CHAPTER 8
Chapter 8
Colt Pov
"I know you Colt. You cannot open to us. You cannot tell us what are you feeling. I don't know if you're not comfortable talking about it oy maybe you're not use it. But either of the two things that Desmond said. I'll tell you... it so fùcking right to have someone like us and even liking someone is so nice... nice and frightening at the same time."
Patuloy akong nakinig kay Rap.
Hindi ko aakalain na dadating ang panahon na siya o sila na naman ang magsasabi sa akin ng mga ganitong bagay. Hindi ko lubos maisip na dadating ako sa punto na mauubusan din ako. Hindi ko inaakala na dadating itong oras na ako na naman ang makikinig sa kanila.
Ewan ko rin ba. Noon noong pinapayuhan ko sila Laszlo, Rap, at Desmond parang ang dali lang noong lumabas sa bibig ko. Ang dali ko lang silang sampalin sa mga salita ko pero ngayon na ako na naman ang nasa posisyon na kagaya nila. Ngayon ko lang napagtanto na talagang nakaka-bobo ito.
Ngayon mas humanga ako sa mga kaibigan ko na nalampasan nila ang mga ganitong phase ng kanilang buhay. I mean, hindi rin kasi madali. Imagine being a straight-fucking guy falling for another guy or to gay. Imagine the phases they've been through. Siguro kay Desmond ay madali lang kasi dati pa man ay alam na niyang BI siya. What about Lorcan? Raphael? Nagka-anak pa nga si Lorcan. Nagka-asawa nga si Rap.
Talagang hindi natin alam ang takbo ng buhay natin. Minsan naguguluhan tayo sa pagbabago nito. Minsan nakakabaliw ang mga nangyayari sa ating buhay.
At heto nga ako ngayon. Kanina noong sinabi ni Johan na liligawan niya ako. Aaminin ko na nahati ako doon, may parte sa akin na masaya at may parte sa akin na natakot at ayaw maniwala. Gusto ko rin kasi siya, e. Kaso natatakot ako sa maaaring patutunguhan nitong nararamdaman namin ni Johan. Maaari itong mauwi ito na kagaya sa mga kaibigan ko at pupwede rin na pareho sa mga magulang ko. Masasabi kong mas madali pa ang pakikipagnegosasyon nito sa mga kapwa namin na nasa underground world kaysa sa bagay na ito.
Na-i-intindihan ko si Rap doon sa puntong frightening. Yeah, liking someone would be frightening, too. Hindi mo kasi alam kung ano ang idudulot nito sayo, e. Trauma ba, pighati ba, o kaligayahan.
"So you like someone... who's this person?" ani Desmond matapos si Rap.
Tumango naman doon si Rap.
"I... I don't know if..."
"If?"
"If maniniwala ba kayo o hindi." ako kay Desmond.
"Why?"
"L-lalaki siya."
Naghintay ako kung ano ang magiging reaksiyon nilang dalawa sa aking sinabi kaso tinitigan lang nila ako.
"W-what?"
"That's it?" natatawang ani ni Desmond.
I bobbed my head.
"Ano naman ang di kapani-paniwala doon?" sunod na saad ni Desmond.
"Did you forget that we also fall for a guy?"
Napangiti ako doon. Oo nga pala.
"So you like this certain guy?" si Rap.
Ako yata ang masasaing ngayon nitong dalawa.
"O-oo."
"You confessed to him?"
"Hi... hindi." tugon ko kay Rap.
"Woah, so the guy confess to you?" Nanlaki ang mata doon ni Desmond. Muntik ko na siyang mabato sa folder na nasa harap ko.
"Y-yeah."
"Ang lakas naman ng loob ng lalaking iyan na umamin sayo, Colt. Hindi natakot sayo!"
Ngumiwi ako. Wala ngang takot ang taong iyon sa akin.
Kahit nga noong umamin siya sa akin ay di ko siyang nakita-an ng takot o pagdadalawang isip. Buong-buo siya nang sinabi niyang gusto niya ako. Kagaya lang nung sinabi niya kanina sa akin na liligawan niya raw ako. Dàmn Johannes!
"Nagka-aminan na pala kayo."
Nakuyom ko ang kamay ko.
"Hindi."
"Ano?" | "What?"
"Siya lang ang umamin. Ako... hindi ako umamin. At wala akong balak na umamin sa kanya."
Narinig ko ang pag-tss ni Rap at umiling. Pareho sila ni Desmond.
"What's stopping you, man? Gusto ka na ng tao at gusto mo rin siya. Anong nagpipigil sayo? Don't tell me you're afraid of what people might say to you?"
"I'm not. Hindi sa ganoon Rap. Natatakot kasi ako... natatakot ako na baka... b-baka kagaya ng mga magulang ko maghihiwalay lang din kami. Ayaw ko na ng ganoon Rap. Ang hirap, ang sakit. Kahit na nakikita ko lang noon ang mga magulang ko na nag-aaway at unti-unting nawawatak ang pamilya namin... ang sakit."
Ngayon ko lang ito nasabi sa kanila. Ngayon lang ako nag-open up sa kanila. Si Lorcan... kung sana nandidito siya, siya lang ang nakakaalam sa istorya ng buhay ko. At kahit konti ay may nasabi rin ako kay Clayton dati noong minsan na akong nakatulog sa bahay niya. Naikwento ko ang kahit na konti sa buhay ko, ang pinagmulan ko.
"Nagsama ang mga magulang ko kasi mahal nila ang isa't isa. Nabuo nga ako pero anong nangyari sa huli? Naghiwalay pa rin sila at nakahanap ng sari-sarili nilang pamilya. Tapos ako... n-naiwan akong mag-isa."
I really don't want to say this. Kasi hanggang ngayon nandidito pa rin kasi ang sakit, e. Mahigit dalawang dekada na kaso andidito pa rin ang sakit. Siguro natutunan ko lang itong tanggapin. Maybe I just live with the pain and endure the pain throughout the years kasi kapag naaalala ko ang nakaraan ko at ang nangyari sa pamilya ko, naiiyak pa rin ako.
"Man..." tumingin ako kay Desmond. "I...I don't know what to say. I don't know that you have that kind of pain. I understand where your fears are coming from. But... but if you don't want to learn to accept and open your heart. Papaano mo malalaman? Papaano mo malalaman ang patutunguhan ninyo kung hindi ka susubok? Kung hindi ninyo susubukan? Whoever that person is, try to open your heart to him. Malay mo? Malay natin, diba? Besides, hindi porket nagkahiwalay ang mga magulang mo ay ganoon na rin ang mangyayari sayo. Life, love, it is a gamble, Colt. It is a for-life gamble. Kung hindi ka susugal, kung hindi ka susubok, kung hindi ka magbabakasali, papaano mo malalaman ang lahat? Our life is all about risk-taking, courage."
"And whatever happens, we're always here, Colt. We're brothers; we're a family bonded by our souls." dagdag ni Rap kay Desmond na tinanguan naman nito.
Hindi man ako pinagpala sa aking pamilya, dito naman ako pinagpala sa mga kaibigan, sa mga kaibigan na aksidente ko lang nakilala dahil kay Lorcan. Hindi ko alam kung papaano ko sila pasasalamatan sa mga sinabi nila sa akin ngayon. They enlighten my mind.
I smiled at Desmond and Rap.
Gamble? Risk? Why not give it a shot?
Fùck! Johannes Dwyer, prove your fùcking worth!
Umuwi ako sa bahay ni Johannes na parang wala lang. Ayaw kong ipahalata sa Amerikanong-Hapon na iyon na apektado ako. Nakakawala iyon sa angas ko.
Lumipas ang mga araw na gumagaling na ako sa pag-arte sa harap ni Johannes. Syempre professional ako sa trabaho ko, 'no! Hindi ako naka-angal nang sabihin ulit ni Johannes na liligawan niya ako. Bakit ko siya pipigilan kung gusto kong i-test kung saan ang kaya niya? Kaya ayon hinayaan ko na. Kaso may nilinaw ako sa kanya na kapag trabaho, trabaho lang. Siya na bahala kung papaano niya ipapalusot ang panliligaw niya kuno sa akin.
"Hello? Beibu?"
Naalis ko ang mata ko doon sa eyepiece ng rifle ko nang marinig ko ang boses ni Johan sa earpiece na suot ko.
Umirap ako.
Hindi ko talaga mapigilan si Johan doon sa kanyang pagtawag sa akin na Beibu. Ilang beses ko na siyang sinuway doon kaso ilang saglit lang at beibu na naman ng beibu!
"Yeah? Naka-monitor ako sayo Johan."
" J-just asking if you're... fine?"
"I am... I am fine."
Muli akong sumilip sa eyepiece ng rifle ko at nakita ko si Johan na nakahilig sa kanyang swivel chair at parang tanga na nakangiti habang nakatingin sa taas. Parang tanga talaga! Ngumingiti ng walang kasama!
"Do your fucking job, Johan."
"I'm taking a break, beibu."
"Edi, magpahinga ka d'yan."
"Ganito ako magpahinga beibu. Talking to you is my kind of break, my kind of rest."
I clicked my tongue. Pùtanginang, Amerikanong-Hapon!
Mabuti talaga at di niya ako nakikita ngayon. Fùck! Ngayon lang yata ako nakaramdam ng pag-iinit sa mukha ko. Pisti!
"Why don't we go on a date tonight, beibu?"
Napailing ako. Hindi ba iniisip ng lalaking ito na may mga banta sa kanya? Di pa nga namin alam kung sino iyong nang-ambush sa amin o kung sino may pakana noon.
"We can't Johan."
Halos maluwa ako nang nakita ko sa eyepiece na napalabi si Johan!
"Hmm, anyway are you watching me right now, beibu?"
Tumikhim ako.
"H-hindi." Pagsisinungaling ko.
"Sumilip ka." utos nito.
Nakita kong umahon siya sa kanyang swivel chair at may kung anong sinulat doon sa papel.
"Nakatingin ka na?"
"Yeah."
Muntik ko nang mahampas ang sniper ko nang makita ko kung ano ang nakasulat doon sa bondpaper na itinaas ni Johan.
'Colt, beibu!❤️'
Ang mais naman ng Amerikanong-Hapon na ito!
Imbes na mangilabot ako dahil sa katauhan ni Johannes na misteryoso pa sa akin. Mas kinalabutan yata ako dito sa pinapakita niya sa akin ngayon. Nakakakilabot naman ang lalaking ito!
Hindi ko alam kung panliligaw na ba ang tawag sa uma-umaga na may nilulutuan ako ni Johan, ginigising, at pinagtitimpla niya pa ako ng kape. Isa lang ang bagay na binalaan ko si Johan. Ang huwag niya akong bibigyan ng bulaklak at mga tsokolate. Matapos ko sabihin iyan kay Johan. Kinabukasan niya'n ay may nakita ako sa labas ng bahay niya na mga bulaklak at chocolates na tinapon sa basurahan.
Magkasama kami ni Johan sa bahay pero araw-araw nagpapadala sa akin ng text. Maya't maya ako tini-text kung ayos lang ba ako o kumusta na ako.
Hindi ko talaga alam kung parte ba ito ng panliligaw kuno niya sa akin. Hindi ko rin kasi gawain ang bagay na iyan kaya di ko 'yan alam. Saka magkasama kasi kami sa iisang bubong.
Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng panahon na nasa bahay na ako ni Johan. Naging komportable na ako sa kanya, sa mga banat niya, sa mga simpleng landi niya, sa mga luto niya, at sa pasimpleng sabi niya sa akin ng beibu, good morning at goodnight.
Halos magdadalawang buwan na pala kaming magkasama sa bahay ni Johan. Hindi ko namalayan na naging komportable na akong may kasama sa bahay. Nasanay kasi akong, ako lang mag-isa at ako lang ang gumagawa sa lahat tulad ng pagluluto, paghuhugas sa pinagkainan ko. Simula nang magkasama kami ni Johan ay di na ako nakahawak sa kusina. Nakakatawa na parang siya ang nagtatrabaho para sa akin imbes na ako ang nagtatrabaho para sa kanya. Pero sabagay, bodyguard niya lang ako.
Ngayon ay galing ako sa bahay kumuha ako ng ilang gamit ko at binisita ko rin ang bahay ko. Namiss ko, e. Linggo naman kaya naman naiiwan ko si Johan sa bahay niya. Masunurin naman siya sa akin kapag sinasabi kong h'wag siyang umalis sa bahay niya.
Ginabi ako kasi dumaan pa ako sa bahay ni Lorcan pala kumustahin sina Clayton at Daniel.
Pagkapasok ko sa bahay ni Johan ay medyo nanibago ako na walang sumalubong sa akin. Minsan kasi kapag umaalis ako at naiiwan ko siya dito sa bahay niya ay sumasalubong kaagad siya sa akin. Kaso ngayon ay walang sumalubong.
"Johan?"
I was about to scurry away from the living area to climb to the second floor, but I saw twinkling lights coming from the pool.
I put my bag down and started walking with the little light.
Napatigil ako nang nakita ko si Johan doon sa labas, sa may pool side at may naka-set doon na table with some foods. Binuksan ko ang sliding door tungo sa pool area.
I exited. Johannes back was facing me at wala siyang kamalay-malay na nandidito na ako at pinagmamasdan ko na ang kabaduyan niya dito.
May mga LED lights pa na nakapalibot sa buong area. Kabaduyan ni Johannes!
"Hey!"
Lumingon siya sabay tayo. "Beibu, you're home."
Gusto ko siyang suwayin doon na hindi ko ito bahay. So, it's not my home, but I held my tongue back.
"What is this?"
Kinamot niya ang batok. "Ilang beses na kitang tinatanong na lumabas tayo pero lagi mo akong tinatanggihan. Also, I... I cannot take you out because of what happened last month. So, why not do it here?"
He motioned his hand na pa-upuin ako kaya naman umupo na ako. Wala akong sinabi nang ipaghila niya ako ng upuan.
We enjoyed dinner on the poolside. It's just us and the calm and silent night. The cold winds were biting at my skin, but it was tolerable. Above us was the starry sky and the big full moon.
Napadighay ako sa sarap ng kain ko. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung nag-order ba si Johan o hindi dahil kabisado ko na ang timpla niya.
"T-thank you for the delicious dinner." I said, turning my eyes into the pool. Parang kumikinang iyong tubig dahil sa maliwanag na gabi.
I took a small sip from my wine glass. Ninamnam ko ang pagpait ng lalamunan at ang pag-anghang nito nang dumaan ang wine na iniinom ko.
"Thank you too, beibu dahil sinamahan mo ako."
Taas ang kilay kong bumaling sa kanya.
"I thought para sa atin itong dinner--"
"Oo para sa atin pero hindi ko inaakala na papaunlakan mo ito."
Sa konting bagay pala na ginagawa ko kay Johan ay parang ang laking bagay na noon sa kanya. Sa simpleng pagsabay ko sa kanya sa hapag ay napakalaking bagay na pala noon sa kanya.
Natahimik kami. Naunang tumayo si Johan at lumapit doon sa pool. Nakatalikod siya sa akin kaya kitang-kita ko ang malapad niyang likod. He was standing there like he was a king and looking over his people.
"Gusto mo bang magtampisaw kahit saglit dito?"
Tumayo rin ako at lumapit sa kanya. Hinubad ko ang sapatos at medyas kong suot saka ko itinaas hanggang tuhod ang pantalon ko. Nauna ko nang nilublob ang dalawang paa ko sa tubig. Hindi naman iyon malamig gaya ng inaasahan ko.
Akala ko ay gagaya sa akin si Johan nang biglang nagulo ang pool nang bumagsak ang malaking katawan niya sa pool.
"Tàngìna naman Johannes!" sigaw ko dahil nawisikan din ako nang tubig.
Nalisik ang mata ko nang makita ko ang Amerikanong-Hapon na malaki ang ngisi habang sinusuklay ang buhok niya patalikod gamit ang kamay. Nakatayo na siya sa di kalayuan sa akin at ang tubig ay hanggang sa dibdiban niya.
Nabasa na naman ako kaya naman naghubad na ako ng damit ko at iniwan ko ang ang suot kong boxer. Tinabi ko ang damit ko sa iniwan na damit ni Johannes. Tumalon na rin ako doon sa pool at lumangoy ng konti.
Kapwa kami basa ni Johannes. Magkatabi kaming dalawa at ang isang kamay namin ay nakahawak doon sa gilid ng pool. Kumikiskis ang magkalapit naming braso sa isa't isa.
"You know what, beibu this is just my dream before."
Tumingin ako kay Johannes na nakatingin sa kalangitan. "Dream?"
Nang lumingon siya sa akin ay nagtagpo ang mga mata namin. Sa ganitong mga sitwasyon ay iniiwas ko ang mata ko sa kanya kaso ngayon ay hinayaan ko si Johannes sakupin ako.
"You and me, standing on the same ground, breathing the same air, sleeping under one roof, eating together, and talking to you."
"Being with me was your dream?"
"Yeah, you're my greatest dream, Colt."
"Being with me was your dream?"
"Yeah, you're my greatest dream, Colt."
Iiwas ko na sana ang mata ko sa kanya dahil wala akong masabi nang magsalita siya ulit.
"Aishiteru."
"What?" Halos maibulong ko na iyon.
"I love you. I love you, beibu."
Ngumiti siya sa akin.
"It's okay if you cannot say it back to me for now. I'm willing to wait for you, Colt. Don't rush yoursel--"
"I... I love you... I love you too, Johannes."
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
A | E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top