Chapter 2: Unexpected Result
RAMDAM ko ang pagod at hindi ko alam kung paano sasabihin kanila Mama na hindi ako nakapasa sa Music Academy. Parang gumuho ang lahat ng pangarap ko dahil wala naman akong ibang school na gustong pasukan. Sabayan mo pa itong kapatid kong ulupong na paniguradong kakantyawan lang ako hanggang sa mabuwisit niya ako.
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa Seven Eleven na malapit sa Bus station. Umupo ako sa bakanteng upuan at nakatulala lang na nakatingin sa mga sasakyan at mga taong nagdadaan. Tandang-tanda ko pa 'yong masasakit na salita na binato sa akin ng panelist. Para bang at that moment ay pinamukha sa akin na talentless ako at hindi nababagay sa Music Academy.
"Miss," isang boses ang narinig ko mula sa likod.
"Hmm?" Tanong ko habang lumong-lumo pa rin na nakatulala sa labas. Hindi ako nag-bother na tumingin sa kaniya kasi sobrang sabog na talaga ako lalo na't nag-iisip ako kung paano ko ito ipapaliwanag kay Mama. Sobrang supportive niya pa naman na makapasok ako sa MA.
"Is the seat beside you already taken? Wala na kasing bakanteng seats." Sabi nito.
"Kuya 'wag ka na umupo diyan. I need space. Hindi maganda ang naging araw ko." Paliwanag ko at pumangalumbaba sa lamesa.
"Wew. Nandamay pa nga ng taong masisira ang araw." Huling sabi nito at naglakad na yata paalis dahil wala nang nangulit sa likod ko.
Ilang minuto rin akong nakatulala na nagmamasid lang sa mga dumadaan. Malalim akong nagbuntong hininga. Mahina kong tinapik-tapik ang aking pisngi. "Cindy, puwede ka naman mag-apply sa ibang Music School sa Pinas, baka doon ay palarin ka."
Kinuha ko ang bag ko na nasa katabing upuan at akmang isusukbit na noong lumapit sa akin ang isang crew ng Seven Eleven. "Food for you." sabi nito at ipinatong ang isang chuckie at siopao asado.
"H-Ha? Sa akin po?" tanong ko at tumango ito. "Wala po akong binili, nagpa-aircon lang po talaga ako rito sa Seven Eleven. Saktong pamasahe na lang 'tong pera ko, eh. Maling tao po yata." Paliwanag ko dahil baka mamaya ay singilin ako bigla ng mga 'yan kapag kinain ko 'yan.
"Pinapaabot po ng lalaking kanina na nasa likod ninyo," Ha? Bakit naman? Napansin niya bang parang sinasampal ako ng langit at lupa sa kamalasan ngayong araw? "Sabi niya iabot ko na lang daw po sa inyo once na makaalis na siya."
"Sino raw?" I asked.
"Hindi po nagpakilala, eh. Nakasuot din pong mask saka sumbrero kaya 'di ko mapaliwanag 'yong hitsura." Napansin niya na dumadami na ang taong nakapila sa counter. "Sige po. Enjoy your meal po."
Pinagmasdan ko ang inabot niyang pagkain at bahagya akong napangiti. Infairness, napagaan kahit papaano ang nararamdaman ko.
Kinain ko 'yong siopao at maging ang inuming inabot niya. Naisip ko na baka social experiment lang ito at bini-video-han ako... pero pakialam ko? Gutom na ako. Kahit ipakita pa nila mukha ko sa video okay lang.
***
PAGKABUKAS NA PAGKABUKAS ko pa lang ng gate ay unang bumungad sa akin si Mama. "Kumusta, anak?" tanong niya at bahagya akong ngumiti. "Mga kapitbahay! May anak na akong mag-aaral sa Music Academy! Mga kapitbahay!"
"Mama, huwag kang sumigaw." Nanlalata kong sabi dahil sa biyahe at siyempre sa resulta. "Pumasok muna tayo sa loob."
"Kumusta ang naging entrance performance mo, anak?" tanong ni Mama at inabutan ako ng isang basong tubig.
Uminom muna ako saglit. "Wala 'Ma, pakiramdam ko ay hindi ako pasado. I-enroll mo na lang ako sa normal na university. Baka hindi para sa akin ang Music School."
"Bakit naman anak? Hindi ba't nag-practice ka? Isang linggo kang nagkulong sa kuwarto mo para kamo sa entrance performance mo." Sabi ni Mama at umupo ako sa sofa para masahihin ang masakit kong binti dahil sa biyahe at kakalakad.
"Nag-practice naman ako, 'Ma. Pero hindi ko naman ini-expect na mas mataas pa sa eiffel tower yung standard nila doon. Yung tipong pagbuka pa lang ng bibig ko eh may komento na agad yung mga evaluator," Parang bata ako na nagsusumbong kay mama. "Wala na 'ma hindi na ako makakapasok doon sa Music Academy."
"Ano ba anak, hangga't wala pa yung resulta ay huwag kang mawalan ng pag-asa," Pagpapalakas ni mama sa aking loob. "Halika na kumain ka muna. Kainin natin 'tong leche flan na ipinadala kanina nung tito Berting mo."
Binuksan ko ang TV at nanood na lang ng movie sa Cinema One, kasalukuyang ipinapalabas ang Beauty and the Bestie ni Vice Ganda at Coco. Nakailang replay na ba 'to sa CinemaOne at lagi ito ang inaabutan ko?
Habang nanonood ako ay narinig ko ang yabag ng paa na dumadaan sa hagdan. Dali-dali akong nagtago sa likod ng pinto. Siguradong si Caleb 'yan, mang-aasar lang 'yan kapag nakita ako panigurado. Kampon ng demonyo 'yan, eh.
"Ma? Nandiyan na si Ate? Parang narinig ko kanina," tanong nito kay Mama.
"Nagtago sa likod ng pinto." Sagot ni Mama sa kaniya. Wow, thank you 'Ma!
"Ate bakit ka nagtatago? Bumagsak ka 'no? Sinabi ko naman sa iyo na hindi ka makakapasa eh!" Pang-aasar niya.
Bumuntong hininga ako at lumabas mula sa pinagtataguan ko. "Mamaaa! Si Caleb nga oh nang-aasar na naman!" Pagsusumbong ko kay mama dahil paniguradong talo na naman ako sa pakikipagtalo sa buwisit na 'yan.
"Mama hindi naman ako nang-aasar. Nagtatatanong lang ako kay ate." Natatawang sabi ni Caleb at nagmadaling tumakbo tungo sa direksyon ko at inakbayan ako. Two years ang age gap namin (mas matanda ako) pero ang unfair ng mundo dahil mas matangkad na siya sa akin ngayon.
"Ano ba 'yan Caleb basa yung kili-kili mo kadiri ka!"
"Arte neto! Kahit sa kili-kili ko pa ikaw mag-enroll hindi mabaho 'to. Huwag ako ate. So, kumusta na nga?" Ngumisi si Caleb sa akin.
Inis akong nagmartsa patungo sa bag ko na nakapatong sa sofa at kinuha ko ang set box ng libro ni John Green.
Nung makita talaga ito ng aking kapatid ay biglang nawala ang mapang-inis na ngiti niya at napalitan ng tuwa. "Uy thank you ate! Sabi ko na nga ba mananalo ako sa pagkakataong ito kaya kumpiyansa akong magkakaroon ako ng book set ni John Green eh."
Bwisit. Ang yabang pa rin talaga. "Oh ayan saksak mo sa baga mo."
Kung may pagkakaparehas kami ni Caleb ay iyon na siguro ang hindi kami parehas na talkshit, lalo na kapag nagpupustahan kaming dalawa... Kapag natalo talaga ang isa ay dapat ibigay yung prize sa nanalo. Last time na nanalo ako sa kanya ay nakakuha ako ng make up set. Take note, siya pa mismo ang bumili no'n sa Watson.
"Sabi ko sa iyo eh 'di ka papasa. Pero bakit napaaga naman yata 'tong libro? Next week pa malalaman yung resulta ah?" Pagtatanong ni Caleb ngunit ang mata niya ay nasa Book set lamang. "Pumalpak ka sa entrance performance 'no?"
"Oo na, hindi na kailangan ulit-ulitin" Napairap ako sa kanya at umupo sa sofa. Sobrang disappointed talaga ako sa sarili ko ngayon dahil sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina, gosh! Puro kahihiyan ang ginawa ko kanina sa Music Academy.
"Mag-aral ka na lang ate sa norma na school para hindi masayang yung mga medals mo na 'yan," Itinuro niya ang mga medal ko sa mga napanalunan ko sa presscon nung highschool. "To be honest sobrang frustrated mo lang sa field na 'yan."
Doon na ako nairita sa sinasabi ni Caleb at kinuha ko na naman ang isang pillow at hinagis sa kanyang direksyon pero nakailag na naman ang hinayupak. "Mamaaaa! Si Caleb nga oh sumosobra na!"
"Caleb tantanan mo na yung kapatid mo, bumalik ka na sa itaas." Pagsuway ni mama sa kanya. Kahit kailan talaga ay hindi na kami nagkasundong magkapatid. Paano ba naman kasi eh ang lakas mang-asar ni Caleb.
Dumila muna sa akin si Caleb bago pumanhik sa itaas. Sobrang isip bata talaga. Argh!
***
MATAPOS ang pangyayaring iyon ay talagang na-degrade ako at bumaba ang self confidence ko dahil pakiramdam ko ay sobrang talentless ko. Ilang araw ko rin hindi matanggap yung nangyaring pang-o-okray sa akin ng mga evaluators pero after five days ay natanggap ko na hindi talaga ako makakapasa in that school. Hanggang pangarap na lang talaga.
"'Di ba ngayong araw na yung paglabas ng resulta sa Music Academy? Natingnan mo na ba yung gmail mo ate?" Pagtatanong sa akin ni Caleb habang parehas kaming dalawa na nakatapat sa electric fan. Paano ba naman kasi, sobrang init! Eto ang hirap kapag summer vacation, tirik na tirik ang araw.
"Bakit titignan ko pa eh obvious naman na fail ako sa audition, huwag mo na ngang ipaalala yun at baka masipa lang kita." Inis kong sabi sa kapatid ko sabay sipsip sa may ice candy.
"Malay mo naman, kaya nga nauso ang salitang 'himala'. Pero sa case mo ate... Sumuko ka na nga. Wala ka naman talagang tal--" Bigla kong hinila ang patilya ng kapatid ko. "Aray ko! Ano ba ate! Akala mo ba hindi masakit?!"
"Eh walang preno 'yang bunganga mo!" Umirap ako sa kanya.
"Tara ate, tignan natin sa laptop kung babagsak ka o babagsak ka." Hayop talaga, nagbigay pa ng choices eh obvious naman kung ano yung resulta. Baka kapag nakita ko lang sa gmail ko yung message na nag-fail ako eh baka maiyak lang ako.
"Huwag na!" Pero tumakbo na si Caleb sa kwarto niya upang kuhanin ang netbook niya. Bwisit talaga 'tong kapatid ko, gagawin ang lahat para masira lang ang araw ko.
"Ate, gusto ko lang na mapaiyak ka. Deserve mo rin na makita yung resulta." Sabi niya habang natatawa. Hindi pa rin ako tumatayo sa tapat ng electricfan dahil baka kapag lumapit ako kay Caleb eh bigla ko lang masapak.
"Ate anong username ng gmail mo?"
"[email protected]" Pagsigaw ko upang marinig ni Caleb, nakaupo siya sa may sala. Baka magtalo lang kami ulit kapag hindi ko pa pinatulan ang ka-abnoy-an niya tutal expected ko na rin yung resulta.
"Feelingera mo naman ate, akala mo nasa fairytale ka?" Bwisit na kapatid kong 'to, lahat ng bagay may side comment. "Eh ano yung password?"
Hindi ko naman masyadong nagagamit yung gmail ko puwera na lang kung may mga importanteng messages kaya okay lang sa akin na sabihin ko kay Caleb ang password nito and besides, magkapatid kaming dalawa. "Talentedako555."
Biglang malakas na tumawa ang kapatid ko na halos dinig sa kapit-bahay. Eh pakialam niya ba? Eh iyon yung gusto kong password eh. Halos isang minuto rin tumatawa si Caleb bago nagsalita. "Talented ka? Pakituro nga kung saang part! Haha! 555? Ano ka, tuna?"
"Alam mo Caleb kahit kailan epal ka sa buhay ko. Huwag mo na ngang buksan yung gmail ko, baka pagtawanan mo na naman." Inis kong sabi at nagmartsa patungo sa sala ngunit agad inilapag ni Caleb sa lap niya yung netbook.
"Joke lang naman. Eto na bubuksan ko na," Sabi niya sa akin. Umupo ako sa tabi ng kapatid ko. "Ang bagal ng wifi, ang tagal mag-loading."
"Naka-connect na naman siguro ang buong baranggay sa wifi natin. Sasabihin ko nga kay mama palitan yung password."
Nung tuluyan ng bumukas yung mga messages ay unang-una yung kararating palang na message galing sa Music Academy. "Ready ka na ba ate?"
"Kahit hindi mo sabihin eh alam ko na ang resulta niyan kaya hindi mo ako masisindak sa paganyan-ganyan mo Caleb." Pagmamayabang ko sa kanya. Alam ko naman na bagsak ako sa Music Academy at naghahanap na nga ako ng papasukan na university eh.
"Good day Miss Cindy Gonzales," Pagbasa ni Caleb. "Congratulation! You just passed our Entrance performance..."
"Hoy Caleb 'wag mo 'kong charutin diyan. Basahin mo ng maayos." Inis kong sabi kay Caleb. Bwisit na 'to, paniniwalain pa ako sa mga kahinayupakan niya.
"Eh totoo nga ate! Nakapasa ka! Binasa ko lang naman." Sabi ni Caleb at malakas na kinabog ang aking likod, napakagat ako sa ibabang labi ko sa sakit, buwisit na kapatid! "Ate nakapasa ka! Nakapasa ka!"
Inagaw ko kay Caleb ang netbook at halos ipagdikdikan ko sa mukha ko yung message na na-receive ko sa gmail para mabasa. Kinurap-kurap ko pa ang mata ko dahil baka nananaginip lang ako o namamalikmata pero totoo nga ang tinuran ni Caleb, nakapasa ako.
Napaluha ako dahil sa tuwa. "Caleb! Nakapasa ako! Nakapasa ako!" Hinila-hila ko pa ang tshirt ng kapatid ko.
"Isang malaking himala ang nangyari ate. Wait lang may kukuhanin ako sa kwarto." Sabi ni Caleb at tumakbo para pumanik sa itaas.
Ako naman ay paulit-ulit kong binasa ang mensahe dahil kahit ako ay hindi makapaniwala na nakapasa ako. Simula na 'to para matupad ang pangarap ko na maging isang musician. Ang makapasok pa lang sa Music Academy ay dream come true na para sa akin. Sobrang overwhelming nang nararamdaman ko ngayon.
"Congratulations." Sabi ni Caleb pagkababa niya at inabot niya sa akin ang isang bagay na matagal ko ng hinihingi sa kanya, ang pen tablet.
"Sa akin na 'to?"
"Hindi naman ako talkshit ate. Nakapasa ka so deserve mo naman iyan. At isa pa, binili mo naman ako ng Isang set ng John Gteen books." Sabi ni Caleb habang kumakamot sa kanyang pisngi. It was his mannerism kapag nahihiya siya.
"Thanks brother!" Sabi ko at pinahid ang aking luha, naiiyak talaga ako dahil nakapasa ako. Unexpected, after entrance performance ay hindi na talaga ako umasa na makakapasa ako but suddenly... Suddenly... Just wow! Speechless.
Pagkadating na pagkadating nila mama sa bahay ay agad kong ibinalita sa kanila ang magandang balita. As usual, as a supportive parents ay sobra silang natuwa sa pagkatanggap ko aa Music Academy, alam kong alam naman nila kung gaano kalaki ang kagustuhan ko na makapasok sa school na iyon.
"Sabi ko naman sa iyo anak eh," Sabi ni mama sa akin na parang expected niya na papasa ako. "Ikaw pa!"
"Chamba ang tawag doon mama." Pag-e-epal ni Caleb habang sabay-sabay kaming kumakain ng hapunan.
"Kahit pa chamba 'yan, ang mahalaga nakapasa ako." Pagmamayabang ko kay Caleb, ewan ko ba, parang biglang nag-boost yung confidence ko nung malaman kong nakapasa ako sa Music Academy-- it is the most prestigious music school here in the Philippines, no scratch that, the most prestigious music school around Asia.
"Anong balak mo anak, magdo-dorm ka na lang doon?" Pagtatanong sa akin ni papa. "Hassle din kasi na araw-araw kang babiyahe mula Bulacan papuntang Manila."
Oo nga, lugi pa ako sa pamasahe kaso nakakahiya naman kay mama dahil ang mahal na nga ng tuition doon, pati ba naman pang-dorm gastos pa rin nila.
"If you're thinking na masyadong mahal ang gastusin anak... You deserved it, masyado ka rin naming mahal at isa pa, stable naman ang business natin ngayon." Sabi ni papa, may-ari kasi si papa ng isang branch ng isang convenience store pati na rin may babuyan siya na sobrang sikat dito sa Bulacan.
"Sure kayo 'ma?"
"Go for it my daughter!" Sabi ng aking mama.
"Opo gusto ko pong pumasok sa Music Academy. Uuwi na lang po ako every saturday dito sa bahay" Sabi ko kanila mama.
They smiled at me, ngiti na para bang sobrang proud parents sila sa akin. Eto ang kainaman ng mga magulang namin, hindi nila kami pini-pressure sa kahit anong bagay bagkus ay sinusuportahan nila kami sa mga bagay na gusto naming gawin.
***
AFTER a few weeks, eto na muli ako sa tapat ng main gate ng Music Academy, muli na naman akong papasok pero this time, bilang estudyante na ng Music Academy.
"Music Academy, Cindy Gonzales is now here." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa arko ng school.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top