Chapter 51 "Basketball Game"
Pupunta ka ba mamaya? :(
Dela Torre texted me pagkagising ko pa lang ng umaga. Araw-araw siyang nagtatanong kung pupunta ba ako sa game niya mamaya pero ang lagi kong reply ay hindi ko alam kung makakapunta ako. Although, pupunta naman talaga ako ay gusto ko lang asarin si Dela Torre.
Nagtipa ako ng reply sa kanya.
Hindi pala ako pwede ngayon. Sorry, bawi ako sa next game mo
Iyan ang reply ko. I think it my hurt him, pero hindi siya masu-surprise kung sasabihin ko
Makalipas ang ilang minuto ay may tumawag sa akin and it was Lucas.
"Good morning Cindy. Sasama ka ba mamaya?" Pagtatanong niya sa akin. Kahit kailan talaga ay ang gentleman nitong si Lucas, hindi ko alam kung paano niya napagtiya-tiyagaan ang ugali ng kaibigan kong si DJ. They are totally different na may maraming similarities sa mga bagay-bagay.
"Oo tutuloy ako, saan ba tayo magkikita?" Pagtatanong ko habang bumabangon na sa kama, tumungo ako sa kusina at ininit ang tirang ulam kagabi.
"Sa araneta na mismo tayo magkita, kaya mo ba pumunta doon o daanan ka pa namin diyan?"
"Kaya kong pumunta, sige kita na lang tayo mamaya doon, ba-bye." In-end call ko na uto at nagsimulang kumain.
Habang kumakain ako ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nakapatong sa lamesa. Agad ko itong dinampot at binasa ang text.
Okay lang :( nag-expect lang ako na makakapunta ka.
Natawa ako bahagya bago sumubo ng kanin. "Humanda ka Dela Torre, mamaya ay makikita mo ako doon." Napapailing kong sabi sa aking sarili.
Saglit lamang akong kumain at agad-agad din akong naligo dahil ala-una ang call time namin nila DJ doon sa Araneta. Nakasuot ako ng white shirt na may quotation na printed sa gitna at pantalon ngunit may tastas sa bandang tuhod. Hinayaan ko rin na nakabagsak pang ang aking buhok, mamaya ko na lang ipupusod kapag nainitan na ako.
Sumakay na akong MRT papunta sa Araneta, hindi naman ito kalayuan sa may condo ko kaya nakarating ako doon ng 20 minutes.
Ilang minuto akong naghintay bago dumating si DJ at Lucas. "Ang astigin ng suot mo Cindy ah!" Sabi ni DJ at nakipag-apir ako sa kanya bago kami pumasok. Pagkapasok namin ay nakikita namin ang mga players na nagpa-practice at nakita ko naman si Dela Torre na nakaupo lang sa bench at panay tingin sa kanyang phone.
Nakasuot siya ng kulay itim na jersey na may number 20 sa likod. Hindi niya nakita ang pagpasok ko, good.
Maya-maya ay biglang nag-vibrate ang aking phone.
Good luck sa gagawin mo. :(
He texted at napatawa na lamang ako. "Ba't ang lakas ng tawa mo Cindy? Sino ba 'yang ka-text mo?" Curious na pagtatanong sa akin ni DJ.
"Wala, nag-joke lang yung kakilala ko, mabenta lang." Itinago ko na ang phone ko sa bulsa. "Sino kalaban nila?"
"N.U." Tipid na sagot ni DJ. "Himala yata ang dami ng tao, prelims pa lang naman." Sabi niya pa habang tinitignan mabuti ang loob ng Araneta..
"Nandito kasi si Kevin, paniguradong papanuorin nila iyon. Kevin's popularity was no joke." Pagpapaliwanag pa ni Lucas at napatango-tango na lamang ako. Sikat pala talaga ang mokong.
Pumito ang referee at hudyat na iyon na mag-i-start na ang game, lumapit ang mga players sa gitna ng court samantalang si Dela Torre ay nakaupo lang sa bangko at panay buntong hininga. "Teka! Ba't hindi maglalaro si Kevin?" I asked on DJ.
"Bangko muna yata siya, baka mamaya siya ipapasok. Pero usually naman ipinapasok si Kevin sa simula ng game, weird," Pagsasabi ni DJ ng kanyang iniisip. "Baka nag-iba ng taktika yung coach nila ngayon, last time kasi ay laglag sila sa semis eh."
Pinanuod ko ang laro and I never expect na magiging ganito ako ka-hype kahit hindi nakapasok si Kevin, i'm really cheering on their team. Natapos ang first quarter sa score na 32-25
Lamang ang NU. "Hindi pa ba nila ipapasok si Dela Torre?" I asked.
"Dela Torre?" Curious na pagtatanong ni Lucas.
"I mean Kevin... Nabasa ko sa likod ng jersery niya Dela Torre." Napatango-tango silang dalawa. Wala dapat makaalam na close ako kay Dela Torre dahil issue lang naman ito.
Patago kong kinuha ang phone ko sa bulsa at patagaong nag-text kay Dela Torre.
Hindi ka ba ipapasok? Sayang pala panunuod ko, matatalo na kayo oh. :D
Pinagmasdan ko siya and he immediately grabbed his phone. Sumilay ang ngiti sa labi ni Dela Torre nung makita niya ang text ko sa kanya. Umukot ang paningin niya sa paligid hanggang sa tumama ang mata niya sa akin.
I put my index finger sa aking ilong na parang sinasabi na huwag siyang maingay. Tumatalon na pumasok si Dela Torre sa court, ito ang unang beses na mapapanuod ko siya na maglaro ng basketball.
Nagsimula ang second quarter at na kay Dela Torre ang bola, dini-dribble niya ito habang tumatakbo sa kabilang side ng court. He stop nung may lalaking humarang sa kanya,number 11 ang nakalagay sa likod nito.
Dela Torre smirked, number 11 tried to get the ball pero nag-step back si Dela Torre upang hindi makuha ang bola... Umikot siya at mabilis na tumakbo tungo sa three points area, may mga nagtangka na i-block siya ngunit swabeng lumipad ang bola papunta sa ring. I shout happily as the ball falls down to the net.
Agad niyakap si Dela Torre ng mga ka-team niya at naging kaunti na lang ng mga kalaban. "Whoah! Nakita mo yung 3 point shot na 'yon! Ang astig!" DJ shouted at puring-puri niya si Dela Torre.
Lumingon si Dela Torre sa direksyon namin at ngumiti. Malakas lang akong sumisigaw to cheer him on... Pati na rin ang team niya. Hindi ko ini-expect na magiging ganito ako ka-hype kapag nanuod ako ng live game. It's much more cooler ke'sa kapag nanunuod ka lang sa TV.
Maririnig mo ang sigawan ng fans at maririnig mo talaga ang pagdausdos ng mga sapatos sa court.
Nasa kalaban ngayon ang bola at binabantayan ito ni Dela Torre, ang liksi ng katawan ni Dela Torre, mukhang worth it ang ginagawa naming pagja-jog namin t'wing umaga. Naka-focus lang si Dela Torre and he doesn't let his guard down.
Prelims pa lang ito pero mukhang totoo ang pinagmamayabang ni Dela Torre na magaling siya, hindi malayo na makarating sila hanggang finals kung ganitong performance ang ipapakita niya.
Ni-dribble nung kalaban na may jersey #05 ang bola. He stepped on perimeter and shoot.
Sablay.
Malakas kaming nagsigawan nung nakuha ulit ng ka-team ni Dela Torre ang bola at mabilis na ipinasa sa kanya, tumakbo si Dela Torre sa may three points area at inihagis ulit ito, swabeng pumasok sa ring! Napatayo na ako at napasigaw ng malakas nung magawa iyon ni Dela Torre.
Natapos ang laban na sa 67-85 na score, nanalo sila Dela Torre at may laro ulit sila next week, waiting lang muna sila sa kalaban nila.
Karamihan ng points ng West University ay si Dela Torre ang may gawa. Pagkalabas namin sa Araneta ay pinagkukwentuhan namin ang nangyaring game.
"Nakita ko ba yung mukha ng NU kay Kevin, just wow! Inis na inis sila haha!" DJ laughed 'coz he's a big fan of Dela Torre. "Pinakain sila ng alikabok ni Kevin samantalang nung first quarter anh yayabang ng mukha nila."
"Eh yung mga 3 points shot ni Henry nakita mo ba?" Masiglang pagtatanong ni Lucas na parang tuwang-tuwa siya sa topic.
"Yeah! Walang sablay! Soguradong aabot sila sa finals!" Napatingin sa akin sina DJ, "Saan ka ngayon niyan Cindy? Maglalaro kami ng bowling sa SM North ni Lucas, sama ka?"
"Pass ako." Sa totoo lang ay sinisimulan ko na ang pagsusulat ng lyrics for my finals performance. Gusto ko talaga itong paghandaan, gusto kong patunayan na hindi lang dahil bitbit-bitbit ni Frost ang pangalan ko, kaya kong umangat by my own.
"Uwi ka na niyan?" Pagtatanong nila sa akin at tumango ako. "Sige ingat ka sa pag-uwi, Cindy! Thanks for this day! Next time ulit!" They shouted habang naglalakad patungo sa mrt.
Binuksan ko ang phone ko at tinignan ko kung sino ang nag-text.
Sama ka sa'min? Celebrate kami! :D
Mabilis akong nag-reply sa kanya.
Wala naman akong gagawin diyan tsaka isa pa, moment ninyo yan ng mga ka-team mo.
Nag-grab na lang ako ng taxi ke'sa naman mag-commute pauwi. Ang init-init kasi this time.
Umuwi ako sa condo upang simulan ang pagsusulat ng lyrics. "Ano banh magandang isulat? Tagalog o English?"
Tina-tap ko ang lapis sa may study desk ko, instead of writing, nanuod na lang ako ng previous performances kung anong genre ang pinakapatok. Deep house? Pop trap? EDM? I don't know. Hindi ko alam ang patok ngayon.
Nagbuntong hininga ako at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig, maya-maya pa ay tumunog ang door bell ng condo. Sino naman ang mamemerwisyo ng ganitong oras? Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon.
I open the door at tumambad sa akin si Dela Torre, naka-plain gray shirt lang siya at suot niya pa rin ang jersey shprt niya. May dala-dala siya, "Ano? Hindi mo ba ako papapasukin Gonzales? Sayang naman 'tong birbit kong pizza and Ice cream.
I widened the entrance at tuloy-tuloy siyang pumasok. "Bakit ka nandito?" Kunot-noo kong pagtatanong sa kanya. "Dapat ay kasama ka ng ka-team mo, dapat i-celebrate mo ang first win ninyo."
"They can celebrate it on their own. Basta ako, dito ko ise-celebrate ang pagkapanalo ko," Sabi niya at inilapag sa lamesa ang dapa niyang pizza. "Ayaw mo ba? Sayang naman 'tong dalawang box ng pizza and isang gallon ng ice cream."
Bumuntong hininga ako, wala na akong magagawa dahil nandito na si Dela Torre eh. Pasaway talaga. "Wait ka lang, kuha lang akong kutsilyo sa kusina upang ayusin ang slice ng pizza."
"Pakipot ka pa talaga Gonzales. I love you too." Natatawa niyang sabi.
Napapailing naman ako. "Siraulo ka, gusto mo bang isaksak ko sa'yo 'tong kutsilyo. Kailan ba ako nag-I love you sa'yo?"
"Ayan, kakasabi mo lang! I love you too na nga kasi!" Sabi niya, itinapat ko sa kanya ang hawak kong kutsilyo. "Whoah! Chill ka lang, Gonzales, joke lang 'yon."
Umupo kaming dalawa sa sofa at nanuod ng palabas sa cinema one. "Ang galing mo kanina." Out of the blue kong sabi.
"Anong sabi mo Gonzales? 'Di ko narinig." Sabi niya habang ngumunguya ng pizza.
"Wala. Ang bingi mo."
"Hindi ako bingi, narinig ko naman. Gusto ko lang ulit marinig ng galing sa bibig mo," Tumawa ako at nag-make face ako sa kanya. Baliw na itong si Dela Torre. "Nakita mo ba yung mga mukha nung kalaban, ang aangas nung una pero nung pumasok ako, nagsiurong ang mga buntot."
"Alam mo, napakayabang mo Dela Torre. Napakaaa," He laughed at me. "Pero ang galing mo no'n ah! Puro 3 points shot ang pinakawalan mo."
"Ginawa ang pangalang Kevin Dela Torre para sa basketball, petiks lang 'yang 3 points shot na 'yan." Pagmamayabang niya ulit at inakto niya pa sa ere kung paano mag-shoot. Yabang.
"Yabang mo, kung nakakasali ang school namin sa mga ganyan. Paniguradong mananalo din kami." Ako naman ang nagyabang. Hindi kasi kami nagpa-participate sa mga ganitong event, most likely, puro mga musical contest ang sinasalihan namin... At parating may naiuuwing award ang school namin.
"Tumugtog na lang kayong taga-MA. Biceps ko pa lang aatras na kayo."
Kumain kaming dalawa at sunod-sunod na pagkuha ng pizza ang kanyang ginawa, mukhang gutom na gutom siya sa naging game nila. Hinayaan ko na lang dahil in the first place, siya ang bumili no'n.
Sumeryoso ang ekpresyon ng mukha niya at napakunot ako ng noo. "Cindy, thank you sa pagpunta ah. I was really surprised nung nakita kita. Panay ka kasi sabi na hindi ka sure na makakapunta."
"Kaya nga surprise eh! Ba't hindi ka naglaro nung first quarter?" I asked.
"Nakakatamad, naghihintay ako ng reply sa'yo. Pumasok lang ako nung nakita ko na nanunuod ka." Sira ulo talaga. Kung tutuusin ay kaya pang tambakan ng mas malaki ang kalaban kung pumasok agad si Dela Torre.
"Sige, may kikiam sa fridge. Lutuin ko lang." Tumayo ako at nagtungo sa kusina.
Ilang minuto kong niluluto ang kikiam and I didn't know why I'm talking to myself. "Hindi raw siya naglaro kasi wala pa 'ko. Patawa itong si Dela Torre." Paulit-ulit kong sabi.
Nung matapos kong lutuin ang kikiam ay agad ko itong hinain sa sala pero pagdating ko doon ay natutulog na sa couch si Dela Torre, totoong tulog siya dahil ang lakas pang maghilik ng mokong. Halatang pagod.
Sayang lang 'tong niluto ko, tinulugan lang niya.
Hinayaan ko na lang na dito matulog si Dela Torre dahil kahit ako ay sanay na akong parating nandito ang mokong na 'yan.
Kumuha ako ng kumot at kinumutan si Dela Torre. Habang inaayos ko ang kumot sa kanya ay bigpa siyang nag-sleep talk.
"Cindy... Akala ko hindi ka pupunta, Cindy." He mumbled in a soft tone.
"Siraulo." Nakangiti kong sabi at pumasok na ako sa kwarto ko upang matulog.
***---***---***
Walang magko-comment ng update na. ;)
It's my first time na magsulat ng isang basketball game lol.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top