Chapter 11 "Chrysalis"

"Next." Wika ni sir Michael at mabilis na itinigil ang tugtog ng kaklase kong si Jannah na kasalukuyang nagpe-perform. "Isang linggo ang ibinigay ko sa inyong time para mag-perform ng freestyle. Ano ang ipinapakita ninyo? Nagkakalat kayong lahat!" Ibinagsak ni sir Michael sa lamesa ang isang libro na kanyang hawak.

Napatindig pa ako ng pagkakaupo dahil sa gulat. Shocks! Ang gaganda na ng performance ng mga kaklase ko sa aking mata pero para sa mata ni sir Michael... It was all a trash performances. Paano pa kaya kapag nag-perform na ako? Baka ibaon na lang ako sa lupa ni sir sabay pukpok ng libro.

Napalagok ako ng laway dahil sa kaba. "First time magalit ni sir ng ganyan." Mahinang bulong sa akin ni DJ. "Hindi rin ako nag-practice."

Bahagya akong naginhawaan sa sinabing iyon ni DJ dahil biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha. "Hindi ko naman gustong magsasayaw ng ganyan. Maging rocker ang gusto ko at wala akong interes sa pagsasayaw."

May ilan pang tinawag si sir Michael hanggang sa maging turn na ni DJ. She walks in the center. "Nasaan ang tugtog mo Diana Jane?" Pagtatanong si sir.

Alam kong napairap si DJ dahil ayaw niyang tinatawag sa buo niyang pangalan because it was too girly. "Mag-play na lang po kayo ng kahit anong music sir, doon ko na lang po sasabayan." Pagpapaliwanag niya.

"On the spot?" Pagtatanong ni sir.

"Kinda sir. Dancing was not my thing so hindi po ako nag-practice." Namilog ang mata ko sa pagiging sobrang honest ni DJ. Dance class 'to, ano na lang ang mararamdaman ni sir kung ayaw ng isa niyang estudyante ang subject niya. Maybe, ang sakit no'n sa ego.

"Okay. Freestyle naman ito pero siguraduhin mo lang na maayos ang ipapakita mo Duana Jane" Namili si sir ng tugtog sa kanyang celkphone at pansin ko ang malalim na buntong hininga na ginawa ni DJ na para bang naghahanda sa ipapagawa ni sir.

Bigpang tumugtog ang 'Yonce' ni Beyonce at napakagat ako sa ibabang labi ko dahil kinakabahan ako para sa magiging performance ni DJ. She really hates dancing at sobrang vocal niya sa bagay na iyon. Hindi niya nga gustong i-major ito eh.

[Dapat mayroong isang GIF o video rito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]

Pero nung nagsimula ang tugtog ay napanganga kaming lahat dahil from clueless DJ ay naging mas fierce ang mukha niya. Nung nagsimulang sunayaw si DJ ay sobrang jawdropping, saktong-sakto sa beat ang bawat galaw niya. It was quite sexy to be exact at hindi ko inaasahan iyon kay DJ.

Kahit si sir ay pansin ko rin sa mukha nito ang pagkagulat at pagka-amaze kay DJ. Talagang umangat si DJ sa activity nito, parang bombang sumabog eh. Boom! She hates dancing pero sa ipinapakita niyang performance eh hindi ko alam kung paniniwalaan ko ito o sarcastically speaking talaga iyon.

Natapos ang tugtog at humihingal na tumingin si DJ kay sir Michael. Si DJ ang kauna-unahang performance na hindi pinatigil ni sir. Partida, walang practice si DJ at on the spot niyang inisip ang bawat step.

"I thought you hate dancing?" Nakangising sabi ni Sir Michael at ang maalat na timpla ng mukha nito kanina ay napalitan ng ngiti.

"Ayoko talaga sir. Maging rockstar ang gusto ko and being dancer was not in my choice." Pagpapaliwanag ni DJ pero yung performance na ginawa niya, it was splendid. Wala na akong masabi na iba pa sa babaeng 'to, sobrang talented. She can sin, play instrument, and even dancing. Eh ako? Wala ako kahit kakarampot na biyaya pagdating sa mga ganoon.

"I think dapat mong pag-isipan 'yang mabuti. Your performance ang the best performance na nakita ko this day, specially your waacking dance step. Hindi madali gawin iyon and it looks like you already master it. Kung gusto mong sumali sa hiphop team ng ating school... You are always welcome Diana Jane." Pagpapaliwanag ni sir and si DJ ang kauna-unahang napuri sa klase namin. Eh paano ba naman habang nagpe-perform siya kanina eh feeling ko hindi siya si DJ, sobrang fierce and sexy niya kasi.

"Thanks for the offer, but no thanks." Casual na sabi ni DJ at umupo sa tabi ko. "Nakakapagod."

"Ang galing mo! Paano pa kaya ako kapag nag-perform na ako? Baka pagalitan lang ako ni sir." Kinakabahan kong sabi kay DJ, kasi naman, ginalingan din nitong kaibigan ko. Okay na , packed up na may nanalo na.

"Timing lang, kapag nasaktuhan mo na yung beat madali na lang mag-isip ng step. Huwag kang kabahan ano ka ba!" She suddenly taps my back. "Kaya mo 'yan!"

She's gifted of course. Magkaiba kami ng situation.

Natapos ang klase at tumataginting na 75 ang naging grade ko, ako ang pinka-lowest sa aming magkakaklase habang si Frost naman ang highest na may 96 na grade. Speaking of Frost hindi ko pa siya nakakausap matapos ang bar incident, mas nakakatakot kasi ang aura niya sa pagkakataong ito, especially towards me.

As if naman na gusto ko siyang makausap ulit eh ang laking pahamak na ginagawa nila sa akin magkaibigan, especially that Jiroh jerk.

Matapos ang klase ay nakaabang si Jiroh sa labas. "Alam mo, ilang araw ng nangungulit sa iyo 'yang lalaki na 'yan, gusto mo bang upakan ko?" Matapang na pagtatanong sa akin ni DJ.

"Don't bother. Mahahawa ka lang sa kamalasan na dala ng lalaking iyan. At isa pa, wala ako sa mood."

"Bakit?" Itinaas ko ang papel ko na may malaking 75 na grade. "Ay oo nga, itulog mo na lang 'yan. Bawi ka na lang next time. " Pagpapalakas ni DJ sa aking loob.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom ay biglang lumapit sa akin si Jiroh. "Uy Cindy, sorry na talaga! Hindi ko naman inaasahan na ganoon ang mangyayari. Mataas talaga ang tolerance ko sa alcohol pero hindi ko alam ang nangyari that time." Pagmamakaawa ni Jiroh habang sinusundan ako sa paglalakad.

"Jiroh ilang beses ko bang sasabihin na wala ng kaso sa akin iyon dahil ilang araw na ang nakakalipas. So please lang, leave me alone now." Mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanya dahil sa lumong-lumo ako. First time ko rin kasing magka-grade na 75 in my entire life, sobrang grade conscious ako. Honor student ako during highschool days so masaki sa ego.

"Okay, hindi muna ako mangungulit... For now. Babalik ako kasi Iquite like you for Frost." Nakangitu niyang sabi sa akin.

"What?"

"I quite like to see you and Frost together. Bihira kasi maki-mingle si Frost sa ibang tao, iyon ang ibig kobg sabihin. Bakit, ano bang nasa isip mo Cindy?" This time, yung ngiti niya ay napalitan ng ngisi na para bang hinuhuli ako... As if naman na may huhulihin.

"Wala and I don't even mind." Naglakad na ako paalis at balak ko sanang pumunta sa malapit na convenient store para bumili ng ice cream. Ice cream was my stress reliever.

"Ba-bye na Cindy! Kita na lang tayo bukas." At dahil sa sinabing iyon ni Jiroh ay umaasa ako na hindi ko siya makikita bukas.

***

Pagkapasok na pagkapasok ko sa convenience store ay may nakita akong pamilyar na pigura, wearing a red jacket and white beanie. Nakita niya yata ako at tinuro niya ang puwesto niya na parang inaanyayahan ako kumain kasabay niya.

Bumili muna ako ng maliit na ice cream na nasa maliit na gallon bago umupo sa tapat niya. "Ang dami naman niyan, mauubos mo?" Natatawang sabi sa akin ni Henry. "Nagkita na naman tayo rito babaeng bintangera."

Somehow naging komportable na ako kay Henry, ina-admire ko pa rin siya. Hindi pa naman kami friends dalawa pero beyond acquaintance na rin. I more see him as a person at hindi na bilang isang Henry na mukha ng aming paaralan. "Hindi ka pa rin talaga maka-get over doon ano?" Medyo nagta-tantrums kong sabi sa kanya kaya muli siyang napatawa.

"Sorry na Cindy. Cindy, right?" Pagtatanong niya at tumango naman ako upang kumpirmahin sa kanya na iyon ang aking pangalan.

Binuksan ko ang Ice cream na may chocolate flavor at kumuha ng malaking scoop ng kutsara. Nung mapansin kong nakatingin sa si Henry ay na-conscious naman ako at pinahid ko ng tissue ang aking bibig. "Sorry ah, ang timawa ko ba?"

"Hindi naman. Actually mas komportable nga dahil may kasabay na akong kumain ngayon." Pagpapaliwanag niya. Oo nga pala, sikat nga pala siya kaya mas safe para sa kanya na lumabas na mag-isa lang. May disadvantage din pala ang pagiging sikat. "May problema ka ba at ganyan ka kumain?"

I thought si Henry yung sikat na tao na sobrang unreachable, yung wala akong chance na makausap siya ng personal pero eto siya sa harap ko ngayon... He is talking to me like we are old friends back then.

"Eh kasi bumagsak ako ngayon sa dance activity namin. 75 ang naging grade ko, sino ba naman hindi madi-disappoint doon 'diba?" Pagkukwento ko sa kanya, dahil nga hindi ko naman masasabing friend si Henry... Komportable lang akong nagkukwento sa kanya.

"So anong problema doon? First time mo pa lang naman kaya baka naunahan ka lang ng kaba." Sabi niya sabay lagok ng coke in a can niya.

"Huwag mo ng pabanguhin yung term, ang sabihin mo wala lang talaga akong talent. Tsaka honor student ako nung highschool, first time kong makatanggap ng 75 sa tanang buhay ko." Dramatical kong pagpapaliwanag kay Henry, hindi ko rin alam kung bakit ako nag-open up pero ang maganda rito ay tahimik lang na nakikinig si Henry sa bawat himutok ko sa buhay.

After kong magpaliwanag eh umayos ng pagkakaupo si Henry. "Alam mo ba na nag-start din ako sa Music Academy na ganyan din ang mga nakukuha kong marka."

"Weh? Isang Henry Dizon, eh, makakakuha ng 75? Imposible." Sabi ko at kumain pa ng isang malaking scoop ng ice cream. Napapikit ako dahil sa biglaang pagka-brain freeze.

"May rough start din ako pagpasok ko sa Music Academy, ako lagi ang kulelat. Yung tipong kapag sinabi ng mga kaklase kong walang talent ay sa akin bigla ang tingin. Do you know how I overcame it? Isa lang ang tumatakbo sa isip ko 'prove them wrong'." Mahaba niyang pagpapaliwanag at ako naman ang natahimik. Nakikinig lang ako sa word of wisdom ni Henry and somehow... Napapagaan nito ang pakiramdam ko.

"Ganito na pang Bintanger-- este Cindy, do you know Chrysalis?" Pagtatanong niya sa akin.

"Of course. It was one of the stages bago maging isang butterfly." Pagsagot ko sa kanya.

"Exactly! Isipin mo isa kang chrysalis, you're still developing, you are slowly developing. And one day you will be a butterfly, a beautiful butterfly. Kapag nangyari ang araw na iyon, lahat sila nakatitig sa iyo. It's your time to shine. Ganyan ang nangyari sa akin and I'm pretty sure Cindy ay ganyan din ang magiging kapalaran mo." Pagpapaliwanag sa akin ni Henry at katulad ng isang kisap mata, ganoon din kabilis mawala ang inis na nararamdaman ko.

"Iba talaga kapag superstar, ang daming word of wisdom na alam" Pabiro ko na lang tugon pero tumatak talaga sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Henry.

Malakas na tumawa si Henry. "Hinaan mo nga ang boses mo, baka mamaya may makarinig."

Natapos kaming kumain dalawa at sobrang tawang-tawa ako sa mga kinuwento niya tungkol sa experiences niya rito sa Music Academy.

"Mauna na akong umalis, Cindy," pagpapaalam sa akin ni Henry. "Baka kasi may paparazzi sa labas, mahirap na, baka ma-issue ka pa. Nice talking with you again, don't forget that practice will lead you to success."

***

The next day, ang ganda ng gising ko at parang na balewala na sa akin yung 75 na grade ko. All thanks to Henry, ang lakas niyang magpagaan ng loob. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa ako sa mga piling tao na nakaka-approach kay Henry.

Regular class kami ngayon, meaning, mga normal subjects ang pag-aaralan namin which is much comfortabpe para sa akin.

Pumasok ako sa loob ng classroom namin, medyo na-late ako ng gising kaya late ako. Pagpasok ko ay wala pa naman si sir pero kataka-taka ang pagiging tahimik ng mga kaklase ko. May nangyari ba? Bakit parang bilasang-bilasa silang lahat?

"Cindy!" Pagtawag sa akin ni Lucas at umupo ako sa kanyang tabi. "Look at the board."

Paglingon ko sa white board ay tumayo ang balahibo ko sa aking nabasa.

"PRELIMINARY EXAM"

"Prelims? Bakit magkaka-prelims pa? Hindi pa ba preliminary exam yung ginawa nating entrance performance?" Sunod-sunod na tanong ko kay Lucas dahil bumalik na naman ang kaba ko.

Isa sa mga sinasabi ng mga senior sa amin ay hindi daw madali ang mga exams dito sa Music Academy. Maaga pa lang daw ay in-announce na ito para makapaghanda ang mga estudyante.

Pumasok ang Science teacher namin na si Misis Buenavista kaya napaayos ng upo ang lahat. "As you can read on the board, malapit na ang preliminary exam which will happen three weeks from now."

"Preliminary exam usually do by pair, and the good news... Kahit sino ay pwedeng magka-partner." Napa-yes ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Misis Buenavista. "Ipapaliwanag ko sa inyo ang concept ng Preliminary exam."

"You'll need to perform an Original song--" naputol ang pagpapaliwanag niya ng malakas na napa-ungol ang aking mga kaklase.

Like what the eff! It's not easy to create song lyrics tapos lalapatan mo pa ng tugtog.

"-- ang main concept for preliminary, memories. It's either masaya or malungkot as long as may connect sa memories. 3-5 minutes performance kapag lumagpas or nagkulang, points deduction. Para hindi maging unfair sa inyo, napagdesisyunan namin na gawing free day ang friday ninyo para may time kayo mag-practice."

"Hindi ko naman kayo ipi-pressure pero ibo-broadcast live sa isang music channel ang preliminary performances ninyo. Gaganapin ito sa may ground stage na kayang mag-accomodate ng mahigit sampung libong tao. The judges for your performance was to be announce soon" Mahabang pagpapaliwanag ni Misis Buenavista. "Madali lang 'diba? Walang ka-pressure-pressure."

It was f*cking insane! How can we perform on live stage kung three weeks lang ang preparation? It's so unfair! Ang laking pressure. "Wala ng complains, kapag pangit ang performance ninyo, you will get a low score. Kapag basura ang performance ninyo, you and your partner might kicked out on this school."

Natapos ang pagpapaliwanag ni misis Buenavista at sinabi niyang gamitin ang oras na ito para punili ng magiging ka-partner namin. After makapili ay pumunta raw kami sa registratuon office to register our names for Prelims."

Aayain ko sana si DJ kaso ay mukhang kinokontrata na siya ni Lucas, hindi na ako kumontra dahil malakas talaga ang chemistry nila pagdating sa music. "Hoy Betty." Biglang nagsalita si Frost at natahimik ang buong klase, wow! Ganoon ba talaga ka-big deal sa kanila kung sino ang magiging ka-partner ni Frost?

Napatingin ang lahat sa kakpade naming si Betty Cojuanco. She's our muse in our classroom, maganda ito dahil may lahing koreana. Pinamukha pa siyang manika ng bilugan niyang mata at full bangs niyang buhok, she was angelic.

"Partner tayo Betty." Sabi ni Frost na may malamig na titig, hindi man lang siya tumatayo sa kanyang kinauupuan. It's not a request, it's an order.

"S-sure. It's my pleasure na maka-partner ka Frost." Nakangiting sabi ni Betty. Ang swerte naman ng babae na ito, sure na pasado na siya dahil si Frost ang kanyang ka-partner.

"Hoy Betty nakikinig ka ba!?" Malakas na sigaw ni Frost kaya natindig ng tayo si Betty, nanunuod lang kaming magkakaklase sa kanila. Para akong nanunuod ng Romeo and Juliet dahil isang gwapo at maganda ang nag-uusap sa pagkakataong ito.

"Y-yes I'm listening." Sagot ni Betty Cojuanco.

"You shut up! I'm not even talking to you!" Sagot ni Frost kay Betty. Luh? Ang gulo niya naman, akala ko ba gusto niyang ka-partner si Betty?

"But I'm Betty, kinakausap mo ako."

"You're a fake Betty." Biglang itinaas ni Frost ang kanyang daliri and point it on my direction. Specifically, sa akin nakaturo. "She's the real Betty. Siya ang ka-partner ko. At ikaw Betty! Wala kang karapatang umarte."

Whaaaat?! Nawala sa isip ko na Betty nga pala ang pangalan ko kay Frost, hindi nga pala siya magaling sa pagtanda ng pangalan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top