Chapter 29 "Shocking news!"
Kahit na may nangyaring pagkalunod ay itinuloy pa rin ang activity na iyon. Mas ayos iyon dahil ayoko naman itigio ito ng dahil lamang sa akin, ayokong maging center of attraction dahil sa pagiging Kill joy.
Natapos ang palaro at itinanghal ang section na nanalo-- kami iyon. Salamat na lang din sa galing ni Lucas at D.J, parehas kasi silang mahilig sa water sport kaya malaking tulong iyon.
"Cindy, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni D.J, pinuntahan niya agad ako rito sa kubo after nung activity. "Pasensya ka na kung pinilit ka pa namin na sumali, hindi ko naman alam na malaki ang takot mo sa malalim."
"Okay lang." Tipid kong sagot, hindi ko naman kasi maitatanggi na naiinis ako sa mga kaklase ko dahil sa pagpilit sa akin na sumali sa activity. Hindi naman ako ganoon kabait na tao upang hindi magalit... Pero huhupa rin naman 'tong inis ko.
Mabuti na lang talaga na nandiyan si Frost, agaran niya akong nailigtas. Nasa tabi ko si Frost at nakabalot ng kumot ang buo niyang katawan kagaya ko.
"Basta sorry talaga, Cindy. Hindi na talaga mauulit."
"Ano ka ba!" Pekeng tawa ang aking ginawa upang hindi na mag-alala si D.J. "Napanalunan naman natin yung barbecue party para mamayang gabi kaya ayos lang."
Yumakap sa akin si D.J bago umalis. Pagkaalis ni D.J ay tumingin sa akin si Frost. "You're angry, right?"
Napakunot ang noo ko. 'Paano niya nalaman?' Nagbutaw ako ng buntong hininga, mukhang nonsense din naman kung magsisinungaling ako. "Wala rin naman mangyayari kung i-e-express ko ang inis ko 'diba? Huhupa rin naman 'to." Sagot ko sa kanya.
"You almost die out there. Kung hindi kita narinig ay baka malamig na bangkay ka na nalulutang-lutang diyan." Sabi sa akin ni Frost at umirap. Ibinaling niya ang tingin sa may dagat at pinagmasdan ang humahampas na alon sa dalampasigan.
"Buhay naman ako 'diba? Tsaka maraming salamat talaga sa iyo Frost," kumunot ang aking noo. "Pero teka! Paano mo naman narinig yung paghingi ko ng tulong? Ang lakas ng sigawan ng mga kaklase natin."
"Pinagmamasdan kita."
Saglit akong natigil pero sa makalipas ang ilang segundo ay pinakawalan ang isang tawa. "Baka naman nahuhulog ka na sa akin Frost? Bawal 'yan! Pigilan mo 'yan haha!"
"Hindi ako mahuhulog sa isang clumsy na gaya mo."
"Grabe ka sa pagiging real talk ah! Pero sa bagay, kahit ako ay hindi rin mahuhulog sa iyo. Matalik na kaibigan ang turing ko sa iyo Frost." Itinaas ko ang aking kamay para makipag-apir sa kanya at tumugon naman siya.
Tiwala naman ako na mapapanindigan ko ang bagay na ito dahil unang-una, tropa ang turing namin ni Frost sa isa't-isa. Pangalawa, alam niyang may gusto ako kay Henry at suportado niya ako kahit binabantaan niya ako paminsan-minsan. At pangatlo, bawal iyon. Bawal kaming ma-inlove sa kapwa namin mag-aaral ng Music Academy.
Kung tutuusin ay hindi naman mahirap ang restriction na ito lalo na't gusto takaga namin maging performer balang-araw kaya study first muna talaga.
Kinagabihan ay may mga tent sa gitna ng isla at barbecue grill sa isang gilid. Ang section lamang namin ang magkakaroon ng ganito kasaya na party dahil nanalo kami.
"Sample! Sample! Sample!" Malakas na sugaw ng mga kaklase ko at nagpakita naman ng isang malupet na dance move si D.J. Even though hindi niya hilig ang pagsasayaw ay doon siya nakilala.
"Sure ka okay ka na Cindy?" Pagtatanong sa akin ni Lucas at inabutan ako ng isang stick ng barbecue.
"Oo, mabigat lang ang pakiramdam ko at parang lalagnatin ako. Pero okay ako." Nakangiti kong sagot, sa maghapong lumipas ay lumipas na rin ang galit ko.
Sa tingin ko dahil sa Music camp na ito ay mas naging close kaming mga first year at lalong-lalo na kami as a whole section. It strengthen our friendship at kasabay nito ay ang mga panibagong kaalaman kaming natutunan sa iba't-ibang field ng musika.
Sa pagpapatuloy ng Music camp ay gumawa lang sila ng maraming activity... Oo sila lang, nagtuloy-tuloy sa lagnat ang nararamdaman ko kaya hindi ako nakapag-participate.
Dumating na ang araw ng paglisan namin sa Isla Musika at kinakailangan na naming bumalik sa Music Academy. To be honest, isa iyon sa experiences na hindi ko makakalimutan sa buong existence ko... Sobrang saya!
Pagkabalik ko sa Music Academy ay agad akong tumungo sa may malapit na convenience store, nagbabakasakali ako na makita si Henry. Hindi naman ako nabigo dahil nandoon siya, balot na balot habang kumakain ng cup noodles.
Umupo ako sa kanyang tabi. "Tywing nakikita kita parati ka na lang kumakain." Sabi ko.
Napalingon sa akin si Henry at namilog ang kanyang mata. "Cindy! Welcome back!" Sabi niya at yinakap ako na parang ginagawa ng magto-tropa. Yung yakap na walang meaning, pero para sa akin ay mayroon. "Kailan ka pa dumating?"
"Kanina lang. Ikaw nga ang una kong pinuntahan pagkarating ko palang." Nakangiti kong sabi sa kanya. Inusisa ni Henry ang mukha ko at maya-maya pa ay nagpakawala ng isang malutong na tawa.
"Ang laki ng initim mo Cindy kahit ilang araw ka lang nawala!" Sabi niya sa pagitan ng kanyang tawa. Iniusad niya sa akin ang cup noodles na kanyang kinakain. "Oh ayan, kumain ka muna. Bukas na lang tayo magkwentuhan ng matagal dahil sa tingin ko ay kailangan mo ng mahabang pahinga."
Kinilig naman ako bigla dahil iniintindi ako ni Henry. "Busy ka ba ngayon?"
"To be honest, oo eh. Alam mo naman na pinaghahandaan ko na ang debut ko as solo artist. Mataas ang expectation sa akin kaya kailangan kong husayan." Determinado niyang sabi sa akin.
Humigop muna ako ng sabaw ng cup noodles. "Naku! Sobrang galing mo na nga Henry. Naniniwala ako na magta-top sa mga music chart ang kanta mo."
"Sana nga, Cindy. Kailangan kong husayan para mapansin ako ng aking ama." Napatigil ako sa pagkain. Iyon pala ang rason.
'Paano ka mapapansin, Henry? Hindi nga niya alam na anak ka pala niya?'
Silang dalawa ni Frost ang apektado eh. Dahil nga hindi ko rin gustong makisali sa gulo nila kahit na may alam ako, sinabi ko na lang ang mga salitang nais niyang marinig. "Oo Henry. Mapapansin ka rin niya."
Habang nakatingin ako kay Henry habang may ngiti sa kanyang labi ay doon ko naisip. Hindi galit si Henry, uhaw lamang siya sa pagmamahal ng isang ama. Pero anong karapatan ko? Lumaki ako na kumpleto ang aking pamilya kaya't hindi ko maiintindihan ang kanyang nararamdaman.
"Mauna na ako Cindy, kailangan na ako sa meeting." Sabi ni Henry habang nakatingin sa kanyang cellphone.
"O sige mauna ka na, bibili lang ako ng pagkain ta's babalik na ako sa dorm."
"Bye Cindy! Welcome back! Bukas na lang tayo magkamustahan ng matagal."
***
Pagkabalik ko sa dorm ay una kong pinansin si Lamig-- ang stuff toy na binigay ni Frost. "Lamig na-miss kita!" Mahigpit kong niyakap ang teddy bear.
After seeing Lamig, hindi ko na nakita si Frost nung bumalik kami rito, saan kaya nagsusuot yung lalaki na iyon? Sa bagay, ayaw nga pala ni Frost sa masyadong crowded na lugar.
"Hey loser! Huwag ka ngang maingay! Kailangan kong magpahinga dahil sa sajit ng aking katawan." Biglang sumigaw si Yngrid kaya napatahimik ako saglit.
Habang nakatulala ako sa kisame ay may biglang kumatok sa pinto ng aming dorm room, napakunot ang aking noo dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Tumayo ako at binuksan ang pinto.
Tumambad sa akin ang babaeng may malaking salamin-- si Lisa. "Oh Lisa, ikaw pala iyan."
"Cindy alam kong pagod ka pero pwede bang makausap kita kahit saglit lang?" Sabi ni Lisa sa akin.
"Sure, pasok ka." Sabi ko at nilaki ang awang ng pinto sa aming kwarto.
"Pwede ba sa labas na lang?" Pakiusap niya.
Pumunta kami sa may maliit na garden sa gilid ng girls dorm, umupo sa may isang bench. "Uhm Cindy... Gusto ko lang mag-sorry."
Namilog ang aking mata. "Bakit ka naman nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan na ginagawa sa akin."
"Sa totoo ay kasama ako nina Betty sa pagsabotahe sa costume ninyo nung Preliminary exam and I'm sorry for that. Nagsisisi talaga ako Cindy." Sabi niya sa akin at tinignan niya ako ng mata sa mata.
Nagulat ako sa revelation pero expected ko naman na si Betty ang may gawa no'n. "Matagal na yubg issue na iyon, naka-move on na ako. No need to sorry Lisa." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Simula ngayong araw ay hindi na ako bubuntot kay Betty, hindi na ako sasama sa mga maling gawain niya." Inayos ni Lisa ang suot niyang salamin. "Cindy, pwede ba kitang maging kaibigan?"
"Bago ka pa man din magtanong Lisa ay kaibigan na ang turing ko sa'yo." Sabi ko at yumakap ako sa kanya.
Masaya ako na tuluyan ng natauhan si Lisa na mali ang pagbuntot-buntot na kanyang ginagawa kay Betty. Mabait na tao si Lisa, malayong-malayo sa ugali nung bruhildang Betty na iyon.
Matapos ang pag-uusap naming dalawa ni Lisa ay masaya akong bumalik sa dorm. Nadatnan ko naman si Yngrid na sobrang himbing ng tulog. Dahil na rin sa pagod sa mahabang biyahe at maraming activities ay mabilis din akong nakatulog.
***
"Loser wake up!" Nagising ako sa malakas na pagyugyog na ginagawa sa akin ni Yngrid. Tumama ang sinag ng araw sa aking mata kaya napakamot ako sa aking mata.
"Ano ba iyon Yngrid?" Wala sa gana kong sabi dahil nga bagong gising lang ako.
"You need to see this, paniguradong magugulat ka dahil kaibigan mo siya." Sabi niya at nag-i-scroll siya tabley na parang may hinahanap. Nubg makita niya iyon ay itinapat niya sa mukha ko ang tablet.
Saglit akong naghikab bago binasa ang article. Namilog ang mata ko nubg mabasa ang headline, nakaramdam ako ng kaba sa aking puso. Inilapit ko pa ang aking mata upang masigurado na tama ang nababasa ko... Pero totoo iyon.
"FROST CERVANTES PLANS TO LEAVE MUSIC ACADEMY"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top