Chapter 1: The Evaluation

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa dream school ko. Nakikita ko ng personal 'yong mga buildings, 'yong mga music classroom, at maging ilang estudyante na nagpa-practice ng sayaw sa field dahil dito sila naka-dorm.

Kinikilig pa rin ako sa tuwa hanggang ngayon, maiapak ko pa nga pang ang paa ko rito ay grabe na ang saya sa puso ko, what if kung makapasa pa ako sa entrance performance? Juskolord! My performer self will be so very happy.

Bawat building na madaanan ko ay walang tigil ang pagkuha ko ng litrato. "Grabe, mas aesthetic pala talaga itong Music Academy sa personal kaysa sa mga napanonood kong vlogs at tiktok videos." Pagmo-monologue ko.

Mabuti na lang talaga at pumunta ako rito mag-isa kahit gustong sumama ni Mama dahil walang susuway sa akin. Enjoy na enjoy ko 'yong view ngayon sa lugar. "Iyayabang ko talaga 'to sa buong angkan namin lalo na sa mga tsismosa naming kapit bahay."

Humanap ako ng magandang angle para makuhanan ang isang statue sa isang building. "Nice, kaunting zoom lang 'to puwede ng i-IG story." Puri ko. I checked my wristwatch at namilog ang mata ko sa kaba. Shit! Mahigit alas-nueve na pala!

9:00AM kasi ang simula noonh entrance performance sa auditorium. Dali-dali akong tumakbo at nag-ikot sa campus pero may isang problema... anak ng pechay! Hindi ko alam kung saan ang auditorium!

"Naku naman, Cindy. Sana inalam mo muna kung saan ang auditorium bago ka sana nagmala-Cinderella sa pag-iikot sa Campus." Mahina kong binatukan ang aking ulo. Lord, sana umabot pa huhuhu.

Sa ilang minuto kong pagtakbo at pagtatanong-tanong ay sa wakas ay narating ko na rin ang auditorium. Pinihit ko ang doorknob papasok dito– sarado na! Ilang beses ko pa siyang sinubukan ngunit hinarangan na agad ako ng guard.

"Miss, bawal ng pumasok." Sita nito sa akin.

"Manong guard, applicant din po ako. Mag-e-entrance performance din po ako. Na-late lang po ako kasi naligaw po ako sa laki ng campus ninyo." Depensa ko. Ang laki kasi ng Music Academy tapos bandang dulo pa itong auditorium.

"Sorry, miss, kabilin-bilinan kasi sa akin na wala na dapat akong aplikante na papasukin pagpatak mg alas-nueve. Istrikto ang Music Academy pagdating sa oras. Kapag pinapasok kita, ako naman ang mapapagalitan." paliwanag sa akin ni Manong Guard.

"Kuya please naman, oh! Ang tagal kong pinangarap 'tong school na ito." Pagmamakaawa ko. "Wala ng ibang schedule para sa Entrance performance, kung hindi ako makakapag-perform ay mabubuwag na ang pangarap kong makapasok sa Music Academy."

Ipinakita ko ang application letter ko sa kanila na sinagutan ko sa bahay. "Ito kuya, payagan niyo na kasi ako please." Pagmamakaawa ko at naluluha na ako sa kaba.

"Sorry Miss—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya noong may lalaking naglakad sa gilid. Napalingon ako kung sino iyon— si Henry Dizon! He is wearing a black shades, naka-plain white shirt lang ito na pinatungan ng casual tuxedo coat pero ang lakas ng dating niya.

At isa pa! He is Henry Dizon, the ace student of Music Academy. Sukbit niya ang violin niya sa kaniyang balikat. "Magandang umaga, Henry." Bati noong guard sa kaniya.

Hala si Kuya! May discrimination na nagaganap. Kung makapagsungit sa akin kanina ay wagas pero pagharap kay Henry ay parang naka-magnet ang labi niya sa sobrang ngiti. Parang sinaniban ng anim na anghel sa katawan bigla, ah!

Alam kong si Henry Dizon ang nasa tabi ko ngayon pero mas mahalaga sa akin ang makapasok sa loob kaysa makapagpa-picture. "Kuya, papasukin ninyo na ako." Pagpupumilit ko pa rin kay Manong guard. Ayoko naman pakawalan ang opportunity na 'to dahil ito lang ang chance ko na makapasok sa Music Academy.

Nawala ang ngiti niya noong tumingin siya ulit sa akin. "Shhh, huwag ka nang maingay, Miss. Mas mainam kung lalabas ka ng payapa sa Music Academy kaysa magtawag ako ng iba kong kasama para i-assist ka palabas."

Noong tumingin ulit siya kay Henry ay bumalik ang ngiti niya. Luh si Kuya, akala yata ay tataas ang sahod niya kapag mabait siya sa Ace student ng Music Academy. "Pumasok ka na, Henry, ikaw na lang ang hinihintay para masimulan na ang evaluation sa mga aspiring applicants na makapsok sa Music Academy."

Binuksan ni Manong Guard ang pinto sa auditorium at narinig ko ang malakas na music sa loob. Gusto kong maging ninja na tumakbo papasok sa loob kaso ay baka bigla akong barilin nitong Guard na 'to. Gumilid ako ng bahagya noong papasok na si Henry.

Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya noong tumigil siya panandalian. Bumaling ang tingin niya sa akin at napaayos ako ng tayo. "Wala kang balak pumasok?" Tanong niya.

"H-Ha?" I asked para masiguradong ako nga talaga ang kinakausap niya.

He smiled. "Bakit? May iba ka pa bang tao na nakikita dito sa labas ng Auditorium?" Si manong guard. Pero hindi ko na sinabi iyon baka ihampas niya sa akin bigla 'yong violin niya.

Grabe din talaga ang ngiti nitong si Henry! Iba talaga kapag may mga clinic ng nag-aalaga sa 'yo. Sobrang guwapo!

Isang bagay na late ko lang na-realize. Anak ng pechay! Kinausap ako ni Henry Dizon. Si Henry Dizon na isa sa mga sikat na musician dito sa bansa!

"Hindi siya puwedeng pumasok, Henry." Pag-epal noong guard. "Bilin sa akin na huwag papasukin ang mga late-comer."

"Okay lang, late din naman ako. Kapag pinagalitan ka ni Miss Viola ay sabihin mo na ako ang nagpapasok, okay?" Henry said at bumaling ang tingin niya sa akin. "Halika na, Miss."

Nanguna si Henry papasok at mabagal akong sumunod sa kaniya. Grabe, ang rare ng experience na ito!

Magmula ngayong araw ay fan na ako nitong si Henry Dizon, hindi ko na siya sisiraan sa twitter. Grabe pogi na physically ang pogi pa ng personality. Siguro noong panahon na gumagawa si Lord ng human ay isa siya sa mga favorite. Kapag ako talaga nakapasok sa school na ito... who you sa akin 'yang si Manong Guard.

"Will you perform?" Pagkausap sa akin ni Henry pero focus ako sa pagsunod sa kaniya. "Miss?"

"H-Ha, Oo! Magte-take ako ng entrance performance." I answered. Grabe Cindy, noong isang sikat na tao ang kumausap sa 'yo ay saka ka pa naging bungol.

"Your name?" He asked.

"Cindy. Cindy Gonzales po." Tama lang siguro na nag-po ako dahil ahead siya sa akin ng dalawang taon.

"Good luck, Cindy." Iyon ang huli niyang sinabi sa akin bago siya naglakad sa mentor's panel.

Napahinto ako saglit at may usher na nag-assist sa akin sa pinakadulong upuan dito sa auditorium. Ang tagal ko pa tuloy magpe-perform dahil ako ang pinakahuli huhu.

Mula sa puwesto ko na tuktok ng balcony ay kita ko ang lahat ng nangyayari sa auditorium. Kita ko ang dami ng mga aspirant na gustong makapasok sa Music Academy at stage setup na may LED background sa likod at mga pailaw. Grabe din ang budget ng Music Academy para rito.

Ilang segundo pa lang akong nakaupo ay may naalala na agad ako. "Hays, Cindy, nakalimutan mo magpa-picture at autograph kay Henry. Minsan ka lang madidikita ng paboritong anak ng Diyos hindi mo pa sinulit." Reklamo ko sa sarili ko.

"We will start to watch your performances." Anunsiyo ng isang lalaki at nagkaroon ng bulungan sa paligid. Grabe, lalo akong kinabahan dahil sa pagsisimula.

Natahimik ang lahat noong isang lalaki ang umakyat sa stage habang hawak niya ang kaniyang gitara. Lahat ng mata ngayon ay nasa kaniya.

"Look at his guitar, Martin." Narinig kong pag-uusap ng dalawang nasa harap ko. Ano raw? Anong Martin? May brand ba 'yon? Lahat ng gitara ay gutara sa paningin ko. Ang alam ko lang ay gutara tapos electric guitar.

Napatigil ako sa pagtingin noong kinalabit ako nitong babaeng katabi ko. "Ang cool ng guitar niya, 'no?" She asked.

He started to strum his guitar. I loved how he smoothly play his guitar. Nagsimula siyang kumanta. Familiar sa akin ang kanta– Sorry by Justin Bieber, acoustic version ang ginagawa niya.

"Ang astig." sagot ko sa babaeng katabi ko.  Anong isasagot ko? Hindi naman ako familiar sa mga brand ng gitara. Martin Cracklings, ganern? Ayon alam ko pa kasi nakakain.

"I am pretty sure na hindi siya makakapasok sa Music Academy." Sabi niya sa akin. Buti na lang talaga at nag-initiate siya ng conversation dahil kung hindi... baka napanis at namaho na ang hininga ko rito sa tagal ng performance ko.

"Bakit naman siya hindi makakapasok. Ang ganda nga ng boses niya, eh. Parang si Justin Bieber talaga. Pati 'yong mga kulot ay kuhang-kuha." Pagpuri ko sa taong nagpe-perform.

"Tingnan mo." Sabi niya lamang.

Bumaling muli ang tingin ko sa taong nagpe-perform. Parang sira itong si Ate Girl na katabi ko eh ang galing-galing nga noong nagpe-perform. May ilang mga pumalakpak matapos ang performance niya at isa ako roon.

"Joshua Stephen Mariano, right?" Jessie asked– isa sa mga panelist.  She is one of the famous rapper at miyembro rin siya ng sikat na banda na Platform dito sa Pilipinas. Sibrang intimidating ng fierce look niya especially kapag seryoso ka niyang ini-evaluate dahil para ka niyang kakainin ng buhay sa oras na magkaroon ka ng mali.

"Yes po." He smiled at humihingal na tumingin sa mga Panelist. Joshua... hahanapin ko facebook mo mamaya.

"Honestly, I am not impressed by your performance." Komento ni Jessie. "I am not informed that kailangan ko pa lang magbaon ng unan dahil first performance pa lang ay inaantok na ako.

Napatigil ako at nakapagat sa ibabang labi ko dahil sa harsh comments na nanggaling kay Jessie. Ang sakit no'n sa dibdib, take note, sa harap pa ng maraming tao kaya naman nakakahiya.

"I am a rapper originally kung kaya't general knowledge lang ang alam ko sa pagkanta. But the way you try to copy Justin Bieber at kahit 'yong mga kulot ang nagpairita sa akin. Wala kang sariling atake? Sinusubukan mong mag-enroll sa best music school dito sa Pilipinas tapos heto ka... you are imitating Justin Bieber at sa tingin mo ba ay makakapasok ka sa ginawa mo?" Hindi nakapagsalita si Joshua at nawala rin ang ngiti sa kaniyang labi.

Natahimik kaming lahat sa auditorium. First performance pa lang iyon pero grabe na agad ang komento na binibitawan ng panelist. Para kang sinaksak rekta sa puso.

"Thank you, Joshua for choosing our school pero sa tingin ko ay mas makabubuti sa 'yo kung susubukan mo na rin maghanap ng ibang school na papasukan." Huling sinabi ni Jessie at binaba ang mikropono.

Halata ang lungkot sa mukha ni Joshua habang naglalakad pababa ng stage. "See, sabi ko sa 'yo, eh." sabi nitong babaeng katabi ko.

Apat na sikat na tao ang evaluator sa entrance performance na ito.

Si Henry, he can dance and sing well pero ang major niya talaga ay ang pagpe-play ng instrument lalo na ang piano at Violin.

Si Jessie, Like what I'd said she's a famous rapper and guitar player.

Si Miss Nikki, one of the best choreographer dito sa Pilipinas. Ang mga dance lesson niya lang naman ay umaabot ng hundred thousand views sa youtube in just 24 hours.

Si Miss Rhayne, famous singer here in the Philippines. Sumikat siya dahil sa mga high notes niya na kasing tinis ng mga Dolphins.

Nagpatuloy ang mga performance at dalawang oras na ang lumilipas, karamihan ng comments na naririnig ko mula sa evaluator... Harsh comments.

"Hindi abot ng vocal range mo ang kanta pero pinilit mo pa rin."

"You are suck at fingerstyle sa pagpe-play ng gitara."

"Hindi maayos ang flow ng rap mo at nahihirapan ka sa breathing."

Those harsh comments na naririnig ko ang nagpa-discourage sa akin. Paano ba naman, kahit ang galing-galing na para sa akin eh nahahanapan pa rin ng mali ng mga evaluators. Sabi ko na nga ba magmumukha lang akong patatas dito eh.

"Ano ka ba Cindy, huwag kang panghinaan ng loob." Mahina kong tinapik-tapik ang aking pisngi upang bigyan ng lakas ng loob ang aking sarili. Self-support kumbaga.

Makakapasok ako! Makakapasok ako! Makakapasok ako!

Katatapos lang mag-perform no'ng babaeng katabi ko and to be honest ang galing niya. May mga pointers lang ang evaluators sa kanya ngunit maaayos pa raw iyon kapag nakapasok na siya sa Music Academy.

Tinawag na ang number ko at umakyat na ako sa stage, napatingin ako kay Henry at ngumiti siya sa akin dahil namukhaan niya ako. Baka naalala niya na ako yung eskandalosang babae kanina sa labas ng auditorium. Gosh ang panget ng first impression ko kay Henry.

Nag-play na ang minus one na tugtog ng Cascada na 'Everytime we touch' slow version.

Paboritong kanta ito ni mama dahil ito raw yung tugtog noong kinasal sila ni papa. Somehow, nakaka-relax itong kantahin dahil feeling ko ay katabi ko si mama.

"I still here your voice..." Sa pagsimula pa lang ng kanta ay nagkamali na ako... Jusko! Intro palang ng kanta ngunit bumanat na ako agad. Bigla akong nawawala sa sarili dahil sa kaba.

Sinikap kong ngumiti upang hindi ipahalata ang pagkakamali ko at tinuloy ang pagkanta. Nagka-crack ang boses ko dahil sa kaba, ganito pala ang feeling kapag ikaw na mismo ang nasa stage.

Nakapikit pang ang mata ko habang kumakanta dahil I'm pretty sure pinagtatawanan nila akong lahat. Ginawa ko lang isang malaking joke ang sarili ko rito.

"'Coz everytime we Touch I get this feeling—"

Biglang itinaas ni Henry ang kanyang kamay, sign iyon sa D.J upang itigil niya ang minus one.

Binasa ni Henry ang application letter ko na pinasa ko kanina bago ako umakyat ng stage. "Miss Cindy Gonzales, right?" Pagtatanong ni Henry.

"Y-Yes po"

"I'll be honest with you. You are suck at singing, pero hanga din ako sa iyo dahil kinanta mo ang slow version ng kanta ni Cascada because it has a lot of high notes. Ang problema nga lang, hindi mo nabigyan ng hustisya ang kanta niya. Binigyan mo ng kahihiyan si Cascada."

Nasaan na yung mabait na Henry kanina? Bakit ang sungit ng taong kaharap ko ngayon? Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa hiya at saka napayuko.

"Nagka-crack din ang voice mo kapag nagpa-falsetto ka especially sa part na 'I need you by my side.'" Pakanta niya itong sinabi.

"May iba ka pa bang kaya gawin Miss Cindy? for another chance, to be honest hindi ka maililinya sa mga vocal students ng school namin." Seryosong pagpapaliwanag ni Henry habang tina-tap ang ballpen sa desk.

Anong gagawin ko? Huhu! Hindi naman ako marunong mag-play ng kahit anong instrument at hindi rin naman ako marunong sumayaw dahil slightly true ang sinabi ng kapatid kong si Caleb... Parang bakal ang katawan ko kapag sumasayaw.

"Sasayaw na lang ako." I bravely said pero sa totoo lang ay nanlalambot na ang tuhod ko dahil sa kaba.

"Okay D.J mag-play ka ng kahit anong kanta." Sabi ni Henry at binaba ang mic.

Biglang tumugtog ang 'Bang Bang' ni Jessie J. Pero heto ako, para akong tuod na nakatayo pa rin dahil ang bagal mag-process ng utak ko upang makaisip ng step.

Nag-otso-otso na lang ako sa stage at narinig ko ang malakas na tawanan ng lahat. Gosh! Ano bang pagsasabog ang ginagawa mo Cindy Gonzales, hindi ka na nga papasa sa Music academy... Talo ka pa sa pustahan niyo mg kapatid mo, dobleng kamalasan nga naman oh.

"Stop the music!" Biglang nagsalita na si Miss Nikki. "Makakababa ka na ng stage, in this level, kahit daycare kaya kang talunin sa pagsayaw. Hindi ganyang kababang level ang i-e-evaluate. I'm sorry pero sa tingin ko rin naman alam mo na ang magiging kapalaran mo."

Pagkababa ko sa stage ay saglit akong napaupo sa tabi ng D.J. dahil napaiyak na lang ako sa masasakit na sinabi ng mga Evaluator. Siguro nga tama ang kapatid ko, assumera akong tunay na makakapasok dito sa Music Academy.

Natapos na ang entrance performance at pinauwi na kamimg lahat, pero bago umuwi ay dumaan muna ako sa national bookstore upang bumili ng John Green set of books dahil nakakasigurado na ako na mananalo ang kapatid ko kahit wala pa yung result ng evaluation.

***

3rd person

Natapos ang evaluation sa Music Academy at saglit na nag-unat ang mga evaluator dahil sa napakatagal nilang pagkakaupo.

"Jessie pakilagay naman sa principal's office itong mga application letter para next week mai-post na yung result," Pag-uutos ni miss Rhayne. "Itong nasa left side lahat ng bumagsak samantalanag itong mga nasa right side ang pumasa. Okay?"

"Okay." Sagot ni Jessie, kahit naman nakaka-intimidate ang kanyang hitsura iba naman iyon sa personality niya. Sadyang humihigpit lang silang apat sa evaluation dahil pangalan ng Music Academy ang nakataya rito.

Kinuha ni Jessie ang mga application letter at naglakad na palabas ng auditorium.

Habang naglalakad si Jessie ay biglang lumakas ang ihip ng hangin at may tinangay na application letter. Mabuti na lamang at nasalo ito ni Henry na kasalukuyang naglalakad na rin paalis.

"Ito oh," iniabot ni Henry and papel kay Jessie. "Saan ito? Sa pass o sa fail?"

"Ang alam ko ay sa passed 'yan. Pakilagay na lang sa ibabaw 'yang application letter." sagot ni Jessie

Ipinatong naman ito ni Henry bago umalis ang binata. "Mauna na ako Jessie, may practice pa ako ng violin."

Hindi na sumagot ai Jessie dahil nagmamadali din siyang dalahin sa Principal's office ang result ng Entrance performance na kaniyang hawak.

Dahil sa malakas na ihip ng hangin ay tuluyang mababago ang buhay ni Cindy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top