Chapter 26 "Beside him"

Pagka-announce na pagka-announce pa lang nung tungkol sa Music Camp ay ramdam ko na agad ang excitement ng bawat isang freshmen. Sa bawat estudyante kasi na nakakasalubong ko ay tungkol doon ang kanilang usapan.

Malaking tulong ang pagiging kasama ko sa ranking dahil wala ma akong gagastusin tungkol doon. Hindi na ko na rin poproblemahin kung saan hahagilap ng pera. Naglakad ako tungo sa convrnience store malapit sa school at hindi naman ako nagkakamali-- nandoon si Henry.

Nandoon siya sa sulok habang nakasuot ng long sleeve na polo at itim na sumbrero. "Kanina ka pa rito?" Pagtatanong ko sa kanya nung makaupo sa tabi niya. Lumawak ang ngiti sa kanyang labi nung makita niya ako.

"Hindi naman, sakto lang ang dating mo dahil pabili pa pang ako ng pagkain. May gusto ka bang kainin? Libre ko?" Parang nagningning naman ang aking mata sa sinabi ni Henry. Buti na lang talaga at nagkaayos na kaming dalawa kaya matitikman ko na muli ang kanyang mga libre.

"Siopao tsaka vitamilk yung chocolate." Request ko.

Inabot din ng ilang minuto bago muling umupo sa tabi ko si Henry habang bitbit niya sa maliit na tray ang aming kakainin. "Salamat sa libre, Henry!" Sabi ko at kinuha ang siopao.

"No problem! Basta sa sabado ay ikaw ang manlibre sa akin, ha?"

"Oo nama--" sasagot na sana ako ngunit sabado mismo ng umaga ang alis para sa music camp. "Ay oo nga pala! Wala ako sa lunes,"

Kumunot ang kanyang kilay na parang tinatanong kung bakit. "May music camp kami, sa sabado na mismo nang umaga ang alis. Nakakahiya naman dahil hindi na naman natin matutuloy yung celebration natin."

Pansin ko ang lungkot sa mukha ni Henry pero agad din siyang ngumiti. "No, it's okay Cindy. Naiintindihan ko naman na hindi ka pwedeng maiwan sa music camp na iyon. It was the most fun experience while you're freshman."

"Okay lang talaga?"

"Yes, don't worry about me dahil hindi ako galit. Pwede naman natin iyon i-celebrate pagkauwi mo 'diba?" Sobrang nakakakonsensya talaga dahil ako yung nag-set nung date na iyon ta's hindi ako makakapunta. Tsaka nakakahiya kay Henry... Sa totoo lang. Yung sikat na tao pa ang nag-adjust.

"Kumusta ang preparation mo for your debut?" Pagtayanong ko sa kanya.

Nagsimulang magkwento si Henry sa akin kung gaano kahirap ang ginagawa niyang training. Tinanong niya rin naman ako tungkol sa nagibg araw maghapon. Eto ang reason kung bakit crush ko si Henry... He is really fun to be with. Hindi siya boring kasama.

Namaalam na kami sa isa't-isa matapos kumain dahil may training pa raw siya sa gabi. Naintindihan ko naman iyon kaya wala akong karapatan na pigilan siya.

***

Araw ng sabado at eto na ang pinakahihintay kong araw... Ang pagsisimula ng Music camp. "Did you bring all we need?" Pagtatanong ni Yngrid. Dalawa ang maleta namin at nagshe-share na lang kami doon ke'sa magdala ng maraming gamit, Hassle.

"Yung laptop ba, dadalahin ko pa?"

"No. Mabigat iyon. Dalahin mo na lang yung wifi tsaka power bank." Sagot sa akin ni Yngrid. Madaling araw pa lang pero sobrang aligaga na kaming dalawa sa pag-aayos ng gamit. Nakakainis nga dahil hindi pa namin ito ginawa kagabi.

Kung saan gaganapin ang music camp? Sa isa sa mga isla ng hundred islands na pag-aari ng aming school. Sa may Alaminos, Pangasinan.

Nung masigurado na namin na nadala na namin ang lahat ng kailangan namin ay tumungo na kami sa mga bus. Hindi pa pwedeng sumakay sa bus dahil exactly 6:00 ito bubuksan.

Maaga pa lang ngunit ang dami na nila rito. "Ang aga ninyo naman?" Pagtatanong ko kanila DJ nung makita sila. Makapal na jacket ang suot nito dahil sa lamig ng temperatura.

"Paano ba naman kasi si Lucas, excited." Paninisi ni DJ na siyang tinawanan ni Lucas.

"Hey Cindy," Bigla akong tinawag ni Yngrid. "See you later, ingatan mo 'yang maleta mo dahil may ilang gamit akong nandiyan. Okay?"

Nag-okay sign ako sa kanya.

Nagkwentuhan kami nina DJ tungkol sa maraming bagay at kung ano ang inaasahan namin sa music camp na ito, hanggang dumating ang oras na sasakay na kami sa bus.

Magkakahiwalay ng bus ang kada-section kaya hindi ko kasama si Yngrid. Mabilis kaming nakipagsiksikan nina DJ sa mga kaklase namin, kailangan mauna kami sa most favorite part ng bus... Ang likod.

Tulakan ang nangyayari papasok pero nakipagsiksikan pa rin ako. Kailangan ay mauna ako sa likod. Grrr!

Habang naglalakad ako papunta sa likod ay may biglang humatak sa damit ko kaya napaupo ako sa tabi niya. "Hoy! Sino ka ba!?" Paglingon ko sa taong iyon-- si Frost. Bagot siyang nakatingin sa labas.

"Bakit ka ba bigpang nanghahatak? Kailangan kong mauna sa likod." Akmang tatayo na ako ngunit iniharang niya ang kanyang kamay.

"Diyan ka lang. Ayoko ng ibang katabi," Napairap ako sa ere dahil sa winika ni Frost. Ang dami kayang babae naming kaklase na gustong katabi si Frost. "Jiroh is not here. Ikaw lang ang kilala ko rito Betty."

Nag-cross arms ako, wala na akong magagawa. "Kilala, kilala. Betty ka nga ng Betty diyan, Cindy ang pangalan ko." Mahina kong bulong sa aking sarili.

"Are you saying anything, Betty?" Sabi ni Frost at masama niya akong tinitigan. The scary cold glare, sorry siya dahil wala na iyong talab sa akin. Immune na ako sa ganoong klaseng titig.

"Wala! Sobrang saya ko lang na ikaw ang katabi ko. Kyaaah! Kinikilig ako." Bagot kong sabi. Yung bagot na bagot talaga na parang walang buhay.

"It's a pleasure for you."

"Kapal mo." May pagka-assumero rin 'tong lalaki na ito.

Nagsimula ng mag-attendance check ang aming adviser at sa kabutihang palad... Sumama ang buong seksyon namin. Masaya iyon dahil kaibigan ko naman silang lahat... Puwera sa barkada ni Betty na grupo ng mga impaktita.

Bago umalis ang bus ay sinimulan ito sa prayer dahil mahaba ang aming magiging biyahe. Apat na oras din ang aabutin bago makarating sa Pangasinan samantalang hindi ko alam kung ilang oras ang aabutin para makarating sa isla.

Nung umandar ang bus ay parang umakyat ang level ng excitement ko. Napapalakpak pa ako!

"Childish." Biglang nagsalita ang katabi ko at napatigil ako sa aking ginagawa. Epal talaga.

Biglang tumugtog ang 'Party in the USA' ni Miley Cyrus sa radyo. Ano pa bang aasahan ninyo sa mga estudyanteng nag-aaral sa Music school? Isa-isang nagsabayan ang lahat na para bang nagwawala sa loob ng bus... Puwera kay Frost na nakatingin lang sa labas at sinalpak ang kanyang headphone sa tenga.

Nung una ay masaya pa pero nung tumatagal na ang biyahe ay unti-unti na kaming nawawalan ng energy hanggang sa nakatulog na ako.

Nagising na lamang ako ng biglang tumama sa aking mata ang sinag ng araw. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo, nakadantay pala ako sa balikat ng katabi ko.

Pumupungay ang aking mata hanggang sa tuluyan na itong nakapag-adjust. Namilog ang aking mata ng kaming dalawa lang ni Frost ang nandito. "Nasaan ang iba?! Bakit wala sila sa loob ng bus?"

"Stop shouting will you? Nag-stop over lang tayo sa isang gas station, kumain ang iba sa mga fastfood." Paliwanag ni Frost.

"Eh bakit hindi mo ako ginising? Ilang oras na tayong nakahinto rito?"

"Mahigit two hours kang tulog. Paano kita gigisingin ang sarap ng tulog mo." Hindi ko alam kung nanunumbat ba 'tong lalaki na ito dahil monotonous lang ang kanyang boses.

"Hoy kahit tulog ako, hindi ako naghihilik kas--"

Hindi ko pa tapos ang aking sasabihin ng biglang mag-play si Frost ng isang sound record sa kanyang cellphone. Tunog ng hilik. "Hindi pala?"

"H-hindi ako 'yan! Imbento ka!"

Itinuro ni Frost ang tulo laway sa kanyang puting polo shirt. "Ano 'to?"

"E-ewan ko sa'yo. Bwisit ka talagang lalaki ka! Magsi-C.R ako." Nagmadali akong bumaba ng bus. Gosh! Nakakahiya! Nagawa ko ba talaga iyon? Hindi Cindy! Hindi! Pinagti-trip-an ka lang ni Frost.

Magmula ng maging medyo close na kami ay parati na niya akong inaasar. Nagtungo ako sa C.R at agad din bumalik pagkatapos dahil aalis na raw muli ang bus. Hindi man lang ako nakapag-almusal, bakit ba kasi amg antukin ko sa mahahabang biyahe?

Wala pang isang oras ay narating na namin ang lugar kung saan kami sasakay ng yacht. Oo, tama ang nababasa ninyo. Isang yacht kada-section.

Iniisip ko pa lang ay napapa-'whoah!' Na ako dahil sa yamang taglay ng aming paaralan. Hindi naman pala sayang ang binabayad naming malaking tuition dahil sa magandang amenities at gamit ito napupunta.

Pagkasakay namin ay nag-attendance check muli ang aming guro bago umandar. Habang papunta kami sa isla ay sobrang nae-excite na talaga ako. Ang daming tumatakbo sa isipan ko at mabuti na lamang ay malayp si Frost kaya literal na na-enjoy ko ang biyahe.

"Malapit ma tayo sa ating destinasyon?" Wika nung tour guide na aming kasama kaya napatakbo kami lahat sa may harap ng yacht.

Isang isla ang tumambad sa amin at kahit malayo palang... Alam kong maganda ito. Halos kulay berde ang buong paligid at may limang rest house na halos magkakadikit sa may seashore. Asul din ang dagat, hindi man kasing asul katulad ng Boracay ay masasabi kong maganda talaga!

Pagkalapag ng yacht sa isla ay dali-dali kaming tumakbo upang umapak sa puting buhangin nito. Malakas na tugtugin ang maririnig sa buong ispa at may malaking banner na may nakalagay na 'Welcome to isla Musika'

"Welcome freshies!" Napalingon kami sa taong sumigaw gamit ang megaphone. It was Ellaine Garcia, our student council president. "Are ypu ready for the Music camp?!"

"Yes!" Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa isla.

"First of all, nandiyan ang mga officers natin para ihatid kayo sa mga designated rooms ninyo." Sabi niyaat tinuro ang ibang officers ng student council.

Sinabi sa amin ni ate Ellaine na mag-partner-partner na raw kami para sa kwarto, siyempre kaming dalawa ni Yngrid ang magkasama dahil nagshe-share kaming gamit sa mga luggages.

"Dahil unang araw ninyo pa lang sa isla ay maaari ninyong gawin ang lahat ng gusto ninyo... But know your limitation guys! Don't do nasty things around here! Kapag nahuli namin kayo ay agaran kayong pababalikin sa Manila, may parusa pa kayo sa school na hindi ninyo magugustuhan."

Nakangiti lang ako sa buong speech ni ate Ellaine. Ewan ko ba! Sobrang na-e-excite ako sa magaganap na Music camp na ito. "Have fun Freshies!"

My music camp experience... Will starts now.

***---***

Isla Musika is just a fictional place name. kung mayroon mang ganoong klaseng lugar ay hindi ko intensyon na gayahin ito. Ibinagay ko lang kasi ang pangalan sa story :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top