Lalaki

9


Rhaine



Minsan nagugulat na lang talaga ako. Ang laki palang banda ng Gales sa buong MusicA. Nakakatakot kasi halos lahat ng estudyante ilag sa kanila. Para bang gangster sila pero sosyal. Kapag dumadaan sila sa hallway parang sa koreanovela yung nakikita ko. Nahahati sa gitna yung mga dumadaan para bigyan sila ng way tapos walang nag iingay.

Super takot siguro ng mga tao dito sa kanila noh? Kakaloka. Kung alam lang nila, wala namang nakakatok sa Gales eh.

Nasa may locker ako noong dumaan yung Gales sa harapan ko. Ang sama na naman ng tingin ng Kamahalan sa akin. Ampupu, ano na naman po bang ginawa ko?

"Bestie!" sigaw ni Lia tapos niyakap niya ako agad. Hehe, pinat ko yung ulo niyang may malaki na namang bow head band.

"Bakit hindi ka sumabay sa amin mag breakfast?" nakapout niyang tanong. Inayos ko na lang yung braid kong hindi ko na natanggal.

"Eh, may trabaho pa kasi ako bago yung first period." Sagot ko. Magpapaliwanag pa sana ako noong lumapit sa amin si Yvo. Kinalkal niya yung locker ko at naglabas ng mga libro doon.

Bakit ba siya nangunguha ng libro? Meron naman siya ah. Nandedekwat na naman ito eh.

"Tss. So slow." Aniya bago naglakad paalis dala dala yung books ko.

"Oy Kamahalan!" sigaw ko. Takteng tinapa naman oh. Ang bilis maglakad ni Yvo, di ko matake.

"Amina nga yung libro ko." Tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin. Nagsalpak na naman siya ng earphones tapos naglakad na. Suplado talaga.

"Yvo naman eh." Atungal ko. Huhu, ano na lang gagamitin ko niyan kapag kinuha niya libro ko? Hindi pa naman kami seatmate kaya hindi ko siya pwede ishare. Paano na niyan?

"You're overthinking things dog." Sabi niya. Tiningala ko siya. Anong over thinking na naman? Kailan ba naging over ang thinking ha? Hindi naman naoover yung thinking diba? Si Yvo talaga minsan shunga.

Malapit na kami sa classroom noong naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko. Tapos yung daliri niya pa nagtatap sa likod ng kamay ko, para bang sinusundan niya yung beat ng pinapakinggan niya tapos piniplay niya sa kamay ko.

"O-oy, bat bigla kang nanghahawak?!" bulong ko sa kanya. Pero di niya ako pinansin. Ngapala, paano naman ako papansinin nito, nakaearphones siya. Haay, minsan talaga Rhaine maganda ka.

Hinihila ko yung kamay ko pero ayaw na niyang bitawan. Napanguso na lang ako kasi adik si Yvo. Kinuha na nga niya libro ko pati kamay ko ayaw niya pang ibalik. Kung sanang nanghihiram siya eh di pinahiram ko. Kaso kasi nangaagaw siya eh.

Bwisit.

------------------------

Kurt

Yo! Kalma lang. Gwapo talaga kasi ako. Minsan nakakamatay kagwapuhan ko. Kaya nga mas gusto ko na lang magtago para wala ng mamatay dahil sa mukhang meron ako.

Pero takte, kahit gwapo ako nawiwirduhan pa rin ako kay Yvo tsaka dun sa bagong salta sa banda namin. Haha, nakalimutan ko yung pangalan nung babae eh. Basta alam ko medyo may pagkashunga yung bagong Gale.

Napangisi ako nung inabot ni Yvo yung kamay nung babae--- tae ano ba kasing pangalan niyan eh, ay bwisit! Basta yun. Haay, pasimple pa itong si Yvo eh, dumadamoves din naman. Galawang breezy eh.

Hanggang sa nakapasok kami room hawak hawak pa rin ni Yvo yung kamay nung babae. Put--- mamaya kapag nag quiz titingnan ko yung papel nung babae para malaman ko yung pangalan niya.

"Your books." Sabi ni Yvo dun sa babae. Ngumuso lang yung babae tapos kinuha niya yung libro. Haha, shet, sumisimple talaga itong si Yvo.

"Eh? Hindi mo na hihiramin Kamahalan?"

"Stop calling me that." Masungit na sagot ni Yvo. Sumandal pa ako sa upuan para panuorin yung dalawa. Putek, aga aga naglalambingan eh.

"Ha?"

"Tss." Bwisit na sabi ni Yvo my boy. Haha. Naglakad na lang siya papunta dun sa pwesto niya bago nilagay na yung music score sa stand. Yung babae naman nakatingin lang sa kanya bago nagkamot ng batok.

"Oy bakulaw? Bakit ka naglalaugh?" tanong ni Lia sa akin. Inalis ko yung braso niyang pinatong sa buhok ko. Bwisit, isang oras ko itong inayos eh. Tomboy talaga.

"Pakialam mo tomboy ka." Patol ko. Wala akong pakialam. Gwapo ako kaya pumapatol ako sa babae. Bwisit naman kasi eh.

"Ang sungit mo." Reklamo niya tapos umupo dun sa pwesto niya. Nakagitna na siya sa amin noong babaeng bagong salta pero nakaharap pa rin siya sa akin.

Tae, nasira yung spikes sa buhok ko. Asar.

-------------------------

Lia

Tingnan mo yung bakulaw. He is masungit kahit naman wala akong ginagawa. Nakakaasar siya. Dapat nga thankful siya kasi I made pansin to him. Mag isa lang kaya siyang naglalaugh para na siyang baliw. Buti nga sinamahan ko siya.

I faced na lang si Rhaine girl pero napastop ako when I saw my brother looking at her while stucking his pen on his mouth. Hala ha? Kung makatitig naman si Kuya dear parang kakainin na niya si Rhaine girl.

Hmmph. Totohanan na ba? Haha. Alam ko naman kasi na utos lang ni Kuya kay Rhaine girl yung bf gf set up nila. Peewee, I know my brother kaya. Pero sana for real na. Sana talaga naman. I don't want naman kasi my brother to end with Sophie. Mabait naman si Sophie girl pero di rin masalita yun. Tapos si Yvo hindi rin maingay. Paano na lang nun diba? Eh di titigan fever lang sila. Atleast si Rhaine girl maingay diba hihi?

Ay basta si Rhaine girl bias ko! Waah papagawa na akong stickers niya tsaka pin! Wiiie.

-------------------------

Rhaine

"Eh Kamahalan, diba curfew na? Bawal na lumabas ng dorm units diba?" pang sampung beses ko na yatang sabi. Si Yvo ayun, nga nga, di na naman nagsasalita. Tss.

Sinama sama pa ako hindi naman pala ako kakausapin. Adik ba siya?

"How many times do I have to tell you to stop calling me kamahalan?" inis na niyang sabi. Napanguso ako. Eh sa nasanay ako tawagin siyang ganun ah? Problema niya ba?

"Anong itatawag ko sayo ba?" balik tanong ko. Eh sa ang hirap naman umisip ng tawag ko sa kanya. Awkward naman na tawagin ko siya sa pangalan niya kasi di naman kami close.

Huminto kami sa may steel bench sa tapat ng fountain. Umupo siya doon tapos ako naman nakatayo lang sa harapan niya.

"Sit." Utos niya.

Napanguso ako bago tumabi sa kanya. "Wala bang upuan sa dorm ninyo? Gabing gabi na tapos malamig pa tapos isasama mo lang pala ako para maupo? Adik ka ba?" dirediretsyo kong sabi. nakakabanas naman kasi eh. Sana sa kwarto na lang ako ngayon kung hindi nanggulo itong lalaking ito. Hinihintay ko pa naman baka mag update si author sa wattpad. Tagal na kaya nung story niyang na on hold---

"Hey dog! Nagsasalita ako." tawag niya sa akin. Hala! May sinasabi ba siya?

"Hehe ano bang sabi mo?" nagpeace sign pa ako para mas maawa siya. Lagot ako pag nabwisit yan sa akin. Baka ipaexpel na lang ako bigla. Naku.

Huminga siya ng malalim bago tiningnan yung tubig sa fountain. Tiningnan ko din tapos napanganga talaga ako. Ang ganda kasi!! Waah!

Yung stars tsaka yung moon nagrereflect dun sa tubig. Tapos may maliliit na alitaptap pa na pakalat kalat o di kaya tumatambay malapit sa fountain. Parang ang magical lang. Ang romantic. Haist.

Tiningnan ko ulit si Yvo. Tingnan mo ito, sabi niya may sasabihin siya tapos di naman siya nagsasalita. Sapukin ko na yata to eh. Pinagtitripan lang ata ako---

"I saw Sophie staring at Kent a while ago." Malungkot niyang sabi. Eh? Oh tapos?

"Tapos?" di ko talaga gets. Bakit ba? Ano ngayon kung nakatitig si Sophie kay Kent? Para titig lang eh. Ito talagang si Yvo napakadamot. Pati mata ni Sophie pagdadamot niya.

"She never stared at me Rhaine. She never even glanced at me. Fuck." Bwisit niyang sabi. Binato niya yung isang pebble sa fountain tapos ang galing lang kasi tumalon talon muna yun bago lumubog. Ang galing!

"Rhaine!"

"Ay ano po?!" gulat kong sabi. Eh kasi naman eh. Nag eenjoy pa ako dun sa tumatalong bato.

"Parang hindi naman siya nagseselos sa ating dalawa." Reklamo niya. Napanguso lang ako.

"Baka hindi ka lang talaga niya gusto." Sabi ko. Ang sama ng tingin niya sa akin noon nung sinabi ko yun. Hala ako.

"Peace yow." Natatawa kong sabi. Tumayo na ako tapos pinagpagan ko yung pwet ko bago ko siya hinarap.

"Ang torpe mo pala lalaki." Natatawa kong sabi sa kanya. lalong sumama yung tingin niya sa akin bago siya napa -tss. Favorite niya yan eh.

"Shut up." Sagot niya sa akin. Tumawa lang ako lalo bago ko nilagay yung kamay ko sa balikat niya.

"Huwag kang mag alala. Diba sabi ko sayo tutulungan kita para maging kayo ni Sophie? Gagalingan ko na lang yung acting para magselos na siya. Aja!" full of energy kong sabi. Tumingala siya bago ngumisi. Natigilan ako kasi first time niya nag smile. Hala...

Napatitig lang ako sa kanya kaya di ko na napansin na tumayo na pala siya. Pinitik niya yung noo ko kaya napabalik yung kaluluwa kong nag exit nung ngumiti siya.

"Aray ko naman lalaki." Reklamo ko. Tumaas yung kilay niya.

"Bakit lalaki yung tawag mo sa akin ha aso?" tanong niya. Napanguso ako bago ko hinimas yung noo ko.

"Bakit di ka ba lalaki? Anong gusto mo babae?" hamon ko. Eh, hindi naman siya bakla diba? Talagang adik yata ito.

"Just try calling me that Rhaine. Papalayasin talaga kita sa MusicA." Masungit niyang sabi. Tapos naglakad na siya palayo. Anak ng tinapa iiwan pa ata ako.

"Oy lalaki waits!" sigaw ko. Napatss lang siya tapos hinintay naman ako. Yung totoo. Pakipot din si lalaki eh. Hihi.

------------------------

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top