Chapter 49 "The Forbidden Rule"
"Tired?" Pagtatanong sa akin ni Dela Torre habang ako ay naghahabol ng hininga. Nadagdagan ng ilang laps ang ginagawa naming jog ngayon dahil nga ang dami ko raw kinain kahapon.
Inis ko siyang tinitigan. "Bawal bang magpahinga?! Kahit saglit lang?" Sabi ko habang hinahabol ang aking hininga. Inabutan ako ni Dela Torre ng bottled water at mabilis ko itong kinuha. "Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo?!"
Paano ba naman kasi, naka-asul na cap tapos nakasuot pang nose mask. Mukha tuloy holdapper ang bwisit na lalaking ito. "After nung mga sinabi ko sa interview kahapon? Paniguradong may mga nakamasid diyan."
"Kapal mo, akala mo naman sikat ka." Umirap ako at sinimulan ko muling tumakbo.
Mabilis na humabol sa akin si Dela Torre. "Bakit? Gusto mo ikaw lang yung sikat? Haha ang lakas ko kayang basketball player."
"Malakas? Laglag nga kayo nung semi-finals eh." Labas sa tenga kong sagot.
Tumakbo pabaliktad si Dela Torre at nakaharap na siya sa akin ngayon. "Alam mo ba kung bakit hindi kami pumasok nung semis? Nagkaroon kasi ako ng injury at that time, hindi ako nakapaglaro."
Umirap muli ako, akala yata kakagat ako sa mga sinasabi niya. "Dela Torre, kanina pa tayo paikot-ikot dito... mag-iba naman tayo ng ruta, ang pangit dito."
"What? Ayaw mo na rito?"
"Basta mag-iba tayo." Ako ang nanguna sa pagja-jog. Medyo nasasanay na rin ang katawan ko sa ganitong klaseng workout tuwing umaga at sanay na rin ako na nambubulabog si Dela Torre sa condo tuwing umaga.
Nanguna ako sa pagtakbo, wala pang araw at patuloy kami sa pag-jog. Malayo-layo na ang narating namin. "Teka! Parang alam ko na kung saan tayo pupunta ah?" Mukhang nakaramdam na si Dela Torre.
Napangiti ako nung makita estatwa ni Jollibee. Oo, nag-jogging kami papunta rito sa jollibee. Jogging is life but food is lifer.
"Tinatamad na akong mag-jogging, kumain na lang tayo Dela Torre." Nakangiti kong sabi sa kanya at napailing-iling na lamang siya. Siyempre, nasa loob na kami ng jollibee at wala na siyang magagawa.
Kumain lang kami ni Dela Torre at bumalik na ako sa dorm upang pumasok at samantalang siya ay umuwi na, Hardcore training daw sila ngayon. Sa wakas ay hindi ako mapepeste ni Dela Torre sa mga susunod na araw.
***
Pumasok ako sa klase at wala pa ang teacher namin, karamihan sa kanila ay nagpa-practice para sa aloha. "Cindy nandiyan ka na pala, patulong naman! May hindi ako makuhang step." Paglapit sa akin ng kaklase kong si Jean.
Inilapag ko ang bag ko sa aking upuan at tinulungan sila. Mas naging close kami ng section namin, hindi na kami nagpapagalingan pagdating sa sayaw or kanta. Basta tulungan lang kami, and I like it that way.
Dumating ang teacher at nag-perform kami by 3. Gladly, walang nagkamali, may ilang napagalitan pero nagawa namin ng maayos at ang sunod naming ipe-perform ay Hukilaw.
"Kain tayo!" Pag-aaya sa akin ni DJ habang pinupunasan niya ang kanyang pawis sa noo.
"Tara."
Pumunta kami sa cafeteria at bumili lang ako ng isang mamon at chocolate drink. Busog pa kasi ako, ang dami namin kinain kanina ni Dela Torre.
"Uy opening na ng UAAP next week ah! Punta ka?" Narinig kong pagtatanong ni Lucas pagkalagay ko ng tray ng pagkain sa table.
UAAP? Edi kasali si Dela Torre doon? Kasali ang West University doon if I'm not mistaken.
"Susubukan ko ngang bumili ng ticket kasi nandoon si Kevin idol eh. Try ko pumunta kapag wala tayong masyadong gagawin." Sagot ni DJ.
"Sama ako," Biglang lumabas sa bibig ko kaya napatingin silang dalawa sa akin. Last sem kasi ay hindi ako sumasama kapag manunuod sila ng basketball or volleyball game kasi hindi naman ako masyadong fan. "I mean, para makapag-relax din ako tsaka bonding tayo."
"Oy walang trashtalk Cindy ah! Asahan ka namin next week. Tignan ko muna kung magkano yung ticket then pm ko kayo." Sabi ni Lucas at itinuloy na lamang namin ang pagkain.
Habang kumakain ay biglang nagdilim ang nakikita ko. May nagtakip ng kamay sa aking mata. Humawak ako rito, "Sino 'to?"
"Hulaan mo." Natatawang sagot nito pero boses pa lang niya ay kilala ko na, ang tagal din kaya naming magkasama last sem.
Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga bago sumagot. "Henry." I stated at narinig ko ang kanyang tawa.
"Ang bilis mo namang nahulaan, Cindy." Tinanggal niya ang kanyang kamay sa pagkakatakip at umupo sa tabi ko. Ngumiti siya kanila DJ at Lucas to say 'Hi'.
"Kailan ka pa dumating? Ang tagal mong nawala ah! Akala ko next week pa ang balik mo." Masaya kong sabi bago kumagat ng mamon. Kapansin-pansin ang malaking eyebags ni Henry.
"Napaaga, tinapos ko lahat ng gawain doon sa states alam mo naman... Naghahanda rin ako ng debut dito," Napaka-busy ni Henry pero siya lang angtao na nakita ko na masaya pa rin despite na sobrang busy niya. May because he really loves what he's doing. "Pumunta ako sa girls dorm kagabi, wala ka na pala doon."
Biglang tumayo sina DJ and they mouthed na mauuna na sila sa classroom at um-agree naman ako. Bumaling muli ang tingin ko kay Henry. "Hindi ko pala nasabi sa'yo, umalis na ako sa dorm, lumipat ako sa condo sa Quezon. Hindi nasabi sa'yo ni Frost?" Kunot noo kong tanong.
"Walang nasabi ang kapatid ko, byt it's okay dahil mukhang wala siyang balak ipaalam sa akin for some reason," Natatawang sabi ni Henry. For some reason? Ano namang rason 'yon? Baliw na Frost talaga 'yon. "Dating gawi?"
Ang tinutukoy ni Henry ay ang palagi naming pagkikita sa convenience store. "Pass muna, nag-heavy breakfast ako kanina. Busog pa ako, pero welcome back Henry!" Nakipag-apir ako sa kanya.
He is still the same, the boy next door type of guy. "Mauna na 'ko Henry, may klase pa ko." Pagpapaalam ko.
"Sige, text-text na lang. Ingat ka!" Dinampot ko ang aking bag at naglakad na paalis ng cafeteria. Ang panget naman ng pag-welcome ko kay Henry, ay 'di bale! Babawi na lang ako sa susunod dahil nakakatakot ma-late sa klase ni misis Marasigan.
Saglit akong dumaan ng CR para maghugas ng kamay. Habang nasa tapat ako ng sink ay biglang may lumabas sa isang cubicle-- si Betty. May hawak siyang balat ng tsitsirya at empty coke in a can.
She looks at me na parang nagulat pero agad tumaray ang kanyang ekspresyon at itinapon ang mga kalat niya sa basurahan. Katabi ko na ngayon siya sa sink. "Masaya ba, Cindy? Masaya ba na ikaw ngayon ang nasa itaas?"
Pinatay ko ang gripo at winisik ang aking mga daliri. "Ako ba ang sinisisi mo sa biglaang pagbagsak mo?" Pagsagot ko.
"Bakit? Eto yung ginusto mo 'diba? Ang makita ako na walang kaibigan, nag-iisa! Eto yung gusto mo! Yung nahihirapan ako!" Napaiyak si Betty habang isinisisi niya sa akin ang lahat sa akin.
I look at her straight forward. "Betty huwag mong isisi sa akin, iyan ang tinatawag na karma. Bumabalik sa'yo lahat ng pambu-bully na ginawa mo. Ginusto mong masira ang pangalan mo."
Naglakad na ako palabas at mas lalo lang ako nainis kay Betty, instead of saying sorry, mas mataas pa rin ang pride niya.
Pumunta ako sa klase ni misis Marasigan, kasabay ko siyang pumasok ng classroom. Ngumiti sa akin si misis Marasigan but her serious face back pagkapasok namin sa classroom. I don't see her as a terror teacher anymore, gusto lang ni misis Marasigan na mag-improve kaming lahat, I learn a lot from her.
Umupo ako sa puwesto ko and may dalang isang musical instrument si misis Marasigan-- isang saxophone. Madalas ko lang nakikita itong ginagamit sa mga banda pero ni-minsan ay hindi ko pa nasubukan na gamitin ito. Although, mukha siyang madali kasi tatakpan mo lang yung ilang holes to create different sounds.
Bago magsimula magsalita si misis Marasigan ay pumasok sa room si Betty, namamaga ang kanyang mata at mukhang galing sa pag-iyak. Somehow, naaawa ako sa sitwasyon niya ngayon.
"Alam ninyo ba kung ano ito?" Misis Marasigan asked.
"Saxophone." Sabay-sabay naming sagot, may ilang masaya dahil sanay silang gumamit no'n... Puwera sa akin na gitara lang ang alam kong instrument na tugtugan.
"Usually, people just call this as saxophone pero maraming uri ng saxophone," napatango-tango ako kasi hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon. "Sopranino saxophone, soprano saxophone, alto saxophone..."
Binanggit ni misis Marasigan ang lahat ng uri ng saxophone habang isinusulat ito sa board. Panay lecture lang ako and sobrang willing ako na matutunan kung paano tumugtog no'n.
"Ginagamit ang instrumentong ito usually sa mga jazz music."
Nagpatuloy si misis Marasigan sa kanyang discussion. Tinuruan niya kami kung paano mag-play ng saxophone ng maayos, kung ano-ano ang mga parts na tawag doon at maging ang tawag sa mga keys.
After class ay mabilis kong niligpit ang aking gamit. "Nakakatamad talaga ang klase ni misis Marasigan." Sabi ni DJ habang nag-uunat, napailing na lamang ako. Natulog lang siya sa buong two hours na klase.
"Ang galing kaya niya magturo, hindi ka lang interesado sa topic," Sabi ko sa kanya. "Uuwi ka na?"
"Oo. 'Diba nga titingin pa ako ng ticket price para sa opening. Sige na, mauna na kami ni Lucas." Pagpapaalam ni DJ, pero bago siya makaalis ay may kaklase kaming sumigaw na nakatingin sa bintana, specifically, may sinisilip siyang naglalakad sa school ground.
"Guys tignan ninyo! 'Diba si Leah 'yon!" Napakuno ang aking noo pero yung mga kaklase ko ay nagtakbuhan para sumilip. Leah, who? Hindi ko siya kilala.
Sumilip ako at may kasamang dalawang faculty teacher yung babae. "Ha! Ang kapal pa ng mukha niya na magpakita rito, I'm pretty sure maki-kick out na 'yan."
Anong mayroon? Bakit parang lahat sila ay interesado doon kay Leah. "Anong mayroon sa kanya? Bakit parang lahat sila ay ayaw diyan kay Leah." Pagtatanong ko kay DJ.
"Busy ka kasi eh, may pumutok kasing issue last week. May boyfriend daw si Leah na taga-La Salle." DJ said. "Maraming pictures ang kumalat sa social media na kasama niya ang boyfriend niya, siyang-siya talaga ang nasa picture."
So that's the reason, sumuway siya sa forbidden rule.
"Sge don't deserves to be here. Kailangan maalis 'yan sa school natin. Nakakahiya sa school natin." Somebody speak and everyone's agree."
Nakatahimik lang ako habang pinagmamasdan yung Leah, nakayuko siya habang naglalakad at hinaharangan ng buhok niya ang kanyang mukha.
Ganoon na ba kamali ang magmahal kapag estudyante ka ng Music Academy? If you break it, everyone will treat you as a trash. "Huwag kang maawa sa kanya Cindy, last semester ay tatlong estudyante rin ang natanggal dahil sa pagsuway." Sabi sa akin ni DJ.
Sinabayan ko si DJ sa paglalakad pababa ng Music department. "Anong parusa kapag ni-break mo yung rule?" Out of the blue kong tanong.
"Syempre iimbistigahan ng Music Academy ang tungkol diyan. Kapag napatunayan na may karelasyon ka nga, tatanggalin ka sa school. Kapag naman rumors lang ang ikalat, you wil be suspended hanggang sa mamatay ang issue," Pagpapaliwanag ni DJ at napatango-tango na lang ako "Nasa handbook 'yan ah? Hindi mo ba binasa? Alam mo Cindy, kung alam mo naman sa sarili mo na wala kang ginagawang labag sa rule... Wala kang dapat ipag-alala."
Tama nga naman.
Hinatid ko si DJ hanggang gate habang ako ay hindi pa ako uuwi, may bibisitahin pa ako. Pumunta ako sa rooftip ng dance department. As usual, nandoon si Zach, natutulog.
"Hoy Zach ang antukin mo talaga." Dumilat si Zach at ngumiti sa akin.
"Ikaw pala 'yan Cindy. Akala ko ay makakalimutan mo na ko kasi tapos na ang research natin e." Sabi niya habang inaantok pa ang kanyang boses.
"Bakit naman kita makakalimutan, ang sarap mo kayang kakwentuhan." Umupo ako sa tabi niya.
Nag-usap lang kami ni Zach at humingi na rin ng payo sa kung paano sumayaw ng mas maayos. Si Zach kasi ang isa sa pinakamagaling na dancer sa batch namin. "Pwede kitang tulungan kung nahihirapan ka. Isang text mo lang." He assured kaya napatawa ako.
Ilang oras din kaming nagkwentuhan ni Zach bago ko napagdesisyunan na umuwi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top