Chapter 36 "Surprise in Birthday"
Dalawang linggo na lamang ang natitira bago ang midterm performance. Ang iba sa amin ay pini-perfect na lamang ang kanilang performance at tapos na silang mag-recording. Kami naman ay wala pa ring nagagawa hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik si Frost.
"Cindy! Mali yung umaasa ka na babalik pa yung lalaking iyon. Iniwan ka niya sa ere!" Reklamo ni D.J na sobrang apektado sa mga nangyayari. "Alam mo, feeling ko sinabotahe ka no'n kaya ikaw lang ang kinuhang kapareha para sa midterm performance."
"D.J, huwag ka ngang mag-jump in conclusion ng ganyan." Sabat ni Lucas. As usual, sobrang bait kasi ni Lucas kaya pilit niyang iniintindi ang sitwasyon sa maraming anggulo.
Kahit naman anong klaseng pagtatalo ang gawin nila sa harap ko, hindi pa rin magbabago ang isip ko na hintayin si Frost. Nangako si Frost na magkasama kaming magpe-perform para sa midterm performance at batid kong hindi si Frost yung tipo ng tao na sumisira sa usapan.
"Alam mo kasi mister nice guy, mali na ang ginagawa ni Frost. Tignan mo! Wala pang progress sina Cindy! Two weeks na lang ang natitira." Inis na sabi ni D.J. "He better show up! Para naman wala siyang itlog sa ginagawa niya."
Kakatapos lang nina D.J sa recording kahapon at kailangan na lang nilang i-polish ang dance routine nila and praktisin na mag-stable ang boses habang sumasayaw. Pero to tell you honestly, ang ganda ng kanta nila dahil pinagsama-samang ideya nila iyon.
"Cindz, kung hindi pa babalik si Frost bukas... Magreklamo ka na sa registrar office kasi ikaw din ang mawawalan. Sayang ang scholarship, instead na isipin mo si Frost, isipin mo yung magulang mo... Paanong paghihirap 'yon kapag nawala ang scholarship mo." Sabi ni Jiroh kaya medyo napaisip ako doon. Tama siya.
Kahit kasi nag-rank ako nung prelims ay kailangan mag-rank ulit ako ngayong midterms para makuha ko yung scholarship and if I can't perform for midterms... Automatic na tatanggalin ang pangalan ko sa ranking.
"Just last two days. Kapag wala pa si Frost ng two days ay makikiusap ako sa registrar office na isali ako sa grupo ninyo." Sabi ko kanila D.J at napangiti naman sila dahil sang-ayon sila sa desisyon na ginawa ko.
Kahit pa ganoon, hindi pa rin namamatay ang pag-asa kong babalik si Frost. I mean... Hindi niya naman siguro ako iiwan ng talagang walang-wala at alam kong may isang salita si Frost, magpe-perform kamg ng magkasama.
Habang pinapanuod ko silang mag-practice ay biglang nag-vibrate ang phone ko. Nag-hand sign ako kay D.J na lalabas lang ako saglit para sagutin ang tawag at tumango naman siya.
"Hello 'ma! Napatawag ka?" Pagtatanong ko pagkalabas ko pa lang ng training room.
"Anak! 'Diba kilala mo si tita Dana mo? Debut kasi nung anak niya ngayon at nakalimutan ko." Pagkukwento ni mama sa kabilang linya.
"Ah opo! Si tita Dana! Bakit 'ma?"
"Hindi kasi kami makakapunta kaya kung maaari ay ikaw na lang ang pumunta anak at abutan mo na lang ng regalo, nakakahiya sa tita mo. Busy ka ba?"
"Hindi po! Hindi po! Mamayang gabi siya 'diba 'ma? Formal party ba 'yan?" Pagtatanong ko. Minsan lang naman humiling si mama at nakakahiya kung hindi ko siya susundin.
"Hindi ko lang sigurado 'nak. Ganito na lang, tanungin ko muna tita Dana mo tapos i-text ko na lang sa'yo yung details."
Bago in-end call ni mama ay kinamusta niya muna ako. Sinabi kong ayos lang ang lahat dito although... Ang hirap ng sitwasyon ko dahil nanganganib pang maging bato ang scholarship ko.
Napag-alaman ko na black and white ang motif ng debut at semi-formal event lang ito... Thanks God! Hindi kailangan gumastos para sa mga mamahaling gown.
Binuklat ko ang closet ko at sinubukan kong maghanap ng dress na kulay itim or puti man lang pero wala, how nice! Hindi nga pala ako mahilig magsusuot ng ganoong klaseng damit.
"Yngrid! Yngrid!" Malakas kong sigaw dahil nasa loob lang siya ng C.R at naliligo. "May dress ka ba diyan na black or white? Pahiram naman oh!"
Paniguradong mayroon 'to, kikay pa naman itong si Yngrid.
"Nasa closet, yung naka-hanger! Pili ka na lang doon!" Malakas na sagot ni Yngrid kaya binuksan ko ang kanyang closet... Ang daming dress. Ibang-iba sa closet ko na puro polo shirts and white shirts.
Kumuha lang ako sa kung anong maganda sa paningin ko at iyon na lang ang balak kong suotin. Pagkatapos ni Yngrid sa C.R ay ako naman ang naligo. Hindi ako nagtaga dahil malapit na rin mag alas-singko at mag-i-start na ang program.
Ang plano ko lang ay abutan ang pinsan kong si Eunice ng regalo at makikain... Magte-take out ng ilang handa at uuwi na ako. After kasi ng debut ay may night swimming na magaganap at sa totoo lang, ayokong makisali doon.
Saglit lang akong nagbihis at lumabas na ng banyo. Nakahiga si Yngrid sa kama habang may nakalagay na face mask sa kanyang mukha. Yung beauty product na face mask ang tinutukoy ko lalo na't malapit na ang midterm performance.
"Saan punta mo, loser?" Pagtatanong ni Yngrid.
"Debut." Tipid kong sagot habang pinupunasan ko ng tuwalya ang aking basang buhok.
"Debut? Ganyan ang hitsura mo?" Pinasadahan niya ako ng tingin from head to toe. "Cheap."
"Grabe ka naman! Anong gusto mong maging hitsura ko?" Dinampot ko ang suklay at sinuklay ang sabit-sabit kong buhok dahil basa pa ito.
"Just wait for me, tanggalin ko lang 'tong mask then I will help you to become human, loser." Tumakbo tungong sink si Yngrid para tanggalin ito.
Inayusan ako ni Yngrid mula sa buhok hanggang sa susuotin kong damit.
Naka-ponytail ang aking buhok at siya na rin ang nag-make up sa akin... Last time na nag-make up ako ay nung preliminary performance pa. Sinuot ko yung black dress na pinahiram ni Yngrid and she coordinate it with white sneakers.
"See?" Sabi ni Yngrid at hinarap ako sa salamin.
I'm not implying na gumanda ako dahil sa ginawa ni Yngrid pero mas nagmukha akong presentable dahil ang ayos at ang linis ko tignan. "Salamat, Yngrid."
She just smiled at me bago muling humiga sa kama. Tumingin ako sa wall clock at mahigit 3:30 na. "Yngrid! Alis na ako! Thank you!"
Mabilis akong tumakbo paalis ng Music Academy. Napapatingin ang ilang estudyante na mas napiling mag-pracyice sa loob ng academy dahil todo ayos ako.
Saglit akong dumaan ng mall at bumili lang ako ng libro... Kapag hindi ko alam ang ireregalo ko, book was always a perfect choice. Bumili ako ng 'Gone Girl' na book and isang shirt. Sana lang ay magustuhan ito ng pinsan kong si Eunice.
Pumunta na ako sa resort kung saan gagawin ang debut. Ipinakita ko lang sa guard ang picture ng invitation bago ako papasukin. Ang bongga ng debut dahil kahit black and white ang theme ay masasabi kong napaka-elegante nito.
Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ni tita Dana, "Oh Cindy! It was nice to see you here! Nasaan ang mama mo?"
"Hindi po siya makakapunta kaya ako na lang ang pumunta tita. Nasaan si Eunice? Aabot ko lang 'tong regalo ko." Sabi ko kay Tita.
"Malapit ng mag-start ang program hija, later mo na lang iabot."
Shemay naman oh! Ang balak ko sana ay iabot nalang 'tong regalo tsaka aalis pero madi-delay pa yata. Wala naman kasi ako gaanong kakilala rito bukod sa mga pinsan kong invited din. Mapapanis lang ang laway ko rito.
Naghanap ako ng vacant seat ngunit malakas na sumigaw ang isa kong pinsan-- si Ren. Mestizo si Ren at brush up ang style ng buhok niya. Nakasimpleng tuxedo siya pero ang lakas ng dating ng pinsan kong iyon. "Cindy! Here!"
Naiilang akong lumapit pero okay na 'yon, siya lang ang kakilala ko rito. Kasama niya sa table ang kanyang barkada, Ren was taking up engineering sa U.S.T at matalino itong pinsan ko. "Kamusta?" I asked him.
"Eto, okay lang! Let me introduce you to my friends." Tumingin siya sa mga kasama namin sa table. "Guys this is Cindy Gonzales, nag-aaral LANG naman itong pinsan ko sa prestigious school na Music Academy." Ramdam ko ang pagiging proud ni Ren.
I awkwardly smiled sa mga kaibigan niya. "Hello."
Maayos naman ang mga kaibigan ng pinsan ko at hindi ako na-o-O.P dahil sa pag-i-interview nila sa akin. "Cindy! In-add ka namin sa facebook ah!"
"Sure. Accept ko na lang kayo mamaya pagbalik ko sa dorm, mabagal ang data rito." Sagot ko sa kanila and they're all nice.
"Malapit na ang midterm performance ninyo right? We will watch you live, insan!" Ren happily said at um-agree ang barkada niya. Hindi ko nga alam kung makakapag-perform ako sa midterm namin, wala pa ring paramdam si Frost.
Umandar na ang programa at pumasok si Eunice suot ang bongga niyang gown. After the program ay personal kong iniabot ang regalo ko sa pinsan ko. "Happy birthday pinsan!" I hugged her tightly dahil close kaming magpinsan.
"Thank you! Buti um-attend ka! Usap tayo mamaya ah, magbibihis lang ako para sa pool party."
Pool party? Hindi ako makaka-attend doon, kailangan kong makaisip ng palusot. "Sorry pinsan but I need to go after this. May practice kami para sa midterm exam." I lied. Wala pa nga kaming nasisimulan eh.
Pinilit pa ako ng pinsan ko pero as usual, hindi nila ako napipilit kapag ayaw ko. Paalis na sana ako pero sumilip muna ako sa pool upang magpaalam kanila Ren at mga kaibigan niya.
Kumpleto ang pool party dahil may mga bola pa at mini bar sa gilid. May lights din at syempre hindi nawawala ang DJ na nagpapatugtog ng mga EDM songs para ma-hype pa rin ang mga tao.
Napatingin ako sa DJ at namilog ang mata ko nung makilala ito-- si Frost! Shocks! Anong ginagawa niya rito! Kinusot ko pa ng makailang beses ang aking mata but yes it's real! Si Frost nga!
"Oh Cindy! Uwi ka na? Sama ka na sa amin!" Sabi ni Ren na pumunta sa edge ng pool para makausap ako.
Almost two weeks din nagtago si Frost at ayoko ng i-miss ang chance na ito lalo na't nagkita na kami. "Pinsan may extra ka ba diyan? I mean... Wala akong pamalit."
"Lalaki ako Cindy! Haha! You can borrow kay Eunice, mag-stay ka na ah? Don't worry, ako na lang maghahatid sa'yo bukas sa Music Academy if you have class." Mabuti naman! Minsan lang kami magkita-kitang magpipinsan and thanks God na puro mababait ang pinsan ko... Minalas lang talaga ako sa kapatid.
Pinahiram ako ni Eunice ng black shirt at maikling short. Si Ren na daw ang bahala sa panloob ko dahil nagpabili na daw siya.
Mash up 2014 ni DJ earworm ang tumugtog and everyone really hype up. Pasimple akong lumapit sa may DJ.
"Frost." Napatingin siya sa akin at tinanggal ang head set na nakalagay sa kanyang tenga.
Tumingin lang siya sa akin ng ilang segundo pero binalewala lang niya ang prisensya ko. "Frost pag-usapan naman natin 'to! Hindi na tayo bata! Hindi ba pwedeng maglaan ka kahit 5 minutes para marinig ang side ko?"
Mas lalo niya lang nilakasan ang volume ng speaker para hindi niya ako marinig. "Cindy! Cindy!" Malakas na tawag ni Ren at mga barkada niya.
Nagbuntong hininga ako, hanggang kailan ba 'to magagalit? "Ayan na!" I shouted at tumalon ako sa pool.
Hindi lang isang beses akong nag-initiate na kausapin si Frost... Maraming beses! Sa maraming beses na iyon, wala akong nakuhang response. Hindi na nakakatuwa, nakakainis na.
Pumunta ako sa mini bar at uminom ng ladies drink para mawala ang inis ko. "Whoah, pinsan chill! Magaglit si tita kapag nakita kang umiinom kaya huwag ka na diyan sa bar." Hinatak ako ni Ren.
"No, Ren. Isang shot na lang."
"Tama na, malapit na ang midterm performance mo and it's not good for your throat." Humawak sa braso ko si Ren upang mahatak ako.
Nagulat na lang ako ng biglang bumulagta sa gilid ng pool ang pinsan ko and napatingin ako kay Frost. Ang lamig na naman ng mga titig niya. "What the heck!? Anong ginawa mo Frost!"
"Binabastos ka na ng lalaking iyan tapos nagpapalandi ka naman?" Namilig ang mata ko at parang instant na nawala ang tama ng lady drinks sa akin.
"Eh gago ka pala eh! DJ ka lang dito and you don't know how to respect your clients!"
"Atleast I know how to respect woman. Flirt asshole."
"Frost tumigil ka nga! Diyan ka magaling! Magsalita ng magsakita at hindi pinapakinggan ang side ko. Ayan ka na naman sa wrong assumption mo Frost!" Napahilanos ang kamay ko sa aking mukha. "Magpinsan kami Frost! Kahit ba mag-skinship kami diyan, walang malisya 'yon! Magpinsan kami and he just protecting me!"
"Do you know him, Cindz?"
"Uwi na ako Ren. Thank you na lang." Nagmartsa na ako papunta sa C.R uoang maligo, buti na lanh at dumating na ang undergarments na pinabili ng pinsan ko kaya nakapagbihis ako.
Madaling-madali akong umalis ng resort dahil sa inis. Ang hilig niya kasing kumilos ng base lang sa nakikita niya. At ang mas nakakaasar pa, kapag galit siya sarado ang tenga niya upang pakinggan ang side ng isa.
Malayo-layo ang kanto para makapunta sa terminal ng jeep at hindi ko inaasahan na biglang may butil-butil na papatak galing sa kalangitan hanggang sa maging ulan na ito... Oo ulan, hindi ambon. "Kung sinuswerte ka nga talaga Cindy, nagbihis ka pa! Mababasa ka rin pala ng ulan." Reklamo ko sa aking sarili.
Dali-dali akong tumakbo sa puno ng manga na may mayabong na dahon upang masilungan ako. Pinunasan ko ang balat ko na basa ng ulan. "Magpapahatid na lang ako."
Tinipa ko ang number ng pinsan kong si Ren para magpahatid pero ang sabi niya ay magbabanlaw lang daw siya saglit bago niya ako puntahan.
Umupo ako na parang bata na pinagmamasdan ang pagbagsak ng ulan sa lupa. Habang nakaupo ako ay may biglang may lalaking nakapayong na umupo sa tabi ko at isinukob niya ako sa kanyang payong-- Si Frost.
"Bakit ka nandito? Akala ko ba hindi mo ako papansinin? Bumalik ka na doon!" Inis kong sabi at medyo nilakasan ko ang boses ko dahil medyo malakas ang ulan.
"Hindi kita pinapansin pero hindi nawala ang pakialam ko sa'yo."
***---***----***
Walang magko-comment ng update na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top