Chapter 42 "New Guitar"
First meeting namin ngayon sa mga subjects and supposedly ay briefing lang about sa subject namin at rules and regulation dito sa classroom pero no chill itong si misis Marasigan! She start the discussion agad-agad.
"Give me an musical terms na tanging mga musician lang ang unang makakaintindi." Misis Marasigan start roll calling. Mula sa first row papunta sa last, ang nakakaasar, sa dulo kami nila D.J nakaupo kasi plano naming magdaldalan.
Na-shock kaming lahat at mas lalo akong kinabahan dahil baka maubusan ako! Kahit pa maraming musical term 'yan ay hindi ko naman tanda lahat.
Nagbibigay ang mga kaklase ko and they all defining it's meaning habang ako ay napapa-tap sa lamesa dahil sa kabang mabanggit ang nasa isip ko--
"Appologiatura." Shocks! Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Nabanggit na ng kaklase ko yung musical term na pinakanatandaan ko. "It means a composition that you regret playing."
"Apatella."
"Fiddler crabs."
Malapit na akong matawag at ybtu-unti ng natatabunan ng pressure ang utak ko, it was hard! Malas talaga kapag sa dulo ka umuupo, nauubusan ka ng mga examples.
Tumapat ja sa akin ang daliri ni misus Marasigan and she's waiting for my answer. Isip Cindy! Isip!
"Frugalhorn." Nagbitaw ako ng buntong hininga dahil buti na lang may natandaan ako, napakalampag ang iba sa desk nila dahil iyon yata ang nasa isip nila. "A sensible and inexpensive brass instrument."
Napaupo ako. Safe. Nabanggit ko ba sa inyo na terror itong su miss Marasigan? Lahat ng hindi nakasagot ay pinalabas niya ng classroom at isa na si D.J sa napalabas dahil naubusan siya ng musical term. "I am misis Linda Marasigan and I will be your music 102 teacher."
So basically, siya ang magtuturo sa amin ng paggamit ng mga instruments. Mukhang mapapakinig ako ng wala sa oras ah. "Siguro naman ay may natutunan kayo sa music 101 ninyo last semester right?"
Nakatahimik lang kaming lahat at walang nagtangkang sumagot. Nakakatakot kaya kapag terror teacher ang nasa harap, magigibg speechless ka ng wala sa oras. "May natutunan ba kayo? I'm asking you!"
"Yes ma'am!" Daig pa namin ang isang kumpol ng sundalo sa lakas ng naging sagot namin.
"Good, next meeting ay kailangan ninyong mag-perform ng isang kanta using your musical instruments," Sabi ni Misis Marasigan. "Maraming estudyante rito ang nakapasok sa ranking so nag-e-expect ako sa inyo."
Naglakad na paalis si Misis Marasigan at doon lang kami nakahinga ng maluwag. The terror was gone pero napaungol pa rin kami dahil first week pa lang pero we need to perform one song in her class. Lumabas ako sa classroom at iniabot kay D.J ang bag niya, 'diba nga kasama siya sa napalabas.
"Bwisit na teacher 'yan," padabog na isinukbit yung bag niya sa kanyang balikat. "Malay ko ba sa mga musical term na 'yan basta nakakatugtog ako yun na 'yon!"
Napatawa ako sa kanyang sinabi pati na rin si Lucas. Hindi namin kaklase sina Lisa at Jiroh dahil nasa ibang section sila so kaming tatlo lang. "Hihiramin mo baulit yung gutara ko Cindz?" Pagtatanong ni Lucas.
"Thanks pero binigyan ako ni papa ng pera last time para may pambili ako." Sabi ko sa kanya.
"That's cool! Samahan ka namin! May alam kaming bilihan na mura lang pero maganda ang tunog." Tumango ako sa sinabi nilang dalawa. Mukhang mapapaaga ang pagbili ko, ang plano ko sana ay sa saturday pa kaso ay nagbigay na ng gawain si misis Marasigan so... Kailangan ko ng bumili.
Umusad ang oras at nakilala namin ang magiging dance teacher namin na si sir Aris na dating gold medalist pagdating sa pagsasayaw. Si miss Jessica naman ang vocal trainer namin, siya ang nasa likod na pinakamagagaling na singers sa bansa... Siya ang nag-train sa kanila.
Unlike kay miss Marasigan ay pinirmahan lang ni sir Aris at Miss Jessica ang COR namin at pinalabas. Next meeting na lang daw mag-i-start ang klase namin.
Nagpunta kami sa shop na sinasabi nina D.J na kung saan makakabili ng magagandang klase ng gitara. "Etong Gibson ang bilhin mo Cindy! It has a nice sound! Medyo mabigat siya pero iyon yung dahilan kung bakit maganda ang pitch and sound niya." Pagturo ni D.J sa isang gitara na para bang ini-endorse niya iyon.
"Gibson? Eeew! Mas maganda ang Fender, Cindy. Mapa-stratocaster or telecaster. Trust me this time, Cindy." Banat ni Lucas at itinuro ang ibang brand ng gitara.
"Fender? Mas madalas gamitin 'yan as electric guitar. Gibson, Cindy!" Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang brand na gitara na tinutukoy nila.
Bakit ang dami nilang alam sa brand ng gitara? I mean... Sa paningin ko ay gitara silang lahat! Kahit walang brand name ay gitara sila para sa akin! Mukhang kailangan kong mag-research ng mga sikat na brands pagdating sa instruments. Mas maganda na yung may alam.
Jusko! Paano pa kaya kung kasama si Jiroh at Lisa dito? Baka kung ano-ano ng brand names ang narinig ko!
In the end ay mas pinili ko ang acoustic guitar at Gibson ang brand nito. Isinaalang-alang ko rin kasi ang presyo, yung pasok sa bulsa pero maganda na ang tunog. Ngiting tagumpay si D.J nung mas pinili ko ang Gibson while napapangiti na lang si Lucas.
Hindi naman kasi nakikipagkumpetensya si Lucas, si D.J lang ang hayok na manalo kahit wala namang dapat pag-awayan.
***
Kinabukasan ay pumunta ako sa cafe adjura para magpatulong kay Frost sa pagtugtog, para na rin ipakita itong gitara na bagong bili ko. Pagdating ko doon ay medyo crowded ang cafe dahil back to school na, marami na naman estudyante ang tumatambay.
Mas marami unlike before. Nagsisuguran yata sila dito nung malaman na dito nagtatrabaho si Frost Cervanted na dating estudyante ng Music Academy. Nung napatingin ako kay Frost ay nakita ko ang pagkabugnot sa kanyang mukha dahil ang daming nagkukumpulan sa kanya. As usual, he hates attention.
I wave my hand to him and umupo ako sa isang bakanteng spot. Hindi ko na siya kinausap dahipa ng daming nakikigulo, at isa pa, paniguradong kilala nila ako dahil ako ang parating ka-partner ni Frost sa mga performance.
Isang staff ang lumapit sa akin, si George. Co-worker siya ni Frost dito at kilala niya na rin ako dahil madalas akong nandito. "Cindy! Last week lang nandito ka ta's nandito ka ulit."
"Papatulong sana ako kay Frost eh."
"Magpapatulong? Mukhang busy si Frost," tumingin kami parehas sa dureksyon ni Frost na halos hindi makagalaw sa dami ng nagjakagulo sa kanya. "Dumagsa 'yan this week, nalaman nilang nagtatrabaho dito si Frost. Ano order mo?"
"Chocol--"
"Hulaan ko! Chocolate mint at isang nachos right?" Ngumiti ako kay George nung mahulaan niya ang o-order-in ko. "Coming up!" He said at naglakad na paalis.
Ilang minuto ang lumipas at nag-text sa akin si Frost.
I'm sorry kung hindi ako yung nag-aasikaso sa'yo. Stupid and unknown girls pissed me off.
Natawa ako sa kanyang sinabi at saktong dumating ang order. Humigop ako ng chocolate mint at ramdam ko agad ang pagkamatamis nito at pagigimalamog sa bandang dulo, in short, masarap at swak na swak sa panlasa ko.
Maraming estudyante na ang naglabasan dahil bandang alas-sais na. Naiwan na lang yung ibang mga tao na may ginagawa sa kanilang laptip o kaya naman nagbabasa ng libro.
Nabigla ako nung umupo si Frost sa katapat kong chair at pinaypay sa kanyang mukha ang kanyang sumbrero. "Uy bakit ka nagpapahinga? Duty mo pa!"
"Break." Bagot niya sabi. "Buti naman napadaan ka dito? Na-miss mo 'ko?"
"Baliw! Ipapakita ko kasi sa'yo 'to, anong sa tingin mo?" Inilabas ko ang gitara sa guitar case. "Bagong bili ko siya, what do you think?"
"Gibson? Nice taste but I prefer Yamaha," In-strum niya ang kanyang daliri sa string. "Nice sound. Bagong bili?" Hindi ko alam kung pinupuri niya ako or what, hindi kasi nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Yes, sa'yo ako magpapaturo ah? We need to perform one song next week." Sabi ko sa kanya at isinubo ang huling piraso ng nachos.
"Performance? I miss that kind of thing."
"Bumalik ka na kasi! Pwede pa naman!" I try to convince him but I know that he will answer no. Nagbabaka-sakali lang.
"I miss it but I'm so tired on it." Napatawa naman ako sa kanyang sinabi.
Bigoang nag-vibrate ang phone kong nakapatong sa lamesa, tumatawag si Yngrid. Tumingin ako kay Frost ar tumango lang siya as a sign na pumapayag siyang sagutin ko ang tawag.
"Hello Yngri--"
"Cindy! Kailangan mmong makabalik dito, right now! Nagkakaroon ng dorm inspection at ang daming kalat sa kwarto natin. Pati yung mga balat ng chocolates na last sem pa nandito! Ang dami!" Namilog ang mata ko sa sinabi ni Yngrid! Room inspection? Shit! Akala ko ay sa friday pa!
Sobrang laking bagay no'n kasi sa oras na makitang marumi ang class room namin, one week communuty service. Ang laki pa naman ng school! "Problem?" Frost asked at mukhang nahalata ang pag-pa-panic ko.
Dali-dali kong kinuha ang gitara sa kanya at ibinalik sa case. "Hey careful! Bago 'yang gitara mo, baka magasgasan."
"Room inspection. Kailangan ko ng umalis, text-text na lang!" Mabulis kong inilagay sa bag ang ear phone at cellphone ko at nagalagay ng 200 pesos sa lamesa.
Hindi na ako lumingon pabalik sa cafe dahil dali-dali akong tumakbo. Kailangan kong makarating agad sa train station, bakit ba kasi kailangang ngayon gawin iyon.
Takbo lang ako ng takbo, napatingin ako sa stop light at walking sign ang nakalagay. Yes! Takbo lang Cindy! Jusko! Daig ko pa ang nag-marathon nito.
"Yeah bro, paano kita na lang tayo mamay--" Bigla akong napatigil sa pagtakbo nung mauntog ako sa matigas na likod ng isang lalaki. "Shit!"
Parang nag-slow motion ang lahat sa aming dalawa nung makita naming lumipad ang cellphone niya papunta sa daan at saktong nag-go sign ang rumagasa ang nga kotse. Namilog ang mata naming parehas nung masagasaan na ito ng mga gulong ng kotse. Isang beses. Dalawang beses... Hanggang sa magkadurog-durog ang phone niya.
Napatingin ako sa suot nung lalaki, he is wearing a marine blue P.E short and white T-shirt na nay logo ng isang school sa left chest.
West University.
"What the fuck! My phone!"
Uh-oh Cindy Gonzales, you're in a huge trouble.
***---***---***
West University was just a fictional name of school, hindi na ako gumamit ng mga totoong sikat ng school baka ma-bash lang ako lol.
The more twisted story will starts now.
PS. TAMBAK AKO NG PROJECTS, PLEASE WALANG MAGKO-COMMENT NG UPDATE NA.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top