Chapter 14 "I fall"

"Ang hirap naman matutunan nito DJ." Sabi ko habang hawak-hawak ang gitara na ipinahiram sa akin ni Lucas. Nandito kaming tatlo sa may school park at nakaupo sa isang bench. Tutok na tutok silang dalawa sa pagtuturo sa akin dahil isang linggo lang naman ang ibinigay na oras sa akin ni Frost upang matutunan ito.

"Hindi naman kasi madali matutunan 'yan Cindy sa loob lamang ng isang linggo," Sabi ni DJ. "Mahihirapan kang mag-focus kasi mape-pressure ka sa deadline at dagdag pressure din ang nalalapit na prelims." Dagdag pa ni DJ.

"Ayun nga eh, mape-pressure ako kaya mabilis ko 'yang matututunan," bumaling ang tingin ko kay Lucas na tahimik lang na nakatingin sa amin. "Uy Lucas, turuan mo na ako."

Umupo sa tabi ko si Lucas at hinawakan ang aking kamay para ilagay sa string ng gitara. "Cindy, always remember kailangan madiin ang pagkakahawak mo sa bawat string."

Tinuruan niya muna ako ng basics tulad ng parts ng gitara para raw ma-familiarize ako bago kami dumako sa aktwal na pagtugtog. Itinuro nilang dalawa sa akin lahat ng chords which is... Hindi ko rib natutunan sa dami, ang hirap nilang tandaan. "Aray! Ang sakit na ng daliri ko. Kailangan ba talagang madiin?"

"Oo!" Sabay na sabi sa akin ni Lucas at DJ kaya napatahimik ako. Ang hirap naman kasi talaga, alam ninyo yung feeling na parang gumagasgas sa talim ng kutsilyo yung daliri ko sa bawat pagpapalit ng chords. Ganoon yung pakiramdam.

"Masakit talaga 'yan kasi hindi pa nagmamanhid 'yang daliri mo. Pero sa oras na magkaroon 'yan ng kalyo, hindi na 'yan masakit." Pagpapaalala sa akin ni DJ. Bakit ganoon? Same age lang kami ni DJ pero ang dami niyang alam pagdating sa music, iba talaga kapag nasa dugo ang pagiging musician.

"Yung pag-i-strum ganito," Kinuha ni Lucas ang gitara at sinimulang i-strum yung gitara ng mabagal para makita ko. "Get's mo ba? Ganoon ang usually na pag-i-strum pero pwedeng mabago depende sa piece."

Napatango-tango ako, ang sarao sa pakiramdam na magkaroon ng kaibigan kagaya nila. Sobrang hands on nila sa pagtuturo sa akin at parehas pang mahaba ang pasensya. Parehas pa silang magaling magturo kaya kahit papaano ay may natutunan ako.

We're having a break this time. After class nila ako tinuruan kaya naman bandang alas-siete na ng gabi. "Hindi pa ba kayo uuwi? Anong oras na oh?"

"Nagko-condo naman kami kaya walang maghahanap sa amin pero dahil nasabi mo na rin ay uuwi na rin kami." Isinukbit ni DJ ang kanyang bag gayundin si Lucas.

"Hatid ko na kayo hanggang gate." Medyo iniinda ko ngayon ang sakit ng daliri ko dahil sa papalit-palit ng chords na ginawa kanina. Learning guitar was not easy... For slow learners like me. Pero kaya 'yan! Para may maisampal ako doon sa masungit na Frost na 'yon. Kaya kong matutunan ang pagtugtog ng gitara under pressure.

Okay lang naman na mag-stay sa school namin hanggang 9:00pm dahil nga nalalapit na ang Preliminary exams. Mas mabuti ng dito sila gumawa ke'sa maaksidente pa outside the school 'diba? Kampante din naman silang walang kalokohan na magaganap dahil sa forbidden rule.

Naglalakad kaming tatlo. "Cindy, kamusta nga pala ang kanta ninyo ni Frost? So far so good?"

"Kung yung prelims ang tatanungin mo, feeling ko maganda naman dahil ginagamit din naman ni Frost yung ideas and song lyrics ko. Ayaw niya rin na nagtatrabaho mag-isa katunayan na tao pa rin pala ang isang Frost Cervantes." Pagkukwento ko sa kanila.

Ngumiti si DJ sa akin, "Mukhang mas nakikilala mo na si Frost ah! Hoy Cindy, ipapaalaka ko lang sa'yo, okay lang makipagkaibigan sa pinakamasungit na tao rito sa Music Academy basta't---"

"Huwag lang mapo-fall." Ako na ang nagtuloy. Kumpiyansa naman ako sa aking sarili na hindi ako mahuhulog kay Frost pero ang ikinatatakot ko ay ang mahulog kay Henry... Sobrang gentleman ni Henry. In just a snap ay kayang-kaya ka niyang ihulog sa kanyang charm, in a good way syempre.

"Nadali mo!" Sabay nipang sabi ni Lucas. We're all know that falling inlove isn't allowed, pero kung gusto mong magpatuloy, kailangan lang ay sumunod ng maayos sa rule na iyon. Para rin ito sa future namin bilang isang entertainer.

"Oh, sige na. Mauna na kayo, mag-iingat kayong dalawa pauwi," Sabi ko sa kanila nung makarating na kami sa labas ng gate. Nakakakonsensya nga lang din dahil ginabi sila ng uwi ngayon dahil sa pagtuturo sa akin kahit may pasok pa kami bukas. "By the way Lucas, pahiram muna ng gitara mo 'no?"

"Sure, walang problema iyon sa akin." Ngumiti si Lucas at naglakad na silang dalawa ni DJ patungo sa sakayan ng jeep.

Kinagabihan ay nag-ensayo ay nagkabisa ako ng mga chords na sinabi at itinuro sa akin ni DJ at Lucas. May ilan na akong nakabisa but still, wala pa rin akong kaya na tugtugin. May maliliit na hiwa na rin ako sa dulo ng aking daliri pero hindi ko naman ininda ang sakit. Ang mas nakakaiyak ay ang matanggal ako rito sa Music Academy... Na dapat ay hindi mangyari."

***

Tinanghali ako ng gising at nagmamadali ako para sa vocal class ko, hanggang alas-dose ako nag-practice kagabi just to make sure na matutunan ko lahat ng chords.

Pagkagising ko ay wala na si Yngrid, mukhang nauna ng pumasok at hindi man lang ako ginising na ka-dorm mate ko na iyon kahit alam niyang parehas alas-siete ang pasok namin. Napakahusay ni Yngrid, napakabait na tunay.

Dali-dali kong isinuot ang aking black shoes at hindi na rin ako nag-almusal. May thirty minutes vacant naman kami bago ang dance class namin kaya doon na lang ako kakain.

Dali-dali kong isinukbit ang guitar case sa aking likod pati na rin ang aking bag. Medyo may kabigatan ang gitara kaya naging mabagal ang pagtakbo.

"Bilisan mo Cindy, kapag late ka ng fifteen minutes paniguradong absent ka na." Para akong tanga na pinapagalitan ang aking sarili. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako uma-absent, nung highschool ako ay kahit may sakit ako ay pumapasok ako.

Habang magmamadali akong tumakbo sa may quadrangle ay nakita ko si Henry. It was nice seeing Henry, gusto ko sanang makipagkwentuhan sa kanya. Aral muna, landi later.

"Cindy ikaw pala 'yan!" Masaya niyang bati sa akin nung magkasalubong kami.

It was rude for me to not say 'hi' lalo na't isang sikat itong si Henry. "Hello Henry." Sabi ko kahit hinahabol ko pa ang aking paghinga at pinupunasan ang pawis na namuo sa aking noo.

"Teka bakit parang nagmamadali ka yata Cindy?"

"Late na ako sa first class ko eh. Importante pa namang maka-attend ako doon," Pag-amin ko sa kanya at nagsimulang tumakbo paalis. "Oh sige na, Henry! Ba-bye na! Kitakits na lang."

Mabilis akong tumakbo at napasigaw na lamang ako ng biglaan akong matapilok habang dumadaan sa may quadrangle. Hindi ako nangamba sa sarili ko pero mas nangamba ako sa gitara na nakasabit sa akin dahil mukhang mahal ito at isa pa, hiniram ko lang ito kay Lucas. Wala akong pamalit dito.

Ihahakbang ko na sana ang aking paa ngunit biglang may kakaiba akong naramdaman sa aking paa, kung mamalasin ka nga naman, sa dami-dami ngaraw ay ngayon pa talaga naputol ang takong ng sapatos ko. "Hala! Bakit nasira ka agad, kakabili ko lang sa'yo nung pasukan."

Umupo ako sa lapag at hinubad ang aking sapatos, ngayon ay naka-medyas na lamang ako. "Sirang-sira ka na, paano pa ako makakapasok nito?"

Mukhang wala ka ng choice Cindy, mukhang kakailanganin mong huwag ng pumasok sa first subject mo. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng araw na pwedeng malasin ay bakit ngayon pa kung kailan nalalapit ang preliminary exam namin?

"May problema ba Cindy?" Isang tinig ang aking narinig-- kay Henry. Akala ko ba ay nakaalis na siya? Nakakahiya naman kung makikita niya ako sa ganitong sitwasyon.

"W-wala! Nasira lang ang sapatos ko pero okay naman ako, didikitan ko na lang ng shoe glue mamaya." Pagpapaliwanag ko, tumayo ako with bare foot.

Nabigla ako sa sumunod na ginawa ni Henry, tinanggal niya ang kanyang sapatos at nagmedyas kasama ko. "U-uy teka! Anong ginagawa mo? Isuot mo nga ulit yung sapatos. Baka kung ano na lang sabihin sa iyo ng ibang school mates natin."

Tumawa si Henry. "Haha! Hayaan mo sila Cindy, kung nasira ang sapatos ng kaibigan ko ay dadamayan ko na lang siya."

Mas ikinabigla ko ang biglaan niyang pagbuhat sa akin na parang ikakasal. Hindi ko iyon inaasahan. "Halika na, dalhin na kita sa first class mo."

Hala?! Bubuhatin ako ni Henry hanggang Vocal department? Jusko! Baka kung ano ang isipin ng mga kaklase ko lalo na si Betty na ubod ng maldita.

"Ay hindi na! Kaya ko naman maglakad Henry, eh." Hindi naman sa ayaw kong tanggapin ang tulong na inaalok ni Henry, nakakahiya lang kasi. Ako na nga itong gumawa ng problema tapos hihingi pa ako ng tulong sa kanya.

"No Cindy, I insist. Wala ka ng magagawa doon, remember... Marami kang utang sa akin." Nakangiting sabi ni Henry. Masyadong malapit sa akin si Henry kaya naman hindi ko magawa na titigan siya ng mata sa mata.

Cindy! Iwas! Huwag mong hayaan na humantong sa bagay na ayaw mong mangyari!

"A-ah sige, dalhin mo na lang ako sa garden. Hindi na lang muna ako papasok." Wika ko sa kanya at nagsimula ng maglakad si Henry.

Napayingin ako sa dalawang pares ng sapatos namin na nakakalat sa daan at hindi ko inaasahan na ako'y mapapangiti. Parehas lang kaming nakamedyas ngayon. Henry was indeed a nice person.

Parang kailan lang ay ini-evaluate niya ako sa entrance tapos nagkakilala kami sa convenience store by accident. Gusto ko sanang tawagin itong destiny kaso may forbidden rule kami, if you break it... Kalimutan mo na ang pangarap mo bilang entertainer. Walang lugar ang pag-ibig sa aming paaralan.

Bitbit ni Henry ang gitara pati na rin ang aking bag tapos ay karga-karga pa niya ako, o 'diba! Nakakahiya! Mabuti na lamang at walang masyadong estudyante na gumagala dahil oras ng klase.

Umupo ako sa isang bench sa may garden pagkarating namin doon. "Uy Henry, pasensya ka na sa abala ha? Ngayon yata ang pinakamaswerte kong araw kaya nagkanda malas-malas ako." Sarkastiko kong sabi kaya naoatawa naman si Henry.

"No it's okay." Tumingin si Henry sa kanyang wristwatch. Hala! Mukhang may klase si Henry at late na siya! Kasalanan mo talaga 'to Cindy. Huhu.

"H-Henry may klase ka ba? Naku! Pumasok ka na, makakahabol ka pa niyan." Nagpa-panic kong sabi sa kanya. Nakagawa na nga ako ng katangahan tapos nandamay pa ako, grabe ka talaga Cindy! Nanghahawa ka ng kamalasan ngayong umaga.

"No I don't have class this morning. Tumitingin ako sa orasan kasi gusto kong hintayin mo ako rito for an hour." Sabi sa akin ni Henry at napakunot ako ng noo dahil sa pagtataka. "Huwag ka ng magtanong Cindy. Hintayin mo ako dito ha?"

Inilapag ni Henry sa tabi ko yung guitar case maging ang aking bag at nagsimulang tumakbo paalis. Wala na rin naman akong magagawa dahil hindi ko naman matitiis si Henry, sobrang nice niya sa akin. Nawalan na rin naman ako ng gana na pumasok sa vocal class ko dahil nga sa pagkasira ng sapatos ko, alangan namang pumunta ako doon with bare foot.

Instead of doing nothing ay muli kong sinanay ang pagtugtog ng gitara. May mga band aid na ang aking daliri pero hindi ko iyon alintana. Ngayon kasi ay na-e-enjoy ko na ang pagpe-play ng gitara dahil may alam na ako kahit papaano.

"G sharp, D, A..." Binibigkas ko ang mga letter na katumbas ng chords para naman madali kong maisaulo ito pero nabigla ako ng biglang isang malaking paper bag ang tumapat sa aking mukha.

Tinabing ko ang paper bag para makita ang mukha ng taong nag-aabot. "Henry ano 'to?"

"Gift."

"Ha? Hindi ko naman birthday para bigyan mo ako ng regalo. Hindi ko matatanggap 'yan." Pagtanggi ko. Feeling ko kasi ay hindi pa kami ganoon ka-close ni Henry para abutan niya ako ng regalo.

"Accept it, Cindy. Sabihin na natin na thank you ko iyan sa pagsama sa akin tuwing kakain sa convenience store." Inilapag niya sa baba ang paper bag kaya wala na akong nagawa. "Paano ba 'yan? Mauna na ako, Cindy."

Umalis na si Henry, akala ko ay nakapaa pa rin siya pero suot niya na yung sapatos na hinubad niya kanina. Binuklat ko ang paper bag at isang shoe box ang nakita ko sa loob-- isang bagong pares ng sapatos.

At that time, mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tinapat ko ang aking kamay sa aking dibdib ngunit hindi pa rin humuhupa ang lakas ng kabog na animo'y isang tambol na walang sawang pinupukpok.

Sa pagkakataong ito, alam ko na... I fall.

I fall in Henry Dizon.

***---***

Ito ang magiging unang author's mote ko sa story. Please guys leave a comment and vote para mapataas natin ang rank ng Music Academy.

Bakit mabagal ang update? Kung titignan ninyo ay sobrang haba ng bawat update sa Music Academy. Pinag-iisipan mabuti kaya naman hindi parating nakakapag-update ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top