Chapter 38 "Stage Preparation"
Last three days before the midterm performance. Masasabi ko na medyo okay na kami ni Frost dahil naka-cope up na kami kahit papaano, it was all thanks sa napakahigpit na schedule to follow ni Frost.
Naglalakad kami nila Lisa patungo sa malawak na groung ng Music Academy. Sine-set up na ang stage. mas malaking stage ito, may mga naglalakihang Led TV at mga speaker na mas malalaki pa sa tao. Nagkakaroon din ng camera test nung pumunta kami.
"Nakaka-excite 'no?" Sabi ni D.J habang seryosong nakatingin sa stage. "Nung una ay kinakabahan ako pero ngayon ay para bang ang pagtuntong sa stage na iyan ang magbibigay sa akin ng maraming hapiness."
Her genuine smile, hindi mapagkakaila na gusto nga ni D.J. She was born with talents kaya hindi kataka-taka kung ma-maintain niya ang kanyang sarili sa top 10. Sa akin, okay lang kung bumaba ang rank ko... Mas maayos iyon dahil, hindi ko naman talaga deserve ang ganoong kataas na rank. My rank doesn't meet my talent.
"Galit-galit muna Cindy ah? We will make sure na ang performance namin ang pinaka magiging remarkable na performance sa araw na iyon." Sabi sa akin ni Lucas. A friendly competetion, not a big deal at all.
"Napanuod ko kayo mag-practice at napanuod ko yung efforts ninyo sa bawat training kaya paniguradong magbubunga iyan." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Pero Cindy, sure kayo na ballad ang gagawin ninyo? I mean... Ang layo no'n sa theme at requirements," Pagsasalita ni Lisa with her usual trembling voice. Sobrang manang ng dating. "Baka bumagsak kayo."
"Yeah. Our stage will be the most rebellious performance. Magpe-perform lang kami ng base sa kagustuhan namin at walang rules na sinusunod. Just make it the most memorable performance of our lives." Ngumiti ako pero pagkayuko ko ay nawala rin ito.
May magagawa ba ako para pigilan ang pag-alis ni Frost? Kapag nagkataon, iyon na ang huling beses kong makakasama si Frost sa iisang stage. Just thinking na mawawala na si Frost... Ang sakit.
"Mga sira talaga kayo," Naiiling na sabi ni D.J. "Buti na lang dumating si Frost kun'di baka nasapak ko na 'yon." Natawa naman kami sa sinabi ni DJ, siga talaga ang babaeng ito.
"Cindy, kamusta naman kayo ni Frost?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Jiroh tapos ang lawak pa ng ngiti ng gago na para bang nang-aasar. "I mean, kamusta ang practice ninyo ni Frost? May iba kang naisip 'no?"
"Ayos naman dahil tapos na kami magpraktis, ingatan ko raw ang boses ko kasi baka--"
"Malatin ka na naman!" Sabay-sabay nilang sabi at napatawa. They really know my weakness, parati akong minamalat kapag may important performance kami.
"Mga sira kayo!" Natatawa kong sabi at napabaling ang tingin ko sa stage ni sine-set up. Hintayin mo lang ako malaking stage, muli kong itatapak ang paa ko sa iyo at paniguradong ipapakita ko sa mga manunuod na malaki ang in-improve ng isang Cindy Gonzales.
***
"Kaya mo bang i-falsetto ang part na 'to?" Pagtatanong sa akin ni Frost habang nasa 8th floor kaming dalawa ng music department... as usual, iyon lang naman ang nag-iisang hide out ni Frost na wala masyadong nakakaalam.
"Mahirap pero try ko" Sabi ko.
"No, kung hindi mo kaya we will not do it dahil baka mas lalo lang masira ang performance natin. Mahirap kasi kapag hindi ka sure na magpa-falsetto ka dahil baka mauwi ka lang sa pagpiyok so let's do the usual." Pagpapaliwanag ni Frost at napatango-tango naman ako.
Habang busy siya sa pag-a-arrange at naghahanap ng pangit na part sa kanta namin ay nagtanong na lang ako para hindi ako maburyo. "Kamusta na kayo ng family mo? Okay na?"
"It was family matter. Don't bother to ask, doon ka sa crush mo magtanong." Sabi ni Frost, tsk! Sungit mode na naman kasi kanina pa kami dito at ilang beses din akong nagkakamali kaya tinoyo na.
"Talagang kay Henry ako magtatanong!"
"Puntahan mo na ngayon!" Inis na sabi ni Frost at ibinagsak ang ballpen sa lamesa. Hindi naman siya galit, more on inis at mas nakakatuwang makita ang ganoon na ekspresyon na kanyang mukha.
"Haha! Joke lang! Peace na tayo!" Sabi ko sa kanya. "'Diba may shift ka pa sa cafe Adjura?"
Napatingin si Frost sa wristwatch niya. "Shit, I forgot!" Dali-dali niyang inilagay sa bag ang kanyang gamit at mabilis itong isinukbit sa kanyang likod.
"Ingat ka!"
"Yung mga bilin ko sa'yo Betty! Stop being a banyo singer and don't drink cold water! Huwag ka ring kakain ng ice cream 'coz I know it's your favorite." Paalala ni Frost, kinakabahan din kasi siya na baka malatin na naman ako sa actual performance.
"Kahit isang cone lang?" Sumimalmal ang kanyang mukha at nanlamig na naman ang kanyang titig. "Okay fine. Hindi ako mag-a-ice cream!"
Nakangiti kong pinagmasdan si Frost habang tumatakbo siya papunta sa elevator. "Cindy!" Napahawak ako sa dibdib ko nung makarinig ako ng sigaw sa may side door.
"H-Henry! Ikaw pala iyan! Kanina ka pa?" Pagtatanong ko, hindi ko agad napansin ang kanyang prisensya, ni-hindi ko nga napansin na nasa gilid lang pala siya ng pinto at nakatingin sa akin.
"Yup! Aayain sana kita kumain pero mukhang nag-enjoy ka sa praktis ninyong dalawa ni Frost." He laugh at me na parang inaasar niya ako.
Habang tumatagal ay nawawala ang pagka-crush ko kay Henry, siguro ay more on brother and sister relationship na ang nararamdaman ko sa pagitan namin... and it was much better dahil bawal naman talaga ang ma-inlove sa school na ito.
Minsan kasi it will took time bago mo ma-differentiate ang feelings mo sa isang tao. Yung akala mo gusto mo siya, pero in love ka lang pala sa ideya na inlove ka sa kanya... hindi sa mismong siya. Gets ninyo? Hindi? Love was complicated anyway.
"Hindi! Tapos na kami magpraktis," Pagpigil ko kay Henry. "Kuhanin ko lang yung gamit ko then punta na tayo sa convenience store." Tumakbo ako papasok sa silid at iniligpit ko ang gamit kong nakakalt sa desk.
"Dito kayo parating nagpa-practice?" He asked at tumingin sa bintana. "Sa bagay maganda pala ang view mula rito."
"Favorite spot ni Frost. Ikaw, kamusta yung pagpa-practice mo? Kaunting araw na lang before the announcement of your debut." Isinukbit ko sa likod ko ang aking bag at binaybay na namin ang daan paalis sa music department.
"Nakaka-pressure! Alam mo nung nakita ko na sine-set up yung stage, parang gusto kong masuka na ano! Basta nakakakaba!" Natawa ako sa paraan ng pagkukwento ni Henry dahil obvious na obvious na kinakabahan siya.
"Ganyan naman din kami eh. So, kamusta kayo ni Frost?"
"Not okay." Nagkibit balikat si Henry pero mukhang na-gets ko naman kung bakit naging ganoon.
"Hulaan ko! Hindi ka masyadong kinakausap ni Frost 'no? Hayaan mo na 'yon? Ganoon lang talaga si Frost kasi hirap siyang makisalamuha sa ibang tao. Pero trust me, he likes you." Pagpapaliwanag ko. Hindi man sabihin ni Frost pero alam ko na gusto niya si Henry bilang kapatid or kaibigan... Kung ayaw niya rito eh bakit pa siya sisipot sa mga meeting 'diba?
"Totoo ba 'yan?"
"Oo."
Pumunta lang kami sa convenience store and as usual, kumain lang kaming dalawa habang ang daming napagkukwentuhan. Si Henry yung tao na lahat ng na-e-experience miya ay kinukwento niya. Minsan nga ay nakakalimutan ko na sobrang sikat niya dahil sobrang approachable siya. Dagdag points din ang pagiging mabait niya.
Maghakahiwalay kaming bumalik ni Henry sa Music Academy dahil mas nauna siya, busy siya sa preparation niya at mahigpit daw ang dance trainer niya ngayon kaya kailangan niyang dumating on time.
Habang naglalakad ay kinakanta ko sa utak ko ang kanta namin ni Frost, bawat lyrics ay pilit kong kinakabisado dahil ayokong magkamali. Ayokong magkamali sa huling performance ni Frost as entertainer.
"Wait hold up--"
Naputol ang aking pagkanta ng biglang may balikat na tumunggo sa akin habang naglalakad. Napaupo ako sa pathway at inis na tinignan ang tumunggo-- si Betty. She was smiling na para bang sinadya niya talagang gawin iyon.
"Sorry. May boses palaka kasi akong napakinggan, ang sakit sa tenga. Ang sarap tapakan." She smirked at me.
Hindi ko alam kung gaano kalaki ang kasalanan ko kay Betty. Hindi ko nga alam kung bakit siya may galit sa akin dahil kung tutuusin ay wala akong ginawa sa kanya... Huwag na nating isama yung ginawa kong pagsampal last time.
Instead na patulan siya ay tumayo na lang ako at pinagpagan ang aking puwetan. Sabi nga, huwag patulan ang mga taong puro salita lang ang alam pero puro hangin ang laman ng utak.
"Hindi ka na naman lalaban?! Akala mo ba ay nakalimutan ko na ang ginawa mong pagsampal sa akin?!"
Huminto ako sa paglalakad, sa tapat niya mismo. "I know hindi mo makakalimutan iyon. Paniguradong iyon ang unang beses na masampal ka ng isa sa mga binu-bully mo."
"Cindy huwag lumalaki 'yang ulo mo porke't kaibigan mo ang mga sikat sa ating paaralan," hala! Bakit naman napasok sa usapan si Frost at Henry sa usapan eh parehas nanahimik yung mga tao.
"Good luck sa performance mo Cindy... I will make sure, it will be memorable performance." Sabi niya at hinawi ang kanyang buhok at naglakad paalis.
Napairap ako sa ere pagkawala niya and imitate how the way she speak. "Bring it on, sinong tinakot mo."
Kapag naputol an pisi ng pasensya ko sa'yo Betty ay paniguradong hindi mo gugustuhin.
***---***---***
Update done! Walang magko-comment ng update na. Madaming ginagawa pero tina-try ko naman bilisan ang update :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top