Chapter 55 "Misunderstanding"

I'd tried to call Dela Torre the day after pero hindi niya ito sinasagot. Puro ring lang o kaya naman ay wala talaga, pinatayan ako.

Aaminin ko may mali din naman ako dahil hindi ako nag-text o sumagot sa calls niya pero wala naman akong ideya na may surpresa siya sa akin. This morning ay hindi pumunta si Dela Torre para mag-jog and I have a strong feeling na galit ito.

"Ate pahinging pera, mag-iikot na lang ako mag-isa ngayong araw. Mukhang hindi pupunta si Kuya Kevin." Sabi ni Caleb na nakaupo sa hapag-kainan. Iniinit ko kasi yung ilang pagkain na inihanda ni Dela Torre, ayon sa kapatid ko ay luto lahat ito ni Dela Torre at wala siyang binili ni-isa.

Pagkainit ko ay ni-serve ko na ito. "Sanay ka na ba mamasahe? Dito ka na lang, baka maligaw ka." Pagpapaalala ko sa kanya. Ang laki ng Maynila at I'm pretty sure ay hindi pa kaya ni Caleb mag-ikot dito mag-isa.

"Kaya ko," He declared. "Bilis na ate. Hindi naman ako lalayo!"

Bumuntong hininga ako at nag-abot sa kanya ng isang libo. "Bago ka umalis ay maglinis ka muna ha?" Nakangiti siyang tumango pero duda ako na gagawin ito ng aking kapatid.

Iniwan ko na siya sa bahay at habang bumabiyahe ako papunta school ay nag-tipa ako ng mensahe kay Kevin at sinubukan ko rin ulit siyang tawagan... Wala.

Pagkapasok ko sa classroom ay sumalubong sa akin si DJ at Lucas. "Wala tayong klase, may meeting daw sila sa faculty." Sabi ni DJ. "Tara, gala tayo!" Pag-aaya niya at umangkla sa aking balikat.

"Ha? Wala naman akong na-receive na text." Dapat pala hindi na ako pumasok, medyo kinakabahan ako para sa kapatid ko. Kahit naman madalas kaming mag-away dalawa, hindi naman nangangahulugan iyon na wala akong pakialam.

"Kanina nga lang sa amin sinabi eh. Biglaang meeting daw," Sagot sa akin ni Lucas. " Tara Cindy! I-celebrate natin ulit yung birthday mo o kaya punta tayo sa Maginhaw, food trip." Aya niya.

Bigla kong naisip si Dela Torre, instead of celebrating together with then once again, mas pipiliin ko na lang ngayon na i-celebrate ito kasama si Kevin, I mean, pakiramdam ko ay may utang ako sa kanya.

"Pass muna ako, nasa bahay ang kapatid ko walang kasama." Pagdadahilan ko. "Bawi na lang ako next time."

"Kahit saglit lang!" Pagpupumilit ni DJ.

Sa huli, hindi rin ako sumama sa kanila. Mukha naman na kumagat sila sa dahilan ko. Plano kong puntahan si Dela Torre sa school nila, kaso ay naka-Uniform ako kaya hindi ko na tinuloy. Malaking issue iyon kapag nagkataon, naisip ko na lang na i-text siya.

Dela Torre, nandito ako sa mall malapit sa school ninyo. Hintayin kita.

I send it to him, hindi ko alam kung magre-reply siya o kaya naman ay pupunta siya. Galit kaya siya? Baka naman nagtatampo lang... Ang daming 'what if' thoughts sa utak ko and sana, sumipot sibDela Torre.

Lumipas ang kinse minutos ay wala akong natanggap na reply galing sa kanya. Nagpunta na lang ako muna sa book store para maghanap ng mababasa na books.

"Release na pala 'to?" My sudden monologue at tinanggal sa bookshelf ang isang libro. It was my favorite fantasy book. "Altheria: School of Alchemy." Pagbabasa ko sa title.

Binasa ko ang synopsis and decided to buy it. Pagkabili ko nakita ko si Dela Torre na naglalakad kasama niya yata ang ilang ka-team niya sa basketball. Hindi siya sumasagot sa call and text ko and yet, nandito siya para magsaya. Dapat pala hindi ako makonsensya dahil mukhang okay naman ang ugok.

I plan to leave silently kaso ay huli na, mukhang nakilala niya ako dahil sa suot kong uniform. May isang kamay ang humatak sa braso ko. "Bakit ka nandito?" He innocently asked na parang hindi ako nag-text o tumawag man lang.

I looked around, may ilang napapatingin sa amin. "Let's talk privately." Sabi ko at doon niya napansin na marami ngang nakatingin.

He's famous around here, malamang teritoryo niya ito dahil malapit lang dito ang school niya kaya imposibleng walang makakilala sa kanya. "Teka, galit ka ba?" He asked. "Puntahan na lang kita sa condo mo after ng training ko." He declared.

Hindi na ako sumagot at naglakad na ako paalis. Teka? Bakit ba ako naiinis? Akala ko kasi ay galit siya sa akin kaya hindi sumasagot sa text o tawag ko, kahit 'K.' ay hindi ko natanggap. Tapos makikita ko siya na nagsasaya habang ako alalang-alala sa kanya.

Dire-diretso akong naglakad. "Ate ano mo po si Dela Torre?" Someone shouted to me, more on asking.

Ngumiti ako. "Fan lang din ako, humingi lang ako ng autograph."

Pagkauwi ko ay hindi pa rin talaga nawawala ang inis ko, lalo kapag bina-backread ko ang mga text ko sa kanya. Naaasar talaga ko, nag-effort ako bumiyahe para mapuntahan siya.

Ini-lock ko ang pinto, bahala si Dela Torre. Akala niya yata ay papapasukin ko siya. Tinext ko ang kapatid ko kung nasaan siya and the good thing, nagliliwaliw lang sa SM North ang loko.

Dahil nga walang klase, I decided na manuod na lang ng movie sa cinema one. Bumigat ang talukap ng mata ko at tuluyan ng nakatulog.

***

Unti-unti kong iminulat ang aking mata at sa pagmulat ko, isang pigura ang aking naaninag. Nung una ay malabo pa pero nung tuluyan ng nakapag-adjust ang paningin ko ay nakilala ko na iyo-- si Dela Torre. Nakahiga ako sa hita niya.

Napabalikwas ako at napaayos ng upo sa couch. "Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?"

He smiled at prenteng umupo, "nakalimutan mo na yata na may duplicate ako ng susi. Ikaw mismo nagbigay."

Hinatak ko ang braso niya patayo. "Lumabas ka na. Naiinis ako sa'yo." Sabi ko habang hinahatak siya.

"Ayoko. Ni-hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit ka naiinis sa akin. Spill it, let's talk about it. Ayoko na ganuto tayong dalawa." Ibinagsak niya muli ang sarili niya sa couch.

Pumamewang ako sa harap niya. Inilabas ko ang phone ko at pinakita sa kanya ang lahat ng text ko. "Nasaan ang reply mo? Ni-isang letra wala kang naging reply."

"Wait, may valid rea--"

"Kahit tawag ko hindi ka sumasagot, puro ring lang o kaya naman ay nakapatay talaga ang phone mo. Sinong matutuwa no'n? Tapos makikita kita na nagsasaya lang kasama ang mga kaibigan mo? Sana nag-reply ka man lang na ayaw mo akong makita, hindi yung bumiyahe ako mula M.A papunta sa West University para sa wala." Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko dahil sa inis.

Napatayo siya. "Sumbatan ba ang gusto mo? Kung tutuusin ako ang may karapatan manumbat pero hindi ko ginawa. Tumakas ako sa praktis kahapon para ipagluto ka dahil birthday mo, nakailang text and call din ako sayo, nag-reply ka ba? Sinagot mo ba? Para akong tanga na mahigit anim na oras na naghintay dito sa condo mo pero wala."

I raise my hand at nagmartsa papunta sa kusina upang kumuha ng maiinom na tubig. "Alam mo, walang patutunguhan ang diskusyon na 'to. Umuwi ka muna."

"No, we will fix this right away." He stated. "Let me explain so you can understand my side, makinig ka kasi,"

Tumingin ako sa kanya na ngayo'y nasa harap ko na. "Unang-una wala sa akin ang phone ko kaya hindi ako nakakapag-reply o nakakapag-text man lang sa'yo. At hindi ko rin nababasa ang mga text mo. Kapkapan mo man ako ngayon, wala sa akin ang phone ko. Sa tingin mo ba matitiis kita?"

"Ha? bakit?"

"Tumakas nga ako sa praktis kahapon para mapuntahan ka. Kinumpiska ni coach ang phone ko para raw focus ako sa practice dahil malapit na ang game. Hindi ako nakapunta kanina mag-jog kasi nga binabantayan ako ni coach, mainit ako sa mata niya kaya hindi ako nakapunta."

"Akala ko, galit ka." Mahina kong sabi sa sarili ko. In the end, ako pala ang rason kung bakit hindi siya naka-reply.

Iniangat niya ang aking mukha at kinurot sa magkabilang pisngi. "Sa tingin mo ba magagawa kong magalit sa'yo? Well, sorry kung nagtaas din ako ng boses kanina."

"Sorry din about sa kahapon, napasarap ang kwentuhan namin ng mga kaibigan ko kaya hindi kita naalala." I sincerely apologize. Baka nga isang misunderstanding lang ang nangyari sa pagitan naming dalawa.

Bumaba ang kanyang kamay sa akin at pinagsalikop ito. "Tsansing ka."

"Na-miss kita. Kung pwede nga lang tumakas ulit sa praktis kaninang umaga para lang puntahan kita ginawa ko na. Kulang araw ko kapag hindi ikaw ang unang nakikita ko sa umaga." He said at ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig.

"Siraulo. Ang landi mo Dela Torre, huwag ka nga yumakap. Baka may makakita at kung ano pang isipin." Pilit akong kumakawala sa kanyang yakap ngunit mahigpit ang pagkakabigkis ng loko. Ako lang din ang napagod kaya hinayaan ko na lang siya.

"Tayong dalawa lang naman ang mandito sa condo mo, sinong makakakita? Huwag mong sabihin na nandito si Heart?" Napatawa naman ako sa kanyang biro. "Heart kung nasaan ka man, huwag mo kaming isusmbong ah."

Biglang kumalam ang tiyan ko dahilan para mapabitaw si Dela Torre. "Hindi pa ako nagtatanghalian, nakatulugan ko na dahil sa inis ko sayo." Pag-amin ko.

"Ipagluluto kita, maupo ka na doon." Itinulak niya ako paupo sa dining area.

"Huwag na, iinit mo na lang yung mga niluto mo kahapon. Sayang naman."

Pinagsaluhan namin iyon. Napapatawa din ako dahil sa dami ng kinukwento sa akin ni Dela Torre. Ganoon naman siya, ipinapaalam niya sa akin lagi ang maghapon na nangyari sa kanya. Nung una medyo awkward, pero nasanay na rin naman ako.

"Nasaan si Caleb? Nami-miss ko na ang utol ko na 'yon." Sabi niya at doon ko lanh naisip ulit ang kapatid ko.

Tumakbo ako sa cellphone ko na nagcha-charge and call Caleb. Ilang beses nag-ring until he picked it up. "Nasaan ka na? Anong oras mo balak umuwi?"

"Chill ate, I accidentally bump kuya Ren here at SM North. Nilibre niya ako, hatid niya na lang daw ako diyan. Dalaw na rin daw siya sayo." He speak sa kabilang linya. Si Ren ay ang pinsan ko na kasama ko nung birthday party.

"Okay, okay. Anong balak ninyo balak umuwi para makapaghanda ako sa pagdating niya."

"Mga 7:30. Oh ate nandito na yung pagkain na in-order namin! Bababa ko na! See you later."

Wala na akong nagawa. Bumalik ako sa dining table. "Nasaan na daw siya? Baka naligaw na 'yon." Nag-aalala niyang tanong. Ilang araw pa lang sila magkasama pero it feels like sila talagang dalawa ang magkapatid.

"Kasama ni Ren."

Biglang kumunot ang noo ni Dela Torre. "Ren, who? Iba pang nanliligaw sa'yo?"

Napatawa naman ako bigla dahil sa bilis ng pagpapalit ng kanyang ekspresyon. "Siraulo, pinsan ko 'yon. Daren Gonzales."

"Sa UST ba nag-aaral 'yan?" He suddenly asked. Paano niya nalaman?

"Yup, kilala mo?"

"An acquaintance. Minsan ko na siyang nakapustahan ng basketball. I don't know if he still remember me. He's a good player though, ba't hindi siya sumali ng basketball team ng school nila?" Sabi niya bago sumupo ng spaghetti.

"Engineering ang mokong at malapit ng kumuha ng battery exam." Sagot ko, ang battery exam ay exam kung saang major ka mapupunta, kung civil, electrical, computer etc.

"Ah kaya naman pala. Ikamusta mo na lang ako sa kanya and laro kamo kami kung free time niya." Sabi niya.

"Nagpapalakas ka ba sa mga relatives ko?" Natatawa kong tugon sa kanya.

"Halata ba?" At malakas na kaming napatawa dalawa.

"Ikaw ba Dela Torre, ano nga pala ang course mo? Ang alam ko lang basketball player ka sa West University." I asked.

"Architecture. Huwag kang mag-alala, secured na ang future mo kapag napangasawa mo ako." Napailing-iling na lang ako sa kanyang sinabi.

"Siraulo."

Matapos namin kumain ay magkasama namin hinugasan ni Dela Torre ang mga plato, siya ang tagalinis at ako ang tagabanlaw. Ayoko sanang patulungin siya but he insisted. "Bakit dito ka na lang din mag-dinner? Sabay ka na sa amin nila Caleb."

"I love to stay but mayroon kami family gatherings mamayang gabi and hindi pwedeng wala ako." Pagpapaliwanag niya.

Nag-stay muna siya rito ng ilang oras, tinapos lang namin ang isang movie sa cinema one bago siya umalis. "Parang ayoko pang umalis ah." He speak at humiga sa hita ko.

Tinignan ko ang kanyang mukha at kinurot ang kanyang ilong. "Umalis ka na, i-priority mo ang family mo." Sabi ko, tumayo ako at hinatak siya patayo.

"Yes ma'am. Alam mo naman na parati lang kitang susundin." Pumuwesto siya sa likod ko at ipinatong sa balikat ko ang kanyang ulo samantalang nakayakap ang kanyang kamay sa aking bewang.

Hinayaan ko na lang siya dahil pauwi na rin naman siya. Naglakad kami papunta sa pinto na ganoon ang puwesto. "Mami-miss kita." He speak, ang lapit pa naman niya sa tenga ko.

"Siraulo. May bukas pa naman."

"Baka hindi ulit ako makadalaw bukas, ang lapit na nung game." Medyo malungkot niyang sabi.

"Okay lang. May next week pa naman. Nust make sure na mananalo kayo Dela Torre ah."

"I will be the MVP player and I will dedicate it for you." Medyo namula ako sa kanyang sinabi.

"O sige na, eto na tayo."

Binuksan ko ang pinto at namilog ang mata ko sa taong nakatayo sa labas ng condo ko. I didn't expect na makita siya rito-- si Misis Marasigan. My class adviser.

You are so dead, Cindy.

***---***---***

Kaya ayokong gumagamit ng mga portrayers kasi ini-imagine niyo yung kpop star na siya talaga iyon. :(

I want you to see him as Frost, hindi bilang si V.

Update done, hope you guys keep supporting!

Please don't forget to hit the star button and leave a comment. Magiging tulong iyon dahil kasali sa wattys2017 ang Music Academy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top