Chapter 13 "Closer"

Akala ko ba naman kung saan kami pupunta ni Frost. Akala ninyo ba nag-date kami mga bes? O kaya naman ay namasyal? Isang pagkakamali lahat ng iniisip ninyo mga bes. Isang nakakaimbyernang malaking pagkakamali.

Nandito kami sa may SM Manila, isinama ako ni Frost para may tagabuhat siya ng kanyang bibilihin. Ang husay 'diba? Uwian na, may nanalo na.

"Frost hintayin mo naman ako!" Pagsigaw ko sa kanya habang buhat-buhat ang dalawang malaking plastic. Punong-puno ito ng grocery para stock niya raw sa may dorm. Hirap na hirapa ko buhatin ito tapos ang lalaking masungit, ayon! Kahit isang plastic walang dala. Ang husay talaga!

"Betty ang kupad mo." Inis niyang sabi sa akin. Wow! Siya pa talaga itong may ganang mainis, siya nga 'tong ginagawa akong alila dito. Bwisit talaga.

"Kung tulungan mo kaya ako, nakakahiya naman sa'yo. Ikaw na 'tong humingi ng pabor tapos sa akin pa lahat ng trabaho." Sabi lo at napapakagat sa ibabang labi ko dahil sa bigat ng aking dinadala. Malalaking hakbang na rin ang aking ginagawa upang makahabol kay Frost.

"Ano pang silbi na isinama kita Betty." Sabi niya na parang wala lang.

"Alam mo, napipikon na ako sa kaka-Betty mo, eh, ilang beses ko naman sa iyo sinabi na Cindy nga ang pangalan ko." Paulit-ulit na lang siya sa Betty at kapag kino-correct ko siya ang sasabihin niya lang ay...

"Yeah whatever. You're still annoying." Oh 'diba, tumatakbo pa lang sa isip ko pero iyon talaga ang lumabas sa kanyang bibig.

Malakas akong napapadyak sa sahig at hinipan ang bangs kong nasa tapat ng aking ilong. Bwisit! Mukhang kakailanganin ko na namang kumain ng ice cream ah, isang malaking gallon ng ice cream dahil sa stress na dala ni Frost.

Huminto kami sa isang fast food restaurant at umupo. "Bakit ba kasi ako ang isinama mo rito? Akala ko ba magkikita lang tayo kapag pag-uusapan yung exam?"

"Ang ingay mo Betty," Inaling-aling pa ni Frost ang tenga niya na para bang inis na inis na siya sa boses ko. Kung inis siya, mas inis ako. Grrrr! "Oh, bumili ka na lang ng makakain. Gutom na ako."

"Ang sakit-sakit na ng paa ko tapos ako pa rin ang uutusan mo. Ginagalingan mo talaga 'no?" Napairap na ako sa kanya. Nawala lahat ng takot ko kay Frost at napalitan ito ng inis. Magkaibigan nga silang dalawa ni Jiroh, parehas silang magaling mambwisit.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay winagayway niya sa mukha ko ang limang daang piso na para bang inuutusan ako na kuhanin iyon. Sumimalmal ang mukha ko bago ko kuhanin ang pera. "O-order din ako gamit 'tong pera mo."

"Yeah whatever."

Ayon nga ang nangyari, dahil nga nasa Jollibee kami ay um-order lang ako ng Chicken Joy at dalawang extra rice. Bumili na rin ako ng fries, para may makain habang naglalakad. Habang kumakain kami ay maraming babae ang pinagbubulungan si Frost.

"Hindi ka ba naiirita?" Pagtatanong ko sa kanya at kumunot ang noo niya to ask 'why'. Oh, 'diba! Kahit papaano ay nababasa ko na ang facial expressions niya. "Sa ganito, yubg bawat galaw mo may nakatingin. Yung kahit saan ka yata pumunta around Manila ay may makakakilala sa'yo."

Tumingin lang siya sa akin. Yung malamig na titig, yung mga titig na normal na para sa isang Frost Cervantes. I raised my hand na parang sumusuko. "Okay, hindi na ako magsasalita."

"Naiirita." Maikling sagot ni Frost kaya napabaling ulit ang tingin ko sa kanya. Totoo ba 'to? Sumagot ng matino si Frost sa tanong ko? As in nagkaroon kami ng conversation na dalawa. "Pero wala akong magagawa sa bagay na iyon. Bata pa lang ako ay marami ng nakaabang sa paglaki ko kung magiging successful musician din ako katulad ng mga magulang ko."

Naka-focus lang si Frost sa kanyang kinakain habang sinasabi iyon. Sa maikling pagsagot niyang ginawa ay medyo naunawaan ko si Frost. The burden and pressure, pasan-pasan niya sa kanyang balikat. Kailangan makuha niya yung bagay na ini-expect sa kanya ng lahat.

"Huwag mo akong kaawaan Betty, hindi ko kailangan ng awa mo. I'm used to it."

"H-ha? Wala nga akong sinasabi, eh." Pagdadahilan ko at humigop sa coke.

"Your facial expressions say it all," Sabi niya at pinahid ng tissue ang kanyang mukha. "Let's go."

"Wait lang 'di pa 'ko tapos kumain!" Sabi ko sa kanya.

"Let's go." This time ay baka na muli ang authority sa boses. Ang tulin ng mood swing ng lalaki na ito, kanina lang ay ang tino-tino niya pa kausap tapos ngayon... Grrr! Balik na naman siya sa demonyo mode niya.

"Wait lang ite-take out ko na lang. Sayang naman. Wait lang, wala pa 'tong five minutes." Sabi ko at mabilis na tinawag ang waiter upang kuhanin itong natira kong Chicken Joy at fries para i-take out.

Bandang hapon na nung makabalik kami sa Music Academy dahil ang tagal mamili ni Frost. Ang sakit nga sa braso dahil ang dami niyang pinamili eh. Jusko! Good for one month ba itong supply na pinamili namin?

Ibinaba ko lahat ng pinamili niya sa tapat ng kanyang dorm room, wala na akong balak pumasok pa dahil mukhang tinatawag na ako ng kama ko sa pagod. "Pwede na ba akong umali?" Pagtatanong ko sa kanya.

Kinuha ni Frost ang wallet niya at dumukot ng limang daang piso. "Here. Bayad sa pagsama mo sa akin."

Parang nawala ang pagod ko nung inabot niya sa akin iyon. Worth it naman pala ang pagiging tagabitbit at tagabuntot ko maghapon. Hindi kaya basta-basta napupulot sa panahon ngayon ang limang daan. "Salamat dito, Frost!"

Hindi na siya sumagot bagkus ay ipinasok niya ang kanyang pinamili at isinara ang pinto. "Uy Frost, salamat talaga ah!"

Kinagabihan ay umupo ako sa tapat ng study table upang muling dugtungan ang aking naisulat. Kaso ay kahit anong piga ko sa utak ko ay wala talaga akong maisip, kung mayroon man... Pangit. Hindi katulad nung mga naisulat ko no'ng nasa Manila Bay ako.

Pumasok si Yngrid sa loob ng dorm namin at mukhang pagod na pagod siya. "Saan ka galing? Gusto mo ng fries?" Pag-aalok ko sa kanya. Medyo malaki din kasi itong in-order kong fries at hindi ko mauubos mag-isa, lalo na't nabusog ako sa Jollibee.

Umupo siya sa tapat ko. "Thank you." Honestly speaking ay nagkakasundo na kami ni Yngrid. Bihira niya na lang ako tarayan puwera na lang kapag nakakagawa ako ng major-major na katangahan. Atleast, nagkakasundo pa rin. "Galing ako sa ocean park para magsulat ng lyrics. Thanks God dahil natapos ako hanggang first chorus."

"Dapat pala sinama mo na 'ko, ang lapit ko lang sa Ocean park kanina. Ako kasi sa Manila bay tumambay."

"Ade hindi ako nakapagsulat kapag kasama kita. Loser ka talaga. Ang hirap mag-focus kung may kasama akong pupunta." Sabi niya sa akin at napatango-tango naman ako. Oo nga, mas madali mag-isip ng song lyrics mag-isa dahil mas naka-focus ka.

So in the end of the day, wala akong naidugtong sa lyrics ko. Malapit na ang araw ng linggo ngunit wala pa rin akong ibang nasusulat.

***

Araw ng sabado ngayon at kataka-taka ang malaking bilang ng estudyante na naririto sa Music Academy. Wala kaming pasok tuwing Saturday at Sunday pero mukhang nandito silang lahat para paghandaan ang nalalapit na Preliminary exam. Habang lumilipas ang araw ay sa totoo lang, lumalaki ang pressure.

"'Ma, pasensya na talaga at hindi na naman ako makakauwi sa pagkakataong ito." Malambing ang boses ko habang kausap si mama sa kabilang linya. Nami-miss ko na sila, sobra.

"Okay lang 'yon anak. Ang mahalaga ay pinagbubutihan mo ang pag-aaral mo diyan." wika ni mama na nasa kabilang linya.

"Pero mama nami-miss ko na kayo. Hayaan ninyo, pagkatapos na pagkatapos ng Preliminary exam ay uuwi agad ako sa atin upang makasama kayo." Pagsisigurado ko. Paniguradong babawi ako ng bonding kanila mama dahil mag-iisang buwan akong hindi makakauwi sa amin.

"Basta parati kang mag-iingat diyan anak. Huwag mo kaming problemahin dito dahil ayos lamang kami rito."

"'Ma ba't ganyan ang boses mo? Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ko sa kanya dahil napansin ko ang panghihina mula sa kanyang tinig.

"May sakit kasi ako anak. Magiging okay din si mama, ang problemahin mo ay ang nalalapit mong exam."

"Oh, sige po. Basta uminom ka ng gamot 'ma. Ba-bye na po." In-end call ko na at kahit papaano ay naginhawaan ako na marinig ko ang tinig ni mama. Parang biglang nag-boost yung energy ko.

Matapos kong makausap ang aking ina ay tumungo ako sa girl's CR para maghilamos. Mamaya ay plano ko sanang umalis ulit para makapagsulat. Ang hirap magsulat dito sa school, mas masarap magsulat sa lugar kung saan relaxing.

Habang naghihilamos ako ay may biglaang pumasok sa CR-- si Betty. "Betty ikaw pala 'yan. Good morning."

She gracefully walks sa tabi ko para maghugas ng kamay. "Kamusta naman ang pagpapanggap mo bilang Betty?" She asked on me.

Matagal nag-sink in sa akin ang sinabi ni Betty. Oo nga pala, Betty ang tawag sa akin nung Frost na iyon baka na-misinterpret niya. "Ano ka ba, hindi ako nagpapanggap. Sadyang malakas lang ang toyo ni Frost.".

"Magkakaila ka pa! Ang sabihin mo, ginamit mo ang pangalan ko para mapansin ka ni Frost. Ganoon ka kalanding tao Cindy. Desperada!" Nabigla ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Betty at masama akong tinitigan. "Ako dapat ang ka-partner ni Frost, pero malandi ka."

"T-teka Betty, maghinay-hinay ka naman sa sinasabi mo. Hindi ko rin naman ginusto na maka-partner si Frost." Mahinahon kong pagpapaliwanag, ayoko ng sabayan ang kanyang inis dahil kung magpapataasan kami ng pride ay hindi magkakaroon ng maayos na closure ang problema na ito. "Hindi ko rin ginag--"

Naputol ang pagpapaliwanag ko ng biglang tumama sa pisngi ko ang palad ni Betty. "Huwag mo ng ipagtanggol ang sarili mo. Matapos mo akong ipahiya nung nakaraan ay hindi ko matatanggap 'yang paliwanag mo at sorry mo."

"Teka! Cindy!" Biglang pumasok sa girls CR si DJ, mukhang nakita niya ang ginawang pagsampal sa akin ni Betty. "Hoy babaeng maganda lang pero walang laman ang utak! Wala kang karapatan na saktan ang kaibigan ko!"

Matalim lang na tumingin si Betty at naglakad na paalis na parang walang nangyari. "Cindy, ayos ka lang ba? Gusto mo bang upakan ko yung Betty na 'yon?"

Ramdam ko ang sakit ng pisngi ko dahil sa sampal ni Betty pero ayoko naman makagawa ng malaking gulo lalo na't magpe-preliminary exam. Baka kapag nakagawa ako ng gulo ay ma-disqualify kami ni Frost. "H-huwag na DJ. Hindi rin naman masakit yung sampal niya."

"Anong hindi masakit? Ayan oh! Bakat na bakat sa pisngi mo yung palad niya. Gagong babae 'yon." Inis na sabi ni DJ. "Bakit ba hindi ka lumaban? Dapat ipinagtatanggol mo ang sarili mo sa mga kaklase nating feeling mean girls."

"Para saan pa? Nangako ako kanila mama na hindi ako gagawa ng gulo rito. Mahal-mahal na nga ng tuition tapos masasangkot pa ako sa away 'diba?" Pagpapaliwanag ko kay DJ. Napabitaw siya ng buntong hininga at halata sa kanyang mukha na hindi siya sang-ayon sa aking desisyon.

***

Dumating ang araw ng linggo, magkaharap kami ngayon ni Frost. Nandito kami sa tambayan niya, sa may 8th floor ng music department. Napapakagat ako sa ibabang labi ko habang binabasa ni Frost ang lyrics na aking sinulat. He seriously look at it, hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon.

Nabasa ko na ang lyrics na ginawa ni Frost and to be honest, ang ganda nito. Talagang pinag-isipan ang bawat salita na ginamit sa kanyang kanta.

Pagkatapos niyang basahin ang lyrics ay bumaling ang tingin niya sa akin. "Good." Tipid niyang sabi ngunit sobra-sobrang ginhawa sa pakiramdam ko ang nagawa no'n. Worth it naman pala yung paglayas ko kahapon at pagpupuyat kagabi.

"Pagsamahin na lang natin ang gawa mo at gawa ko." Sabi niya at kumuha nh panibagong papel. Si Frost na ang nag-arrange ng kanta samantalang ako ang nagsulat. Habang binabasa ko ang lyrics na nabuo naming dalawa ay sobrang nagagandahan ako, kahit wala pa itong lapat na tugtog ay punong-puno na ng damdamin at efforts ang lyrics.

"Let's call it a day. Ite-text kita kapag may binago ako sa lyrics or arrangement. Kabisaduhin mo ang lyrics then next week ay ipo-produce na natin ito."

"Ah Frost, hindi ako sanay tumugtog ng kahit anong instrument." Napayuko ako dahil sa kahihiyan.

"What?! You are really hopeless Betty. You should start practicing guitar. Ayoko na ako lang ang gagawa next week." Sabi niya at isiniksik sa bag niya ang notebook.

"Teka Frost! Paano ko naman matututunan 'yon in just a week?" Ayan na naman ang lalaki na ito! Ang hilig mang-pressure tsaka ano akala niya sa akin? Makahawak lang ng gitara ay matututo na agad? Heck no!

"Diskartehan mo. Nag-enroll ka dito sa isang MUSIC Academy so dapat alam mo ang responsobilities and adjustment na kailangan mong gawin." Seryoso niyang sabi at ayan na naman yung ma-otoridad niyang tinig at malamig niyang titig.

Nagbitaw na lang ako ng buntong hininga as a sign of forfeiting. Wala akong chance manalo sa diskusyong ito, magpapaturo na lang ako kay DJ o kaya naman kay Lucas kapag free time namin.

Nakaupo lamang ako ngunit na bigla ako ng biglang ilapit ni Frost ang mukha niya sa aking mukha. Namilog ang mata ko dahil halos magdikit ang dulo ng ilong naming dalawa sa lapit. "H-hoy teka! Anong ginagawa mo?" Nagpa-panic kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot pero nakatingin pa rin siya sa aking mukha. Ilang segundo ang lumipas at inilayo niya na ito, doon lamang ako nakahinga ng maluwag. "Pasa ba 'yang nasa pisngi mo Betty?"

"H-ha?" Pagtatanong ko sa kanya pero 'di na siya sumagot. "Oo, tumama kasi yung pisngi ko sa bakal."

Nagdahilan na lang ako dahil ayoko namang sabihin na sinampal ako ni Betty kaya ako nagkapasa. Isa pa, hindi naman kailangang malaman ni Frost. Wala naman siyang responsibility sa akin at pangalawa, mortal enemies kaming dalawa na napilitan lang magsama dito sa Prelims.

"It makes you more uglier. Ugly Betty." Ayan ang huling sinabi ni Frost bago naglakad paalis.

Ano raw? Grrrr! Bwisit talagang Frost Cervantes na ito! Napakalakas mang-asar. At isa pa! Cindy ang pangalan ko, hindi Betty!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top