Chapter 44 "Much complicated"

"Isang balik pa!" Malakas na sigaw sa akin nitong si Dela Torre. Nandito kami sa Manila bay at kasama ko siyang nagja-jogging sa umaga... Or I must say na pinilit niya akong samahan siya.

Alas singko ng umaga ay nasa gate na daw siya ng school namin at tinadtad ako ng text. Kung hindi ko raw siya sisiputin ay ipagkakalat niya na girlfriend niya ako... How nice 'diba? Balak pa yatang ipatanggal ako sa Music Academy.

"Magpahinga muna tayo Dela Torre!" Malakas kong sigaw at umupo sa sahig. Grabe! Umagang-umaga ay sobrang naaasar ako, ang lakas mambwisit nitong si Dela Torre.

"Ganyan ba kayong taga-M.A? Ang bilis ninyong mapagod." Natatawa niyang sabi habang nagja-jog sa tapat ko at hindi umaalis sa kanyang puwesto. See? Nang-aasar pa!

Tumingala ako at masama siyang tinitigan. "Ganyan ba kayong taga-W.U? Puro sports ang nasa utak at naalog na ang mga utak ninyo." Inis kong sabi at tumayo. Pinagpagan ko ang aking puwetan.

"Haha! Isang ikot na lang Gonzales and tapos na tayo ngayong araw." Sabi niya sa akin, saglit kong ini-stretch ang aking paa af tumakbo. Iniwan ko si Dela Torre pero mabilis niya akong nahabol.

"You should be thankful na hindi kita pini-pressure na bayaran ang nasira mong phone. Pasalamat ka rin dahil isang Kevin Dela Torre ang kasabay mong mag-jogging ngayon." Sabi niya habang sumasabay sa akin sa pagtakbo.

"Thank you. Ang kapal mo, sobra!" Natawa na naman siyang muli sa aking sinabi. Akala niya ba nagjo-joke ako? Totoo iyon! Ang pangit ng Dela Torre na ito.

"Hindi ka nagagwapuhan sa akin? Imposible naman 'yan, Gonzales." Umirap ako sa kanya.

Matapos ang jogging na parang impyerno ay hinatid ako ni Dela Torre hanggang sa gate ng school, hindi na siya lumabas ng kotse dahil may mangilan-ngilan ng estudyanteng pumapasok. "Good bye babe. Ingat ka sa klase mo." He said.

"Mabangga ka sana, huwag ka na sanang sikatan ng araw." Padabog kong isinara ang pinto ng kitse at nag-martsa pabalik ng dorm upang magbihis.

"Saan ka galing?" Pagtatanong sa akin ni Yngrid pagpasok ko pa lang ng kwarto namin.

"Nag-jogging?"

"Nag-jogging? Saan? Sino kasama mo?" She asked at naglalagay na ng medyas sa kanyang paa at mukhang papasoj na siya sa kanyang klase. Samantalang ako, eto, ngayon pa lang maliligo. Bwisit na Dela Torre 'yan.

"Sa Manila Bay--" Balak ko sanang sabihin na kasama ko si Dela Torre, pero huwag na lang. Baka makapag-create pa ako ng issue. "Ako lang mag-isa."

"Bakit hindi na lang diyan sa quadrangle? Maluwag naman diyan, loser ka talaga."

"W-wala, para bagong environment naman. Sige maliligo na ako, maaga klase ko." Tumakbo ako papasok ng banyo. Bwisit ka Dela Torre, bwisit ka!

Normal naman ang naging takbo ng klase ko ngayong araw pero nakaka-pressure dahil sa lunes na ang performance namin for misis Marasigan samantalang biyernes na, may na-practice na ako

Ngayon na magsisimula ang research ko. "Hello," Isang lalaki ang umupo sa tabi ko habang nagbabasa. "My name is Zach, ako ang magiging kasama mo sa mga research." Paliwanag niya. Hindi ko kilala ang Zach na ito, wala rin siya sa ranking pero masasabi kong may hitsura siya.

"I'm Cindy naman," Nakipag-shake hands ako sa kanya.

Mabait si Zach kaso ay medyo may pagka-shy type. Nagsasalita lang siya kapag may hindi siya naiintindihan at ipinapaliwanag ko ito sa kanya.

Ang una naming aaralin...

"Song genre's"

"Ano ba ang mga alam mong uri ng genres?" Tanong ko kay Zach.

"Ballad, Rock, EDM, yung mga usual lang." Paliwanag niya at kinagat niya ang dulo ng kanyang lapis. Yung mga usual lang ang alam niya, no wonder kung bakit kasama ko siya sa research na ito. Ako kasi, kaya ako bumagsak dahil malayo ang tema namin sa last Finals performance pero maalam naman ako.

"2017 na kasi Zack, may nag-e-exist na sa pagkakataong ito na Trap pop, deep house etc. Maybe kailangan mo rin aralin 'yon, and kailangan ko rin aralin. Text-text na lang." Paliwanag ko.

"Marami ka pa lang alam, bakit ka pa nag-ri-research," Tumingin siya sa akin, kumunot ang noo niya at bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha kaya medyo napaatras ako. "Ahhh! Ikaw yung ka-partner nung sikat na si Frost Cervantes, ngayon ay alam ko na kung bakit ka nandito dahil sa tema ninyo nung nakaraang finals... maganda ang performance ninyo." Puri niya.

Naituro na sa amin ito pero siguro dahil sa palpak na tema namin nung nakaraan ni Frost ay pinapaulit sa amin. Nag-jots down notes ako at mamaya ko na lang ililipat sa laptop ang lahat ng mababasa ko.

"Let's call it a day. Bukas naman, Bye Cindy!" Tumakbo na siya paalis ng library. Siya ba talaga ang makakasama ko dito sa research? Feeling ko ang tamad niya.

Tumayo na ako at bumalik ng dorm, sobrang nakakapagod ang araw na ito, sabado naman bukas makakapagpahinga ak-- argh! Hindi rin pala ako makakapagpahinga dahil magpa-practice ako para sa performance sa klase ni miss Marasigan. Sucks.

***

Araw ng sabado at naisipan kong bisitahin si Frost sa cafe Adjura. "Ang tagal mong hindi nabisita." Sabi ni Frost at iniabot sa akin ang menu.

"Busy sa school," Ngumiti ako sa kanya at nakipag-apir. "Eh ikaw kamusta ka naman dito?"

"A lot of girls comes here everyday. Nakakapagod, they just go here para tumambay at hindi para um-order." Natawa naman ako sa sinabi ni Frost. Pakiramdam ko ay kaya sila pumupunta rito ng dahil lang kay Frost. Well known talaga si Frost kahit wala na siya sa M.A dahil sikat ang mga magulang niya. At isa pa, related siya kay Henry 'coz they are half brothers.

Pilitin man mamuhay ni Frost ay hindi niya magagawa, maraming sikat na tao ang nakadikit sa kanya.

"Chocolate mint tapos fries," Pagsabi ko ng aking order. "Frost patulong naman oh."

"What is it Betty?"

Napasimalmal ako at bagot siyang tinitigan. "Kilala mo naman talaga ako pero parati mong sinasabi na Betty para asarin ako. Tadyakan kita eh."

Bahagya siyang natawa. "I didn't know you by your name. Anong klaseng tulong ba?"

"May performance kami sa lunes, kailangan ko ng tulong mo. I need to to it with guitar kaso medyo hirap ako sa chords."

Pumunta muna si Frost doon sa barista para ibigay ang order ko bago bumalik sa akin. "Ano bang kakantahin mo?"

"Fight song."

Nung sinabi ko yung tutle ay medyo napakunit ng noo si Frost. "Are you serious?"

"Yes, gusto ko rin naman i-challenge ang sarili ko paminsan-minsan. Tsaka hindi naman siguro ako magkakamali sa activity na iyon." Sabi ko sa kanya.

"Okay, wala akong pasok bukas. Punta ka sa dorm, turuan kita." He said at napasuntok ako sa hangin sa tuwa. Mabuti naman at willing pa rin si Frost na gumawa ng mga bagay na connected sa Music.

Dumating na yung order ko at mabuti ay wala masyadong tao ngayon dito kaya may time si Frost para makipagkwentuhan sa akin. "Nga pala, binigyan ako ng gawain ni misis Marasigan kasi lagapak ang grades ko."

Ganito lang kaming dalawa ni Frost, sa kanya lang ako komportable na magkwento. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko dahil lagi siyang nakikinig sa kwento ko although madalas nakatahimik lang siya.

"It's not really lagapak, we just don't follow the guidelines last performance kaya bagsak." Sabi niya sa akin at napahigop ako sa chocolate mint. The best talaga ang chocolate mint.

"Ganun din 'yon. Pinag-research niya ako ng mahigit sampung topics and it really sucks. Kasama ko pa yung si Zach, feeling ko tamad din."

"Lalaki?" Napakunot ang noo ko sa biglaan niyang pagtatanong no'n.

"Oo, why?"

"Wala, parang gusto ko tuloy bumalik sa Music Academy dahil diyan ah." Sabi niya sa akin at napangisi ako, ewan ko, parang tanga 'tong si Frost.

"Para kang ewan. I-pursue mo yung pagiging architect mo, mas gusto mo iyon." Naiiling kong sabi sabay subo ng isang pirasong fries.

"Ayaw mo ba talagang bumalik ako? Isang sabi mo lang, babalik talaga ako."

"Nasisiraan ka na, kung dati gusto kong bumalik ka sa M.A, ngayon hindi na. I-pursue mo ang bagay na gusto mong gawin, ayokong magtiis ka sa M.A pero iba naman ang gusto mong gawin." I want Frost to chase his own dream as well as mine. Different path pero sana ay parehas kaming makatapos.

Nagtagal ako sa cafe dahil sa dami naming napagkwentuhan, ako lang pala ang nagkukwento dahil sobeang tipid magsalita ni Frost.

"Alis na ako, see you next time!" I wave my hand at naglakad ako palabas, Frost just smiled at me as a good bye.

Dumaan muna ako sa Robinson Manila upang may bilhin sa National Bookstore, hindi pa kasi ako nakakabili ng note book at bibili na rin ako ng sketch pad. Nasabi ko ma rin naman na hilig ko rin ang pagdo-drawing and it's my stress reliever.

Habang nasa book store ay tumingin-tingin ma rin ako sa mga libro, dumampot ako ng isang lubro sa fiction section at binasa ang synopsis nito. Maya-maya pa ay may biglang dumikit sa akin.

"So miss Gonzales, nandito ka rin pala!" Napairap ako sa ere nung marinig ko ang boses ni Dela Torre, I'm pretty sure na mambubwisit lang iyan. "May panbili ka ng libro pero pambayad sa nasira mo eh wala. Tsk. Tsk. Tsk."

"Binabasa ko lang yung synopsis, wala akong balak bilhin 'yan." Inilagay ko sa dibdib niya ang libro. "Oh ayan, saksak mo sa baga mo."

"Whoah! Sungit mo naman, it's our second time na mag-meet tayo accidentally. Hindi kaya destiny tayong dalawa?" Humabol sa paglalakad ko si Dela Torre. He just love teasing me, wait! Teasing isn't the right term so let me rephrase it. He just love PISSING me.

"Kumain ka na ba? Tara, libre kita." Dela Torre asked.

"No thanks, may gagawin pa ako. So pwede bang bumalik na lang muna ako sa dorm, Dela Torre?" Sabi ko at binayaran sa cashier ang pinamili ko.

"Hatid na kita."

"Ayoko."

"Ayaw mo? Tatawag ako ng tanod just to inform na may nasira kang cellphone. Ipapakita ko ang agreement nating dalawa na totoo ang sinasa--"

Napapadyak ako ng paa dahil sa inis dahil alam na alam ni Dela Torre kung paano mang-asar. "Okay fine! Pero siguraduhin mo lang na sa dorm mo ako dadalhin Dela Torre."

"Yes, I promise!"

Nasa kotse na niya kami, hindi ito ang first time na makasakay dito dahil eto ang ginamit niya sa pagsundo sa akin kaninang umaga. "Sumama ka ulit sa akin bukas ng umaga. Jogging."

"May gagawin ako--"

"I will take that as a yes. Kahit naman umayaw ka ay hihintayin pa rin kita sa gate ng school ninyo, wala ka pa ring kawala." He smirked, ano bang problema ng Dela Torre na ito? Ang lakas manggago.

Pagdating pa lang sa Music Academy ay mabilis kong binuksan ang pinto ng kitse at lumabas. Hindi ko na nilingon si Dela Torre, lelang niya.

Habang naglalakad ako pauwi ay tumawag sa akin si mama. "Oh 'ma, napatawag ka yata?"

"Anak, aalis na si Tito Benjo mo at pupuntang states para doon magtrabaho." Pagsisimula magkwento ni mama.

"Ha? Si tito Benjo? 'Di naman kami close no'n."

"Ang ibig kong sabihin anak, pumayag ang tito Benjo mo na i-occupy mo yung unit na tinitirahan niya malapit sa school ninyo. Lumipat ka na lang doon anak, nagmahal din kasi ang dorm rent diyan sa M.A" napabuntong hininga ako.

"Let me think about it 'ma. Madami din kasi akong dapat isaalang-alan bago lumipat." Sabi ko, ang biglaan naman kasi ng pangyayari. Bigla na lang akong inaya na lumipat sa condo ni tito Benjo.

"Anak, mas maganda doon dahil mas maluwag at isipin mo na lang yung gastos."

Okay lang naman sa akin na lumipat pero iniisip ko si Yngrid. Gosh! Bakit ba biglang naging komplikado ng lahat ng bagay?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top