Chapter 43 "Dealing with Problems"

"Sorry kuya, sorry!" Halos ilang minuto rin akong nagso-sorry sa lalaki kong natunggo dahil sa pagkasira ng phone niya. Nawaglit na sa isip ko ang tungkol sa room inspection.

"Miss, mababayaran ba nung sorry mo 'yon?" Sabay turo sa phone niya na sira-sira at basag-basag na. Alam ninyo ang plot twist? iPhone 7 pala ang phone niya. Gosh! Kahit ako ay nanghihinayang.

"Sorry kuya, I have to go na..."

"Ganoon na lang 'yon? You should pay for the damage. Hindi pwedeng tumakas ka." He said habang minamasahe ang sentido ng kanyang ulo. Halata ang pagkabwisit sa kanyang mukha.

Gaya nga ng sabi ko kanina suot niya ang PE Uniform ng kanilang school at may knee pads siyang suot. Mukha siyang athlete... Sa palagay ko. Naka-brush up ang kanyang buhok at sobrang mestizo niya, batak din ang muscle niya at hindi O.A.

"Babalikan kita mamaya kuya, kailangan ko lang talagang humabol sa inspection sa school." Sa t'wing papasok sa isip ko yung community service ay kinakabahan ako. Mas lalo akong kakabahan mamaya kay Yngrid dahil paniguradong uusok sa galit iyon.

"Hey miss, I'm trying to fix everything in a nice way. Show some good manners, huwag yung wala kang pakialam sa nangyari. If I can't fixed this, pupunta tayong baranggay." Namilog ang aking mata sa winika niya. Shit! Bakit kailangan umabot sa ganoon?

"No, ayusin na lang natin." Baka makarating sa school at magkaroon pa ako ng bad record sa student profile ko.

Bumuntong hininga ako, ihahanda ko na lang ang tenga ko mamaya sa sermon ni Yngrid. Umupo kami sa malapit na waiting shed. Naglabas siya ng papel at may sinulat. "Anong ginagawa mo?" Kunot noo kong tanong.

"An agreement, I just need your signature dito na sinasabing babayaran mo ang iPhone 7 ko na nasira mo." Idiniin niya talaga sa salitang 'iPhone 7' upang sabihin na hindi lang basta-basta ang nasira ko.

"Bakit may ganyan?"

"Inaayos ko nga ang mga bagay-bagay sa maayos na paraan. Anong pangalan mo? Number mo?"

Padabog kong kinuha yung papel at pumirma doon at isinulat ko na rin ang number ko sa itaas. "Happy now?" Isinukbit ko ang bag ko sa aking likod kasama ang guitar case. "Mauuna na ko ah? Kailangan kong humabol sa room inspection."

Hindi ko na hinintay ang naging tugon niya at tumakbo na ako paalis. Grabe! Anong oras na? Ayoko talaga ng community service. Huhu.

***

"Good job girls!" Para kaming sundalo ni Yngrid na nakatayo sa harap ng mga room inspectors. Lumabas sila at nakahinga kami ng maluwag ni Yngrid.

"Akala ko hindi ka sisipot! Loser ka talaga!" Sabi ni Yngrid at ibinagsak ang katawan niya sa kama. "Nakakapagod maglinis. Saan ka galing?"

"Sa may cafe," Hinilot ko ang aking paa dahil sa sakit, nagmadali kasi ako. "May nakabunggo nga akong lalaki and it cause a lot of head aches." I speak at iniisip ko yung mga nangyari kanina.

"Anong nangyari?"

"Nakasira ako ng phone kanina. iPhone 7." Napabalikwas ng tayo si Ymgrid at namilog ang kanyang mata. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. "Magkano ba iyon?"

"38,000 pesos lang naman loser. Kalahati ng tuition natin," Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagulat sa presyo. Seryoso?! Napakamahal! "So, anong balak mo?"

"May agreement kami na babayaran ko siya! Gosh! Saan ako hahanap ng ganoong kalaking halaga? Papagalitan din ako ni mama't papa kapag nalaman 'to." Sabi ko sa kanya, nagtaas ng balikat si Yngrid na parang nais ipahiwatig na hindi niya alam ang dapat kong gawin.

Lumipas ang mga araw at hindi naman nagpaparamdam yung lalaking nabunggo ko, sana lang ay nakalimutan na niya... No Cindy! Sinong makakalimot sa ganoong kalaking kasalanan?

"Ang clumsy mo kasi Cindy." Binatukan ko ang aking sarili at kahit ilang araw na ang lumilipas ay hindi pa rin nawawala sa isip ko iyon.

Umupo ako sa puwesto ko, buti na lang at normal class kami ngayon at walang mga musical term na dapat intindihin. "Cindy, pumunta ka raw sa faculty ni misis Marasigan mamaya after class." Wika ng kaklase kong si Jane.

Hala?! Bakit ako pinapatawag nung terror teacher namin? One more thing, siya nga pala ang class adviser namin. May ginawa ba akong mali? May violation ba ako? Gosh! Bakit ang pangit ng first week of class ko?

Idinukdok ko ang aking mukha sa desk, isa pang pinoproblema ko ay ang gagawing performance sa klase ni misis Marasigan sa monday, wala pa akong song choice.

"Aga-aga mo namang busangot diyan?" Pagtatanong ni D.J, kahit naman nakadukdok ako ay kilala ko sa boses ang kaibigan ko.

"D.J, may 30,000 ka ba diyan?" Wala sa huwisyo kong naitanong.

"30,000?! Wala akong ganoong kalaki na halaga. Start pa lang ng klase at wala pa akong ipon." Sabi niya sa akin. Nakakaasar naman kasi talaga. "Bakit? May bibilhin ka?"

"Wala, never mind." Sabi ko at patuloy pa rin akong nakadukdok.

"Tignan mo si Betty ngayon," Pabulong na sabi sa akin ni D.J at inangat ko ang aking ulo. Hinanap ko si Betty at nakaupo siya sa pinaka sulok ng classroom, walang kumakausap. Parang biglang naalis ang 'queenbee' title na nakapatong sa kanyang ulo. "Natikman na niya ang kanyang karma."

"She deserves it anyway." Wika ko, aminado naman ako, hindi pa rin naaalis ang inis ko kay Betty. Mabait akong tao pero hindi ako mabilis makalimot.

Dumating na ang teacher namin kaya nilabas ko ang aking notebook. The discussion went well at siyempre, sobrang active ko na naman dahil normal class ito.

Nung matapos ang klase ay mabilis kong niligpit ang gamit ko para siputin si misis Marasigan. "Cindy, sama ka sa amin? Magbi-videoke kami ni Lucas kasama si Jiroh." Masiglang sabi sa akin ni D.J habang naglalagay ng pulbos sa kanyang mukha.

"Pass muna, pinapatawag ako sa faculty ni misis Marasigan."

"Bakit daw?" Nagkibit balikay ako dahil kahit ako ay wala akong ideya. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong naging violation. Baka sa pagiging late ko nung inspection? O kaya naman baka isinumbong ako nung lalaki na nakabunggo ko last time?! Huwag naman sana! "Oh sige mauna na ako, kapag makakahabol ka, sunod ka sa amin ah?"

Nag-okay sign ako bago at lumabas ng room. Naglalakad ako sa pasilyo at lumalakas ang kabog ng dibdib ko dahil si misis Marasigan ang makakaharap ko, sobrang terror pa naman no'n.

Kumatok ako ng tatlong beses bago sumagot si ma'am sa loob. She allowed me to go inside, at para akong pilay dahil sa liit ng mga hakbang ko. "Miss Gonzales, wala na bang ibabagal 'yan?"

"P-po? Eto na po." Mabilis akong naglakad at umupo sa kanyang harap. "B-bakit ninyo po ako pinapatawag?"

"Nakita ko ang grades mo last semester miss Gonzales." So it all about my grades... Grades na palakol. Bagsak ako sa midterm performance dahil hindi nga kami sumunod ni Frost sa theme ng exam. "Your grades and talent doesn't meet your rank."

"Sorry po ma'am, aayusin ko na lang po this time." Pinadikit ko hintuturo ko dahil sa kaba ay nahihiya rin ako. Totoo naman kasi, ang taas ng rank ko... Kamusta naman ang talent?

"I want to help you miss Gonzales as well as other students. Gusto ko sanang mag-research ka tungkol dito," Naglista si misis Marasigan ng mga kailangan kong i-research and trust me, ang dami nila! "May makakasama ka sa research at ang gusto ko, aralin mo lahat ng nakalista dito... maliwanag ba?"

Napabuntong hininga na lamang ako at wala na akong magagawa sa mga extra works na ibinigay ni misis Marasigan, nagbigay din siya ng deadline kaya kapag free time ko ay kailangan kong pumunta sa library para mag-research.

Pagkatapos akong kausapin ni misis Marasigan ay napabuntong hininga ako. Binigyan pa tuloy ako ng trabaho dahil sa baba ng grade ko.

Nag-vibrate ang cellphone ko from unknown number. Napakunot ang noo ko, sino 'to?

Nasa labas ako ng school niyo.

Huh? Sino 'to? Wrong send ba siya?

Mabilis akong nag-reply.

Who U?

Wala pang ilang segundo ay nag-reply na siya.

Sisiputin mo ako o magsasama ako ng tanod? Yung nasira mong phone ko.

"Oh my gosh! Paano niyang nalaman na dito ako nag-aaral?" Napatampal ako ng aking noo. "Malamang, Cindy, nakita niya siguro ang uniform mo last time." Sinong hindi makakakilala sa uniform namin? Isang prestigious musical school ang Music Academy.

Mahigpit kong hinawakan ang bag ko at tumakbo papunta sa gate. Jusko! Bakit ba ang daming nangyayari sa araw na ito?! Bakit sa isang iglap ay nagulo ang nasa ayos kong buhay?

Isang malaking kumpulan ng mga tao ang nakita ko sa tapat gate ng school. Luh? Anong nangyayari?

Hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy akong naglakad upang kakitain ang kolokoy na lalaking iyon. "Hoy miss!" Patuloy lang akong naglalakad "Hoy miss sandali lang!"

Napalingon na ako sa likod at nakasunod sa akin ang isang pamilyar na mukha. Siya yung nakabangga ko at nasiraan ko ng iPhone. Nakasuot siya ng kulay itim na jersey at may headband din siyang pang-athlete sa ulo na para bang galing siya sa training.

Ang daming nakatingin sa kanya. Sikat ba siya? Of course hindi siya sikat! Kung sikat siya, dapat ay kilala ko siya. "Ano bang kailangan mo?"

"Alam mo miss, sa lahat ng nakasira, ikaw lang itong galit." Medyo natatawa niyang tugon sa akin. "I'm here to ask kung anong balak mo sa nasira mo, but before that, maghanap tayo ng pribadong lugar kung saan tayo magkakausap ng maayos."

"Ha? Bakit naman?"

"Ang daming tao, pinagkakaguluhan ako. May alam ka bang restaurant malapit dito?" Whoah! Ang hangin!

"Mayroon." Sakyan mo na lang, Cindy. In the first place ay ikaw din naman ang mali. Ikaw ang nakasira, so go, sasakyan ko na lamang 'to.

Pumasok kami sa isang restaurant at totoo ngang sikat siya, maraming napapalingon sa kanya. It was a fine dining restaurant.

"So first of all, you should introduce yourself. Miss?" Bungad niya sa akin pagpasok palang, before ko siya sagutin ay nagsuot muna ako ng nose mask, mahirap na... Baka ma-issue pa ako.

Masama ko siyang tinignan at kinuha ang menu. "Cindy."

"What? Hindi kita narinig, ang hina ng boses mo," Natatawa na naman niyang sabi. "Come on miss, huwag kang umakto na parang kinaladkad kita papunta rito dahil in the first place, ikaw ang may kasalanan sa akin. You should thank me for not bursting out and I just keep my cool."

May point siya, pero bakit ba ako naiinis? Ah! Sabay-sabay kasi 'tong problema samantalang unang linggo pa lang. "Cindy, Cindy Gonzales."

"Ang common naman ng name mo. By the way, I am Kevin dela Torre." Bakit ba lagi siyang nakangiti? Nakakairita!

Instead na mag-practice ako for nexy week presentation ay nandito ako, nakikipag-usap sa kanya.

"Common lang din ang pangalan mo. Apelyido mo lang ang nagpamukha sa'yong mayaman." Sagot ko sa kanya at tumawa siya ng malakas, weird. Nilait ko na nga, masaya pa.

"So, kailan mo nga mababayaran yung cellphone ko," itinaas niya ang phone niyang nokia ngayon na de-keypad. "Tignan mo oh, naka-nokia tuloy ako."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Wala pa akong pera, kaka-start pa lang ng klase at wala pa akong pera. Kakabili ko pa lang ng gitara this week."

"So anong balak mo? Sa akin hindi masyadong big deal yung phone pero sana mabayaran mo." Sabi niya, he was talking to me in nice way.

Biglang may nag-serve ng mga pagkain sa harap namin. "Um-order ako, gutom ako dahil galing akong training. Don't worry, my treat."

Hindi ako sumagot at hindi ko iyon ginalaw. Manigas siya, "Pwede bang umalis na ako? Kailangan ko pang mag-practice."

"Sure, pero bukas sasamahan mo akong mag-jogging sa umaga tutal sabado naman. Hangga't hindi mo alam kung paano mo ako mababayaran, patuloy kitang pepestehin." He smiled at kumain siya.

"What?!"

Gosh! Ano bang nangyayari? May malaki ba akong kasalanan lord at ganito kalaki ang kamalasan na nangyayari sa akin? Huhu.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top