CHAPTER 7

Chapter 7


Colt Pov

"Sino ang batang dala mo, Lita?" salubong sa amin ni Mommy ng isang babae na matanda na at kahit na ano man ang gawing suot nito at kolorete sa mukha ay napaghahalataan na talaga ang katandaan nito.

Humigpit ang pagkakahawak ni Mommy sa maliit kong kamay at umabante kami doon sa matandang babae.

"M-mama."

Tumingala ako kay Mommy.

"Mama anak ko po ito. Apo niyo po siya." Hinila ni Mommy ng konti ang kamay ko at pinalapit doon sa matandang babae na siyang lola ko pala.

Simula noong nagkaroon na ako ng isip ay ngayon ko lang nakilala ang aking lola. Samantalang hindi ko naman nakilala ang mga magulang ni Daddy dahil patay na ang mga ito.

Lumapit ako doon sa lola ko at kukunin ko na sana ang kamay niya upang magmano nang itulak ako nito. Mabuti at nasalo ako ni Mommy na nasa likuran ko.

"M-mama bakit n'yo naman po--"

"I cannot accept that child, Carlita! I cannot accept the son of that poor man!"

Uminit ang mga mata ko sa sinabi ng aking lola. Sabik ako sa kanya. Noon pa man ay gusto ko na talaga na makilala ang aking mga lola at lolo dahil nakikita ko iyon sa aking mga ka-edaran na may mga lola at lolo sila. Pero bakit ganito ang lola ko? Bakit hindi siya masaya na nakilala ako?

Galit nitong tiningnan si Mommy.

"Alam mo na sa oras na umuwi ka dito Carlita ay wala kang pagpipilian kung hindi ang sundin ang lahat ng gusto namin ng ama mo."

Tumingin ako kay Mommy na umiiyak.

"A-alam ko mama p-pero huwag niyo namang ganyanin ang anak ko. Apo niyo po siya mama--"

"Apo? I told you, Carlita, that I could not accept that child. The blood of that poor man is running into his veins!"

Akala ko kapag nakilala ko ang lola ko ay sasaya ako kasi madadag-dagdagan ang pamilya ko kaso nagkakamali ako doon. Ayaw sa akin ng lola ko dahil mahirap ang ama ko.

Kahit na ayaw sa akin ng lola ko ay nanatili ako doon sa bahay nila. Walang nagawa si mommy nang sinabi ni lola na sa maids' quarter ako tutuloy. Kasama ko ang mga kasambahay at nakita ko ang mga mata nila na naawa sa akin.

Nagpatuloy ang buhay ko sa ganoon. Kumilos ako sa bahay ng sarili kong magulang na parang isang kasambahay. Natuto akong maglinis ng bahay, natuto akong magdamo, ang magtanim, paglilinis ng kotse at iba pa. Malimit lamang akong kumilos sa bahay namin dati kasi si mommy naman ang kumikilos sa bahay kahit puro siya angal. Pero dito sa bahay nila ay araw-araw na akong kumikilos para hindi ako mapagalitan ng lola ko. Minsan na akong nahuli nito na natutulog sa sala dahil sa pagod ko pero napagbuhatan lang ako ng kamay dahil wala raw akong ginagawa.

Saka iyong si lola Carmin, ang pangalan ng ina ni mommy, ay araw-araw pinapamukha sa akin na hindi ako tanggap sa bahay na ito. Kapag nakatsyempo sa akin ay lagi niyang pinapamukha sa akin na para bang sampid ako dito sa bahay nila. Wala namang nagagawa doon si mommy kasi napaka-under ni mommy kay Lola Carmin. Saka kapag kumakampi sa akin si mommy ay si mommy na naman ang pinapagalitan nito at laging sinusumbat kay mommy na mali ang desisyon nito na sumama sa daddy ko, na mali na sinuway niya ang mga ito.

"Anak pasensya na. Walang magagawa si mommy." wika ni mommy sa akin nang minsan niya akong dalawin sa aking silid dito sa maids' quarter.

"It's okay, mom." tanging tugon ko. May magagawa ba ako?

Gustuhin ko mang umalis na doon at puntahan ang daddy ko ay wala na rin akong magagawa kasi hindi pumapayag doon si Mommy.

Hanggang sa isang araw ay may nakilalang ibang lalaki si Mommy. Lalaki na mayaman, laki sa de-calibreng pamilya, at may pangalan sa industriya. At nang nakapag-desisyon sila mommy na magpakasal ay walang sinabi sila lola doon na masama at mas lalong di na nila iyon pinigilan. Hindi naman kinasal sila mommy Lita at Daddy Anton kaya walang naging sagabal doon sa pagpapakasal nila.

Sumama ako kay mommy sa bagong pamilya nito kasi ang bago nitong asawa ang nagpapa-aral sa akin. Noong una ay mabait naman sa akin ang bagong asawa ni mommy pero nang tumagal ay lumabas na rin ang tunay na ugali nito na pati si mommy ay di na ito mapigilan. Kaya ako na stepson lang nito ay di nakalagpas sa kalupitan at napagbubuhatan ako nito sa kamay.

Simula nang maka-anak si mommy ay nag-iba na ang turing niya sa akin. Tiniis ko ang lahat ng hampas sa kamay ng bagong asawa ni mommy. At nang di na ako makatiis doon ay tumakas ako doon sa bahay nila ni Mommy. Sobra na akong nahihirapan doon.

Bumalik ako sa Daddy ko kasi akala ko ay may babalikan pa ako doon. Kaso wala na rin. Nang bumalik ako sa dating bahay namin ay wala na doon si Daddy. Wala ng tao ang bahay namin.

At sa huli... naging palaboy ako. Hindi na ako bumalik pa doon sa bahay ni Mommy kasi alam kung patuloy lang akong sasaktan noong bago niyang asawa. Atsaka, kung totoo rin na may concern sa akin si Mommy ay hahanapin niya ako kapag nalaman niyang wala na ako sa bahay nila kaso... wala. Walang humanap sa akin. Kahit na si Daddy, di nga ako nadalaw ni Daddy doon sa bahay ni Lola Carmin daiti.

"B-beibu."

I was snatched from my deep thoughts when Johannes spoke after a couple of minutes.

Ang mga mata niya ay parang nanunuri sa akin. Parang sinusubukan ng mata niya na intindihin ako at parang may hinahanap siyang sagot sa mga mata ko.

"Stop... stop calling me that, Johannes."

Umiling siya.

"I like you." He airily said it again as the waves in the ocean crashed over the dike.

How am I supposed to believe that? How am I supposed to believe him? We had only known each other for a short time.

Dapat sana akong maging masaya dahil nalaman ko na ang taong tingin ko na gusto ko ay may gusto rin sa akin kaso... bakit ganito? Bakit hindi ako masaya?

Tumitig lang ako kay Johannes. He was fùcking dead serious! He said it to me without even blinking. Pero bakit hindi ako naniniwala doon? Bakit ang hirap noong paniwalaan?

"Y-you... you are fooling me, again." saad ko.

"Hindi Colt, seryoso ako."

Dàmn this! Papaanong maniniwala ako doon? Papaano niya ako nagustuhan sa ilang araw lang?  Sa dalawang araw lang namin na magkasama?

Iniwas ko ang mata ko sa kanya.

Timing din naman na may nakita akong sasakyan na paparating kaya tumayo ako. Nagbabakasali na makasakay kami dito.

At laking pasasalamat ko nang tinigilan kami noong mazda at pinasakay kami sa likod noon. Sumakay kami ni Johaness sa likod n'ong mazda kasama ang mga aso na nakakulong.

Sa buong byahe ay tahimik lang ako at di ko pinapansin si Johannes. Ramdam ko ang mga matutulis niyang titig sa akin pero binabaling ko sa ibang direksyon ang mata ko.

Imbes na mawindang at maging masaya ako sa pagtatapat ni Johannes sa akin. Duda ang naramdaman ko doon. I know that a guy can also like a guy. I'm aware that this could possibly happen. I just can't believe and even doubt that someone would like me.

Look at what happened to my family. Mahal ng mommy ko ang daddy ko. Hindi lang gusto kung hindi mahal nila ang isa't isa. Kaso ano? Anong nangyari sa aming pamilya? Diba nasira rin. Nawasak din.

Papaano ako maniniwala sa ganoong bagay kung sa pamilya ko palang di ko na iyon naramdaman?

Nakikita ko naman ang mga kaibigan ko na nagmamahal. Nakita ko naman kung gaano sila pinapasaya ng pagmamahal. Nakikita ko naman na may pagmamahal. Pero sa tingin ko... hindi para sa akin ang bagay na iyan.

Kung totoo man ang sinabi ni Johannes. Naniniwala ako na mawawala rin balang araw, kakalimutan niya rin iyon—makakalimutan niya rin ang nararamdaman niya sa akin kung hindi niya ako pinagti-tripan.

Pagka-uwi namin ni Johannes doon sa bahay niya ay nagpatuloy ako sa pagtatrabaho ko dito. Bakit ako aalis? Bakit ako titigil sa pagtatrabaho sa kanya dahil lang doon sa sinabi niya sa akin? I'm professional. Kaya kong ipaghiwalay ang personal kung nararamdaman sa trabaho ko.

Hanggang sa dumaan ang mga araw na ganoon. Nagpatuloy ako sa pagbabantay sa kanya at kapag nasa bahay naman kami ay naglalagi ako sa kwarto para mag-imbestiga sa nangyaring ambush sa aming dalawa.

Hindi rin naman ako dinidisturbo ni Johannes at hinahayaan niya lang ako sa gusto kong gawin. Nagkakasabay naman kami sa pagkain sa hapag kada-umaga pero wala kaming imikan.

"Beibu."

Matapos ang ilang araw na walang imikan ay ngayon lang ako kinausap—inimik ni Johan. Tapos ito pa ang bungad niya sa akin. Magaling.

"Stop calling me that way--"

"Okay."

Medyo nagulat ako doon dahil hindi ako sanay na pinagbibigyan niya. Kadalasan ay nagtatalo kami sa isang bagay na magkasalungat ang aming pananaw kaso ngayon ay nagpaubaya yata siya sa akin.

"Also bibisita ako saglit sa bar ko. Dito ka lang sa bahay mo. Tumawag ka kung may kailangan ka sa akin."

Tumango siya.

Hindi ko na sana siya pinapansin nang mailang na ako sa nga titig niya sa akin.

I put my spoon and fork down, putting my elbows above the table and clasped my hands.

"What is it?"

He let out a single blink.

"I'm serious, Be—Colt."

"Serious?"

"I'm serious when I said I like you."

"And?"

"Do... do you like me too?"

Naibaba ko ang kamay ko doon. My jaws tighten unconsciously. I want to hold my eyes away from him, but it seems like my eyes have their own mind to look into Johan's pair of hazel eyes. 

"I... I don't like you."

I should give myself a round of applause for not shuttering. 

Johan simply smiled warmly at me.

"Okay, so can I court you?"

"What?"

"Can I court you? Pwede ba kitang ligawan Colt." tugon nito sa akin.

"I-I said, I don't like yo--"

"Yeah, that is why I am courting you. I will court you and show you how much I like you and how much I want you to be mine. Yeah, you don't like me, but I have to try. I will make you like me, Colt. So, p-please allow me to court you. 

My lips form into a thin line and I bat my eyes at his hazel eyes. There's no hint of joking lurking in his eyes. It was full of determination. It was full of compassion and hope. 

Kinuha ko ang baso na may lamang malamig na tubig at inisang lagok ko ang laman noon.

Nang tingnan ko ulit si Johan ay ganun pa rin ang kanyang ekspresyon.

"You know that's ridiculous."

"It is not." taas noo niyang sagot.

"I'm a guy."

"Obviously."

"Why do you like me? Why... me?"

He lower his head for a moment, nang binalik niya ang tingin sa akin ay umaabot na ang ngiti niya sa kanyang mga mata. Unlike before na para lang mga panunuya ang mga ngiti niya. Ngayon iba.

He pointed  to his heart using his index finger and said, "Because this beats for you."

Papaanong ang aming breakfast ay napunta sa ganito?

"Ang hirap paniwalaan, Johan." That slipped out naturally from my mouth.

You cannot blame me for this. My mom and dad even loved each other back then, but look at what happened? Naghiwalay pa rin sila at may sari-sarili ng pamilya. Papaano ako maniniwala sa bagay na iyan, e mismo sa pamilya ko ay bigo iyang napatunayan?

Love fades. Love changes. Afflection does disappear. Admiration does wither. 'Yan ang pinakita ng mga magulang ko sa akin. 'Yan ang pinatunayan nila sa akin.

"Niether do I. Mahirap nga paniwalaan, Colt. Kahit ako noon. Kahit ako noon ay hindi naniniwala dito, ang hirap kasing paniwalaan na nagkagusto ako sayo... sa isang lalaki at Pilipino pa. Nilabanan ko ito noon, Colt. Trust me. Nilabanan ko ito pero at the end, I always saw myself admiring you and even beyond that."

---
Napahilot ako sa sintedo ko habang nandidito ako sa maliit kong opisina dito sa isang branch ng bar na pagmamay-ari ko. Pumunta ako dito para tingnan ang takbo ng negosyo ko pero heto naman ako at laman pa rin ng isip ko ang pinagsasabi ni Johan kanina. Hindi niya talaga pinapatahimik ang  buhay ko—ang isip ko.

Problema ko pa iyong nang-ambush sa amin tapos itong pag-amin niya pa sa akin. Ayaw kong magpa-apekto dito pero apektadong-apektado ako.

Hinayaan ko ang ulo ko na sumandal sa hiligan nitong swivel chair ko at pinikit ko ang aking mga mata. Sinabi ni Johan na noon. Noon pa niya ako gusto. Don't tell me he like me way back in Baguio? What was that? Like at first fùck?

Napailing ako.

Nasa malalim na ako nang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan ko dito sa opisina. Hindi ko muna binukas ang mata at nakiramdam lang ako sa pumasok.

"Tulog o nagtulog-tulogan?"

"Ihampas mo itong flower vase sa ulo."

Binuka ko ang mata at umahon mula sa pagkakahilig ko. Sinamaan ko kaagad sa mata ko sina Rap at Desmond. Ano na naman ang ginagawa ng nga lalaking ito dito? Minsan na nga akong mapadpad dito dinidisturbo pa ako.

"Anong ginagawa ninyo dito? Ano magpapa-payo na naman ba kayo?" tamad at pagod kong saad.

Umupo ang dalawa sa silya na nasa harap ng table ko.

Ngumisi sa akin si Desmond. Tsk! Porket ang saya-saya na sa kanyang habibi!

"Mukhang ikaw na naman yata ang kailangan ng payo ngayon." He taunted at nakataas ang kilay ko doon.

Umiling lang ako doon.

"Teka nga, anong nga ang ginagawa ninyo dito?"

Walang emosyon akong tiningnan ni Rap. Tàngìna! Tumingin nalang ako kay Desmond.

Si Desmond na ang sumagot sa akin. "Iinom lang. Hindi na ako nakakinom sa bahay kaya pumunta ako dito kaso nagkasabay kami ni Rap kaya sumama na rin ako sa kanya."

Bumaling ulit ako kay Rap.

"Tsk! Pumunta lang ako dito dahil doon sa favor mo."

Napatango ako doon sa sinabi ni Rap. Umayos ako sa pagkaka-upo ko.

Sinabi ko kasi sa kanya ang nangyaring ambush sa amin ni Johan noong nakaraang araw at may pina-imbestigahan ako sa kanya.

"So did you find something?" tanong ko.

Umiling si Rap.

"Hindi ko alam Colt. Ngayon lang ito nangyari na hindi ako makakuha ng impormasyon sa isang tao. Johannes Dwyer is so mysterious. Tanging pangalan niya lang at mga negosyo niya lang ang nakikita ko. I have tried digging deeper, but I gained nothing. It seems like... there's someone or something that's hiding his identity."

"Kahit konti wala Rap?"

"Yeah."

"What about you, Desmond? Do you know something about Johannes?" Binalingan ko si Desmond na ngumingisi habang nagtitipa doon sa telepono niya. Tsk!

"What?" anito.

"Sabi ko may nalalaman ka ba kay Johannes. Nakakapagtaka lang kasi. Bigla-bigla nalang siyang sumusulpot tapos may mga tao lang gusto siyang patayin."

Binaba niya ang kanyang telepono.

"Maliit lang ang nalalaman ko tungkol kay Johannes, Colt. I only know that he is an American-Japanese pilot and is working in the largest airline in Japan, aside from his businesses all over the Asia."

Humilig ulit ako sa aking upuan at nag-isip. Papaano ko masusulosyonan itong bagay na ito na ni-katiting ay wala akong makuha na impormasyon? Maybe, I should ask Johan?

"Pero mabuti naman Colt at walang nangyari sayo noong in-mabush kayo." sunod na wika ni Desmond.

"It was fortunate that we survived."

"But why you look so problematic?"

Hindi ako makatingin kay Rap.

"S-syempre dahil dito."

"Liar. Hindi ka ganito sa mga trabaho natin Colt. The way I see it, you're just trying to distract yourself from something."

Napapikit ako doon sa sinabi ni Rap.

"Is there something wrong, Colt? Problem? Come on, man. Sinasabi namin sayo ang mga problema namin. There's nothing wrong to be transparent sometimes." dagdag ni Desmond sa sinabi ni Rap.

Huminga ako ng malalim.

"How does it feel when someone likes you? Or when you know that someone likes you?"

Biglang natahimik ang buong kwarto.

Tumingin ako sa kanila at nakita ko ang mga nanunuri nilang mga mata.

"Do you confess to someone or has someone confessed to you?" Desmond ang unang nagsalita.

Fùck! Bakit ganito ang sagot ni Desmond? Nagtanong ako sinagot naman ako ng tanong!

"H-huwag niyo nalang s-sagutin."

"I know you, Colt. You are unable to open to us. You cannot tell us what you are feeling. I don't know if you're not comfortable talking about it or maybe you're not used to it. But either of the two things that Desmond said, I'll tell you... it is so fùcking right to have someone like us, and even liking someone is so nice, it is nice and frightening at the same time."

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

A | E

‼️Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga nakilahok sa ating unang week ng ating palaro. Shout out to our winners (Pamela, Ariane, RJ, Jayson, at Rose) at sa hindi nanalo ay marami pang chances na darating. Gusto ko ring magpasalamat sa aking mga engels na laging sumusuporta, sa mga Admins ko na tinutulungan ako lagi, at maraming-maraming salamat sa nag-sponsor para sa ating mga prizes, kuya TJ, thank you po at saka kay ate Rona Joy! Kaya kung gusto niyo ring manalo ng mga exciting prizes ay sumali na kayo sa ating Group Page: Amores Engels

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top