Chapter 39 "Trouble"

"Oh my gosh! Ito ang unang beses na kinakabahan ako ng ganito!"Malakas na sigaw ni Yngrid sa aming silid habang pabalik-balik sa pag-ikot sa silid. Eto na ang judgment day na hinintay at the same time ay kinatatakutan namin... Ang midterm performance.

Ako ay nakatayo lang sa harap ng bintana at pinapanuod ang mga taong pumapasok sa school namin, pakapal ng pakapal ang bilang ng tao at parami ng parami ang media na nasa loob ng aming school. "Cindy huwag kang magkakamali mamaya." Sermon ko sa aking sarili.

"Are you scared, loser?"

"Honestly, oo. Nakakatakot na mawala ako sa ranking." Seryoso kong sabi sa kanya dahil masyadong mataas ang rank 12 mas malaki ang chance na bumaba ka ke'sa tumaas. At isa pang kinatatakot ko ay eto na ang huling performance ni Frost.

"Your rank was pretty high kaya nakakatakot. I'm aiming to be in rank 30 this exam." Sabi sa akin ni Yngrid. "At huwag kang matakot, sino ba ang nagtuturo sa'yo?"

"Ikaw. Hindi na rin ako magtataka kung magawa mong makapasok sa top 30, sobrang deserve mo ito dahil sobrang talented mo." Ngumiti sa akin si Yngrid. Ang unang impression ko kay Yngrid ay sobrang maldita siya... Maldita naman ralaga siya, pero mabait siya! Sobra!

Yngrid hugged me tightly. "I love you loser!"

Yumakap din ako pabalik. "Thank you Yngrid sa mga turo mo."

Kahit papaano ay naibsan ang kaba na nararamdaman ko. Lahat naman siguro ng estudyante ngayon ng Music Academy ay ganito ang nararamdaman, yung parang tambol na walang tigil sa pag-drum roll.

Bumitaw kami sa pagyayakap at tinignan ko ang puting dress na nakapatong sa kama. I hope it will be a remarkable performance for us. A remarkable farewell stage for Frost.

Napatingin ako sa wall clock. "Anong oras start ng program?!" Pagsigaw ko bigla. Naalala ko kasi na si Henry nga pala ang mag-o-opening ng midterm performance at doon na rin i-a-announce ang debut niya this summer.

"10 minutes mag-i-start na 'yon" Yngrid said habang inaayos na niya ang kanyang buhok. "Lalabas ka? Suotin mo yung nose mask mo. Baka may makakilala sa iyo."

"Thanks!" Kinuha ko ang nose mask at isinuot ito, nasa mataas na rank kasi ako ng freshmen kaya baka may makakilala sa akin. Dali-dali akong tumakbo pababa ng dorm at pumunta sa may backstage. As a student ay may access kami doon.

Malaki ang backstage dahil maraming estudyante ang pupunta rito mamaya for their performance. Nakita ko si Henry malapit sa may stage at inaayos ang kanyang lapel. He's wearing an all black outfit at bagong kulay din ang kanyang buhok.

Napangiti siya nung makita ako. "Kinakabahan ka?" Tanong ko sa kanya.

"Of course! Ang daming tao sa labas at higit sa lahat ako ang opening number so I must start this with a blast!" Pagkukwento niya sa akin.

"Kaya mo 'yan--"

"Henry stand by na! Malapit mg magsimula! Matatapos na ang speech ng ating principal!" Malakas na sigaw ng isang event organizer kaya naputol ang aking sinasabi.

"So paano Cindy? Kita na lang tayo mamaya." Sabi niya at tumakbo paakyat ng stage.

Pinanuod ko siya sa back stage. Nakakabinging sigawan mula sa mga nanunuod ang sumalubong sa kanya. He is Henry Duzon after all, the ace of our school.

The music starts at medyo may pagka-american song vibe siya. Poppy pero sakto lang hindi sumobra sa pagpapa-cute.

Habang pinapanuod ko si Henry ay para bang siya lang ang nakikita ko. The way he smiled sa harap ng maraming tao, kung paano hindi nawawala ang kanyang ngiti despite of a hard choreography, ang stable niyang boses habang kumakanta... He was indeed a professional performer. Handang-handa na talaga siya para sa isang debut.

Kahit nasa backstage ako ay malakas akong sumisigaw dahil fan din naman ako ni Henry, nung una ay hindi pa ako makapaniwala na kaibigan ko na ang sikat na tao na ito pero eto ako... I'm supporting him as a friend and as a fan.

Natapos amg performance ni Henry at malakas ja magsigawan ang mga tao, may humihiling pa ng ng 'encore' na para bang gustong gawin na lang na concert ni Henry itong midterm performance.

It was announced na ide-debut si Henry this summer at maraming nagulat. Paniguradong siya na naman ang laman ng mga tabloids bukas ng umaga.

Naglakad na ako paalis upang pumuntang C.R, naihi kasi ako bigla. Babalik naman ako sa dorm upang maghanda na for this performance. Hindi maiwasan ang malakas na kabog ng aking dibdib dahil sa nalalapit na performance.

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle upang umihi, nakarinig ako ng ibgay galing sa labas ng CR pero ipinasawalang kibo ko na lamang dahil baka mga taong naliligaw lang iyon dahil nga allowed ang outsider ngayon. Matapos no'n ay nagpunta ako ng sink upang maghugas ng kamay.

Nung bubuksan ko na ang pinto ng C.R ay ayaw nitong mabuksan, ilang pihit at tulak pa ang aking ginawa. "Shit! May tao ba diyan sa labas! Na-lock ako dito sa loob! Patulong naman!" Malakas kong sigaw at pakiusap. Malakas kong kinakalabog ang pinto.

Iaang tawa ang narinig ko mula sa labas. Bakit hindi ko naisip na tototohanin ni Betty ang kanyang banta sa akin? Bakit hindi ako naging maingat sa kilos ko ngayong araw? "Sinabi ko naman sa iyo Cindy, piliin mo ang babanggain mo. Hindi mo alam kung gaano ako kahirap kalaban."

"Demonyo ka talaga Betty! May araw ka rin! Pakawalan mo ako!" Malakas kong sigaw at nasipa ko na ang pinto dahil sa inis. Mas lalo pang tumawa si Betty kasama ang mga sunud-sunuran niya. "Paano ba 'yan, Cindy? Magkita na lang tayo after midterm performance. Ano kaya ang magiging ekspresyon ni Frost kapag nalaman niyang iniwan siya ng kanyang ka-partner sa importanteng performance."

Nakarinig ako ng yabag ng paa na naglalakad paalis. "Betty huwag ninyo akong iwan! Betty! Betty!"

Ilang minuto akong nagsisigaw dahil nagbabakasakali akong may madadaan ng CR, pero wala. Busy ang lahat sa panunuod sa performances at busy angibang estudyante para mag-prepare... At isa pa, medyo tago ito dahil sa second floor pa ako ng Vocal department umihi.

Kinapa ko ang aking bulsa. "Kung minamalas ka nga naman oh! Naiwan ko pa ang phone ko sa dorm." Naiwan ko itong naka-charge dahil nagmamadali akong lumabas kanina upang mapanuod ang performance ni Henry. "Ang malas mo Cindy! Ang malas malas mo." Sermon ko pa sa aking sarili.

Narinig ko sa labas na magsisimula na ang midterm performance at napaupo na lang ako sa panghihina. Para bang nanlambot ang tuhod ko dahil sa inis kay Betty. Ito na ang huling stage ni Frost pero bigpa siyang pumasok sa eksena, wala siyang ideya kung gaano ka-importante ang araw na ito.

***

FROST

I grabbed my phone and try re call her again. Walanv sagot, puro ring lang ang phone ngunit kanina pa walang sumasagot. "Fuck!" Ihahagis ko dapat ang phone ko kaso pinigilan ako ni Jiroh.

"Frost, kalma lang. Baka kasama siya ni D.J kaya hindi siya ma-contact. Tawagan ko si D.J" Sabi niya. Luckily, kami ang pinakahuling magpe-perform ni Cindy.

Of course I know her name. I'm just calling her 'Betty' just to tease her. "Do it. Humanda talaga sa akin 'yang Betty na 'yan." Saglit kong niluwagan ang necktie ko upang makahinga ng maluwag.

Bakit ngayon pa siya nawala kung kailan actual performance na?! Tinawagan ni Jiroh ang kaibigan niya na si-- yeah whatever, I dont know her name. Pagka-end call niya ay itinaas ko ang kilay ko upang makibalita.

"Hindi raw kasama ni D.J si Cindy," Nanlulumo niyang sabi. "Okay mukhang seryosong problema 'to, I will search backstage and ikaw naman sa buong school."

"Inuutusan mo ba ako?" Inis ko siyang tinitigan.

"N-no! Tinutulungan kita Frosty, ite-text ko na rin sina D.J tungkol sa nangyaring uto so that tumulong sila sa paghahanap." I nodded at him at tumakbo ako.

Sinubukan kong hanapin si Cindy sa music department kung saan lagi kaming tumatambay pero bigo ako... Walang Cindy sa lugar na iyon. Napakagat ako sa ibabang labi ko at nasipa ko ang trashbin na nasa gilid.

Alam kong nandito lang si Cindy. Alam kong hindi niya ako iiwan sa ere dahil nakita ko kung gaano siya ka-excited para sa performance na ito. Naghanap na rin ako sa garden at tagaktak na ang pawis ko, medyo nag-transparent na ang suot kong puting polo dahil dito.

Nagpunta ako sa rooftop, sa garden, sa recording studio, even in our classroom... Walang Cindy. Napakalaki ng Music Academy para hanapin ang nawawalang isang tao. Especially ngayon, sobrang crowded.

Tumatakbo alo sa pathway nung makasalubong ko si Henry. "Oh Frost, bakit pawis na pawis ka?"

"Do you see, Bett-- I mean, Cindy. Nakita mo siya?"

"Why? Kaninang opening ay nasa backstage siya para suportahan ako."

"Nasaan na siya ngayon?"

"I don't know. Ang sabi niya ay mauuna na raw siya kasi maghahanda na siya para sa midterm performance ninyo," Umubo ako at napahawak sa sentido ko dahil sa inis. "Why? Nawawala si Cindy?"

"It's none of your business." Akmang lalagpasan ko siya ngunit hinawakan niya ako sa braso upang pigilan.

"Hey! Kaibigan ko rin si Cindy! I can help!" Sabi niya. He said it in a very nice way, it was Henry style. The gentleman type of guy.

Bumuntong hininga ako. "She's missing. Kanina ko pa siya hinahanap, nagsisimula na ang mga performances and yet... Wala pa siya."

"Parang nangyari na ito last prelims," Saglit na nag-isip si Henry. Why? May nangyari din ba last prelims? "I already remember! The girl with the fierce attitude!"

"What?" Hindi umaalis ang mukha ko sa pagiging poker face dahil ayokong mahalata ni Henry na nag-aalala ako para kay Cindy. I'm goot at hiding my own emotion.

"May kakausapin lang ako. Pahinging number mo, ite-text kita kapag alam ko na kung nasaan si Cindy." Sabi niya sa akin at inilahad ang kanyang kamay na parang hinihintay na iabot ang cellphone ko.

"Why would I do that. Hindi ko basta-basta pinamimigay ang number ko."

"Frost, huwag mo ng pairalin ang pride mo. Kapag hindi mo binigay ay ako mismo ang magliligta--" Hindi ko na pinatapos ang kanyang sinasabi at padabog na ipinatong sa kanyang kamay ang aking cellphone. Fuck.

"May kakausapin lang akong isang babae then ite-text kita kung nasaan si Cindy. Okay?" Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako taliwas sa kanyang direksyon. Text my ass, bago ka pa man mag-text ay sisiguraduhin ko ng nahanap ko si Cindy.

Tumakbo na ako at sunod akong naghanap sa dance department, pinasukan ko lahat ng Studio doon. Sampung palapag ang gusaling ito kaya sobrang hassle. "Cindy nasaan ka na ba?" Mahina kong bulong sa aking sarili na puno ng pag-aalala.

Makalipas ang ilang minuto ay may nag-vibrate sa bulsa ko and it was text from unknown number. Mukhang galing kay Henry dahil siya lang naman ang binigyan ko nito.

Second floor ng Vocal department. girls C.R.

Kahit iyan lang ang tinext niya ay napakaeipas ako ng takbo paalis ng dance department. Hindi ko alam kung sino ang nakausap ni Henry but ang laki ng tulong na ibinigay niya ngayon.

Pumasok ako sa Vocal department at dali-daling inakyat ang hagdan. Hinanap ko ang comfort room ng mga babae. "Cindy! Cindy!" Malkas kong sigaw.

"F-Frost? Nandito ako Frost! Nandito ako!" Malakas din niyang tugon. Nagka-crack ang kanyang boses at halatang galing sa pag-iyak.

Tinignan ko ang pinto ng C.R at may nakaharang na isang maloit ma kahoy dito kaya hindi nabubuksan. So this is the reason why Cindy was missing, may gustong sumabotahe sa performance namin. Tinanggal ko yung kahoy at binuksan ang pinto.

Sumalubong agad ang yakap sa akini ni Cindy, isang mahigpit na yakap. Hagulgol siya ng hagulgol sa iyak at mabasa ang suot kong puting polo. Gumanti ako ng yakap upang matulungan siyang maibsan anv nararamdaman.

"Shhh. Shhh. It's okay now, huwag ka ng umiyak." Sabi ko. I'm not good at comforting someone and hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko.

Hindi ko rin alam pero parang nasasaktan ako habang pinakikinggan ang kanyang mga hikbi. No scratch that! Mukhang alam ko na kung bakit ako nasasaktan, sa ilang buwan na paggulo nito sa aking isipan ay ngayon ay nahanap ko na ang sagot.

I'm inlove with Cindy Gonzales.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top