Chapter 31 "Welcome back"
"Shit ka Cindy! Late ka na naman!" Sabi ko habang naglalagay ng pulbos sa aking mukha. Paano ba naman, pasado alas-siete na ako nagising eh may performance kaming kailangang gawin sa Music Class. Late na kasi ako nakauwi kagabi.
Wala ng tao sa dorm room at hindi man lang ako nagawang gisingin ni Yngrid or baka ginising niya ako at hindi lang ako nagising.
Dali-dali kong isinukbit ang aking bag at kumaripas ng takbo paalis ng dorm. Hingal na hingal ako nung narating ko ang music department, napakalayo nito sa dorm namin kaya tagaktak ang pawis ko.
Pagkarating ko sa tapat ng room namin ay saktong palabas si D.J kasama si Lucas. "Nasaan si ma'am?" Humihingal kong sabi.
"Wala. Walang klase Cindy, ang saya nga eh. May sakit daw kasi ang anak niya kaya hindi siya makakapasok." Abot langit ang pagpipigil ko ng galit dahil kumaripas ako ng takbo para lamang sa wala!
Sasabay na sana ako kanila D.J ng may isang tao ako na nakita na naglalakad palabas ng room namin-- si Frost. As usual, ang astig niya pa ring tignan sa golden yellow coat niya pati na rin ang naka-brush up niyang buhok, dagdag points din ang malamig niyang titig. "Morning." Tipid niyang sabi sa akin.
Parang nawala lahat ng inis ko nung makita siya. Nagbalik na si Frost, nagbalik na ang ace student sa batch namin. Malapad akong ngumiti sa kanya. "Good morning din."
Naputol lamang ang pagtitig ko kay Frost ng biglang hatakin ni D.J at Lucas ang aking braso. "Halika na."
Nagtungo lamang kami sa cafeteria at bumili na lang ako ng maiinom samantalang silang dalawa ay bumili na ng pagkain, heavy breakfast kumbaga.
Ang pagbabalik ni Frost ang main topic ng lahat ng estudyante, it was a happy atmosphere for everyone... Lalo naman sa mga babaeng may gusto doon sa kaibigan ko. Kung mayroon mang masayang-masaya sa pagbabalik ni Frost-- si Betty na iyon.
"Sabi ko na nga ba't hindi rin ako maiiwan dito ni Frost dahil alam niyang ako lang ang nababagay..." See? Assumera talaga ang babaeng ito, hindi lang masaway ng ibang estudyante dahil ugaling iskwater ang magandang babae na iyon.
"Akala mo naman nagbalik si Frost para sa kanya," Sarkastikong sabi ni D.J kaya napatawa kaming tatlo. "Kung makapagkwento eh parang ang ganda-ganda niya--"
"Bakit, hindi ba siya maganda?" Biglang pambabara ni Lucas na kumakain ng nachos.
Umirap sa ere si D.J, "okay maganda si Betty. Pero iba rin yung pagiging assumera niya eh 'no? Sarap bangasan ng mukha." Maangas na sabi ng aking kaibigan. Napailing na lamang ako dahil nagpakita na naman ang boyish side ni D.J.
Basta ako, masaya lang ako sa pagbabalik ni Frost. Masaya rin ako para sa kanya sa binabalak niyang maging isang Architect. First time ko kayang magkakaroon ng kaibigan na arkitekto kung nagkataon!
Habang kumakain kami ay biglang may umupo sa tabi ko at malawak na ngiti niya ang sumalubong sa akin. "Ano ba namang klaseng ngiti 'yan Jiroh?"
"Ikaw ha!" Mahina niyang tinulak ang aking balikat. "Ano ang sinabi mo kay Frost at napabalik mo siya rito sa Music Academy?"
"W-wala!" Medyo natataranta kong sagot, ngayon lang kasi nag-sink in sa akin na sobrang nakakahiya ng mga pinagsasabi ko kagabi.
"Pumunta ka kay Frost kahapon?" Biglang pagtatanong ni D.J na nasa kabilang sude ng table, pinanlakihan ko ng mata si Jiroh at naoakagat siya sa ibabang labi niya. Ang daldal kasi.
"Sige mauna na ako Cindy! Ba-bye!" Tumakbo na paalis si Jiroh at iniwan niya akong mag-isa na magisa ng aking mga kaibigan. Humanda ka talaga Jiroh kaoag nakita kita ulit.
Dahil nga wala akong choice, ikinuwento ko kanila D.J ang nangyari at nakinig naman sila, puwera na lamang kay D.J na panay ang side comment. Mabuti na lamang at naintindihan nila na pumunta ako doon bioang kaibigan at walang malalim na kahulugan.
Buong umaga ay wala kaming klase dahil mayroon daw meeting ang buong faculty kaya sobrang nakakabagot. Hindi rin naman kami makapaggala dahil nga may continuation ng klase mamayang tanghali.
Naisipan ko na lamang na tawagan ang mama ko at kamustahin sila sa Bulacan. Hindi na ako nakakauwi dahil inabisuhan ako ni mama na isang beses sa isang buwan na lamang ako umuwi dahil magastos ang magoabalik-balik at hassle ito para sa akin. Araw-araw naman kaming magkakatawagan kaya ayos lang din.
"Anak napaaga yata ang pagtawag mo ngayon? Huwag mong sabihin na nagka-cutting ka diyan sa Manila?"
"'Ma wala po kaming klase kaya napatawag ako, chill ka lang diyan dahil hindi ako nagka-cutting."
Nagkuwentuhan pa kamk ni mama tungkol sa mga bagay-bagay. Kinuwento ko ang mga nangyayari sa akin dito samantalang siya ay kinukwento niya kung gaano kasutil ang bunso kong kapatid na si Caleb. Kailan ba naman hindi naging pasaway ang lalaking iyon?
Nakaka-miss sila pero gaya nga ng parati kong sinasabi. Kinakailangan kong magtiis para sa pangarap ko.
Sa hindi ko malamang dahilan ay dinala ako ng aking paa sa music department, sa ikawalong palapag to be exact. Gaya ng inaasahan, nandoon si Frost, nakatingin lamang siya sa bawat keys ng piano.
"It's good to see you here again," Nakangiti kong sabi sa kanya. "Ilang araw din nabakante itong teritoryo mo. Paniguradong na-miss ka ng mga musical instrument dito."
"Wgat are you doing here?" Kunot noo niyang tanong sa akin.
Kumuha ako ng isang monoblock sa isang gilid at umupo malapit kay Frost. "Hindi ko rin alam, kusa yata akong dinadala ng paa ko rito. Pero Frost, salamat sa pagbabalik mo."
"I'm not doing this for you, Betty, huwag sanang lalaki ang ulo mo. Naisip ko na tama ka, dapat lamang na tapusin ko ang buong semestre na ito at mag-perform sa midterm upang mamaalam sa mga taong sumusuporta sa akin." Mahaba niyang litana at pumindot ng isang key sa piano at gumawa ito ng ingay.
"Okay. Sabi mo eh!" Tumango-tango ako ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi. Natutuwa ako dahil maaari pa kaming magsama ni Frost sa isang performance.
Tumipa si Frost sa keys ng piano na lumikha ng isang tunog na napakalambing sa tenga. Nakakapanghinayang talaga ang ganitong klaseng talento kung iiwan niya lang ito para maging isang architect. Pero malaki na si Frost, alam na niya ang gusto niyang gawin.
"Nag-quit ka na sa cafe na pinagtatrabahuhan mo?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Nope. Part time job, panggabi ang shift ko," Tipid niyang sagot sa akin. Naisip kong hindi na nga pala sinusustentuhan ng kanyang ama. Nakakalungkot na may ganoong klaseng ama na kapag hindi sinunod ang gusto... Handa siyang itakwil ang kanyang anak."'Diba sinabi ko naman sa'yo Betty na pinaka ayokong kinakaawaan ako."
"H-ha? Hindi naman ako naaawa sa'yo!" Umiwas ako ng tingin. Paano niya naman nalaman na ganoon ang iniisip ko?
Ngumisi si Frost. "Napakadali mong basahin Betty."
"Ayan ka na naman sa kaka-Betty mo! Cindy nga kasi ang pangalan ko. Kahapon ay nasabi mo 'yon ng maayos eh! Sabihin mo na ulit, Cindy!" Humarap ako sa kanya.
"Ayoko."
"Bilis na Frost! Isang 'Cindy' lang!"
"Betty." Bagot niyang sabi kaya napasimalmal ako. Napakadamot talaga ng lalaking ito. Tumingin siya sa kanyang wristwatch. "Let's go, malapit ng mag-ala-una."
Ano ba 'yan. Saglit pa lang ako nauupo pero kailangan na naman naming umalis. Isinukbit ko ang bag ko at sumakay na kami sa elevator dalawa.
Pagkababa namin sa ground floor ay pinauna ko siyang maglakad. "Bakit hindi ka sumabay sa akin sa paglalakad?" Pagtatanong niya.
"Ha? Iba na kasi ang iniisip ng iba. Alam mo na, baka kapag sumabay ako sa paglalakad mo... Issue na naman." Sabi ko sa kanya. Naalala ko kasi bigla yung mga note na tinatanggal ni Lisa sa pader... Lahat 'yon ay against sa akin.
Biglang hinatak ni Frost ang braso ko at inakbayan ako. "Alam mo, huwag kang nakikinig sa sinasabi ng iba, Betty. Kaibigan kasi kita samantalang hindi ko sila kilalang lahat."
"Wow naman! Ang hangin talaga Frost! Ngayon alam ko na kung bakit Frost ang pangalan mo! Huuu ang lamig!" Kunwari pa akong nangilabot kaya napatawa si Frost.
Sa tagal kong kasama si Frost ay ngayon ko lang masasabi na komportable na kami sa isa't-isa.
Sabay kaming naglakad ni Frost sa dance department at umupo sa kanya-kanya naming puwesto. Nakita ko pa ang masamang titig na ipinukol sa akin ni Betty. Tignan mo nga naman ang babae na ito, O.A mag-react. Para naman syota siya.
Minsan napapaisip ako kung bakit hindi natatanggal si Betty rito sa Music Academy eh obvious naman na bine-break niya ang forbidden rule. Panay kire.
Pagkatingin ko sa board ay nakasulat ng pagkalaki-laki:
MIDTERM EXAM
Nakalagay ang petsa, isang buwan mula ngayong araw. Isang buwan na preperasyon lamang ang ibinigay sa amin.
Pumasok sa room si sir Michael, sa hindi ko malamang dahilan ay biglang namawis ang aking kamay dahil sa kaba. Napapatanong ako kung maaabot ko ba ang expectation ng ibang tao at napapatanong din ako kung nag-improve nga ba talaga ako.
"
Good afternoon class. Siguro naman ay nabasa ninyo na ang nasa board. It's preperation week for your midterm performance. Once again, we will evaluate your skills kung nag-improve nga ba talaga kayo at magkakaroon din tayo ng popularity pole kung gaano na kayo kasikat as a student here in Music Academy."
Nakatahimik lang ang lahat. Tanging huni ng maiingay na ibon sa labas ang maririnig.
"Your midterm exam be a group performance. Ang tema ng performance, about Friendship." Napatango-tango ako dahil sa tingin ko ay madali lang ang topic. "Siguro naman sa limangapat na buwan ninyong pananatili rito sa Music Academy ay nagkaroon na kayo ng mga kaibigan at hindi na kayo mahihirapan sa tema."
Ang sabi ni sir ay kahit ilang members ng bawat group basta grupo! Kahit daw kaibigan namin sa ibang section pwede.
"The rules for the performance. No bands, you will perform as an idol Group. Just singing and dancing, naipakita na ninyo ang galing ninyo sa musical instrument nung last performance. The recording studios are now open, you will write and produce your own songs."
Anong bago? Pero mas maganda iyon dahil nakaka-refresh sa tenga kung puro bagong kanta ang aming mapapakinggan.
"The venue was still the same and live tayo sa isang music station. But the BEST performances ay may chance na maipakita sa mga major broadcasting station ang inyong performances... It will help you to boost your popularity. For those whose in Rank, diyan natin masusukat kung kaya ninyo panatiliin na kayo'y nasa rank."
Naisip ko tuloy ang pagiging rank 12 ko... Kaya ko ba itong protektahan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top