Chapter 56 "Warning"

Hindi ako mapakali sa couch ngayon, nakaupo kaming dalawa ni Dela Torre at nasa harap namin si misis Marasigan. She's just looking at us na parang may malaki kaming kasalanan na nagawa. Totoo naman Cindy, may kasalanan ka.

"Tita, bakit ka napadalaw dito?" Kaswal na tanong ni Dela Torre like he just starting a conversation. Kanina ko lang din nalaman na tita ni Dela Torre si Misis Marasigan.

"I'm about to discuss something with Cindy kaya ko siya sinadya rito." May diin sa bawat salitang binibitawan ni misis Marasigan. "Anong ginagawa mo rito Kevin? Dapat ay nasa family gathering ka na ngayon. Anong ginagawa mo sa unit ni Cindy?"

"Just visiting her." Para akong napipe sa isang sulok. Hindi ko maibuka ang bibig ko. I let Dela Torre exlain kahit puro kalokohan ang sinasabi niya.

Tumingin sa akin si misis Marasigan, kailangan makaisip ako ng ibang bagay para ma-divert ang topic. "G-gusto ninyo po ba ng kape?"

"Don't dare to change the topic, Cindy. Do you remember our school forbidden rule?" Misis Marasigan asked. Siguro ay nagagalit ngayon siya sa akin, who doesn't? Hindi naman talaga pwede ang may karelasyon sa paaralan namin. Hindi ko naman boyfriend si Dela Torre pero kapag nalaman mo bumibisita ang isang lalaki sa bahay ng babae... Ang unang iisipin mo ay may namamagitan sa kanila, right?

"Magkaibigan lang po kami ni Dela Torre." May paninindigan kong bigkas, tama 'yan Cindy. Chill ka lang, wala ka naman dapat ikatakot dahil wala kang ginagawang masama.

"Magkaibigan lang kami tita... Sa ngayon." Namilog ang aking mata, what the heck! Sinusubukan ko ngang ialis ang hinala ni Misis Marasigan sa amin ngunit itong gunggong na si Dela Torre ay kung anu-ano ang pinagsasabi. Jeez, Cindy, you are so dead.

"Sa ngayon?" Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni misis Marasigan.

"Tita, we're just friends... Sa ngayon. Wala pang namamagitan sa aming dalawa ni Cindy dahil hinihintay ko pang makaalis siya sa Music Academy. I will start to court her kapag wala ng humahadlang na school rules sa pagitan naming dalawa." Dapat ay naiinis ako sa pagkakataong ito pero ito ako, kagat-kagat ko ang ibabang labi ko upang maiwasan na mangiti sa pinagsasabi ni Dela Torre.

"No, I'm really against with your idea, Kevin. Huwag mo akong daaning sa mga ganyahang linyahan mo. Hindi ka pwedeng mahalin ni Cindy dahil against iyon sa school rules--"

"Ninyo. Against 'yon sa school rules ninyo, tita. She couldn't love me as of now, pero masama bang ipakita ko na gusto ko siya kahit bawal pa?" Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ginigisa kami ni Dela Torre sa isang malaking kasalanan. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanila.

Naglaban sila ng titig sa loob yata ng mahigit tatlumpung segundo hanggang magbitaw ng isang buntong hininga si Misis Marasigan. "Malalaki na rin naman kayo, alam ninyo na ang tama at mali," bumaling ang tingin sa akin ni misis Marasigan. "At ikaw, Gonzales, alam mo ang bawal sa ating paaralan at alam ko naman na may pangarap kang bata ka... Hindi ka gagawa ng aksyon na makakasira sa pangarap mo." Hindi ko alam kung isa ba itong paalala o banta pero para bang nabunutan ako ng malaking tinik.

"B-bakit po ba kayo nandito?" Kinakabahan kong tanong.

Binuksan ni misis Marasigan ang kanyang shoulder bag at inilabas ang isang envelope. "Ito ang resulta na research na ginawa ninyo ni Zach Meneses and I'm happy to announce with you na naipasa ninyo ito."

Napapalakpak ako sa tuwa dahil pinaghirapan talaga namin itong dalawa ni Zach, I should text him later tungkol dito. "This is really a great news ma'am, balitaan ko si Zach mamaya."

"Mauna na ako, and Kevin, sumama ka na sa akin." Hinatak ni misis Marasigan ang T-shirt ni Kevin palabas.

"Wait lang, may sasabihin lang ako kay Gonzales. Give me a minute, tita." Dela Torre speaks at tumakbo muli sa direksyon ko at malawak na ngumiti.

"Legal na tayo sa tita ko, legal na tayo sa kapatid mo... Kasal na lang ang kulang." Natatawang sabi ni Dela Torre at malakas ko siyang tinulak. "Aray!"

"Alam mo, siraulo ka. Umalis ka na!" Sabi ko sa kanya hanggang nakalabas ma sila at naiwan akong mag-isa.

Naging tahimik dito sa condo at napahiga ako sa kama ko, humawak ako sa aking dibdib. "Am I... Falling?"

Umiling-iling ako, no Cindy, imposible. Mag-focus ka sa pag-aaral Cindy dahil malapit na ang sunod na performance mo para sa finals, ito na ang huling exam mo as a freshmen student. Focus.

Nakatulala lang ako sa kisame sa mga sumunod na minuto at nabalik lang ako sa aking sarili nung may marinig muli ako na door bell sa labas laya napabalikwas ako napatayo, binuksan ko ito at iniluwa ang kapatid kong si Caleb kasama ang pinsan kong si Ren.

Saglit kaming nagkwentuhan na magpipinsan ngunit umalis din si Ren makalipas ang ilang minuto sahil busy na rin naman siya at nagre-review din siya para sa kanilang finals.

Kinabukasan, busy ang lahat dahil sa dami mg ginagawa. Lahat ng estudyante ngayon sa Mysic Academy ay may bitbit na musical instruments o kaya naman ay nagsusulat ng lyrics sa kanilang mga notebook. "DJ, wala talaga akong maisip!" Pinunit ko ang isang papel sa notebook at hinagis papunta sa basurahan.

Napatigil sa pagpapatugtog si DJ. "Nahihirapan ka pa rin? Kahit anong concept at theme na nga ang pwedeng gawin." Bigkas niya, umayos skya ng pagkakaupo at humarap sa akin. "Ganito na lang, ano ba ang nararamdaman mo ngayon? Inspiration? I mean, kung may panghuhugutan ka sa isusulat mong lyrics madali na lang 'yan. Para bang nagsusulat ka lang ng isang tula for that person."

Nararamdaman ko ngayon? Masaya. Inspirasyon... Saglit akong natigil nung biglang pumasok sa aking isipan ang mukha ni Dela Torre. "Cindy, narinig mo ba ako?"

"Ahhh ehhh... Wala talaga e." Dumukdok ako sa lamesa. Naputol ang aming pagkukwentuhan nung biglang pumasok na sj misis Marasigan sa classroom para mag-discuss.

Na-o-awkward-an nga ako dahil sa nangyari kahapon, hindi ko naman ini-expect na magkamag-anak silang Dela Torre. Is that good thing or a bad thing? Ewan ko.

Matapos ang klase ay nag-uusap kami nila DJ nung bigla akong tawagin ni Misis Marasigan. "Cindy, can I talk to you for a second?"

Napatingin sa akin sila Cindy at Lucas. "Sige na mauna na kayo, susunod na lang ako." Wika ko.

Nakatayo lamang ako sa harap ni misis Marasigan na kasalukuyang inaayos ang mga libro niyang bitbit. "Cindy, alam kong kaibigan mo si Kevin pero alam ninyo naman ang limitasyon ninyo 'diba?" It's all about Kevin again.

"W-wala pong namamagitan sa amin."

"I know, wala naman akong balak na paglayuin kayong dalawa. Minsan lang din magkagusto sa isang babae si Kevin at wala akong balak hadlangan iyon. You're both in a legal age, alam ninyo ang tama sa mali at ikaw Cindy... Alam mo ang ang mga bawal," tumingin ng mata sa mata sa akin si misis Marasigan. "Huwag mo 'kong sasabihan na hindi kita binalaan, Cindy."

Naglakad na ako paalis. Bakit parang isang kasalanan ang makipagkaibigan kay Dela Torre?

Wala ako sa mood nung mga lumipas na oras, latang-lata akong umuwi ng bahay and it's still hard for me na makabuo ng isang maayos na lyrics para sa aking kanta. "Ate! Kahit kailan ay ang kupad-kupad mo." Inis na sigaw ni Caleb, bitbit na niya ang gamit niya dahil aalis na siya sa pagkakataong uto at uuwi na muli sa Bulacan.

Sasama ako sa kanya pagbalik dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakauwi, pakiramdam ko ay kailangan kong makita muli sina mama para magkaroon ako ng energy. Hindi biro ang nalalapit na finals na ito.

"Saglit lang, magbibihis lang ako." Sabi ko kah Caleb at tumungo sa aking kwarto para magpalit ng damit.

Ilang minuto lamang akong nag-ayos, naglagay lang ako ng lip tint and okay na. Paglabas ko ng kwarto...

"Ang tagal mo, Gonzales." Nakaupo sa couch si Dela Torre habang pinapaikot sa kanyang kamay ang ring nung susi ng kotse. What the... Anong ginagawa nitong Dela Torre na ito rito?

"You know Dela Torre, umuwi ka na, aalis kaming dalawa ni Caleb dahil uuwi kaming Bulacan. Wala kang mahaharot dito." Sabi ko at inayos ang pagkakasukbit ng aking bag.

"Who says na hindi ako kasama?" Tumayo si Dela Torre, akalain mo nga naman! May dala ring bag ang mokong at handang-handa na parang magbabakasyon siya. "Kevin as your driver, at your service."

"Sino namang nagbigay pahintulot sa'yo?" Pumamewang ako.

"Sarili ko," confident na sagot ng mokong. May mga pagkakataon talaga na maiinis ka na lang kay Dela Torre. "Wala ka nang magagawa, Gonzales. Halika na."

"Ate! Tatayo ka na lang ba diyan?" Sigaw ni Caleb at naglalakad na pala silang dalawa paalis. Hindi ko alam kung kaming dalawa ni Caleb ang magkapatid o silang dalawa ni Dela Torre, parehas silang gago e.

Sumakay kaming dalawa sa kotse ni Dela Torre, para bang sa buong linggo na lumipas na ito ay si Dela Torre ang naging service naming dalawa. Hindi ko nga alam kung napapagalitan siya dahil sa dalas niyang pagpunta sa amin. "Dela Torre, akin na nga pala yung duplicate key na pinahiram ko sa'yo last time." Ginagamit niya kasi ito para makapasok ng walang paalam sa condo, wala naman akong tinatago pero pakiramdam ko ay nai-invade ang privacy ko.

"Ayoko nga," nakangiti niyang sabi habang diretaong nakatingin sa aming dinadaanan. "Gusto ko yung madadalaw kita para sa oras na magtampo ka at maisipan mo na pag-lock-an ako ng pinto, masusuyo at masusuyo pa rin kita, wala kang kawala sa isang Dela Torre."

"Alam mo habang tumatagal, ang corny mo na." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Nagiging corny lang naman ako pagdating sa'yo."

"Kadiri kayong dalawa, get a room!" Biglang nagsalita si Caleb sa likod at sinalpak sa magkabila niyang tenga ang earphones.

Ilang minuto ang lumipas at binabaybay na namin ang NLEX patungo sa Bulacan. "Bakit ba kasi naisipan mong sumama ngayon?"

"Para ma-meet si tito at tita. Sinabi ko naman sa'yo Gonzales, gusto kita at gagawin ko ang lahat para sa'kin ka bumagsak." Itinaas-baba niya ang kanyang kilay at ngumiti sa akin. "Kumpyansa naman ako na sa akin ka mahuhulog."

"Ang kapal mo! Alam mo Dela Torre, ilang beses ko bang dapat ipaliwanag sa'yo na sa MA ako nag-aaral?"

"So? Hindi mo ako pwedeng mahalin... Sa ngayon. Pero nakalagay ba sa school rules ninyo na bawal kong iparamdam ang pagmamahal ko sa'yo habang bawal ka pang iparamdam ang pagmamahal mo sa akin? Walang ganyang rules na nag-e-exist sa paaralan namin." Hindi ko alam pero nagiging makulit si Dela Torre sa pagkakataong ito. At hindi ko alam kung bakit para akong isang tanga na nangingiti sa bawat salita na kanyang binibitawan.

"Bakit ka ba kasi sasama pa?"

"Para magpalakas, hangga't bawal pa kita ligawan. Liligawan ko muna ang pamilya mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top