Chapter 58 "My Decision"
"Anong nginingiti mo diyan?" Nasa biyahe na kami ni Dela Torre pabalik sa Maynila at hanggang ngayon ay hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Madilim na ang paligid pero napapansin ko ang nguti niya sa tuwing nadadaan kami sa street lights.
"Why? May rason naman ako para ngumiti, Gonzales." Sabi niya and he continuously tapping his finger sa manubela na parang tuwang-tuwa. I let him be, nangingiti rin naman ako kapag nakikitang kong masaya si Dela Torre.
Hinatid lang ako ni Dela Torre sa condo ngunit mabilis din siyang umuwi dahil may game siya bukas.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. It's really happening, I break the forbidden rule. Hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayari pero ang alam ko... Masaya ako. I immediately grabbed my phone at binuksan ang twitter ko, hindi ako mahilig mag-twitter, ang huling post ko yata ay last 2 months ago. Matagal na.
Dali-dali akong pumunta sa profile ni Dela Torre upang basahin ang mga tweets niya. Yung latest tweet niya agad ang nabasa ko which is a minute ago.
She said yes, but it will be valid after she gradute. Lol. #waiting
Marami na agad ang nakabasa ng tweet ni Dela Torre and it almost have 200+ hearts. Kinabahan ako sa tweet niya pero wala naman siyang binanggit na pangalan kaya wala dapat akong ikapag-panic, pero maraming tao ang na-curious.
Nagtipa ako ng tweet tutal naman binuksan ko na rin.
Taking risk for my own happiness.
May mangilan-ngilang nag-heart dahil kahit papaano ay may followers din naman ako, mataas ang rank ko sa Music Academy. My friends liked my tweet pero ang pag-heart talaga ni Dela Torre ang nakapukaw ng aking atensyon.
Tinuloy ko na ang pagsulat ng lyrics and the nice thing, natapos ko na siya ngayong gabi.
Napahikab ako at hindi ko napansin ang oras, ala-una na pala ng umaga. May pasok pa ako.
***
Pagkarating na pagkarating ko sa school ay inusisa agad ako nila DJ. "May pinapatamaan ka ba sa tweet mo kagabi, Cindy?" Bungad na tanong sa akin ni DJ. Wala na kaming klase starting this week, we should focus sa nalalapit na finals. Wala mang klase, ang hassle pa rin dahil kabi-kabilang trabaho ang kailangan naming gawin. We are really train to be a star here.
"Wala, masaya lang ako," Nakangiti kong sagot sa kanya at may kinuha ako sa aking bag. "Tignan mo 'to, sa tingin mo okay lang ba ang mga naisulat kong lyrics?"
Kaming dalawa pa lang ang nandito at wala pa sila Lucas. Matapos basahin ni DJ ang lyrics ay lumingon siya sa akin. "Are you inlove?"
Para bang may biglang gumapang na kaba sa tanong na iyon ni DJ. "H-hindi, umuwi kasi ako ng Bulacan nung isang araw. Na-inspire ako magsulat dahil nakita ko sila." Half truth.
"This is good! Para bang totoong-totoo yung feelings habang binabasa ko siya, para bang inlove na inlove ka. Pero sabi mo nga, pamilya mo ang inspirasyon mo. I think kailangan mo na siyang tonohan, medyo late ka na e." Payo sa akin ni DJ at napatango-tango ako.
Sa pagkakaalam ko ay tapos na ang exam ni Frost, nawalan ako ng balita sa kanya dahil ayaw ko naman istorbohin siya at sabi ni Henry ay hayaan muna namin siya na mag-review. Matagal na paghahanda ang ginawa ni Frost para sa nalalapit na exam na iyon kaya alam kong magagawa niya iyon.
"DJ, naalala mo pa ba yung babae na na-kick out dahil sa pakikipagrelasyon niya? May balita kaya sa kanya?" Out of the blue kong tanong. Natatakot ako na baka... Mangyari din sa akin iyon.
Kumunot ang kanyang noo. "Si Ella? Sa pagkakaalam ko ay wala na siya sa school, sadly, gustong-gusto niya pa naman na mag-aral dito sa Music Academy but rule is rule. Umaandar na ang forbidden rule dati pa."
"Why don't we make petition na pabalikin siya o kaya naman ay tanggalin ang rule na iyon?" Suhestiyon ko. Hindi naman nakakaapekto sa pag-aaral ang love life, pwede rin naman itong magbigay inspirasyon. "Nakakaawa lang kasi siya."
"Friends ba kayo?" Mabilis kong iniling ang aking ulo. "Hindi naman pala. Cindy, huwag ka ng makisawsaw sa gulo niya. Teka nga, are you inlove ba talaga? Lumalabas na para bang gustong-gusto mong matanghal ang rule na iyon." DJ is really an observant, madali niyang napapansin ang lahat ng bagay at wrong move iyon.
"Bakit naman ako mai-inlove? Alam mo naman ang rason ko kung bakit ako pumasok sa Music Academy," sinubukan kong maging diretso ang pagsasalita ko upang hindi siya maghinala. "Naaawa lang ako kay Ella, it's her dream and passion and mawawala lang basta-basta dahil sa maling action na nagawa niya."
Bumuntong hininga si DJ. "Cindy, alam mo naman na hindi masyadong mahigpit ang school natin pagdating sa atin. Ano ba naman yung sundin mo yung rules at huwag mong i-break ang pinakabawal na rule. Simula pa lang naman nung first year ay in-orient na tayo tungkol diyan." Pagpapaliwanag niya at napatango-tango ako. So, hindi ko pala pwedeng ipagpilitan ang gusto ko.
Dumating na sina Lucas at nag-brain storming na lamang kami tungkol sa concept na gagawin namin. Even Henry and Zach, nandito rin like they are part of our big barkada... Well, kinokonsidera ko naman sila na parte ng barkadahang ito, maging si Frost.
"Jiroh, can you help me para sa paggawa ng tono ng kanta ko?" Pakiusap ni Lucas.
They are all talking and helping each other habang ako ay napapa-tap ng ballpen ko sa notebook. Pakiramdam ko tuloy ngayon, mali pa na nananatili ako sa Music Academy. "Are you okay?" Biglang tumabi sa akin si Henry at inabutan niya ako ng coke in a can na tinanggap ko naman.
"Thank you," sabi ko. "Ayos lang ako, medyo nahihirapan lang ako sa pagtotono."
"Bakit hindi ka magpatulong kay Frost?" Biglang singit ni Lisa na nakikinig pala sa aming usapan. "Text him. Partners na kayong dalawa since the beginning, sigurado akong makakatulong siya sa'yo sa pagkakataong ito. He can help you dahil napanuod niya ang growth mo, alam niya ang weakness and strength mo." Mahabang litana pa ni Lisa at napatango-tango ako.
"Alam mo, kung wala lang forbidden rule siguro kayo na ni Frost. Para kayong connected sa isa't-isa e." Sabi ni Jiroh at pinunasan ang violin na kanyang hawak. Wala talagang preno ang bibig nito.
Everyone agreed like they are a hardcore shipper. Habang ako... Napatahimik na lang. Expectation Vs. Reality, everyone thinks that I might end up with Frost. Hindi ko masabi sa kanila na may ibang tao akong gusto dahil sa forbidden rule, shame that rule.
"Alam ko na! Why don't we text him at mag-meet tayo sa isang mall? Gala na rin." Sabi ni Henry at napakunot ang noo naming lahat. I mean, si Henry 'yan e, hindi basta-basta makakalabas ng Music Academy ang lalaking ito lalo na't nalalapit na ang kanyang debut. "Don't worry, may dala akong face mask."
***
Imbes na mag-mall ay nagrenta na lamang kami ng malaking videoke room para sa barkada namin, hindi nga magandang ideya ang gumala kami ng magkakasama. Malapit lang ang videoke house sa may school.
Kasalukuyan na kumakanta ngayon sina DJ at Lucas, malamang, rock na naman ang kinakanta nila dahil iyon ang paborito nilang genre.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok si Frost sa loob ng silid. He looks different kumpara nung huli naming pagkikita. Nakasuot na siya ng salamin at bagong gupit na din siya, hindi ko alam kung ano ang tawag sa hairstyle na iyon pero bagay talaga iyon sa kanya. He's just wearing a plain black V-neck shirt at denim shorts, simple lang pero ang lakas ng dating niya.
Nagtama ang mata naming dalawa at ngumiti siya sa akin. In-offer ko ang katabi kong bakanteng upuan na siya niya namang tinanggap. "Kumusta ka na?" Tanong ko sa kanya.
"Happy." Tipid niyang sagot. "Nakita kita-- nakita ko kayo, rather. Sabi nila nahihirapan ka raw sa paglalagay ng tono?" Medyo nilalakasan namin ang pagbubulungan naming dalawa dahil malakas ang tunog nung speaker ng videoke.
Hindi naman ako magsisinungaling, mahirap naman talaga siya. Iniabot ko kay Frost ang ginawa kong lyrics upang mabasa niya ang laman. It took him a couple of minutes bago niya natapos ang pagbabasa. "I think mas bagay dito ang medyo pop na tono but ballad would be a perfect choice kaso nag-ballad na tayo last time... So it's your choice kung ano ang mas gusto mong gawin this time."
Napatango-tango ako sa paliwanag ni Frost. Bumaba ang tingin ni Frost sa aking leeg. "Suot mo pa rin pala yung regalo ko sa'yo." Ang tinutukoy niya ay ang kwintas na niregalo niya nung birthday ko.
"Of course, galing 'to sa espesyal na kaibigan," Sagot ko sa kanya. "E ikaw? Kumusta ang exam mo?"
"I am really hoping na pumasa ko."
"Papasa ka, araw-araw kaya kitang pinagdadasal na makapasa kasi alam kong kaya mo and that's the thing na makakapagpasaya sa'yo." Napangiti siya sa aking sinabi.
"Hoy may sarili na naman kayong mundo ma dalawa," sigaw ni Jiroh habang nakatapat ang bibig sa mikropono. "Hello, kasama ninyo kami. Huwag kayong magsarili, this is a barkada hangout at hindi date." Napatawa kaming dalawa ni Frost.
Iniabot ni Jiroh sa amin ang song book at nagkantahan na lamang kami.
Pasado alas-sais na nung matapos kami mag-videoke, masaya lang kaming nagkukwentuhan palabas ng videoke house. "Oh my God!" Napatigil kami sa paglalakad nung biglang nagsalita si DJ.
Napatingin kami lahat sa kasalubong namin palabas ng videoke house-- sina Dela Torre maging ang team mates niya, mukhang papasok pa lang sila.
Nagkatinginan kamingvdalawa ni Dela Torre. "Gonzales!" Bigla niyang tinawag ang apelyido ko at lumapit sa aming direksyon. Nakakakaba ang pangyayaring ito para sa akin dahil paniguradong may iniisip na ang mga kaibigan ko, hindi naman nila alam na kaibigan ko si Dela Torre at hindi rin nila alam na higit pa sa kaibigan ang trato namin sa isa't-isa. "Nanalo kami sa semis, pasok kami sa finals." Masaya niyang balita.
I awkwardly smiled to him at napatingin ako sa mga kaibigan ko... Gaya nga ng inaasahan ko, nagsususpetsa sila. "Magkakilala kayo?" Si Lucas na ang nagtanong.
Nagpa-panic akong i-introduce si Dela Torre sa kanila. Ayokong magkaroon sila ng ideya na may malalim kaming pagkakaibigan. "Guys, this is Kevin. An acquaintance of mine." Pagpapakilala ko.
Napalingon sa akin si Dela Torre at bahagyang nawala ang ngiti sa kanyang labi at bumalik din naman agad. "Nice meeting you all." Dela Torre said. "Mauna na kami, nice meeting you again, Cindy."
I know that's a bad idea, pwede ko naman siyang i-introduce biglang kaibigan pero naunahan ako ng kaba. Pagkalabas namin ng vudeoke house ay agad na lumapit sa akin si Lucas at DJ. "Nanuod tayo ng game last time pero hindi mo naman sinabi na kakilala mo pala si Kevin."
"Hindi kami close. Nagkaroon lang kasi ng friendly basketball ang pinsan ko and isa sa mga nakalaban si Kevin kaya nagkakilala kami." Pagsisinungaling ko na para bang hindi iyon big deal. Hindi ko inaasahan na magiging kakomplikado ang lahat, o baka naman hindi naman talaga siya komplikado... Napapraning lang ako.
Isa-isa na silang nawala at umuwi, naiwan kaming dalawa ni Frost. "Ikaw, bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Sasabayan kita?"
"Huwag na, ano ka ba! Malayo pa ang uuwian mo. Nakakahiya nga dahil pinapunta ka pa namin kahit medyo malayo e." Paliwanag ko, at isa pa, may kalayuan ang train station mula rito.
"No, I insist. We have a lot of things to catch up." Hinayaan ko na lang siya na sumabay sa akin sa paglalakad.
Marami kaming pinagkwentuhan dalawa katulad na lamang yung nangyari sa kanya sa exam, habang ako ay hindi masyadong nagshe-share dahil this past few days ay puro si Dela Torre ang kasama ko. Pagkahatid niya sa akin sa istasyon. "Pa'no ba 'yan, dito na ako."
"15 minutes walked is still not enough para makausap ka." Unlike nung una, mas may emosyon na ang mata ni Frost na siya namang bumagay sa kanya.
Ginulo ko ang kanyang buhok at napasimalmal naman siya. "Kung mag-inarte ka naman diyan parang ako yung naging busy. Ngayong tapos na yung exam mo, paniguradong marami ka ng time, makakapagkwentuhan na ulit tayo just like the old times."
Nakatayo lang siya roon at nakatayo lamang kami habang dinadaanan kami ng maraming tao na umaakyat papunta sa train station. "Mag-taxi ka na."
"You go first."
"Ikaw na." Nagtitigan kaming dalawa ngunit siya rin naman ang sumuko.
"Bye." Paalam niya and I wave my hand on him.
Sumakay na siya ng taxi at umandar na ito palayo. Bumuntong hininga muna ako at akmang itutuloy ko na ang paglalakad paakyat nung biglang may kamay na humagit sa kamay ko.
Hinatak ako ni Dela Torre papasok sa kotse niya, wala siyang suot na kahit anong disguise kaya hindi ko alam kung may nakakilala sa kanya. Kahit pa ilang segundo lang 'yon ay nakakakaba pa rin na may makakilala sa kanya lalo na't mainit na topic sa Social media ang UAAP. "Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin bagkus ay pinaandar niya ang kotse. "Sino yung lalaki kanina? Bagay kayo, ha?"
***---***---***
Kung hindi ninyo gusto ang mga nangyayari, tahimik kayong umalis at itigil ang pagbabasa.
Kung may tiwala kayo sa akin, sama-sama natin tapusin ang Music Academy ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top