Chapter 52 "Surprise Visitor"

Pumupungay ang mata ko habang nag-uunat, another morning! Saturday ngayon pero kailangan kong pumuntang school dahil may meeting daw and attendance is a must. Dahil mabait akong estudyante, pupunta ako.

Pagkalabas ko ng kwarto ay may naamoy akong mabango, galing yata sa kusina dahil amoy pinipritong manok. Hala! May nagluluto sa kusina ko! The eff!

Dali-dali akong tumakbo papunta rito at napalingon sa akin ang nagluluto-- si Dela Torre. "Good morning, Gonzales!" Masaya niyang bati sa akin at ngumiti. Enjoy na enjoy si Dela Torre sa pagluluto.

Oo nga pala! Dito nga pala natulog si Dela Torre, hindi ko naman siya nagawang paalisin nung gabi na dahil nakatulog din ako dala ng pagod.

Lumapit ako at tinungko ko ang kamay ko sa lamesa. "Sino may sabing pwede kang magluto sa kusina ko?" Napatigil ako sa pagsasalita nung marinig ko ang aking sarili, napakagat ako sa ibabang labi ko. Shit! Minamalat na naman ako, sanay na rin naman ako at alam ko naman ang gagawin sa pagkakataong ito dahil naturuan na ako ni Frost dati.

"Ang lakas din ng loob mo na magpakita ka sa akin na ganyan ang hitsura mo." Napapailing na sabi ni Dela Torre.

Napatingin ako sa salamin, I'm wearing a Cinemaroll pajama and a plain black shirt at sobrang gulo ng ayos ng buhok, take note, may tulo laway din ako. "Okay lang, ikaw lang naman 'yan. Ilang beses mo na akong nakita na ganito ang ayos ko.

Napapailing siya. "Sige na, maghilamos ka na pagkatapos mo ay luto na 'to." He speak at nagtungo ako sa banyo.

Naghilamos ako at nag-tooth brush na rin, hindi ko naman kailangan magmukhang maganda sa harap ni Dela Torre kaya ayos lang na magmukha akong tanga.

"May presentation ka pa ah." Nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang maayos na pagkakaayos ng lamesa.

"Syempre, minsan lang naman ako magluto. By the way, ang aga mong nagising, may pasok ka?" Pagtatanong niya habang naglalagay ng kanin sa kanyang pinggan.

"Mayro'n daw. May meeting kami mamayang 9:00, e ikaw? Anong oras mo balak umalis dito?" Ako naman ang nagtanong.

"Pag-aalis ka na, sasabay na ako!"

"Ay naku hindi pwede! Baka mamaya may makakita pa sa'yo at ma-issue pa ako. Pagkatapos na pagkatapos mong kumain ay umuwi ka na, okay?" Sermon ko sa kanya. Balak pa yata akong ipahamak ng mokong.

"Bawal ba akong mag-stay dito kahit mga 10 min--"

"Dela Torre!"

"Okay! Okay! Uuwi na ako pagkatapos kumain, chill ka lang Gonzales haha!" Natatawa niyang sabi at kumain naman kaming dalawa. After niyang kumain ay saglit lang nagpababa ng kinain si Dela Torre at pinagtulakan ko na siya palabas.

Pagkaalis ni Dela Torre ay saglit lamang akong naligo upang pumunta ng school, naka-sibilyan lang ako dahil meeting lang naman ito.

Pagkarating ko sa Music Academy ay aksidente kong nakasalubong si Henry. "Kamusta ka na Cindy?" He asked, matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapag-usap. Bihira din akong madaan sa convenience store dahil sa pagiging busy.

"Eto sobrang hassle, ang dami namin ginagawa. Last time ay nag-perform kami using saxophone and it was really hard." Pagpapaliwanag ko kay Henry. How funny that I used to admire this guy, hinahangaan ko pa rin naman si Henry pero hindi na katulad dati na sobrang crush ko siya. Para kaming brother and sister, ganoon.

"Kamusta naman kayo ni half brother, I mean, kamusta na kayo ni Frost?" Out of the blue niyang pagtatanong sa akin.

"Okay lang, last time magkasama kami pero madalas kasi ay busy siya o kaya naman ay busy ako. Hindi magtama ang schedule namin but we're good." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Ikaw, saan ka papunta ngayon?"

"Sa Vocal department nandoon ang meeting namin, kayo?"

"Sa dance department kami eh." Dumating na kami sa turning point para maghiwalay dahil bukod ang dance department sa vocal department. "Dito na ako, sige na ba-bye na!" I waved my hand.

"By the way Cindy! Ngayon ipapalabas yung promotion na ginawa ko sa ibang bansa. Panuorin mo ah?" Henry understood na minsan na lang kami nagkikita. Sobrang busy niya, mas madalas na siya sa practice room ke'sa sa klase niya. Talagang nagpe-prepare na siya for his upcoming debut.

"Sure! I will message you agad! Panigurado naman na maganda iyon!" I shouted at tumakbo na ako tungo sa dance department. Ang advertisment kaya na ginawa ni Henry Dizon ang nakapag-inspire sa akin na pumasok dito, he was a well advertiser.

Nagmamadaling akong pumunta sa second floor upang hanapin kung saan gaganapin yung meeting, mabuti na lamang ay hindi pa nagsisimula nung dumating ako. Pumirma ako saglit sa attendance bago umupo sa bakanteng upuan sa likod.

Habang nakaupo ako ay may biglang pumasok sa room at umupo sa katabi kong seat dahil iyon na lang ang bakante. I looked at her, nakakapanibago, ang simple lang ng hitsura ni Betty. Wala siyang make up which is first time kong nakita. "Anong tinitingin-tingin mo?" Mataray niyang tanong.

"W-wala."

Nagsimula na ang meeting and it discuss about sa gaganaping finals, pinaghahandaan ito dahil ito ang pinakamalaking event na nagaganap sa Music Academy taon-taon. Maraming tao ang nag-aabang sa finals dahil pagandahan ng performance. Pinaghahandaan talaga ito.

"Okay guys, it much better if you will jot down notes." Sabi ni Ellaine, remember her? Siya ang school council president. "Alam ninyo naman na malapit na ang finals and kailangan natin paghandaan ito."

Napatango-tango ako, inilabas ko ang ballpen ko at notebook. Napansin ko si Betty na nakalabas ang notebook ngunut kanina pa siya hanap ng hanap sa bag niya... Wala yatang ballpen.

Kumuha ako sa bag ng ballpen at inilapag ko sa desk niya. "Ano 'yan? 'Di ko kailangan nito."

"Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin diyan." Ibinaling ko na ang tingin ko kay Ellaine.

"We will have a three days performance para sa Finals. Ang first day ay puro freshmen ang magpe-perform. Second day ay sophomore and lastly, sa third day ang junior and senior." Pagsisimula ng paliwanag ni Ellaine which is so shocking dahil first time lang mangyayari na magkaroon ng 3 days performance dito sa Music Academy. "Bakit three days? Individual performance kasi ang magaganap. Kahit anong concept or genre ay pwede ninyong gawin as long as originally compose and produce ninyo ang kanta."

Nung pinapaliwanag pa lang ito ni ate Ellaine ay nakaka-pressure na.

"Sa performance ninyo rin ay kayo ang magpo-provide ng props dahil individual performance ito, hindi namin lahat magagawan ng props. Madaming araw ang ibinigay sa inyo upang mapaghandaan itong mabuti. Huwag ninyo isipin na unfair ito dahil lahat tayo, we will experience the same thing."

Nagpatuloy lang si ate Ellaine sa pagpapaliwanag ay sinabi niya lang naman ang do's and dont's. Sinabi niya rin na huwag na sanang maulit ang issue last performance... Kami ang tinutukoy niya, kami lang naman dalawa ni Betty ang nakagawa ng issue last time.

After discussion ay agad kong iniligpit ang gamit ko, mabilis lang natapos itong meeting pero yung pressure na dala niya... Ang bigat-bigat.

"Pssst." Narinig ko at napatingin ako kay Betty. "Here's your pen." Hindi siya makatingin sa akin ng mata sa mata, maybe nahihiya siya.

Lumapit ako sa kanya. "Gaano ba kahirap na sabihin ang pangalan ko Betty? Ganyan ba kalaki ng galit mo sa akin?" Napapailing kong tanong sa kanya. "Sa iyo na 'yan. Take that as a gift."

Umirap siya bago naglakad palabas. Pagkaalis niya ay lumapit naman agad sa akin sina DJ, Lucas, Jiroh, at Lisa. "Bakit kayo magkausap ni Betty? Ano, binu-bully ka na naman ba?" DJ ask pero more on nangsisindak siya.

Napailing na lang ako at napangiti, sobrang protective ng mga kaibigan. "Wala 'yon, huwag ninyo na lang pansinin. So ngayong tapos na ang meeting, saan tayo?"

"Sa bar!" Jiroh shouted. "Alam ninyo, may alam akong bagong bukas around Cubao. Tara pun--"

"Mag-food park na lang tayo, mga idea talaga ng pakboy na ito." Pagpuputol ni Lisa sa sinasabi ni Jiroh. Kapag talaga bar ang pag-uusapan ay nagiging active bigla si Jiroh.

Habang naglalakad kami ay bigla kaming dinuro-duro ni Jiroh. "Hoy kayong tatlo! Gumala kayo ng hindi kami kasama ah! 'Di ninyo man lang sinabi na manunuod kayo ng basketball game."

"Sa finals sumama kayo, biglaan din kasi yung panunuod namin ng NU vs. WU." Pagpapaliwanag ni DJ at natuwa naman si Jiroh sa ideya.

Habang naglalakad kami ay bigla naming nakasalubong si Zach. "Zach!" Pagtawag ko sa kanya, "Sama ka sa'min! Kakain kami."

"Cindy ikaw pala 'yan. Hindi na, gala ninyo yata 'yang magbabarkada."

I grabbed his wrist at pilit siyang pinapasama, alangan man siya pero ngumiti na lang ako sa kanya. "Sumama ka na! 'Diba okay lang naman na kasama si Zach, guys?" I asked a permission on them.

"Oo naman!" Umangkla si Jiroh sa balikar ni Zach na para silang close friend. "Huwag kang mahihiya sa'min pare!"

Sa huli ay napilit namin si Zach na sumama, kumain lang naman kami sa malapit na food park. Medyo mahal pero okay lang naman, minsan lang naman kami nakakagala ng kumpleto at kasama pa si Zach.

Nag-ambagan kaming lahat para sa pagkain. "Anong gusto ninyo?"

"Pizza!" Sabay-sabay naming sigaw.

"Gusto ko rin yung chocolate frappe nung sa stall na iyon, mukhang masarap." Sabi ko.

"Mukha lang Cindz. Sobrang tamis ng frappe diyan, nakakaumay." Sagot sa akin ni Lisa, ayoko pa naman ng sobrang tamis dahil parang gumuguhit sa lalamunan.

Sinabi namin kay DJ ang mga gusto namin dahil siya ang bahalang um-order.

"May naisip ka na bang gagawing performance for finals?" Pagtatanong ko kay Zach. Medyo kilala ko na rin 'to, I'm sure ngayon ay may ginagawa na ito.

"Gusto kong gumawa ng upbeat song, yung pop. Mas madali matandaan para sa mga tao if maganda ang beat. Pero hindi ko pa naman masyadong iniisip iyon dahil sinusulat ko pa lang ang lyrics ng akin," Pagpapaliwanag niya. "Ikaw ba? May naisip ka ng gagawin para sa finals?"

"W-wala pa, pero gusto ko yung aangat yung rank ko. Gusto ko na makilala ako na ako talaga, hindi dahil buhat ng kahit sinong sikat ang pangalan ko." I suddenly confessed.

Hindi rin naman kami pinpansin nila Lucas dahil busy sila sa pag-uusap nila Lisa. "That's a good motivation. Huwag ka lang magba-ballad ulit, ginawa mo na 'yon nung prelims at midterm. Risky na kapag umulit ka, kung wala kang maipapakitang bago... Malalaglag ka talaga sa ranking." Payo sa akin ni Zach at ngumiti ako sa kanya.

Dumating na yung in-order naming pagkain at salosalo naman namin itong kinain, nung una ay medyo nahihiya pa si Zach pero dahil sa galing makipag-socialize ng mga kaibigan ko ay nakikitawa at nagkukwento na rin siya sa amin.

Habang kumakain kami ay ipinalabas sa TV ang advertisement ni Henry. It was shoot in different countries, ang ganda rin ng quality.

Nanghihikayat lang si Henry na mag-enroll sa Music Academy pero ang galing niya sa harap ng kamera, siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ginusto kong pumasok sa Music Academy, ang galing niya kasing i-promote ang school na ito.

Bigla ko naman inilabas ang phone ko at ni-text si Henry.

Napanuod ko na :P
Wala ka pa ring kupas, ang galing mo pa rin. Ikaw talaga ang tunay na mukha ng school eh haha!

Hindi ko na hininta y ang reply niya. Kapansin-pansin naman namay 2 messages ako galing sa kapatid ko, hindi naman nagte-text sa akin ang mokong na iyon. Himala yata.

"Cindy, masamang nagse-cellphone habang kumakain." Sermon sa akin ni Lisa at dali-dali kong itinago ang phone ko.

Malakas kaming nagtatawanan habang kumakain dahil pinagkukwentuhan namin ang kung ano-anong bagay. Ang sarap din paminsan-minsan na kasama mo yung mga kaibigan mo, nakakatanggal ng stress kahit papaano.

Matapos kumain ay naghiwa-hiwalay na kami at tumungo na ako pabalik sa condo. Kailangan ko ng i-continue ang ginagawa kong kanta. Kailangan tapusin ko ng i-conceptualize lahat.

Pinihit ko ang pinto ng doorknob at napakunod ako ng noo nung bumukas ito. Hindi ko ba 'to na-i-lock kanina?

Ipinagsawalang-kibo ko na lamang at inilagay sa pamesa ang bag ko. Maya-maya pa ay namilog ang mata ko sa lalaking naggagala sa kwarto ko. "Anong ginagawa mo rito?!" I shouted.

"Ang daming kalat sa sala, puro balat ng tsitsirya sa kwarto. Kwarto ba talaga 'to ng babae, ate?" Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko ang mokong kong kapatid.

Napasampal na lamang ako ng noo nung maalala yung mga sinabi ni mama nung magka-video chat kami. Sabi niya ay baka magbakasyon dito sa Maynila ang kapatid ko pero hindi naman niya nasabi na ngayon na iyon. "Bakit hindi ka man lang nagtext--"

"Ate nag-text ako! Alam mo naman hindi ako nakikipag-text sa pangit pero napilitan akong gawin iyon." Asar! Ayan na nagsisimula na siyang mang-asar, lumalabas na ang ka-demonyo-han ng kapatid ko.

"Subukan mo lang i-send kanila mama kung gaano karumi ang kwarto ko, yari ka sa'kin!" Banta ko sa kanya.

"Ay! Huwag ko bang i-send ate, late mo naman sinabi." Itinaas niya ang phone at nakita kong ini-send ni mama ang mga pictures kanina pa! Argh! Bwisit ka talaga Caleb. "Alam mo ba ang reply ni mama? Kapag hindi mo raw nilinis 'to ay wala kang baon next time. Simulan mo ng maglinis my dear sister."

Umupo ng prente sa couch si Caleb at binuksan ang TV.

Bwisit argh! Bakit ngayon pa bumisita ang gunggong na 'to?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top