Chapter 24 "Pain behind Success"

"Where are we going, Betty?" Pagtatanong ni Frost habang inihaharang niya sa kanyang mukha ang kanyang palad. Bigla naman akong naawa dahil sinama ko na lang siya ng biglaan ng hindi siya nakakapagbaon ng nose mask.

Hindi ako nakasagot dahil okupado ni Henry ang isip ko, ang dilim ng ekspresyon niya kanina nung makita niya si Frost. Nakakaawa si Frost dahil kasalanan ng kanyang ama... Pero damay siya sa galit ni Henry.

"Hey Betty." Napalingon ako kay Frost at nauuna na pala siyang maglakad. "Saan ba kako tayo pupunta? Are you deaf?" Bakas na ang pagkairita sa kanyang boses.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Napatigil si Frost sa paglalakad at bagot na tumingin sa akin. Tanging tunog tuloy ng maiingay na sasakyan ang aking narinig at maingay na kalye.

Wrong move, Cindy, Ikaw nga pala ang umaya sa lalaking ito. "Kung wala ka naman palang maisip na pupuntahan, babalik na lang ako sa dorm." Inilagay ni Frost sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang kamay.

Akmang aalis na siya ngunit mabilis ko siyang hinawakan sa braso upang pigilan. "Joke lang, halika na. May alam na akong lugar." Cindy, ialis mo muna sa isipan mo si Henry, kailangan ni Frost ng karamay sa pagkakataong ito.

Umismid siya sa akin ngunit sumunod din naman. Nagpunta kami sa malapit na videoke house at nag-rent ng isa maliit na room. "Videoke house?"

Umupo ako at inilapag sa lamesa ang binili kong pagkain. "Oo, kapag malungkot ka... Ikanta mo na lang 'yan!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Weird idea. Saan mo naman nakuha ang ideya na 'yan Betty?" Sabi ni Frost umupo sa katapat kong upuan. Kinuha ko yung mic at inabot kay Frost ang mic.

"Kanta ka." Pagsabi ko sa kanya.

"Ayoko." Madiin niyang bigkas ngunit inilapag ko sa tapat niya ang mic.

"Bilis na Frost. Ilang beses na rin naman kitang naririnig kumanta kaya huwag ka ng mahiya." Natatawa kong sabi sa kanya. Kailan ba ako naging ganito kakomportableng kasama siya? Siguro nung nawala na yung takot ko sa mga mata niya at mas nakilala siya nung nagpa-practice kami for Preliminary exam.

Inilabas ko ang mga pagkain sa plastik at napangiti ako nung makita kong naghahanap si Frost ng kakantahin sa song book. Pakipot pa talaga. Kapag sobrang down na down talaga ako ay kumakanta ako sa videoke... Alone.

Nadadama ko kasi yung bawat salita sa lyrics kapag malungkot ako... Especially sad songs. After singing and crying, okay na ako! Music was so powerful.

Habang naglalagay ako ng ice cream sa plastic cup ay biglang tunugtog ang isang pamilyar na tugtog sa videoke. Seryosong nakatingin si Frost sa may TV samantalang ako naman ay seryosong nakatingin sa kanya.

"Us Against the World"
By: Westlife

Us against the world
Against the world
Us against the world
Against the world 🎵🎶

Hindi ko na mabilang sa aking kamay kung ilang beses ko na bang naririnig kumanta si Frost. May kakaiba sa boses niya na agad mong malalaman na si Frost yung kumakanta. When he sing, it's always like the first time... Napapabilib pa rin ako.

You and I, we've been at it so long
I still got the strongest fire
You and I, we still know how to talk
Know how to walk that wire 🎵🎶

Napatulala ako nung magsimula ng kumanta si Frost, nakapikit si Frost habang kumakanta at punong-puno ng emosyon ang kanyang facial expressions. Para bang may sobrang lalim na pinanggagalingan ng kanyang emosyon. Limitado lang ang ipinapakitang ekspresyon ni Frost pero kapag kumakanta siya... He was full of emotion.

Sometimes I feel like The world is against me
The sound of your voice, baby
That's what saves me
When we're together I feel so invincible 🎵🎶

Sa palagay ko ay wala namang specific na tao na pinapatamaan si Frost sa kanyang kanta, it just like, dinadama niya ang flow nung kanta and bumabagay ang bagal nito sa sakit na nararamdaman ni Frost.

Pumasok ako sa Music Academy dahil gusto kong ma-enjoy ang bagay na gusto at pangarap kong gawin. Pero sa ibang tao, seryosong bagay pala talaga ito. Yung makakita ng nag-iiyakang estudyante dahil hindi nakapasok sa ranking, umiiyak kapag hindi magawa ang isang dance step, at mayroon ding nape-pressure dahil galing sila sa pamilya ng mga musician.

Cause it's us against the world
You and me against them all
If you listen to these words
Know that we are standing tall
I don't ever see the day that
I won't catch you when you fall
Cause it's us against the world tonight 🎶🎵

Napatigil si Frost sa pagkanta at napatingin sa akin. "Hey Betty! Yung ice cream!" Napatingin ako sa isang scoop ng ice cream na tuluyang natunaw at tumulo sa lamesa.

Hindi ko napansin na natulala ako sa pakikinig kay Frost at nakalimutan kong may ginagawa ako. "Sorry, natulala lang ako sa galing mong kumanta."

Kumunot ang kanyang noo at kumuha ng tissue, pinunasan ang lamesa. "Ang sabihin mo, you're just a clumsy type of person, Betty. Stupid and clumsy Betty."

"Hoy! Dumadami ang negative adjectives na tinatawag mo sa akin ah? At isa pa, Cindy ang pangalan ko! Betty ka ng Betty, two months na tayo mahigit magkasama hoy!" Mahaba kong litana.

Hindi ako pinansin ni Frost dahil prente lang siyang naupo sa isang couch at kumuha ng chips. "Where is the fun here, Betty?"

Pumindot ako ng lahit anong number sa videoke at ini-play ito. Hindi naman ako kakanta, "We always sing and dance at our school so why you bother renting this small room just to sing... Again."

May point si Frost kaso ay ang gusto ko ay makapagrelease siya ng stress para mabawasan ang lungkot na kanyang nararamdaman. "Alam mo kasi Frost, sound proof ang buong kwartong ito."

Kinuha ko ang mic na nasa ibabaw ng lamesa. "Tignan mo ah," huminga ako ng malalim at itinapat ang bibig ko aa mic. "BETTY! ANG PANGIT-PANGIT MO! WALA AKONG PAKIELAM KUNG NAGAWA MONG MAKAPASOK SA TIP 10 EH UTAK TALANGKA KA NAMAN!"

Matapos kong gawin iyon ay hinahabol ko ang aking paghinga. Sa wakas ay nasabi ko na rin ang mga bagay na kinakabwisitan ko sa araw na ito. "Dahil kulob sa lugar na ito Frost, maisisigaw mo lahat ng problema mo. Just to release some stress... That's the reason kung bakit ni-rent ko itong shitty room na ito." Mahaba kong pagpapaliwanag sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "You're cursing yourself?"

"Argh! Hindi nga kasi Betty ang pangalan ko! Cindy!" Pagtama ko sa kanya at umupo sa couch katabi niya. "Si Betty eh yung mahadera nating kaklase na boobs ang puhunan kaya nakapasok sa top 10."

"Yeah whatever." Hindi na ako nagulat sa naging sagot ni Frost dahil parating iyan ang linya niya sa tuwing babanggitin ko ang aking pangalan. Wala talaga siyang pakielam sa mga pangalan ng taong nakakasalamuha niya.

"Isigaw mo na 'yan Frost. Mahirap 'yan kapag itinatago mo lahat ng inis at galit sa puso mo." Nakangiti kong wika kay Frost habang iniaabot sa kanya ang mic. Bagot niya akong tinitigan at padabog na kinuha ang mic.

"This is so childish Betty," Sabi ni Frost habang nakatapat ang kanyang bibig sa mic.

"Gawin mo na lang! Masarap kaya sa pakiramdam, at isa pa, wala namang ibang tao na makakarinig sa atin." Sa totoo lang ay nawala ang pagkainis ko ngayong araw dahil naisigaw ko na ang lahat ng inis ko... Especially kay Betty.

Huminga ng malalim si Frost at pumikit. "I HATE YOU DAD FOR BEING NOT SATISFIED IN MY RANK! I HATE YOU FOR PRESSURING ME ALL THE TIME! I HATE YOU 'COZ YOU ARE FORCING ME TO DO ALL THIS THINGS. I HATE BEING YOUR ONLY SON!"

Nakatulala lang ako kay Frost habang sinasabi niya lahat ng galit para sa kanyang ama, I didn't see that coming. Mapait akong napangiti... Hindi lang ikaw ang anak Frost, nandiyan si Henry ma ginagawa ang lahat para mapansin din ng kanyang ama, ng inyong ama.

Inabot ko ang isang baso ng ice cream kay Frost. "Matapos mong magbitaw ng maaanghang na salita. Chill ka na!" Nangingiti kong sabi sa kanya.

Kating-kati ang dila ko na sabihin kay Frost ang tungkol kay Henry pero pinigilan ko ang aking sarili. Sino ba ako para biglaang mangielam sa mga buhay nila 'diba? Masyado akong pakielamera kapag ganoon ang ginawa ko.

"It was so childish Betty," Sabi ni Frost at inilapag ang mic sa lamesa. But thanks, napagaan nito kahit papaano ang nararamdaman ko."

Napantingin ako sa ngiti ni Frost. Maliit ma ngiti lang ito pero alam kong totoo 'yon. Bukal sa loob niya ang pag-ngiti niyang iyon.

"Alam mo, mas cute ka kapag nakangiti," sa pagsabi kong iyon ay mabilis na nawala ang ngiti ni Frost at bumalik sa pagiging poker face ang kanyang mukha. "Sows! Napuri lang eh. Ngiti ka na!"

"Shut up, Betty."

Somehow, Mas naramdaman kong mas close na kami ni Frost. Doon lang nag-sink in sa akin na mabait si Frost... Masungit nga lang. Inubos namin ang oras sa videoke-han na nagpapatugtog lang kami ng kung ano-anong minus one pero kumakain lang kami ng kumakain.

Bihira lang kami mag-usap pero komportable kami sa company ng isa't-isa.

***

Araw ng biyernes, the last day of the week at excited na akong mag-sabado upang makapagpahinga. Kakabalik lang sa klase pero pakiramdam ko ay bugbog na bugbog ang utak ko sa dami ng itinuturo. Minamadali kasi ang ibang mga topics lalo na sa academics, ilang araw din kasi kaming hindi nagklase doon.

"Cindy, pakopyang assignment sa may Trigonometry." Inusog ni DJ ang kanyang lamesa upang maging magkatabi kami. Kinuha ko sa bag ko ang aking notebook at inabot ko sa kanya. Hindi naman ako madamot sa sagot pagdating sa mga ganyan. Makakakopya sila ng assignment sa akin pero sa quizzes and exam ay kanya-kanya na kami.

"Kapag may hindi ka naiintindihan magtanong ka ah? H'wag puro kopya lang." Paalala ko sa kanya.

"Yes ma'am!" Sagot niya.

Nabigla naman ako sa biglaang paglapit ni Lucas sa amin. "Cindy pakopya man!" Sabi niya.

Hinayaan ko na lamang silang dalawa at napalingon ako sa pinto para makita ang taong papasok-- si Frost. Nung nagkasalubong ang mata naming dalawa ay itinaas niya ang isang kilay niya, saglit lang iyon pero pakiramdam ko ay ibig sabihin no'n ay 'good morning'.

May biglang babae na pumasok sa room namin, nakatingin ako sa kanya dahil hindi naman namin siya kaklase. Pumunta siya sa table ni Betty, ang epal na mahadera ng Music Academy.

"Uy 'diba Lisa pangalan no'n?" Pagtatanong ko kay DJ na nasa aking tabi.

Saglit na napatigil si DJ at napalingon sa babae. "Ah oo! Siya yung babaeng gusto maging isa sa mga alipores ni Betty. Mamaya mo na ako kausapin Cindy, nangongopya pa akong assignment." Muling bumaling ang mata ni DJ sa notebook ko na kanyang kinokopyahan.

Napako naman ang tingin ko doon sa babae, matatawag kasi talaga ang atensyon mo sa suot niyang pangmanang at salamin na halos sakupin ang kalahati ng kanyang mukha.

"B-Betty, eto na yung pinapagawa mong assignment." Pagsasalita niya at inabot ang notebook kay Betty. Padabog itong kinuha ni Betty. Ang tibay talaga ng apog ng babae na 'to, nagpagawa pa ng assignment sa ibang tao. Sinasamantala ang pagiging high ranker niya.

"You may now leave," Pabalang na sagot ni Betty ngunit nakatayo pa rin aa harap niya si Lisa. "Anong pang tinatayo-tayo mo diyan? Umalis ka na!"

Hindi man lang nagawang magpasalamat ng babae na 'to sa paggawa ni Lisa sa kanyang assignment. May sa-demonyo talaga ang babaeng ito eh. Isa sa pinakaayaw kong klase ng tao ay yung mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

"Uhm Betty..."

"You know what?" Ibinagsak ni Betty ang notebook sa kanyang desk kaya naman nakuha na niya ang atensyon ng lahat. Maging sina DJ ay napalingon na doon. "Wala akong pakielam sa sasabihin mo! Ang gusto ko ay umalis ka na dahil ang pangit-pangit mo!"

Sa sinabing iyon ni Betty ay napatakbo palabas si Lisa, siguro ay dala ng kahihiyan. Tumayo ako. "Oh saan ka pupunta?" Pag-usisa ni Lucas.

"Naiwan ko yung notebook ko sa Physics sa may Dorm. Balikan ko lang." Pagsisinungaling ko pero ang totoo ay plano kong sundan si Lisa. Masakit bilang isang tao na masabihan ng ganoong kasasakit na salita lalo na't sa harap pa ng maraming tao.

Pagkalabas ko ng room ay naabutan ko pa si Lisa na tumatakbo paliko sa dulo ng pasilyo. Hindi ko alam kung saan niya pinaplanong pumunta ngunit sinundan ko siya.

Nagtago si Lisa sa ugat ng isang malajing puno sa likod ng vocal department. Humahangos pa ako dahul sa layo ng kanyang itinakbo. Makarating ko doon ay naririnig ko agad ang mahihina niyang hikbi. Umiiyak siya.

"Miss," wika ko at dumungaw. "Ayos ka lang ba?" Hindi na ako humingi ng permiso sa kanya at umupo na ako sa tabi niya.

Tumingin siya sa akin, "Bakit ka nandito? 'Diba ikaw yung parating ibaaway ni Betty? Bakit mo ako sinundan dito?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin at puno ng luha ang kanyang pisngi.

"I'm Cindy nga pala. Tumahan ka na at pasensya na rin kung nagbitaw ng maanghang na salita sa iyo si Betty." Sabi ko at kinalikot ang aking bulsa at kinuha ang aking panyo. "Here. Mukhang kailangan mo eh."

Matagal siyang tumingin sa akin at ngumiti ako. "Don't worry, walang kapalit 'yan, gusto lang talaga kitang damayan."

Tinanggap niya ang panyo at napatitig ako sa kanya. Hindi ko sasabihin na maganda siya kapag wala yung malaking salamin niya pero.... Mas maayos ang hitsura niya kapag wala iyon. Hindi ka-bully-bully. "Bakit ka pumapayag ng ganyan?"

Kumunot ang kanyang noo to ask 'why'. "Yung binu-bully ka?"

Pinahid niya muna ang kanyang luha bago nagawang sumagot sa aking tanong. "Kapag nakasali na ako sa grupo nina Betty ay paniguradong hindi na nila ako bu-bully-hin. Si Betty ang magtatanggop sa akin kapag naging kaibigan ko na siya."

So everything has a reason, gusto niyang sumali kanila Betty for her security purposes. But sad to say, kabaligtaran ang nangyayari. "Paano ka magagawang ipagtanggol ni Betty kung siya mismo ang nang-aalipusta sa iyo sa harap ng maraming tao?"

Sa pagbato ko ng tanong na iyon ay ilang segundo rin na natahimik si Lisa. "Hindi si Betty ang makakatulong sa iyo para naialis ka sa ganyang sitwasyon... Sarili mo. Sarili mo labg, Lisa." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Humangin ng malakas kaya napahawak ako sa aking buhok. "Eh ba't ikaw, hindi ka gumaganti kay Betty?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin.

"Hindi ako gumaganti hindi dahil hindi ko siya kayang patulan... May pangako lang ako sa mga magulang ko na hangga't maaari ay tinutupad ko. At isa pa, hindi ko gustong maging kaibigan si Betty. Hindi ko gustong makipagkaibigan sa babaeng pinalaki na may sungay at buntot." Pagpapaliwanag ko sa kanya at bahagya siyang natawa sa aking sinabi. Sa wakas, ngumiti na ulit si Lisa.

Gusto ko pa sana siyang kausapin ngunit sakto ma tumunog ang bell at hudyate ito na simula na ng klase. "Paano ba 'yan. Mauuna na ako sa iyo." Nakangiti kong sabi sa kanya at tumayo, pinagpagan ko ang aking puwetan.

"Salamat ah. Hindi ka naman pala ganoon kasama tulad ng ikinukwento ni Betty." Ginawa pa akong salbahe nung mahadera na 'yon.

"Mabait ako haha!" Natatawa kong tugon sa kanya. "In case na kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Consider me as your friend na." Nakangiti kong sagot.

Tumakbo na ako patungo sa building namin. Jusko late na ako for our class today.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top