Chapter 40 "Midterm Performance"

"Oh God! Cindy! Nag-alala ako sa'yo!" Malakas na sigaw ni D.J nung makita niya kaming dalawa ni Frost na naglalakad sa backstage. Isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ng aking kaibigan.

She's wearing a fitted crop top shirt na pinatungan ng jacket. First time ko rin makita na nakamaikling short si D.J at naka-curl ang kanyang buhok. Handang-handa na siya for this performance.

"Okay na 'ko. Thank you sa pag-aalala." Nakangiti kong tugon sa kanha at yumakap ako pabalik. Naalala ko naman ang demonyitang Betty na 'yan, sobrang nag-cross the line na ang ginawa niyang pambu-bully. No! Lagi naman crossed the line ang ginagawa niya pero this time... Napuno na 'ko. Hindi ako kasing bait ng iniisip niya.

"Nasaan si Betty?" I asked her.

"Nakapila na dahil malapit na silang mag-perfoem. Why? Huwag mo sabihin na siya na naman ang may gawa nito Cindy?" Nag-iba ng timpla ang mukha ni D.J.

"Yeah, ikinulong niya ako sa banyo. She really deserved a slap right now." Galit ko ring tugon kay D.J.

"Gaga talaga ang babaeng iyon. Pero Cindy, huwag mo munang isipin si Betty, isipin mo muna ang performance ninyo... Hindi ka pa ayos at nagulo na rin ang ayos ni Frost," Sabi ni D.J sa akin. "Mamaya natin sugurin ang Betty na iyon pagkatapos nitong lahat, this time ay sisiguraduhin nating magbabayad na siya."

Napatingin ako sa hitsura ko. Hindi pa ako ayos. "Paanong gagawin ko? Kulang 45 minutes na lang at sasalang na kami." Nagpa-panic kong sabi. Ang laking gulo talaga ng ginawa nitong si Betty. She's the worst.

"Don't worry! Wala ka bang tiwala sa akin." Hinawakan ni D.J ang braso ko. Oo nga pala, magaling nga pala siya pagdating sa ganutong bagay.

"At ikaw Frosty sumama ka sa amin ni Lucas. Aayusin natin 'yang hitsura mo." Hinatak din siya ni Jiroh paalis. Lumingon sa akin si Frost, I awkwardly smiled and wave a good bye to him.

"Okay. First, maligo ka muna dahil amoy pawis ka Cindy. Lisa, pakikuha mo naman yung costume ni Cindy sa dorm room nila oh." Sabi ni D.J at nag-okay sign si Lisa.

Nakakatuwa lang na kahit under pressure na kami ay nandiyan sila para tumulong sa akin. They are indeed my friend. "D.J, thank you ah!"

"Ano ka ba Cindy, pasalamatan mo ako kapag may nangyari na. Pumasok ka na sa banyo at babantayan kita rito sa labas para sasapakin ko si Betty kapag tinangka niya pang ikulong ka." Napatawa naman ako sa kanyang sinabi.

Mabilis lang akong naligo lalo ma't kakapusin kami sa oras. Pagkalabas ko ay agad akong iniupo ni D.J sa isang upuan sa dressing room habang si Lisa ay bino-blower ang aking buhok. May ilang mga kaklase rin namin ang tumulong upang maayusan ako.

"Cindy, light make-up na lang ang gagawin ko sa'yo tutal puti naman ang dress mo. Mas suitable ang ganoong combination." Pagpapaliwanag ni D.J kahit wala ako masyadong naintindihan, ako lang yata ang babae na hindi maalam pagdating sa make-up.

Nagsimula na siyang ayusan ang mukha ko habang si Lisa naman ang nag-aayos ng buhok ko. Ibinagsak niya lang ito pero may kulot sa dulo.

10 minutes left. Sobrang rush ng lahat, wala nga akong kahit anong accessories na suot sa sobrang pagmamadali. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin... It was good.

"Sabi ko na nga ba Cindy maganda ka talaga kapag naaayusan ka!" Sabi ni D.J at nakipag-fust bump sa akin. "Uy mauna na kami, malapit na kaming mag-perform. Nagmamadali si D.J na iniligpit ang mga make up.

"Salamat talaga sa tulong mo D.J ah, pati na rin sa'yo Lisa." Sobrang bukal sa loob ko ang pagpapasalamat na iyon.

"Wala 'yon! Para saan pa't maging magkaibigan tayo. Watch our performance ah!" Paalala niya at tumakbo na silang dalawa ni Lisa malapit sa stage dahil sila na ang next.

Pinanuod ko ang kanilang performance mula sa malaking tv rito sa dressing room. Ang daming tao! Mas malaki ang stage kumpara noong preliminary at mas intense ngayon dahil halos lahat ay magagaling. It showcase their talent pagdating sa sayaw at paggawa ng kanta.

Sobrang ganda ng performance ni D.J, Lucas, Lisa, at Jiroh dahil nagtulong-tulong sila para mabuo ang choreography. Sobrang meaningful din ng kanta nila.

Sobrang poppy but at the same time hindi mukhang girly ang kanilang performance, naglagay din sila ng dance break sa bridge and it was really superb! Alam ninyo yung sigawan ng mga tao sa performance nila... Sobrang lakas na para bang sila ang star of the midterm performance.

Natapos ang kanta at nagsigawan ang mga tao ng 'encore', sobrang galing kasi nola Lisa. Deserve naman nila iyon dahil napanuod ko ang hirap nila upang mabuo ang buong performance na iyon. Sobeang remarkable at ang lakas ng impact na kanilang ginawa.

"Cindy! Malapit na kayo! Labas na diyan sa dressing room!" Malakas na sigaw ng event manager.

Tinignan ko sa huling pagkakataon ang aking sarili sa salamin, mahina kong tinapik ang aking pisngi. "Cindy, kaya mo 'yan."

Sa hindi ko malamang dahilan ay ang lakas ng panginginig ng tuhod ko at hindi nawawala ang pagkapasma ng aking kamay. Second time ko ng magpe-perform sa harap ng maraming tao pero ganoon pa rin ang level ng kaba ko. It always like the first time.

Naglakad na ako palabas ng girls dressing room at maraming mga estudyante ang napapatingin sa akin. Pangit ba? Hindi ba maayos ang pagkaka-style sa akin ni D.J at Lisa? Shit, nakaka-conscious naman 'to.

Lumabas sa kabilang dressing room si Frost at saglit akong nabato sa aking kinatatayuan. His messy hair, his cold glare, his well built body... Para siyang perpektong tao na naglalakad.

Iba na ang suot ni Frost kumpara kanina, itim na tuxedo ito at magulo ang pagkakaayos ng buhok ni Frost. He just walking na para bang wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya.

"Ready?" Pagtatanong niya sa akin pagkalapit niya sa aking direksyon. Hindi ako agad nakatugon dahil I'm still stun by his looks. "Betty! Are you ready? May masakit ba sa'yo?"

"W-wala! Kinakabahan lang ako."

Bigla kong naalala na ito na ang huling performance ni Frost, he will announce right here na magku-quit na siya as a performer and he will pursue ang pagiging architect. Hindi mapipigilan si Frost dahil buo ang loob niya tungkol dito.

Kahit aalis si Frost ay masaya pa rin ako kahit papaano. Gagawin niya na kasi ang bagay na gusto niyang gawin.

"Mas kabahan ka kung hindi ka kinakabahan," He smirked and it really suits him. "Let's make this memorable... My final performance."

"Cindy and Frost kayo na! Akyat na!" Malakas na sigaw nung baklang nag-a-assist.

Ngumiti kami ni Frost sa isa't-isa. Kinakabahan man ako pero I feel more secured ngayong si Frost ang kasama ko.

Pagkaakyat namin sa stage ay mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko. Nakita ko ang libo-libong bilang tao na naghihiyawan dahil inaabangan nila ang performance ni Frost. Nakita ko ang pamilya ko nasa front seat and they were shouting na sobrang proud sila sa akin.

Maraming nagtaka kung bakit kami ulit ni Frost ang magka-partner.

Tumayo kaming dalawa sa gitna. No dance, no dance break, no poppy song. Just singing with our heart. A farewell message for my friend... My closest friend.

"HOLD UP"
BY: FROST AND CINDY
(Play the music here)

Nagsimulang tumugtog ang guitar na background music at sabay kaming kumanta ni Frost. Maraming nagtataka kung bakit ang layo ng kanta namin sa tema. Bahala na kung bumagsak ako sa midterm exam basta ay masabi ko kay Frost ang mga salitang gusto kong sabihin.

Inilapat ko sa liriko ng kanta ang mga salita na hindi ko kayang bigkasin

[DUET] I trust you, you, you, you
[CINDY] Oh, I know I want you but you're leaving and suddenly I can't move

Kapag pumapasok sa isipan ko na aalis si Frost ay para bang nawawalan ako ng lakas mag-move forward. Masyado akong nakadepende sa kanya.

[FROST] But what about you? If you couldn't see me, what would you do?

Nakatingin sa mata ko si Frost habang kinakanta niya iyon... Kanta pero para niyang sinabi sa akin. Sa isang iglap ay nawalan ako ng pakialam sa mga tao sa paligid. Nakatingin lang kami sa isa't-isa.

[CINDY] I love you, love you, love you, love you, love you Everyday!
The only one, I love is you

Gusto ko si Frost bilang malapit kong kaibigan.

[FROST] I love you, love you, love you, love you but, I dont think I can do this anymore

He was reffering on doing this things. Hindi ito talaga ang mga bagay na gusto niyang gawin. Mas gusto ni Frost na maging isang arkitekto at suportado ko siya sa bagay na iyon.

Nagulat ako nung biglang hawakan ni Frost ang aking kamay na para bang may kuryenteng dumaloy sa buo kong sistema. Hindi namin alintana ang libo-libong tao na nanunuod. This is our performance, we will do it in our way.

[CINDY] Wait hold up, boy before you go

This might be the end if you leave you never know,
Don't say good bye, look into my eyes.
There so much more to me than you realize, boy

Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako habang kumakanta. Hindi ko inaasahan na magiging emotional ako habang kakantahin ang kanta na ito. This is my first song... My first heart breaking song.

[FROST] If this is the end then baby turn around,
If this is the end then baby turn around,
I trust, I trust, I trust you you

Nabigla ako nung biglang may mga taong nagwawagayway ng cellphone sa performance namin. Nakabukas ang flashlight nila and they are waving it na para bang nararamdaman din nila ang kanta.

Music was indeed powerful.

[CINDY] Oh I know I want you, but you're leaving and suddenly I can't speak.

Hindi ko masabi sa iyo ang mga bagay na gusto kong sabihin, kung gaano kasakit na malaman na aalis ka na kaya idinaan ko ito sa kanta.

Pinunasan ko ang luha oo at ngumiti si Frost sa akin, a weak smile na parang sinasabi na magiging okay ang lahat.

[FROST] What would you do If this was the last time that'd you'd see me?

Ano nga ba ang gagawin ko kung ito na ang huling pagkakataon Frost? Hindi ko alam... Hindi ko nakikita na may ka-partner akong ibang tao sa ibang activities. Kahit masungit ka ay ikaw lang ang nagtiyagang i-guide ako.

[CINDY] I love you, love you, love you, love you, love you everyday
The only one I love is you

[FROST] I love you, love you, love you, love you
But I don't think I can do this I'm afraid

Hindi ko talaga mapigilang maluha. Just seeing you smile sincerely, seeing you sing wholeheartedly ang sakit sa puso. Buong puso na kinakanta ni Frost ang bawat salita.

Ayokong umalis si Frost... Ayoko.

[CINDY] Wait hold up, boy before you go
This might be the end if you leave you never know
Don't say goodbye, look into my eyes
There so much more to me than you realize, boy

[FROST] If this isn't the end then baby turn around
If this isn't the end then baby turn around
I trust, I trust, I trust you, you.

Biglang dumilim ang buong paligid at nagkaroon ng spot light sa aming dalawa. Hindi binibitawan ni Frost ang kapit niya sa kamay ko bagkus ay mas lalo itong dumidiin. Para bang ito na ang huling pagkakataon na ako'y kanyang mahahawakan.

Nagtinginan kami ng mata sa mata. Para bang nilalamon ako ng malalamig na titig ni Frost.

[CINDY] Oh, now we're here,
Which path are you gonna choose?

Isa iyan sa mga bagay na gusto kong itanong kay Frost. Ngauong nandito na tayo, mas bonded na tayong dalawa... Ano nga ba ang pipiliin mong karera, Frost? Kasi kung ako ang tatanungin... Gusto ko dito ka lang.

[FROST] Don't let go,
Hold my hand one las time,
You're something I can't lose

He smiled at me, nakuha ko na ang sagot na gusto niyang sabihin. This is really the last. Pilit akong ngumiti at pinahid ni Frost ang liha galing sa aking mata.

I should be happy, walang dahilan upang malungkot ang isang Cindy Gonzales. Tama naman ang desisyon na gagawin ni Frost at suportado ko siya. Nalulungkot lang ako na aalis ma siya.

Bakit ba ako naiiyak? Samantalang nung recording ay maayos namin itong nagawa.

[CINDY] You might forget me, but I can tell you that I can't forget you yet

[FROST] Whatever you do, I hope it's something that you're not gonna regret

Malakas na nagsigawan ang mga tao sa ginawang high note ni Frost. He is one of the best singer here. Naalala ko pa noon na parating sinasabi sa kanya na kulang siya sa emosyon kapag kumakanta, wala raw buhay ang kanyang mga kanta... but here he is, nadadala niya ang mahigit sampung libong tao na nanunuod ng live.

[CINDY] Wait hold up, boy before you go
This might be the end if you leave, you never know
Don't say goodbye, look into my eyes
There's so much more to me than you realise, boy

[FROST] If this isn't the end, then, baby, turn around
If this isn't the end, then, baby, turn around
I trust, I trust, I trust, you, you

Kahit ngayon lang namin kinanta ni Frost ang kanta na ito, may ilang nakakasabay sa lyrics at damang-dama rin nila ang lyrics. This is the final performance of us. Saksi ang stage na ito kung gaano nag-improve ang samahan naming dalawa ni Frost.

[DUET] Baby, let me tell you just one final thing before you go
This love we had was short but it's the best that I know
As you leave, just remember that we loved each other more than we loved anyone

Humihingal kaming dalawa ni Frost nung matapos namin ang kanta. Malakas na nagsigawan ang mga tao. Nakakabinging sigawan, ilang segundo ang itinagal nito at may ilan akong nakita na naiyak sa performance namin. Malayo sa tema ang ginawa naming performance pero nakuha namin ang puso ng maraming nanunuod.

Tumingin sa akin si Frost at ngumiti ako sa kanya. Tumango ako sa kanya dahil ito na ang oras para sabihin niya ang kanyang balita sa lahat. Napayuko ako... napaluha, gusto kong umupo dahil sa sobrang panlalambot ng aking tuhod pero hindi pwede.

"Thank you so much for loving our performance." Hinihingal na sabi ni Frost at sumigaw ang mga tao. "Gusto ko lang hingin ang ilang minuto ninyo upang sabihin ang announcement ko."

pumatak ang luha galing sa aking mata. Isang luha, dalawang luha... hanggang ang mga luha na iyon ay sunod- sunod ng bumagsak sa sahig ng stage.

Natahimik ang lahat, napukaw ni Frost ang attention ng lahat. "I just wanted to announce that I'm planning to leave Music Academy and this is my final performance."

Nasabi na ni Frost. Mabilis na nag-react ang mga tao. Sinong hindi magre-react sa ginawang announcement ng pinakamagaling freshmen student ng Music Academy?

Nakatahimik lang ako at hinihintay ang mga salitang lalabas sa bibig ni Frost. It was so sad for my part pero masaya ako para sa kanya.

"After a couple of months of thinking and doing all of this stuff. Ngayon ay nakapagdesisyon na ako na gawin ang gusto kong bagay. I want to thank Cindy," Tumingin sa akin si Frost at pilit akong ngumiti sa kanya. "Alam kong masakit para sa iyo ang announcement na ito pero thank you sa pagiging isang mabait mong kaibigan. Hindi mo alam kung gaano ako ka-thankful dahil pinagtiyagaan mo ang ugali ng isang Frost Cervantes."

Ngumiti ako sa kanya at sumigaw ang mga tao. Ang lungkot ng senaryong ito.

"Bago ako umali sa stage na ito gusto kong sabihin na sana ay suportahan ninyo ang kapatid ko for his upcoming debut. Henry Dizon was my half brother and please support him." Napangiti ako dahil tanggap na ni Frost na magkapatid sila. Naayos nila ang problemang pamilya nila ng sila-sila lang at walang ibang nakisawsaw.

Napatingin ako kay Henry na nasa gilid ng stage. Nakangiti siya, he was so happy dahil tanggap na siya. Wala na siyang bagay na itinatago dahil tinanggap na siya nila Frost.

Maraming tao ang nagulat sa balitang iyon dahil sinong mag-aakala na magkapatid silang dalawa? Bumaba kami ni Frost sa stage, nakatahimik ang lahat ng tao sa backstage.

"Ang astig mo no'n," Nakangiti kong sabi. "So, this is the last time?"

"Hindi ito ang last time. Aalis lang ako ng Music Academy pero ang koneksyon nating dalawa. hindi aalis iyon."

He raise his hand na parang nakikipag-apir at tumugon ako dito.

I'm so glad na may kaibigan akong kagaya ni Frost.

~~~***~~~***~~~***~~~

I want to put all credits to stephanieV2156 dahil pinayagan niya ako na gamitin ang english version ng kanyang kanta. Thank you very much!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top