Chapter 25 "Childish act"

So far, so good. Ayan ang masasabi kong buhay ngayon dito sa Music Academy. Daily routine ko na rin yata na sumama sa morning jogging ni Yngrid araw-araw. Pinapakanta ako ni Yngrid habang nagja-jogging kami para raw ma-improve yung pagkanta ko habang gumagalaw at ma-increase ang stamina capacity ko.

Masungit si Yngrid pero tinutulungan niya ako lagi, siya nga yata ang isa sa malaking factor kung bakit ang tulin ko mag-improve eh.

Ilang araw na ang lumipas matapos ang announcement tungkol sa ranking at humupa na ang tungkol dito, bihira na lang din kami makagala sa labas nina DJ dahil na rin may mga nagpapa-picture sa kanya. Ang laki ng epekto ng ranking na 'yon.

Nakaupo ako sa may malawak na field kung saan pinapanuod kong mag-practice ang marching band ng aming school. Dahil nga music school ito, mas maganda ang tunog na kanilang nalilikha kumpara sa normao na march band. May international contest sila sa Japan na sasalihan kaya puspusang ensayo ang kanilang ginagawa.

Habang tahimik akong nakaupo ay nabigla ako ng biglang may tumabi sa akin. Napalingon ako dito, he is wearing a black Vans Jacket at a nose mask na may panda design-- si Henry. Halos isang linggo rin ang lumipas matapos ang nangyari doon sa conveniemce store.

"Ikaw pala 'yan, Henry." Sabi ko sa kanya at inabot ang tinapay na aking kinakain. "Gusto mo?"

He didn't respond to my question at umupo sa tabi ko. Ang awkward dahil ito yata ang unang beses na ang tahimik ni Henry. Naalala ko naman bigla yung nangyari sa convenience store. "Uy sorry tungkol sa nangyari last--"

"Na mas pinili mong damayan si Frost ke'sa sa akin?" Pinutol ni Henry ang aking sinasabi ko. Tinanggal niya ang kanyang nose mask at nakita ko ang kaseryosohan sa kabuuan ng kanyang mukha.

Kumunot ang aking noo. "Dinamayan ko lang naman si Frost nung mga oras na iyon." Nakangiti kong tugon sa kanya. Bakit ako magi-guilty kung iyon naman ang totoo 'diba? Mas kinailangan ni Frost ng kasama nung mga oras na iyon.

"Dinamayan mo si Frost pero hindi mo man lang ba naisip na gusto kong i-celebrate ang pagkaka-first ko na kasama ka?" Gusto ko sanang kiligin kaso ay tila ba nagiging sumbat ang lahat sa akin... Wala naman akong kasalanan.

Umayos ako ng pagkakaupo ko. "Bakit parang sinusumbatan mo ako Henry?"

"Hindi ba Cindy? Alam mo naman ang sitwasyon sa pagitan namin ni Frost. Alam mo ang problema sa pagitan naming dalawa!" Natigil ako ng ilang segundo sa ginawang pagtaas ng boses ni Henry. Hindi ko 'yon inasahan.

"Eh ano naman kung alam ko ang sitwasyon sa pagitan ninyo ni Frost? Porke't ba nalaman ko ang tungkol doon ay dapat ko ng layuan si Frost?!" Tumaas na rin ang boses ko. Mabuti na lang at walang ibang tao rito sa field kun'di kaming dalawa lang at ang mga marching band members na busy sa pagpa-praktis.

"Kaibigan ko si Frost, Henry. Tinulungan niya ako sa maraming bagay, hindi naman pwedeng iwanan ko siya in his down moment habang nakikipagsaya sa'yo," Padabog kong kinuha ang bottled water na nasa damuhan. "Aalis na ako. Ang babaw nito."

Bumalik ako sa dorm na sobrang bad trip at maging si Yngrid ay hindi ako nagawang kausapin. Aminado naman akong crush ko si Henry pero sobrang cross the line naman yata kung papakielamanan niya yung mga taong dapat kong kausapin 'diba?"

***

Dumating ang araw ng lunes at kahit papaano ay nabawasan na ang inis na nararamdaman ko. "Hey Cindy. Nakapag-research ka na ba doon sa assignment sa may Music class natin?" Pagtatanong sa akin ni DJ.

"Hindi pa nga eh. Hindi ko pa nahahanap yung chords nung kantang pinapa-assignment at kailangang i-perform next meeting." Reklamo ko sabay higop sa coke na aking iniinom. Nandito kami sa cafeteria para kumain dahil vacant namin.

"Ba't 'di ka na lang pumunta sa condo para matulungan kita?" Pagtatanong ni DJ, maya-maya pa ay mahina niyang inalog-alog ang aking balikat. "Doon na natin gawin yung research tapos mag-sleep over ka sa condo ko!"

"Ha? Baki--"

"Sige na Cindy! Minsan lang 'to oh! Tsaka ang boring dahil si Lucas lang ang kasama ko!" Mas dumikit pa sa akin si DJ dala ng pamimilit.

Napakunot ang aking noo. "Ha? Bakit naman si Lucas lang?"

"Alam mo kasi Cindy, two weeks na ako na nakikituloy sa unit ni DJ," Pagsisimula ng kwento ni Lucas na nasa kabilang side ng table. "Inaayos kasi yung unit ko. Kasalanan ni DJ kaya doon ako sa unit niya nakikituloy."

"Hoy huwag kang bintangero! May kasalanan ka rin! Kung naalala mo na may niluluto akong hotdog nung nandoon tayo ade sana hindi magbubukas yung sprinkler! Sapakin kita eh!" Pagtatanggol ni DJ sa kanyang sarili. Napailing naman ako sa pagka-boyish niya.

Siguro ay wala lang kay DJ na isang lalaki ang room mate niya pero it's kinda awkward para sa mata ng ibang tao pero dahil boyish si DJ, wala siyang pakielam doon.

"Ano na desisyon mo, Cindy?" Pagbabaling ulit sa akin ni DJ.

"Sure."

***

Sa tagal naming magkaibigan ni DJ ay ito lang ang unang beses na nakapasok ako sa unit niya. Cream white ang kulay ng pader samantalang white tiles naman ang sahig kaya mukhang maaliwalas ang kwarto.

Masasabi ko rin na si DJ talaga ang nakatira dito dahil sa dami ng poster ng mga banda sa dingding at isa na ro'n ang Tuxedo na siyang miyembro ang kanyang kapatid.

"Ang ganda ng unit mo ah!" Sabi ko kay DJ.

"Hindi sa akin 'to, sa kapatid ko 'to. Wait lang Cindy ah magpapalit lang ako." Paalam sa akin ni DJ at tumungo aa kanyang kwarto.

Si Lucas naman ay tumungo doon sa isang bagahe na nasa gilid upang kumuha ng kanyang damtlit pamalit. "Ako man Cindy, bihis lang." Nagtungo naman si Lucas sa may C.R

Mabait si Lucas at alam ko naman na wala siyang gagawing masama kay DJ at isa pa, tropa-tropa ang tingin nila sa isa't-isa lalo na't parehas silang mahilig sa mga rock bands.

Binuksan ko na lamang ang aking laptop at pilit inisip kung ano yung kanta na pinapa-research sa amin upang i-perform sa next meeting.

"Ano nga ulit yung kanta na dapat aralin?" Pagtatanong ko kay DJ na kakalabas lang sa kwarto. She's wearing a white shirt na may Tasmanian devil na design at isang jersey short. Naka-bun din ang kanyang buhok.

"The Scientist ng Coldplay," Maikling tugon ni DJ at tumungo sa gitara niya na nakalagay sa guitar case. "Madali na lang 'yan Cindy tutal marunong ka na rin naman tumugtog ng gitara."

"'Diba more on Piano 'yon?"

"Yup! Pero may mga acoustic covers naman sa youtube. Tignan na lang natin." Sabi ni DJ at umupo siya sa aking tabi. Lumabas naman sa C.R si Lucas wearing a boxer short and a Black shirt na may Nirvana design.

Hindi naman ako nailang dahil madalas ding naka-boxer si Caleb sa bahay namin, pero kapatid ko 'yon. Pero iniisip ko pa lang na laging nakikita ni DJ na nakagano'n si Caleb... hindi ba siya medyo naiilang? Sa bagay, boyish siya at nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid kaya paniguradong sanay na itong si DJ.

Hinanap namin sa youtibe ang chords ng The Scientist at sabay-sabay naming inaral, dahil parehas guitarist itong kasama ko ay mabilis nila akong natuturuan. Tinuturuan din nila ako ng ilang techniques. Mabuti na lang talaga at makapal na ang kalyo ko sa daliri kaya hindi na masyadong masakit ang pagpapalit-palit ng chords.

Alas-Siete na ng gabi nung matapos namin ang pagpa-practice at masasabi kong handa na ako sa magaganap na performance sa Music class namin. "Gutom na ako!" Malakas na sigaw ni DJ sabay bagsak ng kanyang katawan sa may sofa.

"Doon na lang tayo sa sizzling house malapit dito kumain." Suhestiyon ni Lucas, go with the flow lang ako dahil hindi naman ako tagarito. Malapit sa Malate ang school pero hindi ko naman kabisado ang ibang lugar dito.

Lumabas kami ng unit at pumunta kami sa tinutukoy na sizzling house na sinasabi ni Caleb. Tama nga siya, kaunting lakad lang talaga. Masasabi kong mukhang masarap sa sizzling house na ito dahil medyo crowded siya. Umupo kami sa isang upuan malapit sa sulok.

"Anong order mo?" Pagtatanong sa akin ni DJ habang inaabot niya sa akin ang list ng pagkain.

"Chicken sisig na lang." Sagot ko sa kanya. Inilibot ko ang aking paningin upang i-appreciate ang interior design ng sisig house. Simple lang ito at hindi masyadong bongga, matao rin at maingay na bagay na bagay sa atmosphere ng isang sisig house.

Habang naghihintay kami ng order ay may isang lalaki akong nakita sa labas. He's wearing a black cap and a long jacket. Nakatingin siya aa akin kaya alam kong ako ang pakay niya. Napakunot naman ang aking noo kung paano niya nalaman na nandito ako... Or baka naman hindi aoo, assuming lang masyado dala ng pagkakaroon ko ng crush sa kanya.

"Wait lang ah. May tatawagan lang ako." Sabi ko kanila Lucas at inilabas ang aking phone upang mas maging makatotohanan. They nodded at me at inabosuhan ako na bumalik ako agad dahil mabilis lang maluto ang sisig doon.

Lumabas ako ng sizzling house at lumapit kay Henry. "Anong ginagawa mo rito?" Wrong move, Cindy. Ngayon ko lang naalala na galit nga pala ako kay Henry. Bakit tila na ba nawala ang inis na nararamdama ko nung makita siya?

"Para makita ka." Tipid niyang sagot.

"Makita ako? Paano mo nalaman na nandito ako?" Pagtatanong ko sa kanya. "Alam mo, mabuti pa na bumalik ka na sa Music Academy bago pa man may makakilala sa iyo rito."

"Sinundan kita buong araw." Nabigla naman ako sa sinabi ni Henry. Why will he do that thing? Kabaliwan naman 'yon. "Look, Cindy. Alam kong galit ka pero let me explain..."

"I want to say sorry dahil aaminin ko, ang childish nung ginawa kong pagtatampo sa iyo. Isa ka sa pinakamalalapit kong kaibigan, Cindy." Hindi ako makapaniwala na isang Henry Dizon ang nagpapaliwanag ngayon sa harap ko. 'Wag ka ngang baliw Cindy, 'diba gusto mo naman talaga na mag-sorry sa iyo si Henry?

Ngumiti ako sa kanya. "Ano ba Henry, hindi mo naman kailangan mag-sorry. Ilang araw na ang nakakalipas." Of course, it's a lie.

"No, sorry talaga Cindy. Pakiramdam ko kasi ay maging ikaw ay inaagaw sa akin ni Frost. Isang malapit na kaibigan kita Cindy, ikaw lang ang nasasabihan ko ng mga problema. Pakiramdam ko ay maging sa iyo ay kakumpitensya ko si Frost."

Ngayon ay lubusan ko ng naunawaan ang side ni Henry. Iniisip niya na kakumpitensya niya si Frost sa lahat ng bagay. Ngumiti ako sa kanya. "Kaibigan ko si Frost at kaibigan din kita Henry. Kung may hidwaan man kayong dalawa, labas na ako doon. Huwag ka ng magalit, ganito na lang... I-celebrate natin yung pagka-first mo sa weekend para makabawi ako."

Umaliwalas ang mukha ni Henry. "Talaga?"

"Oo naman. Gusto mo bang sumabay sa amin kumain?" Pagturo ko sa puwesto namin sa loob, nakita ko kasi na dumating na ang in-order namin. "Mukhang hindi ka pa nag-di-dinner... Or mukhang hindi ka pa nagla-lunch."

"Ayos lang ba?"

"Ano ka ba Henry, syempre okay na okay lang," Sabi ko at hinatak ang ang kanyang braso. "Huwag mo lang tatanggalin 'yang disguise mo upang makakain tayo ng maayos."

Pumunta kami sa puwesto namin kanina at nagulat sina DJ nung makita na kasama ko si Henry, pero mabuti na lang at napigilan ko yung O.A niyang reaksyon kaya walang nakakilala kay Henry. "Um-order ka na, para makasabay ka sa amin kumain." Abiso ko kay Henry at agad niya naman itong ginawa.

Ngayon ko mas naunawaan ang side ni Henry. Mas pipilitin kong intindihin siya ng higit pa.

***

Araw ng miyerkules at dance class kami ngayon. As usual, bagot na bagot ako dahil ito ang pinaka ayokong klase. Hibdi talaga ako yung tipo ng tao na biniyayaan ng mapambot na katawan. Unlike kay DJ, kahit ayaw niya sa pagsasayaw ay sobrang talented niya na naman sa bagay na iyon.

Matapos namin magkita ni Henry ay hindi na muli kaming nagkita pa, pero nangako kaming dalawa na magkakaroo kami ng post-celebration ng kanyang pagka-first.

Wala pa ang aming guro pero napalingon kaming lahat sa harap nung pumasok ang SSG President namin. Mataas ang pagkaka-pony taip ng buhok nito at sobrang filipina ng kulay ng kanyang balat. She was Ellaine Garcia, graduating na pero kapag tinitignan ko ang kanyang mukha ay pakiramdam ko ay kasing age ko lang siya.

Napaayos kami sa pagkakaupo lahat sa kanyang pagdating. "Is this Class 1-C?"

"Yes." Sabay-sabay naming tugon.

"Okay, gusto ko lang iparating sa inyo na magkakaroon tayo ng Music Camp--" Hindi pa natatapos sabihin ni miss Ellaine ang kanyang sinasabi ay naghiyawan na kaming lahat. "Class listen to me first para isang paliwanagan na lang."

"Ang music camp ay one week training to enhance your musical skill outside our academy. Exclusive lang ito para sa mga First year student. Lahat ng nakapasok sa ranking ay libre na ang magiging bayad ninyo while sa iba naman... You are required to pay 2,500 pesos para makasama. Hindi sapilitan ang Music Camp na ito, para lang ito sa mga estudyante na nais sumama."

Unakyat ang excitement ko hanggang sa aking ulo dahil unang-una, libre alo sa magiging bayarin. Pangalawa, ito ang unang beses na makaka-experience ako ng Music Camp.

"Ut will be 5 days and 4 nights sa isang isla sa Alaminos, Pangasinan na pag-aari ng ating paaralan. Expect a lot of fun games and experience. Hindi ito sapilitan pero it was once in a lifetime experience na dapat ninyong maranasan habang nananatili kayo sa Music Academy."

Natapos ang announcement at tuluyqn ng lumabas si Miss Ellaine na siya naman pagpasok ng aming guro. Maingay ang aming classroom at lahat ay nae-excite para sa magaganap na Music Camp.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top