Ryder


13




YVO

I stared at the music sheets scattered in front of me. My guitar pick was stuck in my mouth as I try to look for the best song for the sing-offs. Kailangan maging perpekto kaming Gale sa laban. Hindi kami pwedeng matalo. Hindi pwedeng mawala si Rhaine.

I took the pencil near me before scratching some notes on the sheets. Nasa ganoon akong pwesto ng dumating ang kambal. Umupo sa magkabila kong gilid si Kurt at Kent habang pinapanood ang ginagawa ko. Sumipol ang isa sa kanila pero hindi ko na pinansin. I have to finish the arrangement of our songs. Sa susunod na araw na ang sing offs at kailangan na naming maghanda.

"You're taking this too seriously, boss," Kurt said. Inabot ko ang aking gitara at sinimulang kabisaduhin ang mga nota.

I kept quiet. Wala akong oras para asikasuhin sila. Kailangan kong maayos ang lahat para sa sing offs. Rhaine is on the line. I can't risk it.

"You never acted this way, Yvo," si Kent na ang nagsalita. Mababa ang boses niya at may halong galit. Iritado ko siyang nilingon bago ko ibinaba ang akign gitara.

"You call her queen. You gave red cards to people who bully her. And now, you're doing everything for her just so the Gales won't lose her. Tell me, Yvo, what's the real score between you and Rhaine?"

Hinarap ko silang dalawa at tiningnan ang mga pin nila sa kanilang kwelyo. A smirk came across my face before I tucked my hands in my pocket.

"She's my queen. And she's a Gale. Hindi pa ba sapat na rason 'yun para ipaglaban ko siya?"

Naningkit ang mata ni Kent sa galit.

"Si Sophie---"

"---is a Gale as well. Gagawin ko rin para sa kanya ang ginagawa ko para kay Rhaine," putol ko sa sinasabi ni Kent. His eyes sent daggers but I kept my cool. Alam ko, bata pa lamang kami, ay gusto na niya si Sophie.

We were just kids who learned music all together. The twins loved guitars, piano at violin naman kay Sophie, drums sa kapatid kong si Lia at ako sa vocals. We formed a band that soon became the best in MusicA.

We became the best.

But then, Kent developed feelings for Sophie. Kasabay noon ay ang pagkakagusto ko rin sa kanya. Who wouldn't like her? She's prim, proper, and talented. Gustong gusto siya ng mga magulang ko at iniidolo siya sa buong MusicA.

Pero hindi ko siya niligawan dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ni Kent. A fight between the two of us would break the band apart. Sophie knew that that's why she left MusicA and went to States.

Two years after she came back. Nothing has really changed. I still like her so much. Sophie's passion for music is second to no one. Sa bawat pagkakataon na tumutugtog siya, mas nahuhulog lang ako. Pero katulad ng dati, hindi ko pa rin isusugal ang banda para sa kanya.

Hindi na nagsalita ang kambal. Nakita ko si Kurt na hinawakan ang balikat ni Kent. Nagkatitigan silang dalawa bago tumango si Kent sa kapatid. Maya maya lang ay walang paalam silang umalis.

Umupo ako muli at sinubukang ayusin ang kanta para sa sing offs.





RHAINE

Nakanguso lang ako habang nagpupunas ng mga lamesa dito sa bar ni Owner noong tumunog ang wind chime. Agad kong binitiwan ang basahan para batiin ang dumating noong makilala ko iyong lalaki.

"Oh!" napaturo ako sa kanya. Ano kasi ngang pangalan niya? Siya iyong lalaking nag aaya ng sing offs kay lalaki eh. Ahmmmn...

"Uy! Ikaw si Viber diba?" tuwang tuwang sabi ko. Nakita ko ang pagtawa ng mga nasa likod niya habang si Viber ay napangiti.

"Is this Yvo's queen?"

"Ha?" napaturo ako sa sarili ko. Hala, hindi ako ang reyna ni Yvo. Hindi naman hari si Yvo eh. Feeling hari siguro, pwede ba.

Lumapit sa akin si Viber at inabot ang kamay. Kinuha ko naman iyon at mabilis siyang kinamayan.

"Ay bakit mo ako kinakamayan?"

Ngumiti lamang siya at tiningnan ang kwelyo ko kung nasaan ang nightingale pin ko. Ngumuso siya bago ako tinitigan ulit.

"You're a vocalist for Gales, right?"

"Oo. Bakit mo natanong, Viber?"

Umikot ang mata niya at naglakad papunta sa maliit na stage roon. Iyong tatlo niyang kasama ay umupo sa lamesang pinupunasan ko kanina. Kinuha ni Vibe rang mic stand bago tinuro sa akin ang isang mic roon.

"It's actually Ryder, miss."

Tinulak ako noong isa sa mga kasama niya. Kinuha ni Blinder ang siko ko at hinatak ako paakyat sa stage.

Tumayo iyong isa niyang kasama at may kung anong pinindot sa juke box na nandoon. Maya maya lang ay may instrumental na tumugtog. May naglagay ng isang upuan sa stage. Pinaupo ako ni Tinker bago siya nagsimulang kumanta.

'Yvo is a friend, yeah

I know he's been a good friend of mine

But lately something's changed that ain't hard to define

Yvo got himself a girl and I want to make her mine'

Nakatitig lang siya sa akin habang kumakanta. Kumunot ang noo ko habang pinapakinggan ang lyrics niya. Bakit parang mali?

Nilingon ko ang jukebox para maicheck ang lyrics pero hinarangan niya iyon. Hinawakan niya ang sandalan ng aking upuan bago lumapit sa akin. Napasinghap na lang ako sa sobrang lapit ng mukha niya. Ngumisi lamang siya at kinindatan ako.

'You know

I wish that I had Yvo's girl

I wish that I had Yvo's girl

Where can I find a woman like that'

Noong lumayo siya ay agad akong tumayo at bumaba sa stage. Narinig ko ang pagsunod niya bago ako hinarangan. Kumakanta pa rin siya pero iniwasan ko na si Lighter. Kinuha ko ulit ang basahan para punasan ang lamesa pero inabot niya ang aking kamay at hinila ako palapit sa kanya.

Iritado kong hinila ang kamay ko mula sa kanya at akmang tatalikod noong umikot siya. Sumandal siya sa lamesang pinupunasan ko at nagpacute. Humigpit ang kapit ko sa basahan at gusto na sanang ibato sa kanya.

Kung kakanta siya, kanta lang! Wag siyang masyadong lumalapit! Envision of private space eh!

'And I'm looking in the mirror all the time

Wondering what she don't see in me

I've been funny, I've been cool with the lines

Ain't that the way love supposed to be

Tell me, where can I find a woman like that'

Hinaplos ng hintuturo niya ang baba ko at nagulat ako. Binelatan ko siya bago tinalikuran habang siya ay napapahalakhak na lamang. Bumalik siya sa stage habang ako ay pumunta sa pinakamalayong lamesa para magpunas.

Natapos ang kanta bago lumapit si Ryder sa akin. Pabalya kong binaba ang basahan kasi nangugulo na lang yata siya sa akin.

"Pinagtritripan mo ba ako?"

Ngumiti lang siya at mas lumapit sa akin. Tumunog ang wind chime at nakarinig ako ng mga pumapasok.

"Beshie Rhaine!" sigaw ni Lia. Sinilip ko sila at agad na tinulak si Ryder. Niyakap ako ni Lia habang ang ibang Gale ay nakatayo naman sa gilid.

"I'm so bored kaya we went here na lang. Tapos na work mo?" tanong ni Lia sa akin. Tumango lang ako at inalis ang aking apron.

"What are you doing here, Ryder?" malamig na tanong ni Yvo. Napanguso ako bago siya siniko sa tagiliran.

"Tinder pangalan niya, lalaki. Naku naman," bulong ko. Hinawakan lang ni Yvo ang siko ko bago ako itinago sa kanyang likod.

"Sa makalawa pa ang sing offs, dude. Excited much?" si Kurt naman ang nagsalita. Lumapit si Sophie sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Ayos ka lang? Wala silang ginawa sayo?"

Napalabi ako. Sobrang hinhin ng boses ng babaeng ito, nakakairita na. Bakit kapag siya ang nagsalita, ang sarap sa tenga. Pag ako, parang tindera lang sa palengke na nagwawala kasi wala siyang benta.

Tinaas ni Tinder ang kamay niya bago tumawa.

"I didn't do anything. I just sang for her, that's all. Seriously, you Gales should calm down."

"Kinantahan ka niya?" tanong ni Yvo sa akin. Tumango ako at tinuro iyong jukebox na paulit ulit tinutugtog ang instrumental ng kanta ni Liver kanina.

Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Yvo habang pinapakinggan ang instrumental. Sumipol si Liver bago sila naglakad palabas ng mga kasama niya. Binuksan niya ang pinto at tiningnan ulit kaming Gales.

"I wish that I had Yvo's girl," pagkanta niya ulit bago lumabas. Akmang susugod si Yvo ng pinigilan siya ng kambal.

"Dude."

Noong makaalis sina Lighter ay agad na lumapit sa akin si Yvo. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat bago ako hinatak para mayakap.

"Ayy! Lalaki! Naano ka?" tanong ko habang yakap ako. Umiling lamang siya at hinigpitan ang yakap sa akin.

"Nothing. I..." lumunok siya at mas niyakap ako.

"Stay with me, aso," pakiusap niya habang nanginginig ang boses.



Song Used:


Jessie's Girl  by Glee Cast

----------------


Pasensya na sa matagal na UD. Magiging madalas na ang UD dito. Every Sunday, kung di ako masyadong busy.


Salamat sa lahat ng sumusubaybay sa mga Gales!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top