Chapter 15 "Be Close"
Hindi ko alam kung bakit tila ba napakatulin ng araw. Araw na naman muli ng linggo at ngayong araw ang napag-usapan namin ni Frost na ire-record na namin ang aming kanta.
Pero ang masaya dito ay hindi ako ginalaw ni Frost last week. No contacts, walang pambibwisit maski yung unggoy niyang kaibigan na si Jiroh. Talagang nakapag-focus ako sa pagsasanay mag-gitara.
Pagkakain ko ng almusal ay napatingin ako sa sapatos na ibinigay sa akin ni Henry. Ewan ko ba! Sa paningin ko ay eto na ang pinakamagandang black shoes na nakita ko. "May dumi." Wika ko at tumakbo ako para kumuha ng basang basahan at punasan ang dumi.
Kinilig pa ako sa sapatos bago tumungo sa C.R upang maligo. Habang nagbibihis naman ako ay narinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko na nakapatong sa table.
8:00 am sharp. You know where to find me.
Hanggang sa text talaga ay ramdam na ramdam ko ang pagsusungit ni Frost. Mabilis ko naman isinukbit ang guitar case sa aking likod at mabilis akong lumabas upang tumungo sa kanya. To be honest, nae-excite ako para sa recording na aming gagawin this day. First time kong makakapasok ng isang recording studio. Hello! Every aspiring singer ay pangarap makapasok sa lugar na iyon.
Dali-dali akong tumakbo tungo sa music department-- it was Frost's hideout. Hindi ko alam kung bakit paborito ni Frost ang lugar na ito, wala naman akong makita na espesyal dito. Pero oh well, bihiral lang ang nadadaan na tao at sikat si Frost... Baka umiiwas langsiya sa maraming bilang ng tao.
Binuksan ko ang pinto ng music room na tinatbayan ni Frost at nakita ko siya na binabasa ang lyrics na ginawa namin. "Frost." Pagtawag ko sa kanya, he jyst stare at me coldly. "Ano magsisimula na ba tayo?"
"Yeah we will start later but first," Nagulat ako ng biglang ihagis ni Frost yung mp3 niya kasunod ang paghagis niya ng earphone. Jusko! Apple pa naman 'tong mp3 niya? Paano na lang kung hindi ko iyon nasapo? "Gumawa ako ng demo for our song. Listen to it carefully so that makabisa mo yung tune. Then we will divide the part at doon pa lang nating sisimulan ang recording."
Wala na akong nagawa because he's using his authoritative voice. "Excited na ako."
"And one more thing Betty, I'm a perfectionist at ayokong maraming pagkakamali while doing the studio version of our song."
Lumabas lang sa tenga ko ang bawat salitang sinabi ni Frost dahil sa excitement. Dali-dali kong isinalpak ang earphone sa magkabila kong tenga at sinimulang pakinggan ang boses ni Frost. His voice was really good, it the same voice na hinangaan ko mula sa kanya.
Wala pa mang instrumental background ay ramdam kong sad song ito. Sa kanta kasi namin ni Frost ay para kaming nagkukwento ng isang love story ma sobrang ganda ng simula but not ended up happily, yung mga masasayang pangyayari ay isang memories na lang.
Tatlong beses kong pinaulit-ulit ang demo ni Frost at kahit papaano ay saulado ko na ang tune. Nakatahimik lang sa isang tabi si Frost habang sinusubukang tumugtog ng piano para nga sa studio version. "Marunong ka pa lang mag-piano?"
Napatigil sa pagpindot si Frost. "I'm not talentless like you, Betty."
"Grabe ka sa akin! Marunong na kaya ako mag-gitara at kahit papaano ay may nakita naman akong inprovement sa boses ko--"
"You're still annoying Betty. That's the reason why I don't contact you for a week! You're damn noisy!" Sabi niya at ibinagsak ang kamay sa piano dahilan ng pagtunog ng ilang keys. "I'm trying to focus here okay?"
I just zipped my mouth at pinakinggan ang pangangapa ni Frost sa piano upang makabuo ng melody. Tinignan ko ang lyrics na papel ni Frost. "Wala ka pang naiisip na title?"
Hindi siya sumagot bagkus ay nagpatuloy sa pagtugtog ng piano. Yeah, nawala sa isip ko na sobrang sungit nga pala nitong si Frost. Naku! Sa oras talaga na matapos itong preliminary exam, who you na 'tong Frost na 'to. Gustong-gusto niya na siya yung boss.
"Forget About You." Biglang lumabas sa bibig ko kaya napatigil si Frost muli sa pagpindot.
"What?"
"Yung title kako, Forget About You." Pagsasalita ko pero nung nakita ko ang malamig na titig ni Frost ay napakagat ako sa ibabang labi ko. Ang daldal mo kasi Cindy. "Sorry. Don't mind it, pasensya na sa abala."
"No! No! Betty, isulat mo yung sinabi above the song lyrics. Let's make it our song title." Sabi ni Frost na nakapagpalaki ng ngiti ko, kahit papaano pala ay kinukuha pa rin ni Frost ang opinyon ko and uma-agree siya.
Sa preliminary na ito ay kaming dalawa ni Frost ang nagtutulungan para maisaayos ang performance namin. Mula sa lyrics, sa pag-produce, pag-iisip ng title. Matalino si Frost but he also helping me by not helping me. Magulo ba? Kasi sa hindi pagtulong ni Frost ay natututo akong turuan ang sarili ko, surpass my own limits.
Tunayo na si Frost at saglit na nag-unat. "Let's go." Utos niya sa akin.
Parang pumalakpak ang tenga ko dahil sa tuwa. "Pupunta na tayo sa recording room?"
"Sa tingin mo?"
"Doon nga tayo pupunta!" Parang bata kong sigaw at isinukbit ang guitar case sa aking balikat. "Halika na!"
Habang naglalakad kami patungo doon ay hindi ko talaga maiwasan na i-express ang sarili ko sa sobrang excitement, napapatalon ako sa tuwa o kaya naman ay manginginig ang buong katawan ko dahil sa kilig. Hindi ako kinikilig kay Frost, kinikilig ako sa recording na gagawin namin.
Dapat talaga ay next week pa ang recording namin pero nung napansin ni Frost na pwedeng pagsabayin ang pagpapaplano for instrumental ay isinabay niya na ang recording. He use our time well, hindi kaming dalawa yung naggagahol sa oras. Yung iba ko ngang kaklase ay hindi pa tapos sa composing samantalang kami, nasa recording na.
Pumasok kami sa recording building na allowed lang pasukan kapag oras ng exams. It was exclusively for students of Music Academy.
"Hey! Good morning Cindy!" Nagulat na lamang ako ng bigpang may umakbay sa akin kaya napalingon ako dito-- si Jiroh.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Humingi ng tulong sa akin si Frost. Dapat ay may practice kami ngunit dahil mabait akong kaibigan at gusto kitang makita, sa inyo ako sumama. Ayos ba, Cindy?" He smiled at me pero hindi ko na lamang siya pinansin. Hello! Sa dami ba naman na problema na ginagawa ni Jiroh ay nakaka-trauma kayang magdidikit sa kanya.
Nakapasok na kami sa recording building, inabot namin ang aming mga I.D doon sa Student assistant na nasa counter sa at inabutan niya kami ng isang susi para makahiram ng recording studio.
Sinabi ko naman sa inyo, lahat ng kailangan para maging isang entertainer... Nandito sa Music Academy. They are willing to release a big amount of money para lang nakapag-produce ng mga estudyanteng magiging A-class performers someday.
Pagkapasok namin sa recording studio ay napanganga talaga ako. Dati ay pinapangarap ko lang itong mapasukan pero ngayon, here it is, naitungtong ko na ang aking paa sa loob ng isang recording studio. And yes guys, ganyan kababaw ang kaligayahan ko.
"Let's start first to produce our song bago natin samahan ng kanta." Sabi ni Frost. Kinabahan naman ako bigla dahil sa sinabi ni Frost, it means na ngayon na ako magpe-play ng gitara. Napatingin ako sa makapal na kalyo sa dulo ng aking mga daliri. Tama, Cindy, hindi dapat masayang ang paghihirap mo.
"Frost habang inaayos ko pa 'to, praktisin ninyo muna yung pagtugtog."
Lumapit sa akin si Frost. "Hey Betty, it will be a soft ballad song. Siguro naman ay marunong ka ng mag-gitara?" Tinapon sa akin ni Frost ang isang papel. "That's the chords. Gayahin mo lang."
Kahit na-e-excite ako ay hindi ko maiwasang ma-pressure. Sa tuwing iniisip ko na magpe-peform ako sa isang stage na ibo-broadcast live, biglang aangat yung kaba ko at magtatayuan ang balahibo ko.
Sinubukan kong gayahin yung chords. "Frost, paano yung pag-strum?"
Lumapit siya sa akin at ini-strum ang gitara. "Do you get it?"
"Ah, ganito." Ginaya ko ang ginawa niya kanina nhunit kataka-taka na iba ang naging tunog nito.
"Nope. Akala ko ba nagsanay ka Betty?" Pumuwesto si Frost sa likod ko at lumiyad siya kaya bale nasa itaas kong balikat ang kanyang ulo, ang lapit. Hinawakan niya yung kamay ko para i-strum.
Kahit gwapo si Frost ay wala siyang impact sa akin. Hindi siya yung tipo ng lalaki na hahabulin ko kaya balewala lang sa akin kung magkaroon kami ng skinship. Pero kung si Henry 'to ay baka hinimatay na ako sa kilig.
Ini-strum niya yung string gamit ang kamay ko and later on, kusa ng gumalaw ang kamay ko to do it. "Okay na, gets ko na! Salamar Frost."
Naglakad siya paalis para pumasok sa recording. Tsk. Sungit talaga.
Nung naayos na ni Jiroh ay nagsimula na kaming mag-record and to be honest, habang nabubuo ang instrumental nung kanta namin ay na-a-amaze ako lalo na't napapanuod ko pa si Jiroh na isaayos ang tugtog gamit ang isang app. sa computer. Ang galing ni Jiroh.
Bandang hapon na nung simulan namin ang pagkanta. Pumasok ako sa loob ng recording room at sinuot ang earphone sa aking tenga. May pinipindot si Jiroh na button para marinig ko ang kanyang sinasabi pero kapag hindi niya iyon pinipindot ay tanging tugtog lang ang aking naririnig.
"Cindy, you will sing the first part okay?" Tumango ako sa kanya. Nagsimula ang tugtog at inawit ko ng buong puso ang unang verse ng kanta, paano ba naman kasi ay naalala ko si Henry habang kinakanta iyon.
"Cindy I felt your emotion pero isipin mo rin yung boses mo, minsan nagka-crack ka. We will repeat, okay?" Pagtatanong sa akin ni Jiroh at tumango naman ako sa kanya. Hindi ko naman magawang magalit kay Jiroh dahil sa totoo lang, ang galing niya sa bagay na ito. Preliminary grades ang nakasalalay dito, hindi maaari ang pwede lang, dapat perfect!
Napatingin ako kay Frost na tahimik na nanunuod pero andiyan na naman ang malalamig niyang titug na tila sinasabi na isang pagkakamali ko pa ay hahampasin niya ako ng silya.
Narinig ko na naman ang tugtog at this time ay nag-focus ako sa pagkanta. Nakailang ulit ako bago natapos. "Nice job Cindy!" Nakangiting sabi sa akin ni Jiroh while Frost... Ayun naka-poker face, napakahirap talagang basahing nung mood ng lalaking ito. Angry and poker face lang ang alam niyang emosyon. Hindi naruruan ngumiti nung pinanganak.
Ilang minuto lang ay natapos naagad si Frost. Isang take lang lahat ng parts niya. Walang pagkakamali, he is a real perfectionist. Nakakamangha.
"Okay, ang kulang na lang ay ang duet ninyo sa chorus. I don't want to sound cringy pero gusto kong maramdaman sa inyo ni Frost na para bang in love na in love kayo sa isa't-isa. Yung tipong parang ibinabato ninyo lang sa isa't-isa yung lyrics para lumabas ang totoong emotion. But before that, let's take a break. Sumasakit na ang batok ko."
"Ugly Betty, ayusin mo." Banta sa akin bago lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Jiroh na ngayo'y nag-uunat.
Pina-practice ko yung chorus ng kanta namin just to avoid mistakes dahil na rin iba magalit 'tong si Frost. Isa't kalahating demonyo pa naman ang lalaking iyon. "Kamusta na kayo ni Frost? Nag-e-enjoy ba kayo sa company ng isa't-isa?"
Tinuro ko ang labi ko na nakasimalmal. "Sa tingin mo, mukha ba akong masaya?"
"Alam mo kasi Cindy, ganyan lang talaga 'yang si Frost. Mailap sa tao, ayaw na ayaw niyang nakikipag-socialize sa iba." Pagpapaliwanag niya. Sows! Ang sabihin niya ay mahangin talaga ang kaibigan niya, hindi yung kung ano-anong pagtatanggol ang ginagawa niya. "Intindihin mo na lang and as much as possible, try to be friended with him."
Pumasok na muli si Frost sa loob ng recording studio kaya napatigil kami ni Jiroh sa pag-uusap. Bumalik na siya sa upuan niya habang kami ni Frost ay pinapasok niya sa recording room.
"Cindy and Frost. Yung emotion ah! Hangga't hindi ko iyon nararamdaman ay hindi kayo lalabas diyan dalawa." Pagbabanta sa amin ni Jiroh, he was dead serious. Jiroh was a great producer, nakikita ko ang future niya as one of the top producers here in the Philippines.
Magkadikit kami ngayon ni Frost. Bagot niya akong tinignan pero yung mga mata niya ay parang sinasabi na subukan ko lang magkamali at ipapalunok niya sa akin ang mic at ihahampas sa bawat sulok nitong recording room. Creepy.
Muling tumugtog ang kanta at iyon ay sa may chorus part...
"Everytime your laughter echoes in my mind... 🎵🎶"
Napatigil ako sa pagkanta ng biglang ihinto ni Jiroh ang kanta. "Cindy, wala ka sa timing."
Tumingin sa akin si Frost. "Bakit ba atat kang kumanta? Kakasimula pa lang ng kanta bumanat ka agad."
"Eh paano kasi nakakatakot yung titig mo!"
"What?!"
"Okay tama na 'yan! Let's do it again one more time. Cindy, kalma. Hindi ka kakainin ni Frost."
Tumingin ako kay Frost at ayan na naman yung poker face look niya. Huminga ako ng malalim. Kalma Cindy, kalma. Hinga--
"Betty ang baho ng hininga mo." Napatigil ako dahil sa sinabi ni Frost. Bwisit na lalaking ito! Nagriritwal ako para kumalma ta's gagaguhin niya lang ako. Grrrr.
Tumugtog muli ang kanta... Ng ilang beses at nakita ko ng nakakunot ang noo ni Jiroh. "Gaano ba kahirap kumanta ng may feelings?! Just sing from your heart! Wala kayong harmonization dalawa tapos ang dull pa!"
Napaismid si Frost habang ako ay napairap. "Ganuto na lang. Tumingin kayo sa mata ng isa't-isa habang kumakanta. Hanggang hindi ko sinasabi ang stop ay hindi ninyo aalis ang tingin ninyo. Maliwanag ba?"
"Heck no!" Mabilis na reklamo ni Frost.
"Heck yes, Frost"
Nagsimula ulit tumugtog ang kanta at tumingin ako sa mata ni Frost. He do the vice versa. Ngayon ko pang napagmasdan ng matagal ang mata niya dahil nakakatakot talaga ito. Ngayon ko lang napansin na may pagka-hazel brown ito.
Nung una ay natakot ako sa titig ni Frost pero doon ko napagtanto na normal palang ganoon ang kanyang mga titig. Habang nakatitig ako sa mata ni Frost ay parang biglang nakaramdam ako ng sakit para sa kanya. Parang sobrang lungkot ng mata niya. Parang his takinh me to the other dimension papunta sa pinakailalim ng kanyang sarili.
Everytime your laughter echoes in my mind 🎵🎶
It triggers all the pain that I hide
I know that I should forget about you🎵🎶
But I don't really know what should I do🎵🎶
Hindi ko na namalayan na kumakanta na pala ako habang dinadama ang kanyang titig. Hindi isang malamig na titig ang pinupukol sa akin ni Frost... Puno ito ng lungkot.
"Stop!" Napatigil kaming dalawa ni Frost at mabilis nag-iwas ng tingin ang aming mata sa malakas na sigaw ni Jiroh. "It was perfect. Ganyan ang gusto kong pakiramdam! Nilagyan ninyo ng lungkot ang inyong mga boses na umaangkop sa inyong kanta. It was perfect."
"Ugly Betty na nga, ang pangit pa ng mata mo. Lahat ba talaga sa iyo ay pangit?"
"Ewan ko sa iyo! Tantanan mo ako!"
Lumabas kami ni Frost ng recording room at sinalubong ako ni Jiroh. "Nice one Cindy! Ang galing ninyo. Kung hindi ko nga lang alam na nagre-record tayo ng kanta ay iisipin kong magsyota kayo kanina eh."
At the end of the day, ang sarap sa pakiramdam dahil natapos na namin ang recording and for the next two weeks, ang kailangan na lang namin intindihin ay kung paano ang magiging performance sa live stage.
Humiga ako sa kamay at minasahe ko ang batok ko. Narinig kong nag-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa mini shelf. It was a text from Frost. Nagulat ako dahil hindi naman nagte-text si Frost sa akin unless may kailangan siya.
Thanks for the day. Ugly Betty :)
Iyan ang text na galing sa kanya. "Oh my god! May emoticon na ang text niya!"
Hindi naman sa na-excite pero nagulat lang ako. Sa lahat ng text sa akin ni Frost, ngayon lang siya gumamit ng emoticon. Muli ulitnag-vibrate ang phone ko at may nag-pop na another message galing sa kanya.
Remove the emoticon. It was typo.
"Palusot pa!" Bigkas ko sa aking sarili at nag-type naman ako, ang rude ko naman kung hindi ako magre-reply 'diba?
Thank you din. Sungit Frost. :P
Sent!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top