Chapter 33 "Past that inspire"
"Cindy! Hindi pa tayo nagkakaroon ng chance na mag-perform sa iisang grupo. Sayang yung pagkakataon ngayon." Nanghihinayang na sabi ni D.J habang nakatambay siya sa dorm room ko. Waka ngayon si Yngrud dahil nagsisimula na sila ng mga group mates niya.
"May finals pa naman D.J," Binigyan ko ng assurance ang aking kaibigan. "At isa pa, hindi ko naman alam na ire-register ni Frost ang mga pangalan namin."
Umayos ng pagkakaupo si D.J at tumingin sa akin. "Hindi kaya may gusto sa iyo si Frost? I mean, sinong matinong lalaki na makikipag-grupo sa isang babae... Nang silang dalawa lang." Lumaki ang ngisi ni D.J at mukhang nakahanda ng asarin ako kaya mabilis kong pinagtanggol ang aking sarili.
"Ang malisyosa mo naman, hindi naman mangyayari iyon dahil sa forbidden rule."
"Sa bagay. Kailan kayo mag-i-start ng practice? Kami kasi ay may meeting mamaya para pag-usapan ang lyrics writing namin." Sabi sa akin ni D.J at dumukot sa may piatos na nakapatong sa lamesa sabay kain. Feel at home na si D.J dito dahil ilang beses na rin naman siya nakakapunta.
"Hindi ko pala alam pero kilala ko si Frost, magte-text iyon kung--"
Bigla akong nakaramdam ng pag-vibrate sa aking bulsa-- text message galimg kay Frost. Saktong-sakto pa talaga.
In the usual spot, 9:30 in the morning. If you are late, you are dead.
"Bakit sino yung nag-text? Ba't biglang nagbago yung timola niyang mukha mo?" Pagtatanong sa akin ni D.J.
Ipinakita ko sa kanya ang text message. "Galing kay Frost, kailangan ko ng umalis dahil mabi-beast mode na naman ang lalaking iyon."
"Oh sige, paalis na rin naman ako dahil dumaan lang ako para iabot yung gitara." Hiniram ko kasi ulit kay Lucas yung gitara at si D.J na ang nagdala dito. Baka kasi gamitin din namin ni Frost sa mga susunod ma araw.
"Sure ka?"
"Oo naman, pumunta ka na kay Frost." Sabi ni D.J at kinuha na niya ang bag niya na nakapatong sa lamesa at isinukbit ito sa kanyang likod.
Sobrang astig nga ng porma ni D.J dahil simpleng white T-shirt lang ang kanyang suot at tokong shorts dahil hindi naman siya nagmamaiklimg short. Nakalugay din ang itim na itim nitong buhok, mala-Glaiza de Castro amg datingan nitong kaibigan ko. Maangas na maganda.
Dali-dali akong pumunta sa 8th floor ng music Department at nandoon si Frost, tumutugtog ng piano. Binuksan ko ang pinto at napalingon naman siya sa akin. "You're 10 minutes late."
Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri. "Sorry, ang layo kasi ng music department sa girls dorm," Humihingal kong sabi. "So anong ganap? Anong pag-uusapan natin?"
"Isang buwan lang ang mayroon tayo Betty, kung sa tingin mo ay mahaba pa ang oras kaya hindi ka nagpa-panic... Sa tingin mo lang 'yon." Sabi niya, itinuro niya ang table at umupo kaming parehas doon.
"Anong gagawin natin?"
"Magsusulat ng lyrics. Sinabi ko naman sa'yo 'diba na dapat masanay ka ng magsulat ng lyrics araw-araw dahil kakailanganin mo 'yon?" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa totoo lang... Hindi ko ginagawa ang praktis na iyon. Masamang tumingin si Frost sa akin at nginitian ko na lamang siya.
Inabutan ako ni Frost ng bond paper. Okay game na! Magsusulat na ako ng lyrics!
10 minutes later...
Wala pa rin akong nasusulat huhu! Pero hindi! Kaya mo 'yan Cindy! Nakagawa ka nga ng isang magandang lyrics sa preliminary exam ninyo eh!
30 minutes later...
Nilamukos ko ang papel at mabilis kong tinapon sa trash bin. Wala talaga akong maisip. "Frost, hindi ko kayang magsulat ng walang inspirasyon!"
"Kailangan ko pa bang bitbitin si Henry dito para lang makapagsulat ka?" Mas lalong nainis ako, ang hilig niya talagang ipasok si Henry sa usapan palibhasa alam niyang crush ko.
"Epal." He smirked dahil alam niyang nainis ako sa sinabi niya.
"Alam mo Betty, I want my final stage to be different. Let's do a sad song." Sabi niya sa akin. Nung narinig ko ang salitang 'final stage' ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. Hangga't maaari ay hindi ko gustong pag-usapan ang bagay na iyon, iniisip ko pa lang na mawawalan ako ng kaibigan... Masakit na.
"Ballad? Eh kailangan may sayaw at kanta so we should do it as poppy as possible." Sagot ko sa kanya, pumangalumbaba ako sa lamesa dahil interesado ako sa topic.
"Then 'wang natin lagyan ng sayaw at kanta. I want my final stage to be rebellious. I just want to perform comfortably," Sabi niya sa akin. "Ano Betty, game ka ba?"
Importante sa akin ang grade pero mas importante na ma-fulfill ko ang kagustuhan ni Frost. Minsan lang humiling si Frost samantalang siya ay ilang beses na niya akong tinulungan. "Sure. Gawin natin memorabblr ang final stage mo." Nakipag-apir ako sa kanya.
Pinagpatuloy na namin ang pagsusulat ng song lyrics at hindi ko maiwasan na mapatingin kay Frost. Ito na nga kaya ang huling pagkakataon na makakasama ko sa performance si Frost?
Wait, Hold up
Boy, before you go
This might be the end if you leave, you never know
Don't say goodbye, look into my eyes
There's so much more to me than you realize, boy
If this isn't the end, then baby turn around
I trust, I trust, I trust you you
Nabigla pa ako sa aking sarili nung makita na nakagawa ako ng isang stanze... Yung isang stanza na matino. Ang inisip ko lang kasi ay yung pag-alis ni Frost. Bigoang kinuha ni Frost ang papel at tahimik na binasa. "Huy Frost! Huwag 'yan! Ang corny niyan!"
"Corny? It was good lyrics." Sabi ni Frost at tiniklop ang papel tsaka ito ibinulsa.
"Hindi naman 'yan tungkol aa friendship eh. Malilihis tayo sa tema kaya imposibleng magamit mo 'yan." Sabi ko at pilit ko pa rin inaagaw ang papel. Bwisit na Frost 'to, ayaw pa rin ibigay.
"Sabi ko naman sa'yo Betty, I want my final stage to be rebellious. Okay lang 'to." Sabi niya at nagbuntong hininga na lamang ako as a sign of forfeiting.
Ilang minuto pa kaming nagsulat ni Frost kaso ay wala na akong maisip na magandang ideya. "Why do you want to become performer?" Biglang pagtatanong ni Frost kaya napatigil ako sa pagsusulat.
Ngumiti ako sa kanya dahil naalala ko na naman ang mga pangyayaring nag-udyok sa akin nung third year high school ako. "Nagkaroon kasi ng music competetion dati sa school namin. National competetion iyon, there's a boy na napakagaling mag-piano. As in! Super galing!"
Natuwa naman ako bigla ng maalala ko ulit ang mga pangyayari. It just good to remember yung taong naging inspirasyon mo para i-push yung goal mo ngayon. "After his performance talagang personal ko siyamg nilapita just to praise him. Ang sabi niya, kung gudto niya raw na magkita kami ulit at tulungan niya ako... Pumasok daw ako sa Music Academy."
"Anong pangalan ng school?"
"Ha? Sa Bulacan iyon eh. Bulacan State University, doon ako nag-highschool. Bakit ba bigla mong naitanong?" Hindi naman kasi ugali ni Frost ang magpakuwento dahil wala naman siyang pakielam sa buhay ko, pero kataka-taka lang ang pagkakataon na ito. Instant throwback din naman kaya ayos lang.
Tumango-tango si Frost at may ngiting kumurba sa kanyang labi. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang sira."
"Nothing. Let's call it a day, pupunta pa ako sa Cafe Adjura para magtrabaho." Sa wakas sinabi niya na rin ang magic word! Kanina ko pa gustong umalis dahil ilang oras din kaming nag-isip ng lyrics... And honestly, hindi siya madali lalo na't lalapatan pa ito ng kanta. Hassle.
Sabay kaming naglakad ni Frost papuntang elevator. "Betty, kailangan maaga tayo bukas, we need to finish the lyrics this week para next week ay magpo-produce na lang tayo ng tune for that."
Sumimangot bigla ang mukha ko. Nakalimutan kong napakahirap nga pala ng ganitong klase performance. Sobrang hassle at ang lakas makakain ng oras. "Okay, wala naman akong magagawa. Text mo na lang ako kung saan at anong oras."
Hindi ako pinansin ni Frost but silent means yes to him so I will take that as a yes. Pagkabukas ng elevator sa ground floor ay mabilis na tumakbo paalis si Frost. Mukhang male-late na siya.
"Hoy! Ingat ka!" Malakas kong sigaw. Itinaas naman ni Frost ang kanyang kamay at nag-thumbs up.
Huminto ako saglit at pinagmasdan ko lang si Frost na tumakbo hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Hindi pa rin ako makapaniwala na naging malapit kong kaibigan ang pinakamailap na tao rito sa Music Academy.
Balak ko sanang dumaan sa may school field upang manuod ng nagpa-praktis na marching band pero bigla kong nakita ang isang itim na kotse na pumasok sa loob ng Music Academy.
Hindi ko na sana ito papansinin pero huminto ito sa may males dorm. Bihira lang magpapasok ng bisita ang music academy kaya paniguradong importanteng tao ito. Kahit nga sa media ay off limits ito at nagpapasok lang kapag may school events.
Lumabas ang isang lalaji na naksuot ng itim na tuxedo at sobrang pormanl ng kanyang hitsura, umangat ang tingin ko at namilog ang mata ko sa aking nakita... Ang ama ni Frost.
Inisip ko ay baka balak niyang puntahan si Frost pero mas namilog ang aking mata nung makita si Henry na lumabas sa boys dorm upang salubungin ito.
Kahit pa nakasuot ng hoodie jacket si Henry at nose mask... Alam kong siya iyon. Naguluhan ako sa nangyayari, akala ko ba ay hindi alam ni Mr. Cervantes na anak ni si Henry, bakit siya nandito at magkausap silang dalawa ni Henry? Nagsinungaling ba sa akin si Henry?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top