman big deal iyon. I'm a fan of Tuxedo pero hindi naman ako obsess unlike my brother.
"Ah okay--- TALAGA ATE!" Napakalampag pa ng lamesa si Caleb kaya naman nagula't sina mama't papa. Haha! Ang epic ng reaction nilang tatlo.
"Caleb! Nasa harap tayo ng pagkain!" Malakas na saway ni papa kaya dahan-dahan na napaupo si Caleb sa kabyang upuan. Iyan kasi, kung makagawa ng eksena akala mo namang nanalo sa lotto.
"Sorry po 'pa. Ate! Seryoso ba 'yan! Baka naman niloloko mo lang ako para makaganti ka sa mga sinabi ko sa iyo!" Sabi sa akin ni Caleb at sumubo ng adobong luto ni mama.
"Bakit naman ako magloloko? Pinapaalam ko nga sa iyo kasi alam kong sobrang fan ka ng banda na 'yon. 'Diba coincidence lang na maging kaklase ko yung bunso nil--"
Hindi ko na natapos ang aking sinasabi ng biglang lumuhod sa harap ko ang kapatid kong lalaki. Kahit ang mama't papa ko ay nagulat, paano ba naman kasi, nasa harap ng pagkain pero puro kalokohan ang ginagawa ni Caleb. "Ate ihingi mo akong autograph" Halata ang lambing sa boses ng kapatid ko. Ang plastik ng loko.
"Caleb tumayo ka nga diyan. Kumakain tayo" Saway ko sa kanya. "Tsaka hindi naman mismo si Kevin Reyes yung kaklase ko, yung kapatid lang niya okay? Hindi rin ako makakahingi ng autograph" Pagpapaliwanag ko sa kapatid ko. Biglang nagbago ang ihip ng hangin nung yung Tuxedo na ang pinag-uusapan. Palibhasa ay paborito niya kasing banda.
"Ate please. Eh yung kapatid niya, baka magawan ng paraan. Minsan lang ako humiling tapos ganyan ka pa sa bunsong kapatid mo? Wala ka ba talagang puso ate?" Napairap ako sa ere dahil sa panunumbat na ginagawa ni Caleb. Tsaka wow! Gaano kadalas ang minsan niya? Weekly niya yata sinusumbat sa akin na minsan lang siya humiling sa akin, tibay din ng apog nitong kapatid ko.
Napansin ko naman na parang naiinis na sila mama kay Caleb kaya ako na ang gumawa ng paraan. "Oh sige! Sige! Susubukan kong kapalan ang mukha ko doon sa kaibigan ko. Pero huwag ka munang mag-assume Caleb ah! Hihingi lang ako ng pabor sa tao"
"Thanks ate! The best ka talaga" Sabi ni Caleb at bumalik na siya sa pagkain. Minsan lang kasi umakto na parang bata si Caleb kaya naman hindi ko iyon nare-resist, kaming dalawa lang naman ang magkapatid eh. Kahit bwisit 'tong kapatid ko eh kasiyahan ko pa rin kapag nakikita ko siyang masaya.
Kahit isang araw lang ako sa bahay namin, I really spend my time para mas maka-bonding sila at makakwentuhan. Ngayon ko masasabi na napakahalaga ng oras para sa isang pamilya.
Kinabukasan no'n ay kinakaioangan ko na ulit lumuwas papuntang Manila upang bumalik sa Music Academy. Sobrang hassle ng biyahe sa totoo lang. Pagkabalik ko sa Music Academy ay agad akong nagtugo sa may office upang kuhanin ang uniform ko.
"Kamusta Yngrid?" Pagtatanong ko sa ka-room mate ko na sa ngayo'y nakapila rin para kuhanin ang uniform. Ngayong linggo namin naisipang kuhanin ang aming uniforms dahil paniguradong bukas ay dagsa na ang maraming bilang ng estudyante na kukuha ng uniform.
"Sucks. Kailangan ko pang mag-research to play guitar just for a performance on music 101 sa wednesday, kapag wala akong naipakitang instrument na kaya kong i-play ay bagsak na agad ako sa unang activity" Nanlulumo na sabi sa akin ng dalaga. Hindi rin naman ako sanay tumugtog ng gitara kaya hindi ko mapapalakas ang kanyang looh.
Buti na lang kami, mababait ang mga professors namin at hindi kami binigyan ng gawain sa unang linggo. Magkaiba kasi kami ng mga professors ni Yngrid... At mukhang simula palang ng klase ay marami ng pinapagawa.
"Kaya mo 'yan! Ikaw pa ba!" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Matalim na tumingin sa akin si Yngrid at umirap. "Nasasabi mo 'yan kasi hindi ikaw ang naii-stress. Loser ka talaga"
Napatawa na lamang ako dahil sanay na rin naman ako sa pagtawag sa akin ni Yngrid ng 'loser', dahil sa isang linggo naming pagiging room mate ay madalas ko iyong marinig sa kanya. Turn ko na para kuhanin ang uniform, inabot ko yung I.D ko doon sa nag-a-assist at inabot niya sa akin ang uniporme na aking gagamitin sa pananatili ko dito sa Music Academy.
Nung matanggap ko ang uniform ko ay hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa tuwa. As a dreamer na makapasok dito sa Music Academy, isang malaking katuparan sa akin na maisuot ko ang uniporme ng Music Academy bilang isang opisyal na estudyante nito. Dati kasi ay nagsusuot ako ng uniform ng Music Academy bilang kiyeme-kiyeme lang.
"Why are you crying? Naiiyak ka dahil natanggap mo yung uniform? Loser ka talaga," Pagsabat sa akin ni Yngrid kaya naman naputol ang pagdadrama ko. "Let's go in our dorm room. Magluto ka, hindi pa ako kumakain"
"Hindi ka pa kumakain? Hapon na ah" Nagulat kong sagot sa kanya. Bandang hapon na kasi ng sunday ako nakabalik dito sa Music Academy dahil medyo may katagalan din ang biyahe from Bulacan to Manika lalo na kapag traffic.
"Huwag sanang lalaki ang ulo mo loser pero to be honest, mas masarap kang magluto ke'sa sa mga karinderya inside the campus. So pagluto mo na ako, let's go" Sabi sa akin ni Yngrid at naunang maglakad paalis.
Habang pinapanuod ko siya maglakad palayo ay hindi ko maiwasang kausapin ang sarili ko. "Kunwari pang nagsusunget pero isang araw palang akong nawawala eh na-miss niya na agad ako"
"Hey loser! Bilisan mo kaya!"
"E-eto na! Highblood ka na naman!" Mabilis akong tumakbo para makasunod sa kanya.
***
The next morning ay excited kong isinuot yung uniform, nakatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ang aking sarili sa iba't-ibang anggulo. "Ang ganda talaga ng uniform sa Music Academy" Pagpuri ko.
Kulay puti ang coat na suot na mga babae at kulay puti na white polo rin ang panloob nito. Sa left chest ng Coat ay nakalagay ang school logo namin, ang necktie naman nito at palda ay kulay itim na may puting stripes.
Ang palda nito ay hindi lalagpas sa tuhod kaya sobrang cool tignan. 'Diba kasi ang kadalasang uniform sa Pilipinas ay below the knee. Eto eh para kaming nasa ibang bansa dahil sa iksi so kinakailangan ko pang mag-cycling panloob.
Kung sa babae ay kulay puti, sa lalaki naman ay kulay itim na coat na may logo rin ng school namin sa left chest, kulay itim na pantalon at kulay itim na nectie at ang oanloob nito ay puting polo.
It was acool combination dahil ang ganda sa mata tignan ng bawat estudyante. Sobrang organize.
Excited akong pumasok sa classroom namin for our vocal class. Nakakatuwang pagmasdan yung mga kaklase ko na suot-suot na ang aming uniform. Pagkaupo ko sa aking puwesto ay kasunod ko lang oala pumasok si D.J na sobrang sama ng timola ng mukha.
"Aga-aga naman pero ang laki ng simalmal diyan sa mukha mo" Sabi ko sa kanya habang nagkakatikot ng bag upang ilabas ang notebook ko sa Vocal class namin.
"Eh sino naman ba kasing hindi maiiinis dito?" Itinuro ni D.J ang napakaiksi naming palda kaya bahagya akong natawa, boyish nga pala siya kaya't paniguradong hindi siya komportable magsuot ng ganoong kaiiksi. "Jusko! Pinagpalda pa tayo, nahiya pang papasukin tayo na suot lang yung underwear natin. Ang iksi! Nakakairita!"
Natatawa na lang ako dahil wala na rin namang magagawa si D.J dahil nasa handbook talaga namin na dapat ay hindi lalagpas sa tuhod ang aming mga suot na palda.
Pumasok na si Miss Rose sa silid kaya napatigil kaming lahat sa pagkukwentuhan at bumalik sa kanya-kanyang puwesto. "Good morning class."
"Good morning ma'am"
Binuklat agad ni ma'am librong hawak niya at dahil nga Vocal class 'to, about sa pagkanta ang aming pag-aaralan.
Lesson# 1 Breathing
"Learning to sing is about much more than singing a song" Paninimula ng discussion ni Miss Rose at tutok na tutok kaming lahat sa kanya. Siyempre dahil unang beses nagka-discussion, sipag-sipagan ang lola niyo. Paano ba naman bago ang notebook at ballpen.
Tinuruan kami ni miss Rose ng tamang pag-warm uo sa boses namin, at nagbigay siya ng song example at inilalagay niya kung saang point humihinga yung mga singer. "Hindi pwedeng basta makakanta ka, dapat ay alam mo kung kailan hihinto, kung kailan hihinga ng malalim para magbitaw ng mga high notes, at kung paano kumanta ng hindi kinakapos sa hininga"
Ang dami pang ipinaliwanag sa amin ni Miss Rose at ang sobrang nakakatuwa dito ay anggaling niyang mag-discuss. May mga examples siya na ibinibigay at kung mayroon kaming part na hindi masyado maintindihan ay mabilis niya itong inuulit. Sa bagay, magagaling naman talaga ang mga professor dito oagdating sa larangan ng musika at wala ng bago doon.
Sa buong lesson ay puro patungkol sa breathing lang ang aming pinag-aralan, mas pinalalim niya oa ang wird na iyon pero sinisigurado naman niya na maiintindihan namin. "Any question class? Huwag kayong mahiya magtanong, bago ko kayo i-dismiss"
"Wala pooooo" Parang elementary naming pagsagot dahil lahat kami excited ng lumabas.
"Very good! Ang talino naman pala ng section ninyo at dahil diyan ay bibigyan ko kayo ng unang activity niyo"
"Ay ma'am may tanong po pala kami! Ilan po ang anak niyo?" Pagsisimula ni D.J at nagtawanan kaming lahat.
Nangiti si ma'am Rose ngunit itinuly niya rin yung sinasabi niyang activity. "Kailangan ninyong kumanta ng by pair habang tumutugtog ang smisa sa inyo ng instrument"
"Ayun D.J partner tayo!" Pag-aaya ko sa kanya at nakioag-fist bumo naman sa akin si D.J, rocker si D.J kaya paniguradong marami 'yang alam patungkol aa pagtugtog ng instrument, hindi naman kasi ako sanay mag-play ng kahit anong instruments.
"Aki ang pipili ng magkaka-pair sa olease be quiet everyone," Sabi ni ma'am at napaungol naman kaming lahat dahil hindi pala namin magiging ka-group ang mga kaibigan namin.
"You need to present to me on next week a song na kakantahin ninyo duet ng partner ninyo. Dahil nga first activity palang ay wala kayong theme na dapat sundin so you are free to sing any song or genre you would like"
Napasigaw ang mga kaklase ko pero ako eh napapa-slow clap na lang para kunwari eh may naiintindihan ako sa mga sinasabi nila pero sa utak-utak ko 'Bes ano raw ang sinasabi ni ma'am? Genre? Theme? Ano 'yon'
"Kahit isa sa inyo ng partner mo ay tutugtog, required pa rin na to sing the song duet. Waoang excuse at daoat mai-apply ninyo ang tinuro ko in this furst discussion dahil doon ko ibabase ang magiging grade ninyo sa first activity" Pagtutuloy ni ma'am.
Isa-isa ng tinawag ni ma'am kung sino ang magkaka-pair and sadly, hindi ko naka-partner si D.J dahil tinawag ang pangalan niya together with Lucas.
Ilang minuto pa ang lumipas bago tawagin ang pangalan ko. Pero nakakapansisi yata nung biglang tinawag ang pangalan ko.
"FROST AT CINDY"
Ka-partner ko lang naman ang lalaking ipinaglihi sa bato sa sobrang tugas ng puso at sungit. Jusko Cindy! You. Are. So. Dead.
May malapit na chapel ba duto sa loob ng Music Academy, makahingi nga ng holy water dahil may sa-demonyo ang ka-partner ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top