Chapter 19 "Our performance"
Habang marami na ang nakakapag-perform sa stage ay palakas na palakas ang kabog ng aking dibdib. "DJ paano kung hindi dumating yung pinangakong damit ni Henry? Anong susuotin ko?"
Pangarap ko kasi talaga na makapag-perform ako sa harap ng libo-libong tao. Pangarap kong makapagtanghal sa ganoong bilang ng tao kaya nakakapanlumo kung hindi ko iyon magagawa. Kasalanan talaga ito ni Betty, sobrang hibang na ng babaeng iyon, kaya niyang manghila pababa para lang mapansin siya ng gusto niyang lalaki.
"Just trust him, okay?" Sabi ni DJ habang inaayos niya ang aking buhok. I didn't expect na kaya pala ni DJ ang mag-ayos-ayos despite sa pagiging boyish niya, ang dami talagang kayang gawin nito. "At ikaw! Hindi mo man lang sinabi na kaibigan mo pala si Henry."
"H-ha? Big deal ba 'yon?"
"Oo kaya! It was the face of our school and the most talented man here in our Academy-- Henry Dizon. Mahirap maka-close ang sikat na gaya niya" Sabi sa akin ni DJ at ngumiti na lamang ako. Wala akong pinagsasabihan tungkol sa pagiging magkaibigan namin ni Henry dahil nga baka iba ang isipin ng ibang estudyante. Sa school pa naman namin ay mahigpit na pinagbabawal ang pakikipagrelasyon.
Ang grupo na nina Betty ang nagpe-perform at masasabi ko talagang nag-i-stand out siya. Maganda si Betty, talented pa! Pero dahil alam niyang ganoon siya kagaling... Ang taas ng tingin niya sa sarili niya. Kung mabait lang si Betty ay masasabi kong siya na ang magiging ideal type ng mga lalaki.
It was an idol-like performance at sobrang girly ng kanta nila. Madaling makabisado ang kanta nila dahil karamihan sa lyrics ay inuulit-ulit lang kaya nakakasabay sa chant ang mga tao. Sa maraming performance ko na napanuod... Sila ang nag-i-stand out. "DJ pang-ilan kayo?"
"Last performer. Bandang dulo din kayong magpe-perform, right?" Pagtatanong sa akin ni DJ habangpatuloy pa rin siya sa pag-aayos.
Ilang oras na ang lumilipas ngunit hindi pa rin sigurado kung makakabalik si Henry dala ang ipinangako niyamg costume. Pero sana...
"Are you ready?" Nagulat ako ng biglang lumapit sa amin si Frost. Inandaran akong kaba dahil hindi ko alam ang ipapaliwanag ko sa kanya. "Bakit hindi mo pa suot yung corny ma costume?"
Frost call it corny but to be honest, bagay sa kanya ang korean uniform na pinili ko. Matangkad si Frost kaya umangkop ito, nagpakulay din si Frost ng buhok para sa performance na ito... This is really a big performance for him.
"A-ako ang nagsabi sa kanya na huwag niya munang suotin, you know... Baka malukot, malayo pa naman ang number ninyo." Napalingon ako kay DJ dahil sa ginawa niyang pagtatakip. It was much better ke'sa naman magalit sa akin si Frost at mauwi pa kami sa guidance ni Betty.
"Okay, kung may tanong ka, nandoon ako sa gilid ng stage." Sabi ni Frost at naglakad na paalis. Sa kabila ng malalamig na titig ay alam kong kinakabahan siya, ilang buwan na kaming magkakilala... Minsan ay naiintindihan ko na ang tunay na emotion sa likod ng malalamig niyang titig.
Pagkaalis ni Frost ay mabilis kong hinarap si DJ. "Bakit mo naman ginawa 'yon?"
"Ke'sa naman mag-away pa kayong dalawa. Everything will be okay, Cindy. Huwag kang kabahan dahil white lies naman ang ginawa ko para sa'yo." Sabi sa akin ni DJ at napabuntong hininga ako as a sign of forfeiting. Magpapasalamat na lang ako sa ginawa ni DJ.
Ilang minuto pa ang lumipas at malapit ng tawagin ang grupo namin, hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadqting si Henry. Nakakahiya man para sa isang sikat na kagaya niya ngunit siya na lang ang inaasahan ko sa pagkakataong ito... Or else, magpe-perform ako ma school uniform namin ang suot ko.
Ilang ulit ko mg binasa ang lyrics upang masigurado na hindi ito malilimutan at para malibang na rin ako. Maya-maya pa ay humahangos si DJ na tumatakbo tungo sa aking direksyon. "Cindy! Eto ma yung damit, dumating na!"
"T-talaga?" Kinuha ko ang inabot ni DJ na kahon. Binuksan ko ito at isang korean uniform ito, hindi man mismong kamukha ng costume kong nasira, atleast, malapit ang hitsura nito. "Nasaan si Henry? Gusto long magpasalamat sa kanya."
"Ano ka ba Cindy, mamaya mo na lang pasalamatan si Henry after ng show. Sa ngayon, magbihis ka muna dahil malapit na kayong tawagin." Ngumiti ako kay DJ dahil napaka-supportive niya. Imbes na mag-practice si DJ ay sinamahan niya talaga akong mamroblema tungkol sa susuotin ko.
Agad akong nagmadali sa pagpapalit dahil dalawang performance na lang bago kami tawagin. Buti ay free size 'tong costume na ito kaya hindi naman nagmukhang awkward sa akin. Nung makita ko ni DJ ay saglit niyang inayos ang medyo magulo kong buhok at ngumiti. "Good luck!" Sabi niya at nakipag-fist bump.
Naglakad na ako paalis at tumungo sa lugar kung nasaan si Frost. Tumingin siya sa akin pero agad din nag-iwas, hindi ko alam kung dapat ba akong dumikit sa kanya kasi sobrang bagay sa kanya ang korean uniform, sa akin... Mukha lang yata akong assuming na cosplayer.
"Sorry ngayon lang ako." Sabi ko sa kanya pagkalapit ko sa kanya. He just stared at me, as usual, anong bago sa bagay na iyon.
On the other side ay nakita ko si Jiroh at ngumiti sa akin. Tapos na silang mag-perform, hindi ko nga napanuod ang performance nila kanina dahil lutang na lutang ang utak ko, nangangamba kasi ako sa costume kanina. Pero ngayon, it was huge relief na tinulungan ako ni Henry.
Wala akong cellphone number ni Henry kaya hindi ko siya mapasalamatan via text. Mukhang mas okay din naman na personal akong magpasalamat sa kanya.
Bumaba ang stage director sa backstage. "Cindy and Frost! Standby na kayo, kayo na ang susunod."
"Do your best, Betty." Sabi sa akin ni Frost. "Huwag mong sayangin ang napakaraming paghihirap natin."
"Ikaw man Frost," ngumiti ako sa kanya. "Make your parents proud kasi nandyan sila para suportahan ka."
"H-how did you know?"
Sasagutin ko dapat siya ngunit narinig ko na ang sigaw sa labas.
"Our next performer! Cindy Gonzales and Frost Cervantes!"
Napaawang lang ang bibig ko at agad ko rin tinikom. Tumango si Red sa akin at parehas kaming umakyat ng stage. Nung nakikita ko sa screen ang dami ng tao kanina sa backstage akala ko ay hindi ako kakabahan... But seeing it personally, napakarami nila!
Naging deem light ang buong stage dahil nga ballad ang aming kakantahing dalawa. Parehas kaming tumayo sa magkatabing stand mic.
Madaming malakas na sumisigaw sa pangalan ni Frost, his popularity was no joke kahit first year palang kami parehas. Tumango pang ulit sa akin ai Frost na parang sinasabi na huwag akong kabahan.
***
Tumugtog na ang instrumental na background at dinama ang bawat naririnig kong musika, ang malungkot na tunog nito ay talagang dinama ko. If you wanted na maipakita sa audience ang mensahe ng kanta... You should feel it first.
"Forget about you"
Original song by: Frost and Cindy
I'm gazing at you from a far
Just like a scintillating star
You're the one I only ask for
You whom I secretly adore🎶🎵
Ako ang unang kumanta ng unang lyrics. Nagawa ko ang lirikong uto habang nasa isip ko si Henry, he's the one that I secretly adore. Pero dahil forbidden ang love sa school na ito, crush lang iyon... At bawal ng lumagpas pa.
I don't know how you notice me
But it really made me happy
Being around you daily
Gives me a lot of energy🎵🎶
Si Frost ang sumunod na kumanta, ang malamig niyang boses ay kasing lamig ng mga titig niya. Nakatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. Ngayon ko lang ulit napanuod siyang mag-perform na punong-puno ng emosyon.
Tahimik na nakikinig ang mga tao, may ilang nag-i-sway ng kamay... Mostly ay galing sa fans ni Frost.
And then you asked to be yours
It feels like you've open so many doors🎶🎵
We both sing this part bago mag-chorus. Kasabay nito ang oaglabas sa malaking screen nv VCR ng mga in-interview namin. This performance was sending to all people watching na kahit gaano kasakit ang nangyari sa past, they should move on at kalimutan na iyon.
Nag-change key ang kanta at umilaw papaitaas ang spot light, sa libong tao na nandito ay sana ay maramdaman ng mga tao ang mensahe ng aming kanta.
Everytime your laughter echoes in my mind
It triggers all the pain that I hide
I know that I should forget about you
But I don't really know what should I do🎵🎶
Seryoso akong kumakanta at ayokong magkamali, this is important day for me, alam kong nanunuod din ang magulang ko sa TV. They are watching me, they really anticipated sa performance na ito. Napatingin ako kay Frost at ngumiti siya sa akin... Ngiti na unang beses kong nasilayan.
Ang galing talagang performer ni Frost, kahit ngiti ay nagagawa niya peke-in kapag nasa harap ng maraming tao.
You started to be cold at me
Treated me like a nobody
Forget about our monthsary
Which terrified the shit out of me🎶🎵
Hindi ko alam kung bumabagay ba ang boses ko sa boses ni Frost. Paano kasi ay napakaganda talaga ng tinig niya. Malamig ngunit damang-dama ang mainit na emosyon. He's singing with his heart, kahit ako din naman ay gagalingan ko kung nandiyan ang magulang ko na sumusuporta sa akin.
Everytime your laughter echoes in my mind
It triggers all the pain that I hide
I know that I should forget about you
But I don't really know what should I do🎵
It makes my heart flutter ng marinig kong nakikisabay ang mga tao sa chorus ng aming kanta. Madali lang naman kasi ang lyrics ng aming kanta. Nawala ang kaba ko dahil doon, it was a reap nostalgic feeling for me! Basta! Ang cloud nine sa pakiramdam, katulad ito nung pakiramdam nung nakapasok ako sa Music Academy.
Sa pagsabay nila ay pakiramdam ko ay naabot nila ang mensahe naming nais parating. Masakit ang song lyrics namin but behind that, gusto naming iparating na you should be strong to forget the bad memories and experiences.
So I got to think what did I do wrong
When all that I did is to love you for so long🎵🎶
Ang pasabog sa performance namin ay ang pag-hit ni Frost sa high note. It was not a simple high notes... It was three octaves high note. Bihira da isang lalaki ang nakakagawa no'n pero napakadali lang nito para kay Frost.
Nagsigawan ang mga tao matapos magawa iyon ni Frost.
Everytime your laughter echoes in my mind
It triggers all the pain that I hide
I know that I should forget about you
But I don't really know what should I do🎶🎵
Bumalik sa chorus at ako na lamang ang kumakanta habang si Frost ang nagiging second voice hitting a high note consistently. Ito ang isang Frost Cervantes, he was born with a pure talent pagdating sa music.
I know that I should forget about you
But I don't really know what should I do🎵🎶
We both sing the last part at humihingal ako dahil sa paghabol ng aking paghinga. Maraming what if na thoughts na tumatakbo sa utak ko ngunit napawi iyon ng malakas na pumalakpak ang mga tao... My first performance was success.
***
Pagkababa ko sa backstage ay ramdam na ramdam ko pa rin ang malakas na sigawan ng tao, may ilan pang sumisigaw ng encore... Napahawak ako sa aking dibdib, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya sa aking puso.
Naalala ko tuloy ang taong nagsabi sa akin na pumasok ako sa Music Academy when I was third year highschool. Siya ang dahilan kung bakt ako nandito, siya yung taong nag-introduce sa akin ng music. Hindi ako nagkamali sa pagpili, eto nga talaga ang paaralan na gusto kong pasukan.
Ngumiti ako kay Frost pagkababa namin, dahil sa saya ay bigla akong napayakap sa kanya. "Thank you Frost! Thank you!"
Nabigla ako nung yumakap sa akin pabalik si Frost. It was a friendly hug, dulot lang ito ng masayang emosyon na nararamdaman naming dalawa. "No, Betty. Thank you."
Hanggang ngayon talaga ay pinapanindigan niya ang pagtawag sa akin ng Betty but sanay na ako doon. Para akong natanggalan ng tinik after performance dahil sa wakas ay wala na akong poproblemahin, at isa pa, sa wakas ay makakauwi na ako at makikita ang aking magulang.
Natapos ang performance ng lahat ng first year, at sobrang rakrakan ang nangyari sa performance ni Lucas at DJ. parehas silang mahilig sa rock music kaya nagbe-blend talaga silang dalawa. They end the first year performance with a blast!
Matapos nilang makababa ay nagyakapan kaming tatlo nila Lucas. "Tapos na!" Masaya naming bigkas.
Feeling ko naman ay pasado ako sa preliminary exam dahil sa mainit na naging reaksyon ng mga tao. I didn't expect a high grade either dahil sobrang average lang ng naging performance ko kumpara kay Frost.
Paalis na dapat ako ngunit agad na nakita ko si Henry na naglalakad papasok ng backstage, "Henry!" Malakas kong tawag sa kanya.
Makailang ulit ko pang tinawag ang pangalan niya ngunit parang may tinitignan siya... Masamang titig to be exact. Ngayon ko lang nakita na ganoon kadilim ang ekspresyon ni Lucas. Sinundan ng aking mata kung saan siya nakatingin-- kay Frost.
Naalala ko bigla na parang nawala din siya sa mood nung marinig niya ang pangalan ni Frost nung nasa convenience store kami. May malaki bang hidwaan itong dalawa na ito?
Napabalik ako sa ulirat nung maramdaman ko ang cellphone ko na nag-vibrate, binuksan ko ang message na ito galing kay mama.
Napanuod q performance mo anak sa tv. Proud kaming lahat sayo.
Napangiti ako sa nabasa kong mensahe muli ko na namang napasaya sina mama. Worth it lahat napagod at tagal ng preparation, yung naging ekspresyon ng mga mahal ko sa buhay, ugh! Worth it talaga! Sobra!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top