Chapter 32 "Just us"
Pagka-announce ng magaganap na midterm exam ay napatingin ako kay Frost, dati kasi ay disappointed siya for being second pero ngayon ay tila ba wala na siyang pakielam sa ranking dahil aalis na siya.
"Ano ba 'yan! Bawal ang banda, may plano pa naman na kami ni Lucas." Inis ma sabi ni D.J at umupo sa desk ko. "Bakt ba kailangan mag-perform na tanging sayaw at kanta lang... Ang baduy kaya no'n."
"Ayaw mo lang sumayaw eh." Pabirong sabi ni Lucas kaya medyo natawa ako.
"Eh kung suntukin kaya kita diyan?" Maangas naman na sagot ni D.J. Ewan ko ba kag D.J, ang galing-galing niyang sumayaw pero ayaw niya sa talent na iyon. "Oy magkakagrupo tayo ah!"
Sabi nga ni sir Michael ay pwede kahit sino ang magkakagrupo... We decided na kami-kami na lang na magkakaibigan. Kung makikisama pa kasi kami sa iba ay mas hassle lalo na't hindi naman namin alam ang kanilang mga ugali. "Frost sasali ka sa amin 'diba?" Tanong ko kay Frost na nakaupo at inaayos ang gamit niya, mukhang palabas na siya ng room.
He looked at me at tumango bago naglakad paalis. "Ang angas talaga, pero bakit feeling ko Cindy ay pagdating sa iyo ay bumabait si Frost." Curious na pagtatanong ni Lucas. Simpleng tanong lang iyon at walang halong pang-i-intriga.
"Feeling mo lang 'yon. Mas masungit pa 'yan kapag kaming dalawa lang ang magkasama." Kwento ko sa kanya habang naglalagay ng pulbos sa aking mukha.
"Buti ka nga ay itinuturing kang kaibigan ni Frost, samantalang kami ay pakiramdam ko ay hindi niya kami kajilala lahat dito sa room." Natawa ulit ako sa sinabi ni D.J dahil totoo iyon, walang kilala sa room na ito dahil wala talagang pakielam si Frost sa prisensya ng isang tao.
"Ang mahalaga ay kagrupo natin si Frost at si D.J! Paniguradong isa sa mga aabangan ng mga tao at manunuod ang ating performance." Napatango-tango ako biglang pagsang-ayon sa sinabi ni Lucas. Dalawa sa pinakasikat na first year ang kagrupo namin.
Ang tema ng performance ay tungkol sa friendship, sa palagay ko naman ay hindi ito magiging mahirap.
Dahil nga isang buwan lang ang preperasyon ay nakaka-pressure. Kagaya nung last performance, wala kaming klase tuwing Thursday at Friday para mapaghandaan ang performance. Tuloy naman ang discussion ng monday to Wednesday.
May nakapagsabi sa akin na nakabalik na raw si Henry kaya nagtungo ako sa convenience store na parati namin tinatambayan dalawa, hindi naman ako binigo nito dahil nakaupo siya doon at may binabasang papel. "Ano 'yan?" Pagtatanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at nung makita ako ay ngumiti siya, "Ikaw pala 'yan Cindy, nakakapanibago talaga ang pagiging mapula ng balat mo haha!"
Hindi pa rin naibabalik ang dating kulay ko dahil sa naganap na music camp, mauubos na nga yung papaya soap sa akin pero wala pa ring epekto. "Sana nga ay maging ayos na ang kulay ng balat ko sa midterm performance. Ikaw, ano 'yang binabasa mo?"
"Kinakabisado ko yung lyrics for my upcoming song. At isa pa nga pala, i-a-announce sa mismong midterm performance na magde-debut ako. Suportahan mo ako ah?"
"Oo naman. Ibaba mo yung beanie mong suot, medyo kita ka." Sabi ko sa kanya at ginawa naman niya iyon. Ngayon lang kami nakapag-usap ni Henry ng matagal-tagal.
Ang dami namin napag-usapan, kinuwento ko sa kanya kung gaano kasaya ang experience ko sa music camp samantalang siya ay nagkuwento tungkol sa photoshoot niya na ginawa. Sinabi niya rin na baka mag-out of the country siya para sa gagawing promotion ng school.
Naputol ang masayang pagtawa nung biglang mag-vibrate ang aking phone. Binasa ko naman iyon dahil isang text message iyon galing kay D.J
Cindy, pwede bang ikaw na lang ang mag-register sa grupo natin doon aa registration office? Sali daw si Jiroh at Lisa sa group.
"Bakit? Kailangan mo ng umalis?" Pagtatanong ni Henry at mabagal akong napatango, nakakahiya dahil kailangan ko siyang iwan dito. "Go on. Paalis na rin ako dahil mag-i-start na yung training tsaka kinakabisado ko itong lyrics."
"Okay lang?"
"Yes. Sige na, ba-bye na!" Iniabot ni Henry sa akin ang bag ko kaya naglakad na ako palabas ng convenience store.
Panira itong text message ni D.J dahil minsan lang kaming magkaka-moment dalawa ni Henry. Feeling ko nga ay mas maganda na hindi alam ni Henry na sobrang crush ko siya dahil baka kapag nalaman niya eh magbago ang lahat.
Nagpunta ako sa registrar office upang ipa-register ang grupo namin para sa magaganap na midterms. "Cindy Gonzales?" Pagtatanong sa akin nung isang clerk.
"Opo."
"I'm sorry pero naka-register ka na sa ibang grupo." Sabi niya sa akin at napakunot naman ako ng noo dahil sabi ni D.J ay hindi pa raw kami nakakapag-register.
"Ha? Paano naman po iyon mangyayari? Ngayon palang po ako magre-register." Kinakabahan ako dahil baka sa kung saan-saan grupo ako mapunta, hindi pa naman ako komportableng magtrabaho kapag hindi ko kilala ang mga kagrupo ko.
"Wait lang ah, check ko kang," Sabi nh clerk at muling tumingin sa computer. "Naka-register ka na talaga, Cindy. Ni-register ka ni Frost kaninang tanghali."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bakit naman gagawin ni Frost iyon at sino ang mga magiging kasamahan namin? Nakakakaba naman kapag ganoon. "Oh sige po thank you."
Habang naglalakad ako para hanapin si Frost ay tinext ko na rin si D.J dahil mukhang hindi kami magkakasama sa grupo.
D.J, naka-register na pala ako. Mukhang hindi tayo magkasama sa isang group :(
Nagpalitan pa kami ng mensahe ni D.J at umajyat ako papuntang 8th floor ng music department kung saan madalas si Frost. Hindi naman ako nagkamali na doon siya matatagpuan.
Si Henry ay parating mong makikita sa mga convenience store dahil iyon lang ang time niya kumain... At wala siyang time magluto. Si Frost naman ay madalas mong makikita sa lugar kung saan walang tao. Isang introvert at isang extrovert, masyadong malaki ang pagkakaiba ng half brothers na ito.
"Frost ni-register mo ako ng hindi ko man lang alam?" Pagtatanong ko sa kanya, walang halong galit ang boses ko. Casual lang akong nagtatanong, kumuha ako ng bangko at umupo sa tabi niya.
"Yes." Tipid niyang sagot sa akin at tumingin ng pagkalamig-lamig. "May problema ka?"
Mahina kong tinapik ang kanyang mukha. "Baliw ka! Hindi mo na ako madadaan sa ganyan-ganyang tingin mo. Sindakin mo lolo mo." Tuluyan kong napatawa si Frost, minsan kasi hilig nuyang tumingin ng ganoon para masabing may authority siya. Pasensya siya, wala ng effect kay Cindy Gonzales ang ganoon.
"Ikaw ang may sabi na gusto mong mag-perform ng kasama ajo sa hulibg pagkakataon, ginawa ko lang ang gusto mo," Sabi niya sa akin at tumingin sa kanyang relo "May sasabihin ka pa ba? Pupunta na ako sa cafe Adjura."
He grabbed his bag, nagta-trabaho pa rin siya sa cafe na iyon para makaipon na pang-enroll sa normal school lalo na't hindi na siya sinusustentuhan ng kanyang magulang.
"Sini mga kagrupo natin Frost?" Huli kong katanungan sa kanya bago siya umalis.
He smirked at me at inayos ang kanyang kwelyo. "Just the two of us."
Napatulala ako panandalian dahil sa sinabi ni Frost. Hindi ko na nasabi ang mga pahabol kong tanong dahil tuluyan ng nakaalis si Frost.
Meaning, kaming dalawa na naman ang magkasama ni Frost. Sa hindi ko malamang dahilan, I find myself smiling alone na parang gusto ko ang ideya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top