Chapter 17 "Interview"
Isang linggo na lang bago ang magaganap na Preliminary exam. Kinakabahan na ako dahil pinapalabas na sa kung saan-saang T.V station ang patungkol nito at may mga nagse-setup na rin for live stage sa school ground. Parang music festival ang mangyayari.
In the first day of ticket selling, sold out na agad ito at lahat ng kikitain ng Preliminary exam concert na ito ay mapupunta sa mga charities na tinutulungan ng school namin. Nakakataas din ng pressure ang pagiging sikat ni Frost, maraming nag-e-expect sa performance niya... ako pa ang ka-partner niya kaya damay din ako sa pagiging apple of the eye ng mga tao.
"Let's go." Sabi agad sa akin ni Frost pagdating na pagdating niya sa usapang tagpuan naming dalawa. Tignan mo! Siya pa ang may ganang magalit, eh, siya nga itong late. Hmph!
Ngayong araw ay plano naming mag-interview para sa gagawin naming VTR presentation, random strange people ang i-interview-hin namin mula sa iba't-ibang age at iba't-ibang status ng buhay.
"Dalahin mo 'to. Betty" Biglang hinagis ni Frost ang kanyang bitbit na malaking bag sa akin kaya mabilis ko itong sinalo. Eto ang hirap kapag kasama ko si Frost, ginagawa niya akong alalay. Hindi talaga siya marunong magtrato ng tama sa babae.
Binuklat ko ang loob ng bag at laman nito ang isang fordable tripod at camera... Hindi basta-bastang camera dahil canon iyon, mahal iyon kaya kailangan kong ingatan.
Sabi ni Frost ay ako na raw ang bahala kung saan kami mag-i-interview o kung sino ang mga i-interview-hin dahil ideya ko naman daw ito. 'Diba! Napaka-supportive ng lalaking ito.
Nagsimula kami ni Frost sa pag-i-interview... Scratch that! Ako lang pala ang nagsimulang mag-interview dahil sobrang anti-social ng kasama ko. Nandito kami sa may garden sa itaas ng Trinoma at una naming binalak na mag-interview ng grupo ng kabataan.
"Hello! Pwede ba kayong ma-interview--"
Hindi nila pinakinggan ang aking sinasabi at nilampasan ako. "Kyaaah! Nandito si Frost Cervantes!" Bakit ba hindi ko naisip na sobrang sikat ng lalaking ito? Maraming pumunta sa kanya na grupo ng babae at puro tunggo sa balikat ang inabot ko.
Nung napatingin ako kay Frost na pinagkakaguluhan ay masama niya akong tinignan na para bang sinasabi na kapag hindi ko siya tinulungan ialis sa maraming crowd na iyon ay ihuhulog niya ako pababa ng ground floor sa Trinoma.
Mabilis akong nag-isip para mawala ang mga babaeng malalandi na iyon. Jusko, ang babata pa pero ang lalandi na. "Uy si Henry Dizon ba 'yon?" Malakas kong sigaw.
"SAAN?!"
"Nasa loob ng Starbucks!" Sa pagkasigaw ko no'n ay mabilis pa sa isang pagputok ng kamay ni Frost at hinatak siya palayo. "Siguro sinadya mo na pagkaguluhan ako para makaganti ka sa ginawa kong pagbubuhat sa kamera 'no?" Pagrereklamo niya at ayan na naman ang malamig niyang titig.
Huminto kaming dalawa sa likod ng isang malaking pillar at parehas hinahabol ang aming paghinga. "Sira ka ba? Ade sana hindi kita tinulungan kung gudto kitang gantihan? Bakit ba kasi lantad na lantad 'yang pagmumukha mo?!"
"I thought it was going a private interview. Hindi ko naman alam na mag-iikot pa tayo para maghanap ng i-interview-hin, idiot Betty." Mahaba niyang litana at umirap sa akin dahil sa inis.
Hindi kami pwedeng mag-ikot na ganito ang hitsura niya dahil mahihirapan kaming mag-ikot kapag nagkataon. "Pahinging isang libo."
"What?!"
"Basta maglabas ka na lang ng pera. Pagbalik ko ay makakapag-ikot na tayo ng matiwasay." Inis siyang tumitig pero sa huli ay inilabas niya rin ang kanyang wallet at naglapag ng isang libo sa aking palad. "Hintayin mo ako rito Frost. Bigyan mo ako ng kinse minutos, pagbalik ko ay okay na."
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Frost dahil kumaripas na ako ng takbo. Tumungo akobsa mga boutique o kung ano-anong clothing shop para bumili ng pan-disguise niya. Naalala ko kasi na parating naka-disguise si Henry kapag lalabas siya at ganoon ang gusto kong ipagawa sa kanya.
Kumuha lang ako ng itim na jacket na naka-50℅ off at itim rin na beanie na kagaya nung parating sinusuot ni Henry. Panandalian naman akong kinilig habang tinitignan ito dahil naalala ko bigla si Henry Dizon. Kamusta na kaya siya? Ang huling pagkikita namin ay doon pa sa convenience store kung saan nagmamadali siyang umalis.
"920 pesos po lahat ma'am." Sabi sa akin ng babae sa cashoer at inabot ko naman sa kanya ang isang libo.
Kinuha ko ang receipt at inabot niya sa akin ang mga damit na nakapagay na ngayon sa paper bag. Muli akong naglakad patungo sa pillar na pinagtataguan ni Frost. May ilang babae pa rin akong nakikit na nag-iikot dito sa Trinoma at hinahanap si Frost
Hindi naman lahat ng estudyante sa Music Academy ay sikat, may ilan lang talaga na umaangat dahil anak sila ng musician o kaya naman online celebrity na sila. Isa ro'n si Frost, at bae sa kanyang parating ekspresyon... Ayaw niya ng kasikatan na iyon pero nasanay na lamang siya.
"Ang tagal mo." Pambati agad sa akin ni Frost at bumaba ang tingin niya sa dala-dala kong paper bag galing sa isang sikat na clothing line. "What's that?"
"Damit." Iniabot ko ito sa kanya at inis niya itong kinuha.
"Inaksaya mo ang pera ko para labg diyan? I have many clothes in my room!"
"Eh bakit nasa kwarto mo ba tayo ngayon? Makakapagpalit ka ba dito sa mall? Bilis na! Isuot mo na lang iyan. Hintayin kita dito." Sabi ko at tinulak-tulak siya paalis.
Magkasama na kami ni Frost ng mahigit na dalawang buwan at sa dalawang buwan na iyon ay medyo kilala ko na siya. Hindi masungit si Frost, bugnutin lang talaga. Prangka din siya, kung ayaw niya sa'yo, ayaw niya sa'yo. Tapos ang usapan, ganoon ang patakaran sa ugali ni Frost.
Wala pang limang minuto ay bumalik na dito si Frost. Suot-suot niya ngayon ang mga damit na pinamili ko. I thought si Henry na ang pinakamagaling magdala ng mga kulay na itim na damit... Mas magaling pala si Frost.
Malamig niya muli akong tinignan. "What?!"
"Wala ang cool mo! Ibaba mo ng kaunti 'yang beanie para makapag-ikot na tayong dalawa" Sabi ko sa kanya.
Nagsimula na kaming mag-ikot para mag-interview ni Frost and so far, so good. Iilan na lang ang mga nakakakilala or namumukhaan siya at kapag ganoon ang nangyayari ay agad kaming umaalis sa ispesipikong lugar.
Nakatingin ako sa matandang babae na ini-interview ko, kinikilig pa ako habang ikinukwento niya ang magagandang ala-ala niya kasama ang asawa niya... Na ngayo'y wala na. "Nung kapanahunan namin ay parati kaming nag-iikot sa parke ni Fernando. Hindi namin kaya ang mga mahal na date kaya parati lang kami sa parke. Punong-puno ng alaala ang lugar na iyon dahil doon unti-unting lumaki ang pagmamahalan namin."
Si Frost ang nagbi-video samantalang ako naman ang nakikipanayam. "Eh ano pong ginawa ninyo nung mamatay ang asawa ninyo? Hindi po ba kayo nahirapan para maibsan ang sakit?
Tumawa ang matandang aking ini-interview. "Sa edad namin neto ay paniguradong hinahabol na kami ni kamatayan. Nawala man ang aking asawa ay hindi naman nabubura sa aking isipan ang magagandang alaala na magkasama naming binuo."
Naoangutu ako sa sagot ng matanda. Bigla ko kasing naalala ang aking magulang, sobrang sweet nilang magpambingan at mahal na mahal ko sila. "Okay po, 'nay maraming salamat po sa inyong oras."
"Walang anuman hija. Mag-iingat kayo ng iyong nobyo."
Nagkatinginan kami ni Frost sa tinuran ng matanda ngunit mabilis kong iwinagayway ang aking kamay bilang pagtutol. "Hindi ko po nobyo 'yan 'nay. Kaibigan ko lang po iyan."
"Ganoon ba? Bagay pa naman kayong dalawa. Oh sige, maiwan ko na kayong dalawa." Naglakad na ang matandang aking kinapanayam at nagba-bye naman ako sa kanya.
Lumapit ako kay Frost at ngumiti. "Ano, ayos ba?"
"Stupid Betty as always." Nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa kanyang tinuran at napairap ako sa ere.
Nagpatuloy ang pag-i-interview namin ni Frost sa iba't ibang klase ng tao at iba't ibang uri ng pag-ibig. Same sex relationship, teenage couple, puppy love, marriage couple.
Gabi na nung naoagdesisyunan naming dalawa na tumambay sa Starbucks malapit sa Manila Bay. Naglapag ako ng kape sa kanyang harap at ngumiti. "What's that?"
"Thank you gift. Nag-enjoy ako ngayong araw." Normal sa aming mga babae kapag nakakarinig ng iba't ibang nakakakilig na storya. Ang sarap sa puso.
Hindi siya nagsalita at kinuha niya na lang ang kape. Nakatingin kaming dalawa sa Manila bay, gusto nga namin sanang tumambay kaso madami ng mga pulubi ang ginagawang tulugan ang Manila bay... Hindi na rin komportableng tumambay dahil minu-minuto yatang may mamamalimos sa iyo.
"This is a weird day for me." Sabi sa akin ni Frost napatingin ako sa kanya ngunit sa seaside siya nakatingin. "Napapatanong ako sa sarili ko kung paano naka-move on sa masakit na pangyayari ang mga in-interview natin. It just weird na nagawa pa rin nilang maging masaya."
Napangiti ako sa tinuran ni Frost. At least, ngayon ay alam ko ng nakakaramdam pa rin si Frost ng weird na pakiramdam bukod sa poker face look niya at pagkagalit. Minsan lang nag-o-open ng ganito si Frost dahil madalas ay nagsusungit siya.
Hinila ko paalis ang kanyang beanie na suot at nakita ko ang medyo basa niyang buhok dahio sa pagkakakulob nito at medyo messy rin ito. "Alisin mo na 'to kasi mainit na. Wala ng makikielam sa'yo dito aa Starbucks." Nakangiti kong sabi.
"You're always smiling. Gustong-gusto mo talaga na nagmumukha oang engot." Sumandal siya sa couch na inuupuan niya at humigop ng kape.
"'Diba tinatanong mo kung bakit weird sila?" Ang tinutukoy ko ay yung mga taong in-interview namin. "Hindi sila weird Frost, hindi naman pwedeng kapag nasaktan ka ay hihinto ka na. Hindi ang mundong ginagalawan natin ang mag-a-adjust para sa'yo. Kapag nasaktan ka, iyak ka then go na ulit!"
I'm not really good in advices pero ilang beses ba akong umiyak dati nung highschool kapag hindi ako nananalo sa mga contest na sinasalihan ko o kaya naman ay napapahiya ng math teacher namin kapag hindi ko masagutan ang isang equation. Maliit na bagay lang iyon, pero maikukumpara naman iyon sa sitwasyon na sinasabi ni Frost hindi ba?
Nabaling din ang atensyon ko sa Manila Bay at sa sumasayaw na alon nito dala ng hangin sa labas.
"Paano nila nagagawa iyon? Paano nila nagagawa maging masaya?" He innocently ask.
Humigop muna ako ng frappe na binili ko bago siya sinagot "Acceptance,"
Kumunot ang noo niya to asked how. "Kapag natuto kang tanggapin ang mga bagay-bagay ade okay na! Ganoon pang 'yon Frost. Teka nga, bakit mo tinatanong ang ganyang bagay? May problema ka 'no?"
"Wala!" Pero ako ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kanyang mata na para bang may hinuhuli ako. "Stop staring at me. I don't want to see your ugly face closer."
"Hmph. Sungit mo talaga."
Natapos ang gabing iyon na tahimik naming pinagmamasdan ang paggalaw ng alon sa Manila bay. It was a nice scenery.
***
Ilang araw na lang bago ang live performance at nakikita naming tatlo nina Lucas at DJ amg pagpa-practice ng lightings sa may Stage. Marami ring mga estudyante ang panay practice sa iba't-ibang sulok ng aming paaralan.
"Kinakabahan na ako DJ." Saulado ko naman ang lyrics ng aming kanta kaso ay hindi pa rin maiwasan na kabahan... Paano kung kailan nasa stage pa ay doon pa umandar ang katangahan ko 'diba? Gosh! Nakakahiya kapag gano'n.
"Alam mo sabi sa akin ni kuya Kevin," Ang tinutukoy niya ay ang kapatid niyang miyembro ng rock band na Tuxedo. "Kapag kinakabahan daw ay ibig sabihin neto ay nae-excite ka lang. Huwag kang mag-alala, maiiraos natin ang preliminary exam."
"Hindi lang maiiraos! Tatatak pa sa maraming manunuod ang performance natin. Ayos ba?" Dugtong naman ni Lucas, parehas nilang hinimas ang aking likod upang mawala ang aking kaba.
"Salamat DJ at Lucas ah, ang swerte ko na kayo ang naging kaibigan ko." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kati sa aking lalamunan.
Saglit na natigilan si DJ at Lucas. Napakunot naman ako ng noo. "Minamalat ka ba Cindy?" They both ask.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil mukhang napasobra yata ako sa practice kagabi dahil sa pressure sa live performance.
Ilang araw na lamang bago ang live stage pero bakit ngayon pa ako minalat? Paano ang gagawin ko?"
***---***
Don't forget to hit vote and comment guys! Happy 10,000 reads guys! Thank you sa pagsuporta sa adventure ni Cindy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top