Chapter 30 "His reason"
Ilang araw na ang lumilipas at kahit umaandar ang klase ngayon ay nakatingin lang ako sa blangkong upuan ni Frost. Magmula na pumutok ang balita na iyon ay hindi na rin siya pumapasok. Mainit pa rin iyong usap-usapan hanggang ngayon.
"Cindy!" Hindi ko pinansin ang tumatawag sa akin. "CINDY GONZALES!"
Napatayo ako sa sobrang gulat dahilan upang matawa ang buong klase. Gosh! Kahihiyan na naman, ano ba naman 'yan Cindy. "Y-yes ma'am?"
"Are you with us? If you are not interested to learn... The door was widely open, you may leave." Masungit na sabi sa akin ni ma'am Rose. Naiintindihan ko naman iyon dahil totoo namang hindi ako nakikinig.
"I'm sorry ma'am, hindi na po mauuli--"
"Talagang hindi na mauulit miss Gonzales!" Sigaw niya sa akin at napakagat ako sa ibabang labi ko. Gosh! Napahiya na naman ako sa klase once again.
Napaupo ulit ako pero maya-maya lang ay tinawag ni miss Rose ang pangalan ko. "Miss Cindy, what do you call a music accompanied by knee slapping?"
Tumayo ako at buti na lang naipaliwanag na sa akin ni Yngrid ang tungkol sa bagay na iyon dati. "A patella ma'am."
"Acapella or A patella?"
"A patella po talaga ma'am." Alam ko naman ang kaibahan nung dalawang iyon. Napatango-tango si miss Rose at pinaupo niya rin naman ako.
Tungkol sa mga musical terms ang pinag-aaralan namin ngayon and to be honest, ang hirap niya. Para akong nag-aaral ng panibagong lenggwahe. Musical terms was really hard to remember.
"Cindy, okay ka lang ba?" Pagtatanong ni D.J at umupo sa desk ko, isinukbit ko naman ang bag ko sa likod. "Iniisip mo pa rin ang tungkol kay Frost?"
"Syempre iniisip ko 'yon, kaibigan ko si Frost. Nakakapagtaka lang na biglang pumutok yung balitang iyon tapos hindi na siya nagpakita." Sabi ko sa kanya. Sabay na kaming naglakad tungo sa susunod naming klase sa vocal department.
"Baka totoo ang balita." Labas sa tengang sabi ni D.J, it was her opinion at nirerespeto ko iyon. Walang dahilan uoang makipagtalo.
"Pero imposible talagang umalis siya ng walang dahilan. Alam ko, kung ano man ang dahilan ni Frost ay paniguradong matutuklasan ko iyon." Sabi ko at ngumisi kay D.J.
Pagkarating namin sa vocal class namin ay ayun pahirapan na activity ang ginawa namin dahil kinakailangan naming bumirit with 4 octaves. Ang sakit sa lalamunan.
Natapos ang klase na para bang wala ako sa aking sarili. Matapos ang klase ay tumungo ako sa ikawalong palapag ng music department dahil doon parating tumatambay si Frost, kaso ay wala. Gusto ko man lang sana marinig ang side niya. Nung Music camp ay ang saya-saya pa namin then suddenly... Pagbalik, isang nakakagulat na news ang sasalubong.
Tinignan ko ang mga Musical instrument na nandito. Lahat ito ay nagamit ni Frost habang nakatambay kaming dalawa rito. "Nasaan ka na ba Frost?"
Tumambay muna ako roon ng ilang minuto bago nagdesisyong bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko si Lisa na parq bang may tinatanggal na papel sa pader. "Lisa!" Masaya kong bati sa kanya.
Para naman siyang nagulat at itinago ang kanyang kamay sa likod kasama ang papel. "C-Cindy ikaw pala!" She gave me an awkward smile.
"Ano 'yang nakatago sa likod mo? Patingin ako," Sabi ko ngunit umiling lamang si Lisa. "Patingin ako. Tungkol sa akin 'yan kaya ayaw mong ipakita 'no?"
"Pero Cindy baka masaktan ka lang."
"No. Sanay na ako sa ganyan, patingin ako." Mabagal na iniharap sa akin ni Lisa ang papel.
Cindy Gonzales, die bitch! Ikaw na lang ang umalis huwag na si Frost!
Nagulat ako sa ajing nabasa at tge same time... Nasaktan. Iniisip nila na ako ang dahilan ng pag-alis ni Frost dahil clpse kaming dalawa. Ngumiti ako at ipinakita kay Lisa na hindi ako naging apektado sa aking nabasa. "'Yan lang ba? Sanay na ako diyan."
"Pero Cindy..."
"Mauna na ako Lisa, magbibihis lang ako sa dorm." Tumalikod ako at naglakad paalis, sa paglalakad ko ay hindi ko inaasahan na may luhang tutulo sa aking mata. Being hated by everyone without doing anything, ang sakit.
Bumalik ako sa dorm at mahigpit na niyakap si Lamig. Mabuti na lamang ay wala si Yngrid dahil mayroon daw silang interview na kailangang gawin with popular musician. "Nasaan na kaya ang tatay mo lamig?" Pagkakausap ko sa teddy bear. How I wish na maituturo ng teddy bear na ito kung nasaan si Frost 'diba?
Matapos kong umiyak sa kwarto ay napagdesisyunan ko na rin na pumunta sa malapit na convenience store upang bumili ng makakain. Sarado na rin kasi ang cafeteria sa school namin dahil na rin pasado alas-siete na ng gabi.
Kumuha lamang ako ng isang malaking piatos at ang paborito kong kainin kapag malungkot ako-- Ice cream, chocolate flavor.
Wala rito si Henry dahil nasa Palawan siya para sa photoshoot ng isang sikat na fashion magazine. Ganyan kalakas si Henry, estudyante pa lang ngunut kabi-kabilana ang trabahong naka-line up sa kanya.
"Cindy! Anong ginagawa mo rito?" Biglang may umupo sa tabi ko at umiinom siya ng slurpee-- si Jiroh.
"Ikaw pala iyan," bagot kong sabi ngunit naalala ko na malaki nga pala ang koneksyon niga kay Frost. "Kamusta si Frost?! May balita ka ba sa kanya?"
"Chill lang Cindz. Wala bang sinabi sa iyo si Frost kung bakit siya umalis?" Sabi ni Jiroh. Kumunot ang noo ko.
"Umalis? Ibig sabihin ay totoo ang balitang kumakalat sa mga social media?" Tanong ko at parang bata na tumango-tango si Jiroh. "Pero bakit? Bakit naman siya aalis?"
"Gusto mo bang malaman ang totoo Cindz?"
"Oo naman! Kaibigan ko rin si Frost kaya may karapatan din naman ako kahit papaano na malaman kung anong kalagayan niya ngayon." Seryoso kong sabi.
Tumingin si Jiroh sa akin ng seryoso. "Paano kung sabihin kong nahuhulog na siya sa'yo? Paano kung sabihin kong umalis si Frost dahil ayaw niyang ma-break ang forbidden rule?"
Natahimik ako sa sinabi ni Jiroh. Ako? Ako ang dahilan ng pag-alis ni Frost? Pero bakit naman?
Maya-maya pa ay isang malakas na tawa ang narinig ko. "Haha! Hanep yung ekspresyon mo Cindy! Syempre joke lang 'yon, asado ka naman!"
Malakas kong hinampas ang kanyang braso. "Bwisit ka Jiroh, masagasaan ka sana mamaya pagkalabas mo dito sa convenience store na ito." Mas lalong lumakas ang tawa ng hinayupak na lalaki. Bwisit. Ang lakas mang-asar.
"Alam mo kasi Cindy, feeling ko naman masaya si Jiroh sa naging desisyon niya." Sabi ni Jiroh matapos niyang tumawa. "Ang totoo kasi niyan may ibang gusto gawin si Frost, 'diba minsan ka ng nakabisita sa kwarto ni Frost?"
"Oo."
"Anong napansin mo?"
"Puro drawing mga house design and ang daming blueprints--" namilog ang mata ko dahil may konklusyon ng pumasok sa kokote ko. "Huwag mong sabihin na nag-quit si Frost sa Music Academy para maging isang architect."
"Mismo, Cindy! Kaya kung ako ang tatanungin, masaya ako sa pag-alis ni Frost sa Music Academy. Finally! Magagawa na niya ang gusto niya."
Naalala ko dati na pabiro kong sinabihan si Frost tungkol sa pagiging architect, I just tease him for fun pero hindi ko naman alam na totoo pala ang bagay na iyon. "Nasaan si Frost?!"
"Bakit mo naman hinahanap si Frost? Okay na siya Cindy."
"Nasaan? May importante lang akong sasabihin sa kanya. Please Jiroh sabihin mo kung nasaan siya." Sabi ko at isinukbit ko ang bag kong dala sa aking balikat. Kailangan kong mapuntahan si Frost.
"Hindi ko alam kung saan siya nagdo-dorm ngayon pero alam ko nagtatrabaho siya sa Cafe Adjura, yung bagong bukas na cafe sa may Pasig." Sabi ni Jiroh, pagkasabi niya palang ng lugar ay kumaripas na ako ng takbo palabas. Nag-grab taxi na rin ako para mas mapabilis.
***
Inabot ng isang oras ang biyahe, malapit lang ang Pasig sa may School namin ngunit dahil nga bago pa lang yung Cafe Adjura na sinasabi ni Jiroh, nagkaligaw-ligaw kami. Nasa tapat na ako ng Cafe Adjura.
Natatanaw ko agad sa loob si Frost na nakasuot ng uniporme na pang-waiter at nagtatanong ng order sa isang babae.
Naglakad ako papasok at tumunog ang chime bell kaya nalaman nila na may bagong customer. "Good evening ma'am welcome to Cafe Adj--"
Naputol ang sinasabi ni Frost nung makita niya ako. Umupo ako sa isang bakanteng seat. Masasabi kong ang cozy ng atmosphere dito at amoy na amoy din ang kapeng barako sa lugar. May mga inspirational quotes din na nakasabit sa red bricks nitong dingding.
"May I take your order ma'am?" Sabi ni Frost sa akin at tinignan niya ako na parang hindi kilala. Yung tingin na parang isang normal na customer lang din ako sa paningin niya.
"Gusto lang kitang makau--"
"O-order ka ba ma'am? Hindi kami nag-a-accommodate ng tumqtambay sa cafe namin na hindi bumibili." Sabi niya at malamig akong tinitigan.
Dali-dali ko tuloy kinuha ang menu list. Nung makita ko ang mga bevarages and snacks nila... Jusko! Ginto ang presyo. "I-isang Java chip na lang." Nagdadalawang isip kong sabi.
Isinulat ito ni Frost sa hawak niyang notebook at iniabot doon sa barista. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang java chip. "Frost pwede ba kitang makausap?"
"It still working hour. Kung gusto mo 'kong makausap, hintayin mo ang out ko." Sabi niya at naglakad na siya para linisin ang kalapit na lamesa.
Napatingin ako sa wall clock, 8:47pm pa lang. 10:00 pa ang sarado nito kaya kailangan ko pang rumambay dito ng halos isa't kalahating oras.
Hindi naman ako nainip dahil matagal ko ring naubos ang java chip. Pinagmamasdan ko kasing magtrqbaho si Frost. Hindi ko inakala na isang Frost Cervantes ay magiging waiter dito sa isang Cafe... Ang isang Frost Cervamtes na mas maikli pa sa kuko ko ang haba ng pasensya.
Bandang 9:50 ng gabi nung natapos magsara ang kanilang cafe at doon lang ako nakakuha ng pagkakataon upang makausap si Frost.
"Frost!" Sinabayan ko siya sa paglalakad pauwi.
"Bakit hindi ka pa bumalik sa Music Academy, Betty? Maaga pa ang pasok mo bukas." Sabi niya sa akin at hindi man lang niya ako pinukulan ng tingin.
"Ang sabi mo kasi ay kakausapin mo ako pagkatapos nang shift mo. Hinintay kita Frost," pumunta ako sa harap niya dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad. "May gusto lang akong sabihin sa iyo."
Tumambay kami sa isang parke at umupo kaming dalawa sa may bakal na duyan... Yung katulad sa mga playground. Dahil nga gabi, tanging ilaw lang ng poste ang nagbibigay liwanag.
"What is it? Pipigilan mo ba ako sa desisyon ko?" Seryoso niyang sabi habang mahinang iniugoy ang duyan dahilan upang tumunog ang bakal nito.
"Pigilan? Bakit naman kita pipigilan Frost? Sa katunayan nga ay gudto kitang i-congratulate kaya ako naghintay." Tumayo ako at pumunta sa kanyang tapat. "Congratulation pare! Ang lakas ng loob mo para baliin ang gusto sa iyo ng iyong ama."
Iyon ang dahilan kung bakit matiyaga ko siyang hinintay. Minsan ko na kasing nalaman na pini-pressure siya ng kanyang ama na gawin ang mga bagay na hindi niya gusto. Ngayon lamang nagkaroon ng pagkakataon si Frost para baliin ito.
Ngumiti sa akin si Frost, isang ngiti na bihira ko lang makita. "Thanks."
"So anong balak mo ngayon Frost? Alam na ba ng papa mo ang tungkol sa desisyon mo?"
"Yes and he's against with it. Wala na akong pakielam, I'm tired of doing all that stuff. Wala na rin akong allowance kaya nagtatrabaho ako ngayon sa isang cafe." Pag-amin niya. Hindi naman ako nakaramdam ng awa kay Frost bagkus ay ang tingin ko sa kanya ay ang tapang-tapang niyang tao.
"So anong plano mo? Quit ka na talaga sa Music Academy? Hindi ka pa naman makakapag-enroll sa normal school this semester at kahit na susunod na semester, next year pa!" Sabi ko sa kanya. Masyado na kasi late para mag-enroll.
"Yes I quit. Mag-iipon ako para may pang-enroll ako next year." Sabi niya sa akin.
Hindi naman masamang tao sibFrost, nami-misinterpret lang ng iba dahil ang lamig-lamig niya kung tumitig. Ang kailangan lang ninFrost ay amg taong iintindi sa kanya and as a friend... Nandito ako para gawin ang bagay na iyon.
"Nice pero Frost may hiling lang sana ako sa'yo..."
Kumunot ang kanyang noo na parang tinatanong kung ano ang bagay na iyon. "Sana naman tapusin mo ang semester na ito, kahit hanggang midterms lang. Gusto lang kitang makasama sa iaang performance pa... Sa huling pagkakataon Frost."
Sa music Academy kasi ay may tatlong exam lang sa isang taon.
***
Preliminary exam- nagaganap ito ng bandang umpisa ng klase.
Midterm exam- nagaganap ito bago matapos ang first semester.
Final exam- bago matapos ang second semster.
***
Hindi kami iyong school na sa isang semester ay nagaganap ang talong iyan. Nagaganap ang tatlong exams na iyan sa loob ng isang taon.
"Why you suddenly wish that, Betty?" Sabi niya sa akin.
"Wala pakiramdam ko ay mawawalan ako ng isang kaibigan. Gusto ko lang ng isang farewell performance kasama ka." Pag-amin ko sa kanya. Wala namang halong special feelings iyon dahil talagang tini-treasure ko lang ang mga nagiging kaibigan ko.
"Pag-iisipan ko." Tipid niyang sagot at tumayo. "Halika na, mahirap ng gabihin ka sa lugar na ito. Hatid na kita sa sakayan."
"No need. Pag-isipan mo Frost ah! Mag-ga-grab taxi na lang ako." Tumakbo ako palayo. "Ba-bye Frost!"
"Wait!" Malakas niyang sigaw kaya lumapit ako sa kanya ng kaunti. Ngumiti sa akin si Frost at may sinabing biglang nagpakilabot sa balahibo ko.
"Thank you, Cindy."
***---***---***
Update done guys! Cafe Adjura was my favorite cafe near our house, hindi ko alam kung may branch siya sa Pasig so it was only fictional. No need to take it seriously haha!
Comment guys! Susubukan kong bilisan ang UD hanggang medyo maluwag pa ang sched ko mahihirapan na kasi ako kapag finals na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top