Chapter 57 "In your hand"
"Good evening po," Sabi ni Dela Torre at nagmano siya kanila mama at papa. Gabi na kami nakarating dito sa bahay dahil hapon kami umalis kanina. Mabuti na lang at may manners pa rin sa matatanda itong lalaki na ito. "I'm Kevin po. Kevin Dela Torre." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
Para bang nagulat sina mama't papa dahil ito ang unang pagkakataon na nagsama ako ng lalaki dito sa bahay. Hindi ko naman totally sinama si Dela Torre, siya lang naman talaga itong nagpumilit at wala na akong nagawa dahil gusto rin ni Caleb na sumama si Dela Torre.
"Papa, boyfriend 'yan ni ate." Biglang sumabat ang kapatid ko kaya namilog ang aking mata. Siraulo talaga kahit kailan! Kung pwede lang na makipagpalit mg kapatid ay ginawa ko na. Ang lakas makagawa ng kwento!
Bumaling ang tingin sa akin ni papa at mabilis kong iniiling ang aking ulo kasabay ang aking kamay. "'Pa! Hindi totoo 'yon! Hoy Caleb kung anu-anong kwento ang ginagawa mo ha?"
Nakangiti lang si Dela Torre at walang balak na ipagtanggol ako, siraulo talaga. Matagal akong tinitigan ni papa. "'Pa! Hindi nga totoo 'yon."
"Siguraduhin mo lang, Cindy Gonzales. Alam mo naman ang parati kong paalala sa'yo--"
"Magtatapos muna bago makipagrelasyon, naaalala ko pa siya 'pa." Paano ba naman, halos linggo-linggo niya yata iyon sinasabi sa akin tru text. Takot ko na lang kay papa dahil baka pauwiin niya ako ng Bulacan nang wala sa oras.
Kahit papaano naman ay kilala ni papa si Dela Torre dahil nanunuod siya madalas ng sports channel, parehas silang dalawa ni Caleb. Nung una ay para bang inis si papa lay Dela Torre pero kalaunan ay masaya na silang nagkukwentuhan sa sala dahil puro basketball ang kanilang pinag-uusapan nila.
Nasa kusina ako ngayon at tinutulungan si mama na magluto para sa hapunan namin, simpleng pritong ulam lang ito para mabilis lutuin. "Gusto mo ba siya, anak?"
Saglit akong napatigil sa paglalagay ng mantika sa iniinit na kawali pero mabilis ko rin itong tinuloy. "'Ma naman, pati ba naman ikaw?"
"Anak kita, Cindy kaya naman mas kilala kita. Panay silip ka nga sa kanya habang nagkukwentuhan sila sa sala." Totoo ba? Bakit ako... Parang hindi ko napapansin na nagmumukha akong patay na patay kay Dela Torre.
"Parang hindi naman 'ma." Natatawa kong sabi.
Ngumiti sa akin si mama at napailing-iling, mabilis kong iniba ang pinag-uusapan namin. Pinagpatuloy namin ang pagluluto, nakakatuwa dahil matagal na namin itong hindi nagagawa, nung nandito pa ako sa bahay, isa sa mga bonding namin ay ang pagluluto.
Matapos namin magluto ay naghain na kami para kumain.
"Cindy, bigyan mo ng manok si Kevin."
"Cindy, kumuha ka naman ng tubig sa fridge."
"Cindy, asikasuhin mo ang bisita mo."
Halos magkasalubong na ang dalawa kong kilay dahil sa sunod-sunod na utos ni mama't papa. Hindi ko alam kung ako yung anak nila o mas tinuturing nilang anak si Dela Torre. Mabilis na nakasundo ni Dela Torre ang parents ko dahil sa outgoing personality niya, hindi ko alam kung bakit ang galing-galing ni Dela Torre sa pakikipag-usap sa ibang tao.
Nagliligpit na ako ng aming pinagkainan at tumutulong sa akin si Dela Torre. "Bakit ka ba kasi sumama pa rito? Wala ka naman masyadong magagawa dito, mababagot ka lang."
"Bakit, masama bang ma-meet ko si tita tsaka si tito?" Nakangiting sabi ni Dela Torre at pinunasan ang lamesa upang matanggal ang mga mugmog na kanin. "Alam mo, ang cool ng pamilya mo."
Kumunot ang noo ko, cool? Strict ang parents ko, bwisit ang kapatid ko. Saan banda ang cool doon? "Paano mo naman nasabi, bakit? May family problem ka ba?"
"Wala. Pero hindi kami kasing bonded kagaya ninyo," kinuha ni Dela Torre sa kamay ko ang patong-patong na pinggan na aming pinagkainan. "Ako na."
"Kailan mo plano umalis?" Tanong ko sa kanya. "I mean, may practice ka at may laban kayo sa UAAP
"Nasaktan naman ako sa sinabi mo, parang ayaw mo na nandito ako." Natatawang sabi ni Dela Torre. "Pero sasabay ako sa'yo pabalik. Hindi ako papayag na umuwi ka mag-isa pabalik sa condo mo." Kumindat pa siya bago tuluyang tumungo sa kusina.
Nakangiti naman akong napailing-iling.
Malalim na ang gabi at halos alas-onse na, magkasama si Dela Torre at Caleb sa kabilang kwarto. Pabor iyon sa kanilang dalawa dahil mas close sila.
Saglit akong lumabas ng kwarto ko at nagpahangin sa may terrace, hindi ako madalaw ng antok dahil patuloy na gumugulo sa akin ang mga babala ni misis Marasigan maging ang sabi ng mama ko.
Isa nga bang malaking gulo ang pagdikit ko kay Dela Torre? Ikakapahamak ko nga lang ba 'to?
Yakap-yakap ko ang aking sarili habang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Nabigla ako nung may isang ulo ang pumatong sa kanang balikat ko at yumakap sa bewang ko. Bahagya akong lumingon upang makita siya. "Huy Dela Torre! Wala ka sa condo, umayos ka nga!" Malakas ko siyang itinulak at tawa naman ng tawa ang loko-loko.
"Haha! Bakit ka ba kasi nandito? Is there something bothering you?" Tanong niya, tumayo siya sa tabi ko at tumingin din sa bituin.
"Wala," Tipid kong sagot kaya muli siyang napalingon sa akin na parang nagtataka. "Wala nga! Promise, gusto ko lang talagang magpahangin."
"Bukas i-tour mo naman ako."
"I-tour? Wala ka naman masyadong makikita rito sa Bulacan." Paliwanag ko.
"Please, yung kapatid mo sinamahan ko sa buong pag-i-stay niya sa Manila samantalang ikaw 'di mo ako magawang samahan. Ang sakit, Cindy." Mahina niya pang sinuntok-suntok ang kanyang dibdib.
"Alam mo, ang arte mo." Muli na naman siyang natawa sa aking sinabi. Akmang yayakap muli siya ngunit iniharang ko ang aking kamao. "Sige, subukan mo."
"Sabi ko nga, hindi na ako yayakap. Tara na, matulog ka na."
Hinatak na ako ni Dela Torre papasok sa aking kwarto, buti nga at hindi sumunod sa loob para mambwisit e. "Good night na." Sabi ko sa kanya but instead of saying good night, he do flying kiss.
Bago ako matulog ay napaupo ako saglit sa may study table ko upang tignan kung may maisusulat akong lyrics. Ilang beses kong mahinang hinampas ang ballpen sa lamesa habang nakatingin sa papel.
Nagbitaw ako ng buntong hininga, dapat ay sundin ko ang payo ni DJ. Kailangan maging inspirado ako sa pagsusulat, sinubukan kong ipikit ang aking mata at mukha ni Dlea Torre ang pumasok sa isipan ko. I don't know why pero tuloy-tuloy lang ang aking kamay hanggang maisulat ang liriko na tumatakbo sa aking isipan.
This is the first time that I've felt like this, this could be love?
I want to go deep in your heart and learn everything about you
"Am I already breaking the forbidden rule?" I asked myself at ibinagsak ang aking katawan sa kama
***
Nung tanghali na ay nagpasama sa akin si Dela Torre na mag-ikot daw kami. Mamayang gabi lang din ay babalik na kami ng Maynila, hindi niya pwedeng ma-miss ang laro niya bukas samantalang ako ay kailangan ko ng makatapos sa pagsusulat ng kanta. Nauubos na ang oras ko dahil palapit na ng palapit ang finals.
"Wala ka bang alam na kainan dito?" Tanong niya. Nasa Malolos kami ngayon para sana bisitahin ang Barasoain church kaso ay sinabi ni Dela Torre na mamayang gabi na lamang namin ito puntahan bago kami umuwi.
"Meron, kaso malapit sa school ko ng highschool." Kaming dalawa lang ngayon ang nasa kotse dahil naiwang maglinis ng bahay ang mokong kong kapatid.
"E'di pumunta tayo doon. Gusto ko rin malaman kung saan ka nag-aral. Gudto kong malaman lahat ng bagay tungkol sa'yo." Kailan nga ba kami naging close ng ganito ni Dela Torre, hindi ko na maalala. Parang dati lang ay inis na inis ako sa prisensya niya pero habang tumatagal ay mas naiinis ako kung hindi niya ako naiinis.
"Kapag nanalo kami bukas sa laro, pasok na kami sa finals. Manunuod ka?" Tanong niya.
Akmang lilingon siya sa akin ngunit pinihit ko ang kanyang ulo padiretso. "Tignan mo ang dinadaanan natin, baka madisgrasya tayo. Yung seat belt mo man, suotin mo." Suway ko.
"Yes ma'am," Saglit niyang ipinarada sa gilid ang kotse para ikabit ang kanyang seat belt. "So ano nga, pupunta ka?"
"Hindi ko pa nga alam, tsaka hindi ka pa nga sigurado kung mananalo kayo e."
"Kapag nanalo kami, pupunta ka ha? Aasahan kita." Nagbuntong hininga ako, pupunta naman talaga ako kaso ay hindi ko lang sinasabi kay Dela Torre dahil baka may mga urgent things na mangyari. Mahirap magbigay ng isang salita dahil baka mag-expect siya.
I can't explain what I feel, but I just keep on smiling.
Where did this feeling came from?
This is the first time that I've felt like this, I can't hold it back.
"Gonzales, natahimik ka na diyan?" Mabilis kong iniling ang aking ulo upang mabalik sa aking sarili. "Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?"
"W-wala, okay lang ako." Ngayong kasama ko si Dela Torre ay para bang nabubuo ang mga liriko na dapat kong isulat, para bang nagkakaroon na ako ng ideya kung paano ko isusulat ang aking kanta... Na para sa kanya.
Kumain lang kami ni Dela Torre sa isang cafe at masayang nagkwentuhan, isa sa mga bagay na hilig niyang gawin ay ang magkwento tungkol sa mga nangyayari sa kanya. Sobrang outgoing ng personality niya kaya hindi siya nakaka-bore kasama. "Dela Torre, na-bo-bored ka ba minsang kasama ako?" Bigla kong tanong habang pinaglalaruan ang straw ng ice tea sa baso.
"Bakit naman ako mabuburyo? Alam mo, nagiging ganito lang naman ako kapag ikaw ang kasama ko. Kahit magtitigan nga lang tayo maghapon, hinding-hindi ako mabo-bored." Bigla niyamg inilapit ang kanyang mukha kaya naman napaatras ako ng kaunti.
Dumating na ang order namin at itinuloy na lang ang aming pagkain.
Kinagabihan ay pumunta kami sa Barasoain Church gaya ng gusto ni Dela Torre, ang ganda talaga ng simbahan na ito. Nung highschool ako ay lagi akong pumupunta rito para magdasal o kaya naman ay dumalaw lang.
Ang baroque style nito ang nagpaganda sa simbahang ito, maging ang materyales na adobe at concrete. Isa naman talaga ito sa pinakasikat na simbahan sa Pilipinas dahil sobrang historical nito.
Nakatayo lamang kami sa labas nito at pinagmamasdan ang struktura nito. "Hindi ka ba papasok sa loob?" Tanong ko kay Dela Torre at ngumiti siya sa akin.
"Gonzales, naalala mo pa ba 'to?" May kinuhang nakatuling papel si Dela Torre sa kanyang bulsa at binuklat ito-- iyon yung kasunduan naming dalawa doon sa cellphone na nasira ko. Para bang bumalik ang lahat ng hiya nung pinakita niya ang sulat na iyon.
"H'wag mo namang sisingilin mo na ako dito ha? Wala pa akong pera." Natatawa kong sabi sa kanya.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Dela Torre, wait! Sisingilin niya talaga ako dito?!
"Naaalala mo pa ba ang kasunduan natin? Pupunitin ko sa mismong harapan mo ang papel na ito, nasa sa iyo na kung hahayaan mo akong manatili sa buhay mo." Kitang-kita ko kung paano nahati sa dalawa ang papel at hinati pa ito ni Dela Torre sa maliliit na piraso. "Ayoko ng gamitin ang papel na iyon bilang panakot sa'yo. Ngayon mo sabihin kung okay lang ba na manatili ako sa buhay mo?"
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
"Gonzales, alam mong gusto kita, fuck! Gustong-gusto kita," para bang umakyat ang lahat ng inis sa aking pisngi dahil sa kanyang binitawang salita. Alam ko naman ang bagay na iyon pero kapag galing talaga sa bibig ni Dela Torre ay hindi ko maiwasang... Kiligin. "Kung ipagpapatuloy ko ba 'tong pag-ibig ko sa'yo kahit bawal... May kasiguraduhan ba na sa akin ka babagsak sa huli? May kasiguraduhan ba na pagtapos mong mag-aral sa Music Academy sa akin ka babagsak?"
Nasa kamay ko ang desisyon.
Sabi nga nila kapag alam mo ang dahilan kung bakit mo gusto ang tao, crush ang tawag doon. Pero kapag gusto mo siya na hibdi mo malaman ang dahilan kung bakit mo siya gusto... Love na 'yon.
Alam kong ang tulin, alam kong ang bawal pero sa maikling oras, ipinaramdam ni Dela Torre na babae ako. Nag-take siya ng risk. Nai-imagine ko na... Na-i-imagine ko ng si Dela Torre ang tao na katabi ko hanggang sa tumanda ako.
"Ahhh ehhh ihhh... O-oo?" Napakamot ako sa aking ulo at nag-iwas ng tingin sa kanya. Oh my, Cindy, this is bad.
Hinawakan ni Dela Torre ang aking braso at bahagya itong inalog sa tuwa. "Oo? Oo talaga, Gonzales?!"
"Hindi ko na uulitin." Yumuko ako dahil paniguradong pulang-pula ang aking mukha at hindi ko gustong makita niya iyon.
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Dela Torre at alam ko ay tuwang-tuwa siya, masayang-masaya siya.
Right now, I already break the forbidden rule. I'm inlove.
***---***---***
Medyo nasaktan lang ako nung sinabihan ninyo ng malandi si Cindy, I mean, tao lang si Cindy and I'm pretty sure after ninyo mabas ang update na ito baka mas malala pa ang tingin ninyo sa kanya.
But lemme defend her, ikaw ba? Kapag nag-e-effort sa'yo ng sobra ang isang tao, hindi ka mahuhulog?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top