Chapter 45 "Moving out"

...This is my fight song
Take back my life song
Prove I'm alright song
My power's turned on
Starting right now I'll be strong (I'll be strong)
I'll play my fight song
And I don't really care if nobody else believes
'Cause I've still got a lot of fight left in me

Know I've still got a lot of fight left in me 🎶🎵

Ngumiti ako matapos kong kantahin ang huling bahagi ng kanta. Pinagpraktisan ko 'to tapaga kahapon at sa tulong na rin ni Frost. May mga part na tinulungan niya akong babaan at may mga kulot siyang tinuro sa akin kaya nga siguro naging successful itong ginawa kong performance.

"Good job, Gonzales." Pagpuri sa akin ni misis Marasigan at mas lalo akong napangiti dahil sa kanyang sinabi. "Next."

Bumalik ako sa pwesto ko at inilagay ang gitara ko sa guitar case, "Nice job! Nag-i-improve ka na talaga!" Nakipag-apir sa akin si D.J.

Alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ako magaling, hindi pa ako pumapantay sa level nila. Kumbaga, nasa average pa lang ang talent ko pero ang sarap sa pakiramdam na naririnig ko sa maraming tao na nag-i-improve na ako. I came here without knowledge in everything at nandito na ako ngayon.

Ang daming nangyari kahapon, umagang-umaga akong pineste ni Dela Torre, ganoon din kaninang umaga para lang samahan siya mag-jogging. Gustong-gusyo niya talaga na siya ang sisira ng umaga ko. Kahapon ay tinuruan ako ni Frost tumugtog at mga singing techniques, magaling magturo si Frost... Bugnutin nga lang.

Natapos ang klase and may kailangan lang kaming i-research sa dance class namin about sa foreign dance. "Foreign dance? Parang mahirap iyon ah." Wala sa sarili kong bigkas habang nililigpit ang gamit ko.

"Not really, paulit-ulit lang ang step no'n. May step pattern at madali mo lang siyang makakabisado," Sagot ni D.J na nasa aking tabi, bakit ba ang dami nilang alam sa mga ganitong bagay? "Pupunta sila Lisa sa condo ko, sama ka?"

"Pass muna, alam mo na... May kailangan akong i-reseach." Pagsasalita ko at nilagay ang bag ko sa aking likod. Nasabi ko na kasi kanila D.J ang tungkol sa research ko kasama si Zach.

"Ang hassle naman ng schedule mo ngayon, sunod ka na lang kapag makakahabol ka pa, okay?" Sabi ni at naglakad na kami palabas ng room. "Paano Cindy, text-text na lang?"

Tumango ako at pumunta ako sa classroom ni Zach. "Anong ginagawa mo rito miss Gonzales?" Tanong sa akin ni ma'am Leah.

"Pwede po bang hintayin ko si Zach? May research po kami.?" Magalang kong tanong at hinanap ng mata ko si Zach. Pumayag si ma'am Leah at umupo ako sa may likod.

Napangiti naman ako sa expression ni Zach sa buong discussion ni ma'am Leah dahil sobrang seryoso niya. Mas cute siya kapag nagse-seryoso although nakakaasar ang pang-iiwan niya sa akin kahapon.

Isinukbit niya ang kanyang bag sa kanyang balikat. "Tara kain tayo." Pag-aaya niya sa akin, dahil nga si Zach ang research buddy ko, sumunod ako. Wala akong choice, kailangan ko itong gawin for a month.

Kung pwede nga lang magpatulong kay Henry ay ginawa ko kaso sabi ni Misis Marasigan ay bawal daw kaming magpatulong sa mga seniors, kailangan daw namin matutunan ang mga bagay-bagay ng kami-kami lang. Speaking of Henry, wala siya ngayon dahil nasa ibang bansa para mag-promote ng school namin lalo na't malapit na naman ang enroll-an. He was so busy at hindi ko alam kung kailan ang balik niya.

Pumunta kami sa Mcdo at inilibre niya ako. Kumain kaming dalawa. Tumingin si Zach sa orasan niya. "Cindy, alis na ako!" Isinukbit niya muli ang kanyang bag at tumakbo paalis.

"Wait lang! Wala pa tayong nasisimulan for resea-- Zach!" Hindi na niya ako narinig dahil tuluyan na siyang nakaalis. Ano bang problema ng lalaki na ito?

Hindi ko na napigilan pa. Sinamahan ko siyang kumain pero wala man lang kaming pagkakataon na maituloy ang research na ginagawa namin.

Bumalik na ako sa dorm at binuksan ko ang laptop ko para mag-search nga about sa foreign dance bilang assignment sa dance class namin. Just search it meaning at nanuod lang ng ilang videos about doon. Tama nga si D.J, madali lang siya dahil ulit-ulit lang ang step.

Bumukas ang pinto at saktong kararating lang ni Yngrid. "Gising ka pa?" She asked

"Oo, may ginagawa lang ako. Ikaw, ginabi ka yata." Biglang pumasok sa isip ko yung tungkol sa paglipat ko sa King's tower, next week na iyon. Hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin iyon  kay Yngrid.

"May kinausap kasi ako, may sasabihin kasi ako sa'yo Cindy." Ipinatong niya sa lamesa ang kanyang mga bitbit.

"Ako man, may balak sana akong sabihin sa'yo." Pag-amin ko, ang weird dahil bigla kaming nagkaroon ni Yngrid na seryosong usapan.

"You go first."

"No, ikaw muna."

"Okay..." Bumuntong hininga si Yngrid na para bang pinaghandaan ang kanyang sunod na sasabihin. "Balak ko kasing mag-move out dito sa dorm."

Nabigla ako sa sinabi ni Yngrid at napatigil ako sa pag-scroll sa facebook ko. "Talaga?! I will say the exact same thing! Balak ko rin umalis ng dorm." Isinara ang laptop.

"Really!? Gosh! Nahirapan pa ako sa pag-iisip kung paano ko sasabihin sa iyo, loser ka talaga!" We hugged each other, akala ko talaga ay magiging isang malaking problema ang tungkol dito or baka pagtalunan lanh namin ni Yngrid... Mabuti na lang at hindi ganoon ang nangyari.

"Kailan alis mo?"

"Sa friday, sa bahay na lang daw ako sabi nina Daddy at huwag na raw akong mag-dorm" Pagkukwento sa akin ni Yngrid. "Ikaw, kailan ang alis mo rito sa dorm?"

"Sa linggo, magpapatulong ako kay Frost sa paghahakot ng gamit ko." Sabi ko sa kanya.

Nahirapan pa ako sa sasabihin ko kay Yngrid eh parehas naman pala kaming aalis ng dorm. Maraming memories itong kwartong ito, dito ako tinuturuan ni Yngrid sa kung paano kumanta at dito ko rin siya tinuturuan sa studies niya. Maliit na kwarto pero malaking friendship ang nagawa sa aming dalawa.

"You're so close with him. Baka naman..." Binigyan ako ni Yngrid ng makahulugang titig.

"Ha? Kaibigan ko lang si Frost, ano ka ba!" Mahina kong hinampas ang kanyang braso na siyang ikinatawa ni Yngrid.

"Kaibigan lang ba talaga? Ikaw loser ah! If you love this school then you must obey the forbidden rule." Pabiro man iyon sinabi ni Yngrid perp natamaan din ako. Hindi naman ako lumalabag 'diba? Wala akong balak na magpatanggal sa Music Academy dahil lang sa hindi pagsunod.

***

Dumating ang araw ng lunggo at kinukuha ko na ang mga gamit ko rito sa dorm, nung friday night pa nakaalis si Yngrid, nakaka-miss nga lang siya dahil wala akong kasabay kumain ng dinner kahapon.

"Do you need to bring all of this stuff?" Bagot na sabi ni Frost habang bitbit ang isang malaking kahon na kung saan nandoon ang mga ilan sa gamit ko.

"Lahat. Kailangan kong dalahin lahat." Sabi ko habang nagtitiklop ng damit upang ilagay sa bagahe. Napangiti ako habang pinagmamasdan itong apat na sulok ng room namin na ngayon ay halos maubos na ang laman. Punong-puno ito ng alaala ni Yngrid.

"This is so heavy." Reklamo niya ngunit ibinababa niya rin naman upang isakay sa ranger niyang kotse.

Family car pala nila iyon, dahil okay na sila ng papa niya ay nagagamit niya na ulit yung gamit nila. Kaso nga lang, he still working and leaving independently. Magandang bagay naman iyon at wala akong tutol tungkol doon.

"Ang reklamador mo naman."

"It's really heavy," Buglang iniabot sa akin ni Frost yung kahon at sa akin pinabuhat. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil totoo nga, mabigat talaga siya. "See? Ikaw magdala niyan hanggang sa kotse."

"Bwisit ka Frost, masama pa rin talaga ang budhi mo!" Malakas kong sigaw na ikinatawa niya na lamang.

Okay lang naman kahit bumalik dito si Frost, alam naman nilang lahat na kaibigan ko siya and we use to perform together ng ilang beses. No more issues sa pagitan naming dalawa.

While I'm looking at Frost feeling ko ang laki ng pinagbago niya. He talks to me a lot and parang ang saya ng mood niya ngayon. Malamig pa rin naman siya tumitig, pero sanay na ako. "Kailan daw uwi ng kapatid mo?"

"Why you suddenly asked?"

"Wala lang. Tagal na rin namin hindi nakakapag-bonding." Sabi ko habang nakasakay kami sa ranger niyang kotse at ihahatid na niya ako papunta sa king's tower na kung saan ako titira ngayon.

"Hindi na babalik. Doon na siya sa states titira." Labas sa tengang sagot ni Frost habang pokus na pokus sa pagda-drive.

"Para kang tanga, patu kapatud mo itinatakwil mo. Kailan nga?" Bigla-bigla na lang kasing sasagot ng sarcastic itong si Frost.

"Next week na balik niya." Tipid niyang sagot. Na-excite naman ako dahil ang tagal din naming hindi nakakapagkwentuhan ni Henry. Na-miss ko yung pagkikita lagi sa convenience store.

Habang papunta kami sa king's tower ay bigpang tumugtog sa radyo ang tadhana. Nagkatinginan kaming dalawa ni Frost at natawa.

"I will sing my part and you will sing yours." Naalala ko tuloy na etong kanta na ito ang dahilan kung bakit ang close namin ngayong dalawa ni Frost. Dahil sa pair activity na iyon ay na-pair ako sa kanya.

After ng kanta ay biglang tumingin sa akin si Frost. "Tayo kaya, itinadhana sa isa't-isa?"

Natawa ako sa kanyang sinabi. "Baliw ka! Doon ka sa harap tumingin nagmamaneho ka pa naman, baka mamaya maaksidente tayo." Sabi ko na lang.

Nakarating kami sa King's tower at tinulungan na rin ako ni Frost sa pag-aayos ng aking gamit. "Salamat ah! Alam kong rest day mo ngayon pero tinulungan mo pa rin ako."

"No problem," Yumuko siya. "Ngayong wala ka na sa loob ng M.A, can I visit you here?" Nabigla ako sa bigpaang pagtatanong niya.

"Oo naman, kahit mag-movie marathon pa tayo. Kaso 'wag ka lang mag-i-sleep over dito baka ma-issue ako haha!" Frost smiled.

Nakangiti siyang lumabas ng kwarto ko ngayon habang ako ay iiling-iling na inayos ang aking gamit. "Nabaliw na si Frost." Nawika ko na lang at natawa.

Biglang may nag-vibrate sa bulsa ko. Galing kay Dela Torre yung message.

Alam ko kung saan ka lumipat. Jogging tomorrow morning, don't forget ;)

Shit! Paano nalaman ni Dela Torre ang tungkol dito?! Ini-i-stalk ba ako nung lalaki na iyon?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top