Chapter 46 "Admiring him"
Naalimpungatan ako ngayong umaga na may malakas na nagdo-doorbell sa pinto ng kwarto ko. Hindi lang isang doorbell! Tinatatadtad ang doorbell ng pinto. Napatingin ako sa orasan, alas-kwatro pa lang ng umaga! Gosh! Sinong matinong tao na babangon na ganito kaaga?
Padabog akong tumayo sa kama at nag-martsa papunta sa pinto. Padabog ko itong binuksan. "Sino ka ba?! Ang aga-aga mong nambubulabog!"
Kilala ninyo kung sino yung nambubulabog ngayong umaga? Si Dela Torre! Ang bwisit na si Dela Torre! "Wow, ang cute ng pantulog mo Gonzales."
Nawala ang antok ko dahil pakiramdam ko ay minamanyak ako ni Dela Torre. I'm wearing a barbie shirt and barbie pajamas, gulo-gulo din ang buhok ko dahil fresh from the bed pa ako. "Anong ginagawa mo rito Dela Torre?! Ang aga-aga mong nambubulabog! Hindi pa sumisikat ang araw!"
"Ang gandang bungad naman niyan Gonzales, wala ka bang balak papasukin ako? May dala akong breakfast." Itinaas niya ang isang bag ng mcdo.
Bumuntong hininga ako at binuksan ng malaki ang pinto at dire-diretsong pumasok si Dela Torre na para bang kwarto niya ang kanyang pinasukan. Inilapag niya ang mcdo sa pamesa at prenteng umupo sa side ng kama ko. "Ang aga-aga mong nambubwisit Dela Torre," Sabi ko sa medyo inaantok pang boses. Binuksan ko ang paper bag na kanyang dala. "Ano 'tong in-order mo?"
"Hot cake and chocolate drink. After you eat magja-jogging tayo." Sabi niya at parang nawalan ako ng pakialam kay Dela Torre dahil mas-focus ako sa bitbit niyang pagkain.
Kung paano niya nalaman na lumipat ako? Hindi ko alam. Kung paano niya nalaman kung saan ako lumipat? Hindi ko rin alam. Sumpa ko na yata itong si Dela Torre dahil sa biglaan niyang pag-exist sa buhay ko.
Sa Quezon memorial circle kami nag-jog ni Della Torre dahil iyon na ang mas malapit sa place ko. "Mabuti naman at naisipan mong umalis sa Music Academy? Mas marami na akong time para bwisitin ka." He smirked.
Umirap ako sa ere pero patuloy pa rin kami sa pagtakbo. "Kung alam ko lang na matutunton mo ako, edi sana hindi na ako umalis sa Music Academy."
"If I know, nagtatago ka lang kasi hindi mo kayang bayaran ang phone mong nasira."
"Hoy ang kapal mo Dela Torre, kapag nakaipon ako ay isasampal ko sa mukha mo yung pera para mawala ka na sa landas ko." Sabi ko, nag-isang ikot pa kami. Medyo masasanay na rin ako mag-jogging ng ganitong umaga. The good thing is walang masyadong tao so tahimik kong nalalasap ang ambiance.
"Imposible yata 'yan Gonzales. Once na nag-cross ang tadhana mo sa isang Dela Torre, imposible ng mawala ako sa landas mo," Kumindat si Dela Torre at umarte ako na parang nasusuka. Pero mabait naman si Dela Torre kahit malakas mang-asar. "Bukas ulit."
"Pass muna! May binabantayan pa ako sa school at hanggang ngayon ay wala pa rin akong natutunan sa kanya." Hinihingal kong sabi at umupo sa isang bench, inabot sa akin ni Dela Torre ang isang tumbler at uminom ako.
***
Pagdating ko sa school ay dumiretso ako kay Zach. I decided na huwag munang pumasok sa klase dahil gusto kong matapos ang research namin, lord! Sana naman ay may magawa na kaming dalawa.
Tinext ko muna siya bago ko nalaman kung nasaan siya. Nasa likod siya ng Music Department at nakatulala sa isang puno. "Anong ginagawa mo?" Pagtatanong ko agad sa kanya pagkadating ko pa lamang.
Ngumiti sa akin si Zach at itinuro ang isang mataas na sanga. "Tignan mo, may kuting doon." Parang batang inosente na pagtatanong sa akin.
Nabigla ako nung biglang hinubad ni Zach ang suot niyang sapatos maging ang medyas nito. "Uy anong gagawin mo?" Pagtatanong ko.
"Ibababa ko siya, hindi siya makababa." Seryosong sabi ni Zach at kumapit sa isang sanga ng puno. Hindi ko minsan maintindihan ang tumatakbo sa isipan ng lalaking ito.
"Uy, mag-iingat ka. Baka mahulog ka diyan." Sabi ko at pinanuod ko siyang umakyat, nakatingin ako sa kutin na nasa taas ng sanga na kanina pa 'meow' ng 'meow'.
Umakyat si Zach sa puno, habangbpataas ng pataas ay medyo nakaramdam ako ng tuwa dahil maaabot na ang pusa. "Ayan na Zach! Malapit na!" Pumapalakpak kong sigaw.
Naabot niya ang pusa at nakangiting tumingin sa akin. "Oy bumaba ka na diyan baka--"
Bago ko pa matapos ang aking sinasabi ay biglang nabali yung sanga na inaapakan ni Zach at namilog ang mata ko, hindi agad ako naka-react. Ang lakas ng pagkakabagsak ni Zach. Una ang kanyang likod dahil pinrotektahan niya yung kuting niyang yakap.
Dali-dali akong tumakbo sa kanyang direksyon. "Uy Zach! Okay ka lang ba? Kaya mo bang tumayo?" Pagtatanong ko habang tinutulungan siyang pagpagan ang kanyang likod.
"Ayos lang ako," Nilaro niya ang kuting na kanyang hawak bago niya ito pinakawalan. Mabagal ang naging pagtayo ni Zach at nag-aalala ako sa kanya. "Stop looking at me, okay lang talaga ako."
Nakahinga ako ng maluwag nung nakatayo siya ng maayos pero nung inihakbang niya ang kanyang paa ay napakagat siya sa ibabang labi niya. "Huy Zach, okay ka lang ba talaga? Mukhang hindi maganda ang bagsak mo ah?"
"I'm fine, medyo nag-adjust lang ang paningin ko. Let's go, simulan na natin ang research. Sabi niya. To be honest, nakaka-admire ang ginawa niya.
Pinagpatuloy lang namin dalawa ang research and the good thing, ang dami naming nagawa dalawa.
Natapos ang ginagawa naming research at lumapit ako sa kanya. "Ang galing-galing mo kanina. Anong ipapangalan mo sa kuting na niligtas mo?" Curious kong tanong.
"Secret." Nakangiti niya namang sagot. Tumayo si Zach at napakagat siya sa ibabang labi niya at parang nahihirapan siyang ihakbang ito.
"Bakit, Zach? May masakit ba sa'yo?" Pagtatanong ko sa kanya.
He smiled at me, "Wala, medyo sumakit lang yung paa ko."
Naglalakad kami at kinukwento ko sa kanya ang tungkol sa mga kaibigan ko, ganoon lang ako, pala-kwento kapag komportable na ako sa aking kausap.
Maya-maya pa ay na-out of balance si Zach at mabuti ay napasandal siya sa pader. "Huy Zach! Okay ka lang ba talaga?"
"Yeah. I'm good." Sabi niya pero butil-butil na ang pawis sa kanyang noo. Doon na ako kinutuban na hindi siya okay.
Umupo muna kami sa isang step ng hagdan at pinagpahinga ko si Zach. "Patingin ng paa mo."
"I'm good Cindy, hatid mo na lang ako sa kwarto ko para makatulog na ako." Ayan na naman yung pagiging antukin niya.
Nagbitaw ako ng buntong hininga. Marahas long iniangat ang paanan ng kanyang pantalon at tinanggal ang kanyang sapatos. Doon na napadaing sa sakit itong si Zach, hindi nga siya okay.
Sobrang maga ng paa niya at kulay violet na ito. Halatang kanina pa ang kirot nito at tinitiis niya na lang. "Sabi ko naman sa'yo Cindy, okay lang ako. It's just a small inju--"
"Small ba 'yan Zach?! Paano kung mas malala pa ang nangyari sa'yo? Saan mo nakuha iyan?" He didn't answer pero mukhang nagka-ideya na ako. "Dahil ba 'yan sa pagbagsak mo sa puno kanina?"
Itinaas ko rin ang laylayan ng polo niya at may malaking pasa siya sa kanyang likod. Hindi ako makapaniwala na in-endure niya ang sakit na iyon.
"Sabi ko nga okay lang ako eh." Tinapik ni Zach ang aking kamay at pinilit makatayo pero hindi na nakikisama ang kanyang paa. Todo-todo na ang kirot nito.
"Dadalhin kita sa Clinic." Pumosisyon ako sa harap niya upang makasakay siya sa likod ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Pumasan ka sa likod ko. Dadalahin kita sa clinic Zach. Go!" Sabi ko at hinintay ko siyang makasakay.
Dito sa pagkakataong ito, nabago ang masasama kong impression sa kanya. Talagang hindi niya ininda ang sakit para lang makapag-perform at hindi siya nagreklamo kahit sobrang sakit ng kanyang paa. Wala rin siyang pinagsabihan para walang mag-alala sa kanya.
"No Cindy, hindi mo ako mapapasakay sa likod mo." Sabi niya sa akin at hindi pa rin umaalis sa pagkakaupo sa step ng hagdan.
"Zach bilisan mo. If you want to perform for the next days, kailangan magamot 'yang paa mo. Mas malala ang mangyayari diyan kapag hindi mo siya pinatignan. Baka mamaya hindi siya minor injuries, pagsisihan mo pa." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Inabot ng ilang minuto bago ko naramdaman ang bigat ni Zach na pumasan sa likod ko. Dahil nga lalaki siya, ang bigat niya talaga. Nangibginig ang tuhod ko kada hakbang dahil sa bigat pero sa tuwing naiisip ko yung kundisyon ni Zach... Nagkakaroon ako ng lakas ng loob.
"Hindi ka ba nahihiya Cindy? Pinagtitinginan tayo." Sabi niya sa aking tenga dahil nga nasa likod ko siya. "Pasiksik ako sa leeg mo ah? Nahihiya talaga ako. Gosh, isa pa talagang babae ang nagbuhat sa akin."
Isiniksik ni Zach ang mukha niya sa leeg ko para hindi siya makilala at bahagya naman akong natawa.
Dinala ko siya sa clinic at binigyan siya ng gamot and inabisuhan siya na huwag niya munang igagalaw ang kanyang kaliwang paa ng ilang araw para sa fast recovery nito. Hindi na nakatanggi si Zach dahil nandoon na siya.
Inabutan siya ng saklay ng nurse. "Samahan pa ba kita sa dorm mo?" Pagtatanong ko sa kanya.
"No need, ginawa mo naman akong bata." Natatawa niyang sabi. "Pero thank you Cindy, sa lahat ng nakasama ko sa research, ikaw ang pinakamabait at kakaiba."
"Kakaiba? Kasi may pagkabaliw ganoon?"
"No, kakaiba ka kasi ikaw lang ang bukod tanging nakapansin na may masakit akong nararamdaman sa likod ng mga ngiti ko. And thank you, for the first time mula ng makapasok ako sa Music Academy ay may nagpakita ng concern sa akin." He smiled, a warm smile na sivuradong tutunaw sa puso ng karamihan.
Ngumiti ako sa kanya at nag-thumbs up. Tumakbo na ako paalis.
***---***---***
Walang magko-comment ng update na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top