Somebody To You

7


"Sumali ka sa sing-offs?" sigaw ni Owner sa akin. Napatigil ako sa paghahanda ng order ng isa sa mga customers namin.


"Owner, OA mo ha?" natatawa ko na lang na biro dito. Pero hindi man lang ngumiti si Owner.


"Rhaine! Ikaw talagang bata ka! Sinong nakalaban mo? Anong hininging kapalit sayo? May masakit ba? Sinaktan ka ba nila--"


"Hep! Owner, ayos lang po ako. Si Yvo ang nakalaban ko. Wala namang kababalaghan siyang hiningi sa akin. Walang masakit. Hindi nila ako sinaktan." Taas baba pa ang kamay ko sa effort na ipaliwanag kay Owner ang lahat. Nakatingin lang siya sa akin na para bang isa akong magandang baliw.


"Hay Rhaine. Hindi ko alam kung sira ba talaga yung ulo mo o bobo ka lang talaga. Bahala ka na nga. Bigay mo na yung order nun." Inabot na lang ni Owner sa akin ang isang tray. Agad ko namang kinuha iyon at sinerve sa table seven.


"Coffee Macchiato and strawberry frappe--"


"Rhaaaaaaine!" napatingala ako ng biglang sumigaw ang customer ko. Tiningnan ko ito at doon ko lang napansin na si Lia pala ang nandoon. Kasama niya si Kent--o si Kurt ba?


"Ang ingay mo tomboy." Sabi ng isa sa kambal. Ngumuso lang si Lia.


"Babaero!"


"Mangkukulam!"


"Demonyo ka!"


Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na halos magpatayan na sa sagutan. Nakalimutan pa yata nilang nandito ako na nagtataka kung bakit nandito sila sa shop ni Owner.


"Bwisit ka talaga Kurt! Unggoy!"


"Tomboy!"


"Ulit ulit Kurt?" maangas na tanong ni Lia dito bago niya ako tiningala.


"Rhaine! Kanina ka pa namin hinahanap!" sigaw ulit niya. Yung totoo, napakaenergetic talaga nitong babaeng ito. At ako? Hinahanap nila? Eh nagaaway lang silang dalawa ni Kurt ah?


"May practice tayo ngayon." Si Kurt naman yung tumayo at inakbayan ako.


"Ha? Pero may trabaho pa ako--"


"Ano? Nahanap na ninyo?"


Napatingin ako sa likod ko at doon ko nakita si Yvo na pawis na pawis. Kasama niya si Kurt at Sophie.


"SAAN KA BA NAGPUNTA?!" bigla niyang sigaw. Napahakbang ako palayo dahil sa init ng ulo niya sa akin.


"Ha? May trabaho kasi ako--"


"Sana nagpaalam ka! Boyfriend mo ako hindi ba?!"


Boyfriend? Kailan pa? Ay oo nga pala. Natalo niya ako sa sing-offs. Naku, makakalimutin na ba ako? Tiningnan ko si Lia na nagkibit balikat lang. Tumingin si Yvo sa paligid bago niya inayos ang shirt niya.


"Sa susunod magpapaalam ka. Para hindi naman kami nag-aalala." Tapos ay tumalikod siya at umakyat sa stage. Sumunod naman ako sa kanila.


"Anong--"


"Here." Inabutan niya ako ng isang microphone. Kinuha ko iyon pero hinawakan niya ang dalawang braso ko at inakyat ako sa stage. Napayakap ako sa kanya sa sobrang gulat ng ginawa niya.


Ngumisi siya sa akin at bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko tumakbo ako ng ilang kilometro. Tumayo kaming dalawa sa harap ng mga mic stand bago niya nilingon ang iba pa. Si Lia, pumwesto na sa likod ng drums. Si Sophie naman sa piano habang nag kambal ay sa mga gitara. Tapos ay tumingin siya sa akin.


"First band practice as a Gale, Rhaine." Pagkatapos ay kinindatan niya ako.



Yeah, you

Yeah, you

I used to wanna be living like there's only me

But now I spend my time thinking about a way to get you off my mind

I used to be so tough, never really gave enough

And then you caught my eye

Giving me the feeling of a lightning strike


Nagsimula na siyang kumanta. Lahat ng tao sa café ay tumingin na sa amin. Tiningnan ko ang iba at mukha silang tuwang tuwa sa ginagawa. Ito ang maganda sa musika. Lahat ng tao, magkakilala man o hindi, nagiging isa dahil sa kanta.


All I want to be

All I ever want to be, yeah yeah

Is somebody to you

All I want to be

All I ever want to be, yeah yeah

Is somebody to you

Everybody's trying to be a billionaire

But everytime I look at you I just don't care

Cause all I want to be

All I ever want to be, yeah yeah

Is somebody to you


Sumabay na ako at hindi ko mapigilan ang tuwa noong kumanta na ako. Nilahad ni Yvo sa akin ang kamay niya at sabay kaming bumaba sa stage at pumunta sa mga tao.


I used to run around

I didn't wanna settle down

But now I wake each day

Looking for a way that I can see your face

I've got your photograph

But baby I need more than that

I need to know your lips

Nothing ever mattered to me more than this


Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pareho kaming nakangiti habang kumakanta ng sabay. Nakakatuwang kasamang kumanta si Yvo. Ramdam ko na mahal niya ang ginagawa niya, katulad ko.


Umikot ikot kami sa buong café habang kumakanta. Unti unting napuno ng tao ang tindahan ni Owner. Sabay sabay ng kumakanta ang lahat ng nanunuod sa amin.


All I want to be

All I ever want to be, yeah yeah

Is somebody to you

All I want to be

All I ever want to be, yeah yeah

Is somebody to you

Everybody's trying to be a billionaire

But everytime I look at you I just don't care

Cause all I want to be

All I ever want to be, yeah yeah

Is somebody to you


Lumipat kami sa isang table, nasa magkabilang side kami habang patuloy sa pagkanta. Doon ko lang napansin na blue pala ang mata ni Yvo.At ngumingiti rin ang mga mata niya kapag ngumingiti siya. Ang sarap niyang titigan. Hindi mo makikita ang masungit niyang side kapag kumakanta na siya.


Look at me now, I'm falling

Can't even talk, still stuttering

All I want to be

All I ever want to be, yeah yeah


Nilundag niya ang table at lumapit sa akin habang kinakanta niya iyon. Dahan dahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat na sa mukha ko. Mukha na tuloy akong kamatis na nagbublush.


All I want to be

All I ever want to be, yeah yeah

Is somebody to you

All I want to be

All I ever want to be, yeah yeah

Is somebody to you

Everybody's trying to be a billionaire

But everytime I look at you I just don't care (I just don't care)

Cause all I want to be

All I ever want to be, yeah yeah

Is somebody to you (somebody to you)



Bumalik na kaming dalawa sa stage at tumayo sa kaniya kaniya naming stage. Patuloy pa rin kami sa pagkanta. Tiningnan ko si Yvo na nakatingin na ngayon kay Sophie na wala namang pakialam sa nangyayari. Nawala ang ngiti ko.


Cause all I want to be

All I ever want to be, yeah yeah

Is somebody to you


Yeah, you


Sinabi ni Yvo yung huling linya habang nakatingin kay Sophie. Tumigil na ako sa pagkanta at agad bumaba ng stage. Narinig ko pang tinatawag nila ako pero hindi ko na sila nilingon. Nung nagpalakpakan na ang mga tao ay tumakbo agad ako papasok sa kusina.


"Rhaine!"


"Rhaine!"


Huminga ako ng malalim bago hinarap si Yvo.


"May kailangan ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Nagseryoso siya bago niya sinara ang pinto.


"I need your help."


Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Tumingin ulit siya sa nakasarang pintuan bago lumapit sa akin.


"Tulungan saan?"


"Tulungan mo akong pagselosin si Sophie."

___________________________________


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top