Chapter 12 "Fall in his Charm"

Nasa Cafeteria kami ngayon dahil lunch time na, nasa harap ko si Lucas at DJ na para bang ini-interrogate ako at hinihintay ang aking pagpapaliwanag. "So Cindy, kailan pa naging Betty ang iyong pangalan?"

"Hindi ko alam sa Frost na 'yon! Uy DJ, Lucas! Tulungan ninyo naman ako, ayokong ma-partner sa Frpst na iyon." Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanila ngunit tinawanan lang ako ng dalawa. Anong nakakatawa? Seryoso kaya ako. Huhu.

"Kung makapagreklamo ka naman Cindy parang ikaw pa ang lugi." Natatawang sabi ni Lucas sa akin.

"Oo nga, Frost was one of the top student in our batch. Buti nga inaya ka ni Frost dahil paniguradong maipapasa mo ang Preliminary exam." Panggatong ni DJ. Wow! Mga kaibigan ko ba talaga ito? Parang wala silang tiwala sa talent ko ah!

"Hindi naman sa ganoon, paano kung maulit yung nangyari nung nakaraan? Yung last minute practice. Yung maghahabol sa oras, ayoko ng ganoong feeling." Pagpapaliwanag ko sa kanila sabay kagat sa kinakain kong tinapay.

"Ani ka ba. 'Wag kang nega, si Frost ang nag-aya sa'yo this time so he consider you as his partner. Unlike nung nakaraan na napilitan lang kayong dalawa." Pagpapaliwanag ni Lucas sa akin at napatango-tango ako nung makuha ang point niya. "May three weeks preparation lang tayo so kailangan siksikin ang oras."

"Three weeks akong hindi makakauwi ng Bulacan." Pumangalumbaba ako sa lamesa. Nung last time man eh hindi rin ako nakauwi dahil sa pagpa-practice ng activity. I'm pretty sure nami-miss na ako nila mama't papa pati na rin si Caleb kahit sobrang gago no'n.

Habang nagkukwentuhan kaming tatlo ay biglang lumapit sa aming puwesto si Frost at nakabuntot sa kanya ang aso niyang si Jiroh. "Hoy Betty, mamaya after class. You already know where to find me."

Napatigil ako sa pagkain. Bakit ba kasi ako sobrang natatakot sa titig ni Frost? Siguro lahat naman ay natatakot sa ganoong kalamig na titig ni Frost."Hi Cindy!" Pagsasalita ni Jiroh.

Hindi ako sumagot at umirao sa ere. Sobrang problemado ako... Oo tama! Maghahanap na lang ako ng ibang ka-partner, hindi pa naman nare-register yung mga pangalan namin. Yes! May chance pa ako para hindi maka-partner si Frost.

"Cindy! Ni-register ko na kayo kanina ni Frost para mabawasan ang trabaho mo tsaka bilang sorry ko na rin sa nangyari last time. Ano ayos ba?" Parang gumuho ang mundo ko sa winika ni Jiroh. Kaht kailan talaga paepal 'tong lalaki na 'to. He deserves a trophy for ruining my mood... Everyday.

"Bakit mo ginawa 'yon?!"

"Kasi kaibigan kita Cindy hehe! Ayos ba?" Ngumiti sa akin si Jiroh na parang proud na proud siya sa tulong na kanyang ginawa.

Naglakad na sila paalis ni Frost. Alam ko naman yung lugar na tintukoy ni Frost, sa may 8th floor ng Music department. Doon ko naman siya parating nakikita dahil daw tahimik doon at malayo sa atensyon ng ibang tao. Ang hirap talagang maging sikat, parating nagtatago katulad ni Frost at Henry.

"Oh 'diba sabi ko sa iyo 'di ka papabayaan ni Frost," Nakangiting sabi sa akin ni Lucas. "Pero bakit nga Betty?"

"Hindi kasi magaling magtanda ng pangalan si Frost, ipatanong ninyo ang pangalan ninyo sa kanya... Hindi niya kayo kilala. Ganoon siya walang kapakielam sa mundo." Pagpapaliwanag ko sa kanila, totoo ang bagay na iyon. Lagi lang mag-isa si Frost, no totally mag-isa dahil nakabuntot ang mga fangirls niya sa kanya.

"Basta Cindy, kapag inaaway ka ni Frost, tawagan mo lang ako. Babangasan ko kaagad 'yan, ayos ba?" Matapang na sabi sa akin ni DJ at nakipag-fist bump sa akin. Ito talaga, kababaeng tao pero walang kinatatakutan.

***

After class ay tumungo ako sa music department, samu't saring dasal na ang aking ginawa dahil paniguradong makikita ko na naman si Frost na parating beastmode. Ang laki ng galit sa mundo nung lalaki na iyon, parang hindi nga uso sa kanya ang salitang ngiti, eh.

Pagkarating ko ay nakita ko si Frost na nakaupo sa table, masama niya akong tinitigan. "You're late. Sabi ko pagkatapos na pagkatapos ng klase ay tumungo ka rito."

"Sorry naman. Dumaan kasi ako sa CR." Sagot ko sa kanya. Kahit hindi ako masanay-sanay sa nakakatakot niyang titig. Atleast this time nakakasagot na ako sa kanya ng diretso at hindi nauutal.

"Reason." Inis niyang sabi. "Hoy Betty umayos ka dahil ikaw ang ka-partner ko. Wala ka pa namang talent."

"Wow! Bakit parang naging kasalanan ko pa!? Ikaw ang nagsabi na partner tayo. And one more thing, it was Cindy not Betty" Pagtatama ko sa kanya. Ilang beses na kaming nagkakasama pero Betty pa rin ang tawag niya sa akin.

"Yeah whatever you're still annoying. Ikaw ang pinili kong partner 'coz I hate socializing on others. They don't deserve my attention... Even you. Kaso wala akong choice." Wow! May bagyo ba ngayon. Grabe sa pagbubuhat ng bangko! Uwian na mga bes, may nanalo na!

Umupo na lang ako sa isa sa mga upuan at hindi na nagsalita. Anong point ng pakikipagtalo ko sa lalaking iyan, sure naman na ako lang ang parating talo. Tsaka mapabilis na rin itong meeting kuno na ito.

"Dahil tatlong linggo lang tayo Betty. We need to maximize our time. On the first week kailangan ay makapagsulat tayo ng lyrics, on the second week ay lalapatan natin ito ng tugtog. On the third week ay recprding at pa-practice-in natin ang kanta. Maliwanag ba Betty?" Sabi ni Frost sa akin, nakakapagtaka lang kung bakit parating seryoso ang mukha ni Frost. Kung hindi seryoso ay galit siya, dalawa lang ba ang ekspresyon ng lalaking ito? Kulang ba ito sa buwan nung pinanganak?

"Ah Frost baka pwede naman akong umuwi ng Bulacan bukas kasi matag--"

"No. Nakikinig ka ba sa akin Betty? We. Need. To. Maximize. Our. Time." Isa-isa niya pang binanggit ang mga words para maging klaro, napairap ako sa ere. Cindy nga kasi.

"Ade huwag." I crossed my arms dahil sa inis. Panigurado talagang magtatampo na sa akin si mama't papa. Bakit ba kasi ang daming ginagawa rito sa Music Academy? Bihira tuloy akong makauwi sa amin.

"Starting from sunday. Araw-araw kang magpapasa sa akin ng song lyrics na may connect sa concept na memories." Pagpapaliwanag sa akin ni Frost. Actually, hindi siya paliwanag, it was command.

"Teka lang Frost! Grabe naman 'yan. Anong tungin mo sa akin? Kapag umupo sa harap ng pamesa eh may magpa-pop na song lyrics sa utak ko?" Pagrereklamo ko. Sinasabi ko na nga ba, sobrang wrong idea na makipag-partner kay Frost. Kung iniisip ng iba na sobrang swerte ko... Nagkakamali silang lahat. Maling-mali.

Tumitig sa akin si Frost at pasama ng pasama ang timpla ng kanyang mukha habang tumatagal. "O-okay. Hindi na ako magrereklamo." Iyan na lang ang nasabi ko.

Inilabas ni Frost ang cellphone niya at kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa desk. "H-hoy ano ba!"

"Once na tinext kita. Kailangan mong pumunta as soon as possible. If you don't do your best. Parehas tayong maki-kickout sa school na ito." Sabi sa akin ni Frost at naglakad na palabas. Mabuti na lamang at nakaalis na si Frost, nakahinga na ako ng maluwag.

***

Kinagabihan ay parehas kaming namomroblema ni Yngrid. Parehas namin iniisip ang magaganap na Preliminary exam. "Walang pumapasok na lyrics sa isip ko! Argh!" Inis na sabi ni Yngrid sabay lamutak sa papel na kanyang hawak at tinapon sa basurahan.

Umaapar na ang trash bin namin dahil sa dami ng papel na inihahagis naming dalawa. We're both busy sa pag-iisip ng lyrics. Kung gumawa nga ng poem or essay, eh, sobrang hirap na. Paano pa kaga ang song lyrics? It was definitely hard.

"Ako nga wala akong ideya kung english ba ang dapat kong gawin o tagalog." Sabi ko sabay pangalumbaba. Think about something na may conncect sa memories. Think. Think. Thi-- argh! Wala talaga!

"Anong concept ninyo?" Pagtatanong ko kay Yngrid, nabalitaan ko kasi na magkakaiba ang concept na gagawin per section.

"Happiness. Kayo?" She asked on me. Adjective pa yung mga binibigay na topic or concept pero ang hirap pa rin mag-isip kahit sobrang lawak na nito.

"Memories."

Akala siguro ng mga taga-ibang school ay madali ang buhay rito sa loob ng Music Academy. Definitely not, it was a hell. Mas madali pang mag-aral ng regular subjects ke'sa mag-isip ng mga lyrics, magtugtog ng musical instruments, or mag-aral ng mga vocal chuchu na 'yan.

In the end of the day ay nag-isip na pang ako ng magkaka-rhyme na words na pwede kong gamitin para bukas. Matapis no'n ay natulog na ako, wala talaga akong mapiga sa utak ko. Kailangan pa naman namin ni Frost nang lyrics sa sunday.

Dumating ang araw ng biyernes at binabalak ko ngayong magpunta sa may Manila bay para umupo, doon ako mag-iisip. Isang sakay lang ng train pa-Pedro Gil mula sa aming school mula sa aking school tapos no'n ay walking distance na lang ito.

I wear a simple red shirt lang ang suot ko at pantalon. Hindi naman malayo ang pupuntahan ko kaya bakit kailangan pang pumorma?

Naglalakad na ako palabas sa Music Acadrmy ng biglang may bumusina sa tapat ko. "Ay tae ng kalabaw!" Napasigaw ako dahil sa gulat.

Napatingin ako sa kotse, isa itong puti na KIA. Kia Optima to be exact. Kung paano ko nalaman ang brand? Parati kasing pinapakita ni Caleb na gusto niya ang ganoong brand. Bumaba ang bintana nito. "Cindy, saan mo balak pumunta?"

"Ikaw pala 'yan Henry. Sa may manila Bay lang." Sabi ko sa kanya at napaayos ng tindig.

Ngayon ko lang ulit nakita angkabuuan ng kanyang mukha. 'Diba nga sa tuwing nagkikita kami ay nakasuot siya ng Beanie or jacket. Pero ngayon nakikita ko ang buong mukha niya. Walang disguise. He's wearing a knitted long sleeve shirt na kulay blue green.

"Sabay ka na. Pupunta rin kasi ako sa Star City gagawa ako ng promotional video. Madadaanan ko naman iyon kaya sumabay ka na." Pag-aaya niya sa akin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa akin na ganito kabait ang isang Henry Dizon. Lahat ng magagandang attributes ng isang lalaki ay na kay Henry na, inside and out.

"Sigurado ka?" Pagtatanong ko sa kanya. Of course gusto kong sumabay dahil tipid sa pamasahe. Isa pa, Henry Dizon na 'yan, choosy pa ba?

"Yup, tsaka para hindi na rin ako ma-bored sa biyahe. Ang sarap mo kayang kausap." Nakangiti niyang sabi. Binuksan ko ang pinto ng shotgun seat at umupo sa tabi niya. Mabuti na lamang at hindi lumabas si Henry ng kotse niya dahil paniguradong kukuyugin ako ng mga fan girls niya kapag nakita ako. Baka kung anong isipin nila.

Binaybay na namin ang daan patungo sa Malate. "Kamusta ka na Cindy? Okay ka na ba?"

Last time kasi na nagkausap kami 'may yung lumong-lumo ako sa 75. "Medyo okay na rin pero ang hirap ng Preliminary Exams."

"Wala pa 'yan sa amin. Kami nga ang concept sa amin is ulan. Sa inyong freshmen ay malawak pa ang sakop ng concept kaya madali pang mag-isip unlike sa aming malapit na mag-debut na pigaan talaga ng utak." Pagkukwento niya sa akin.

"Ay oo nga pala, malapit ka ng mag-debut. Anong gusto mo, soloist or nasa isang grupo ka?" Pagtatanong ko sa kanya. "Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong nasa grupo ka. Being hearth Rob along with your groupmates."

"Sa tingin mo?"

"Oo pero ikaw pa rin naman ang magde-desisyon. Support lang kita bilang fan mo." Nakangiti kong sabo sa kanya at ngumiti pabalik sa akin si Henry. May kung ano akong naramdaman sa aking dibdib sa biglaang pagganti niya ng ngiti.

Jusko! Cindy bawal 'yan. Forbidden rule. Don't fall in love.

Natahimik na lang ako sa buong biyahe at ganoon din si Henry. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa Manila bay at mabilis akong bumaba. "Ingat ka, Cindy." Paalala ni Henry sa akin.

"O-Oo! Salamat sa paghatid at pasensya na sa abala. Hayaan mo babawi na lang ako sa'yo kapag nagkasalubong ulit tayo sa convenience store." Sagot ko sa kanya at inayos ang pagkakasukbit ng aking bag.

"Sure. Aasahan ko 'yan Cindy! See yah!" Pinaandar niya na muli ang kotse paalis.

Pagkaalis ni Henry ay doon na ako nagtatalon sa tuwa pero agad din nawala ang saya ko nung maalala ang forbidden rule. "Cindy bawal 'yan. Kung ayaw mong matanggal sa school pigilan mo." Para akong tanga na pinapagalitan ang aking sarili bago umupo sa bato na rail sa Manila Bay.

Habang nakaupo ako sa Manila bay ay tumatakbo sa isipan ko si Henry. Ewan ko ba! Sa tagal naming nagkikitang dalawa ay ngayon lang nagkaroon ng epekto sa akin ang prisensya niya. "No Cindy, unreachable si Henry. Panigurado naman na ganoon ang treatment niya sa lahat ng babae kaya huwag kang humopia"

Nagsimula kong ilabas ang notebook ko at hindi ko inaasahan na makakasulat ng isang stanza, si Henry ang nasa isip ko habang sinusulat ito.

***

I'm gazing at you from a far
Just like a scintillating star
You're the one I only ask for
You whom I secretly adore
I don't know how you notice me
But it really made me happy
Being around you daily
Gives me a lot of energy

***

Nung natapos ko ang stanza ay mahina kong tinapik-tapik ang aking pisngi. "Gawin mong inspirasyon Cindy pero lagyan mo ng boundaries. Ikaw lang ang iiyak sa dulo."

Habang nakatanga ako at nakatingin sa magandang view ng Manila bay ay biglang nag-vibrate ang phone ko.

Starbucks, sa may Pedro Gil.

Galing sa unknown number lero mukhang alam ko na kung kanino galing ito. Paano ba naman ramdam na ramdam ko ang authotity habang binabasa yung text message-- kay Frost.

"Wow. Buti na lang nandito na ako at hindi ako male-late." Wika ko sa aking sarili bago mag-reply.

Saang starbucks? Yung malapit sa Manila Bay or sa Robinson Manila?

Pagtatanong ko sa kanya at wala pang ilang segundo ay nag-reply na siya.

Manila Bay.

Napabitaw ako ng malalim na buntong hininga. "Hanggang sa text ang sungit-sungit tapos ang tamad mag-reply."

Nilagay ko na sa loob ng bag ko ang aking notebook at naglakad papunta sa starbucks. Isang tawiran lang naman from Manila bay papunta doon sa starbucks na sinasabi ni Frost. Mabuti na lamang na we're on the same area kaya mabilis akong nakapunta.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay nakita ko agad si Frost. Nakita ko agad ang malamig niyang titig kaya napatindig na naman ako ng tayo.

Pansin ko na maraming nakatingin kay Frost kaya medyo nagdadalawang isip pa ako kung lalapit sa kanya o hindi. "Hoy Betty, lumapit ka rito."

Dahil sa sinabing iyon ni Frost ay napatingin sa akin ang ibang tao, siyempre maku-curious sila kung sino ang kasama ni Frost na sobrang sikat at sa sobrang malas ko... Ako 'yon. Naglakad ako papalapit sa kanya at bagot siyang tumingin sa akin. "Tagal."

"Wow! Wala pa ngang limang minuto ay nandito na ako. Grabe 'to." Sabi ko at umupo sa tapat niya. "So what's the catch? 'Diba ang usapan natin ay sa linggo pa tayo magkikita para ipakita yung song Lyrics."

"Ang daldal mo. Wala pa akong sinasabi, ang dami mo ng naisumbat." Inis niyang sabi at humigop ng frappe.

'Eh paano kasi ayaw kitang makita dahil masisira lang ang magandang araw ko na sinimulan ni Henry.' Syempre ay sa utak ko lang 'yan sinabi. Titig pa lang ni Frost ay nakakamatay na.

"Samahan mo ako." Sabi niya sa akin at tumayo na para umalis.

"Ha?"

"Sumunod ka na lang."

Hala siya! So hindi namin mag-uusapan yung tungkol sa Preliminary exam? Pinapunta niya ako rito para magpasama? Shit ka talaga Frost! Shit ka! Shit ka!

"Ano, tatanga ka na lang diyan?"

"E-eto na nga, susunod na."

In the end, wala akong nagawa. Ikaw ba naman titigan ni Frost na parang papatayin ka niya kapag hindi ka sumunod 'diba? Mapapasunod ka na lang ng wala sa oras.

Thanks for Henry sa pagbibigay ng good vibes sa araw ko pero sobrang thank you kay Frost sa pagsira nito. Sarcastically speaking 'yan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top