The Princess

3


"Music Academy is defined by only two things. One, the passion for music and two, the drive to be the best. Hindi namin kayo tinanggap dito sa Music.A para gumaling. Tinanggap namin kayo para maging pinakamagaling. This is the aim of every student here."


Yumuko ako ng mainip na ako sa kakatitig sa professor naming salita ng salita sa harap. Nag-enroll ako sa Music.A para tumugtog, hindi ang lecturan tungkol sa kung ano anong mga bagay.


Nilingon ko si Yvo Sungit sa gilid ko. Nagsusulat siya sa notebook niya habang may suot suot na headset. Ngumuso ako ng maalala ko kung paano niya titigan yung si Sophie kahapon. Halata namang may gusto siya doon eh. Ang torpe naman niya. Diba nga dapat sunggab lang ng sunggab. Sabi nga sa ingles, opportunity knocks only once in the blue moon. Shet. Ang dugo na ng ilong ko. Ilang English na salita yun? 8? Achievement! Naks Rhaine, gumagaling ka ng mag-english, unang araw mo pa lang sa Music.A. Genius ka talaga!


Nadismissed na kami lahat lahat ng prof. pero wala pa rin akong naintindihan. Ganun naman talaga diba? Minsan, tayong mga estudyante, pumapasok lang para sa attendance pero hindi naman tayo nakikinig. Minsan nga, itatago pa natin yung earphones natin habang discussion para kunyari nakikinig tayo sa lesson. Para-paraan lang diba?


"Hoy, dog! Dito ka!"


Napaharap ako kay Yvo ng bigla niyang hinila yung kwelyo ng tshirt ko. Nakakainis naman kasi eh. Wala pa akong pera pambili ng official uniform ng Music.A kaya naka shirt lang ako. Kung sanang nakauniform ako, hindi niya ako maalipusta! Walang puso si Yvo Han!


"Ano?" naiirita kong tanong. Ngumisi lang ito bago ako kinaladkad papalabas sa room. Take note, kaladkad talaga. Naglalakad ako patalikod dahil nga hawak niya ang kwelyo ko. Asar!


Hinihingal na ako at sakal na sakal na ako ng bigla kaming tumigil ni Yvo sa paglalakad. Inis kong inayos ang kwelyo ko at asar siyang tiningnan. Magsasalita na sana ako ng bigla akong napanganga sa nakita ko.


Nasa langit na ba ako? Bakit nasa lugar akong punong puno ng mga puno at bulaklak? Nilibot ko ang tingin ko ng mapansin ko ang isang gilid kung saan may kumpletong band set doon. May dalawang mic stand, drums at gitara pati na rin piano.


May daan na puno ng bato na iba't ibang kulay. May tawag dito eh.. pathway ba? Oo yun nga! tapos may chande-- may malaking ilaw sa pinakagitna. May maliliit na bumbilya na hugis notes doon na kumikinang kapag tinatamaan ng araw.


Hinawakan ulit ni Yvo ang kwelyo ko at hinila na naman ako. Yung totoo? Ang trip ng lalaking ito na manghila ha?


"Bawat 9 a.m ng umaga. Pagkatapos ng klase natin. Dito ka dumiretsyo. Music Room no. 3." Sabi nito.


"Di nga?! Music Room ito? Akala ko garden.." sabi ko. Tinitigan lang ako nito bago umiling iling. Lumapit siya sa band set na nandoon at kinuha yung gitara bago nagsimulang tumutugtog.


"Bilhan mo nga ako ng kape." Utos nito. Ngumuso ako at lumapit ito sa akin.


"Wag kang ngumuso, mukha kang bibe. Bili ka na ng kape." Inabutan ako nito ng pera. Tinitigan ko lang yung pera bago ko nilipat yung tingin ko sa mukha niya.


"Asa ka pa. Sino ka ba para utusan ako ha? Bakit hindi ka bumili ng sarili mong kape?!" sigaw ko. Nalukot yung mukha niya sa lakas ng boses ko.


"Bumili ka na lang! Andami mo pang sinasabi!" pilit nitong nginungudngod yung pera sa mukha ko habang umiiwas ako. Kinuha ni Yvo ang dalawang braso ko at hinawakan niya iyon ng mahigpit.


"Bibili ka o tatanggalin kita sa Music.A?" banta nito. Napatigil ako at tinitigan ko siya. Kaya niya bang tanggalin ako? Eh estudyante lang din naman kasi siya eh.


"Sinabi ko na sayo noon hindi ba? Wag ka ng magpapakita ulit sa akin pagkatapos mo akong bugbugin at pagbintangan na magnanakaw dahil kung hindi, papahirapan kita. Kaso bobo ka talaga. Sa school ko pa talaga ikaw nag-enroll. Kung hindi ka ba naman kasi.." hindi na nito tinuloy yung sinasabi niya ng inis kong hinablot sa kanya yung pera niya.


"Oo na! Heto na po kamahalan." Sabi ko bago padabog na lumabas ng garden.


"Ubusin mo yung pera ha?" pahabol pa nito. Nilingon ko yung bigay niya. Ilang kilong kape ba yung pwedeng maubos ng two thousand?


"Akala nung lalaking iyon--Aaw!" bubulong kong sabi habang naglalakad na ako.


Sabay kaming natumba ng babaeng nabangga ko. Kinaskas ko ang ilong ko dahil sa sakit bago tiningnan yung babaeng nabangga ko. Tumingin rin siya sa akin. Ngingiti sana ako pero inirapan lang niya ako.


"Nasa loob si Kuya?" tanong ni Lia sa akin. Oo, si Lia yung nabangga ko. Kumunot yung noo ko. Sinong Kuya ba yung tinatanong niya?


"Nasa loob ba si Yvo?" pag-uulit niya. Ah.. si Yvo pala yung tinatanong niya. Tumango na lang ako at naglakad na palayo.


"Rhaine!"


Hinarap ko ulit si Lia na palapit na sa akin ngayon. Tumaas yung kilay niya bago kumapit sa braso ko.


"Saan ka pupunta?" bulong niya. Yung totoo? Minsan, ang sungit ni Lia, minsan naman hindi. Bipolar yata ito eh. Sayang, ang ganda pa naman.


"Bibili ako ng kape sa labas. Utos ni kamaha--este ni Yvo." Sagot ko. Kuminang yung mga mata niya bago kumapit lalo sa akin.


"Sama me!" tumili pa siya ng malakas. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. Humagikgik siya at hinila na ako palabas.


"Hey, dito ka. Let's get Kent's car." Sabi nito habang hinihila ang hairpin niya sa buhok. Lumapit ito sa kotse ni Kent, isa sa mga kambal, at bigla na lang pinasok yung hairpin sa lalagyan ng susian nito.


"Oy! Lia! Bawal yan--"


"Bilis na!" sabi nito bago ako hinila papasok sa kotse. Pinagtulakan niya ako. Nahigit ko ang hininga ko ng makita kong paparating na yung kambal. May pinindot si Lia sa kotse at biglang natanggal ang bubong nun. Tumayo siya bago sumigaw.


"Kent! Amina muna yung kotse mo ha?" sigaw nito bago tinapakan yung gas. Napakapit na lang ako sa sobrang bilis niyang magpatakbo.


"LIA!!"tawag sa kanya ng mga Gales pero parang hindi nito narinig iyon. Tinitigan ko lang siya habang tuwang tuwa at halos banggain pa yung mga estudyante na madaanan namin. Nung nasa kalye na kami, doon lang siya bumagal sa pagpapatakbo. Tiningnan niya ako at ngumisi bago niya tinaas yung dalawang kamay niya.


"Hala! Hoy!" sigaw ko at hinawakan yung manibela. Tumawa lang ito at hindi ako pinansin.


"THIS IS FREEDOM!YEAH!" sigaw niya bago binawa yung manibela sa akin. tumawa siya at tiningnan ako. Binuksan niya ang radio ng kotse at tumugtog na yung kanta ng Gym Class Heroes.


"Stereo Hearts!"


"Stereo Hearts!"


Tumawa kaming dalawa habang sumasabay sa kanta. Pasayaw sayaw pa nga si Lia hanggang sa matapos yung kanta. Sakto lang din na pagkarating namin sa grocery eh tapos na yung kanta. Nung bumaba kami ay inakbayan niya ako bago kumapit ulit sa braso ko.


"You're kinda cool."


"Ha? Hindi ako nilalamig." Sagot ko. Kumpara mo naman sa kanya na nakasuot ng official na uniform ng Music.A, baka siya pa ang mainitan. Dress kasi na hanggang tuhod at long sleeves ang uniform ng mga babae. Nakastockings pa sila. Ang init init ng panahon ganyan yung suot nila.


"Nakakatawa ka talaga! Buti na lang I said yes noong audition mo!" hinila na niya ako papasok at hindi na ako nakapagsalita. Kumapit ako sa bag ko at nagpahila na sa baliw na kasama ko.


"Rhaine, what is this?" tanong ni Lia habang tinataas niya yung isang pakete ng bear brand.


"Gatas yan, bakit?"


"Bakit hindi sa box nakalagay? And why does it feel like this? Anlambot niya, parang hindi siya liquid." Sabi nito habang shineshake yung gatas. Tumaas naman yung kilay ko.


"Pati rin ito. Is this coffee?" tinuro niya yung label ng nescafé. Tumango ako at tinuro yung dalawa.


"Powder yan." Sabi ko na para bang may kausap akong bata. Nanlaki yung mata niya at tiningnan yung kape at gatas.


"Di nga?! Is this the kape na pangmahirap? Talaga bang wala kayong coffee grinder sa bahay? Or fresh milk sa ref?" nanlaki naman yung mata ko ng samaan ng tingin ng ibang mga bumibili si Lia. Bigla ko siyang hinila paalis. Baka bigla kaming sugurin eh.


"Wala kaming ganun." Sagot ko na lang habang hinihila siya papunta sa cashier pero bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad. Hinarap ko siya at ganun na lang ang gulat ko ng makita kong umiiyak na siya. Bigla akong lumapit sa kanya.


"Hala! Lia bakit?!" nag-aalala kong tanong. Tinuro niya ako at yumakap siya sa akin.


"Don't worry Rhaine! Aalagaan kita. You won't have to grind your own coffee from now on! Bibigyan kita ng yaya!" atungal niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang yakapin na lang siya pabalik. Parang bata si Lia--


"Wow! Cotton candy!" sigaw nito at bumitiw sa akin para bumili ng cotton candy sa popcorn stall doon. Umiling na lang ako at pumila na. Maya-maya ay lumapit na siya sa akin at kumapit ulit sa braso ko.


"Say ah!" sabi nito sa akin. Tiningnan ko siya at may hawak siyang piraso ng cotton candy at sinusubo niya sa akin iyon. Ngumanga ako at kinuha iyon. Lumawak yung ngiti niya sa mukha.


"I missed hanging out with a girl." Sabi niya habang sinusundan ng tingin yung scanner ng saleslady.


"Bakit? Hindi ba kayo gumigimik ni Sophie?" tanong ko. Umiling ito bago tinapat yung kamay niya sa scanner. Agad ko iyong pinalo dahil mukhang nairita yung saleslady sa kanya.


"I never hanged out with Sophie. Though magkaibigan kami. Magkababata kami eh. But she never went out. Lagi lang siyang nakakulong. Mag-uusap lang kami kapag may rehearsals o kaya may laban." Sabi nito habang patuloy sa paglantak ng cotton candy. Naglakad na ako at kinuha yung tatlong plastic ng kape na pinabili ni Yvo sa akin.


"Isa pa. Sophie went to Canada nung mamatay yung Kuya niya. She's five then. Kaya we're not that close." Dagdag pa nito. Kinuha niya yung isa sa mga plastic na dala ko at naglakad patalikod.


"I'm really happy you're here Rhaine. Akala ko, habambuhay na akong mag-isa sa banda." Ngumiti siya pero halata namang malungkot yung mga mata niya. Ngumiti rin ako sa kanya.


"Don't get me wrong ha? I love those guys. Pero marami kasing nagsasabi sa Music.A na kaya lang ako isang Gale, dahil kapatid ko si Yvo at kababata ko yung kambal."


"NightinGales. Yun yung banda na gustong salihan ng lahat ng estudyante ng Music.A. Pero ni minsan, hindi pa kami nadagdagang lima. Until you came! Yehey!" niyakap niya ako bigla. Kumunot naman ang noo ko.


"Bakit naman may mga taong galit sayo?" tanong ko. Tumigil siya sa pagkain at pinunas niya yung kamay niya sa dress niya. Buti na lang nga at darkl brown iyon kaya hindi halata yung dumi.


"Ganito kasi yan Rhaine. Music Academy is defined by only two things. One, the passion for music and two, the drive to be the best. At ang pinakamagaling na banda sa buong Music.A ay ang NightinGales. Maraming gustong sumali sa amin. Marami rin na gusto kaming sirain. Isa pa, noong wala pa si Sophie, ako lang ang mag-isang babae. At lahat ng fangirls ng kapatid ko at ng kambal, inggit sa akin."


"Kung gusto mong magtagal sa Music.Academy dapat magawa mong sumama sa mga magagaling. Rhaine, ano yung bubuyog na yun? Bakit color red and white siya? May anemia ba yun?" turo niya sa isang stall ng Jollibee. Natawa na lang ako at wala ng nagawa nung hinila niya ulit ako. Ang kulit pala ng prinsesa ng NightinGales.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top