CHAPTER 6

Chapter 6

Colt Pov


As I stepped on the accelerator to its limit, the car's tires scratched the asphalt road. Billows of dark smoke filled the straight and cold asphalt as the tires scraped the pavement. I took a glimpse in the side mirror and found the cars behind us coming up to our speed. The adrenaline rush showered every fiber of my veins as I saw the cars tailing us. The silent night of the road filled with cars roaring, tires stretching on the pavement, and the firing flues of the cars makes the cold and silent night loud.

"Moved and unbuckle your seatbelts now, Johan!" I strongly command him. Dàmn this man! As he batted his eyes at me, he was fucking cemented to his seat.

The straight road in front of us gave me the opportunity to switch our position. I extended my hand to him, asking him to hand me the gun that he pulled earlier from my back.

Nang umalis si Johannes sa kanyang kina-u-upuan agad ko siyang hinila.

"Manuever the steering wheel." saad ko kaagad sa kanya at muli kong inapakan ang accelerator ng sasakyan.

Nang makahawakan na ni Johannes ang steering wheel at naka-upo na siya sa hita ko. Kinuha ko ang isa pang baril sa kanyang kamay at kahit na ipit at masikip ang aming pwesto ay umalis ako sa drivers seat.

Hinubad ko ang suot kong coat at tinapun ko iyon sa likod ng sasakyan.

Naalerto kaming pareho ni Johannes nang magsimula nang magpaputok ng baril ang nasa likuran namin.

Astang bubuksan ko na ang salamin ng bintana nang magsalita si Johan habang ang mata ay nasa daan, seryoso at umiigting ang panga.

"Be careful, beibu."

"If you still want to live there, just do your job there." ani ko dito at binuksan ang bintana.

"I'm serious here, beibu."

"Just drive and I'll finish them."

I swiftly turned my body around, kalahati ng katawan ko ay nasa labas habang ang paa ko naman ay nakatukod na sa kina-u-upuan ko kanina.

I strengthen my arms, firm and solid as my hands holding the double-hand guns' grip. Sunod-sunod akong nagpaputok sa mga kotseng nasa likuran namin. I'm aiming the drivers of their car. Hindi pa ako maayos na nakakatama doon dahil pa-suray-suray ang kanilang kotse, trying to dodge my bullets.

As much as I don't want to waste any single bullets pero hindi ko talaga sila maayos na natatamaan. Sa hood ng kotse nila tumatama ang bala ko. Naubos ang bala ng isang hand gun ko at sakto naman na gumiwang patagilid sa daan ang isang kotse bago ito sumalpok sa barricade ng daan at sumabog.

Naubos ang bala ng double-hand gun ko atsaka naman hingal akong umupo sa shotgun seat.

Sabay kong pinindut ang magazine release, para palitan sana iyon kaso wala nga pala akong extra'ng magazine na dala.

"Fùck!" mura ko at natapon ang wala nang silbi na baril.

"On my dashboard beibu, I have an UMP45 caliber there."

Tumingin ako kay Johan at kinandatan niya ako.

"I got 'ya, beibu."

Inilingan ko siya at saka ko binuksan ang dashboard sa harap ko.

May nakatabon pang papel doon sa armas na dala-dala niya. Kinuha ko kaagad iyon dahil nararamdaman ko na ang paggiwang ng konti at pagyanig ng kotse namin. Hindi na rin balanse ang pagtakbo ng sasakyan namin.

Tinanggal ko ang magazine ng baril na hawak ko at napangisi akong fully loaded iyon.

Muli kong binuksan ang bintana ng kotse at saka ako muling humurap doon sa dalawang kotse na kapwa wala ng mga windshield. Ang kotse naman namin ni Johan ay umuusok na sa likuran. At may naamoy na akong gasolina. Tàngìna.

Pinaulanan ko kaagad ng bala ang mga kotse at isa-isa iyong tumagilid sa daan. Napamura ako sa utak ko nang makita kong may dalawa pang nakalabas sa sasakyan at may mga hawak na G36C rifles. Pùtangìna!

"Dàmmit!"

Napahawak ako sa frame ng bintana ng kotse nang biglang gumiwang ang sasakyan namin.

"What the fùck is happening Johan?"

"The break beibu, fùck! Nawalan ng break ang sasakyan."

Kahit na pinapaaulanan na ng bala ng sasakyan namin ay muli akong umupo.

"Let's fùcking jump from here."

"What?"

Hindi ko na pinansin ang pagwawala ni Johan. Kita kong kahit ano pang gawin niyang apak doon sa break ng sasakyan ay wala na rin iyong saysay.

"I will count from 1 to 3 and let's jump together. You jump on your side, and I'll jump on mine."

"B-beibu."

"It's now or never, Johan. The gas tank is also leaking so whether we jump or not wala na tayong pagpipilian. Sasabog din itong sasakyan anytime now."

Johan's eyes narrowed as he watched me.

I was taken aback when he pulled my nape and crashed our lips together.

"Take care." 

I gulped, brushing off his worried eyes in my mind. 

"Bibilang ako at sabay tayong tatalon. Let's jump together when I say three."

He nodded. Hinanda na rin niya ang kamay doon sa pintuan ng sasakyan.

"1, 2, 3!"

At sabay namjng binuksan ni Johan ang pintuan ng kotse at tumalon.

Napangiwi ako nang unang tumama ang likod ko sa magaspang na saan at sunod akong gumulong ng tatlong beses.

"Shìt!" mura ko nang tumama ang likuran ko sa sementong barricade ng daan.

Ilang segundo lang bago iyong nangyari ay yumanig ang lupang kinahihigaan ko nang sumabog ang kotse namin. Dalawang beses iyong sumabog at nagkapira-piraso ang parte noong sasakyan.

Sa kabila ng pananakit sa katawan ko ay tumayo ako. At nanlaki ang mata ko nang ang dalawang lalaki kanina at malapit na sa kinaroroonan ko... kaso sa iba nakatutok ang kanilang mata.

Sinundan ko kung saan sila nakatitig at nakita kong nakatuon sila kay Johan na nahihirapan sa pagtayo.

Mabilis kong itinaas ang armas na dala ko at tinuon iyon sa kanila. Sa kabila ng init na galing mula sa umaapoy na kotse ay lumakad ako ng dalawang beses at binaril ang dalawang lalaki. Hindi ako pumalya doon at natamaan ko sila sa kanilang katawan.

I heaved and put my hands on my side.

I turned my head to Johan and saw him in shellshock.

Yumuko ako at bumuga ng marahas na hininga bago naglakad patungo kay Johan. Nang malapitan ko siya ay tiningnan ko ang kanyang katawan. Thank God his bones, joints, and limbs are still intact, aside from a few small wounds on his face. 

Napatingin ako sa suot niyang madumi na rin. Tiningnan ko rin ang sarili kong damit at nakita kong marumi na rin ang suot ko.

"Are you okay, beibu?"

"I'm fine. I should be the one asking you if you're fine."

Tumango siya.

"I'm fine."

Tumingin ako sa paligid. Ang tahimik ng lugar. Sa aming kanan ay ang gagubatan tapos ang kabila naman ay naririnig ko ang hampas ng alon sa ibaba. Sa daan naman ay ang kotse naming umaapoy at ang tatlo pa sa likuran at ang mga tao na nakahandusay. Ang dalawa sa tatlong lane ng daan ay hinarangan ng mga kotseng sumabog.

Mula sa aming kinatatayuan ni Johan ay wala akong nakita na kahit na anong establishments o bahay.

Kinuha ko ang telepono ko sa aking bulsa upang humingi sana ng tulong sa mga kaibigan ko kaso nang makita ko ang telepono ko ay basag na iyon at hindi na gumagana.

"Dala mo ba ang cellphone mo?" tanong ko kay Johan.

Kinapa niya ang katawan.

"I... don't have my phone right now, beibu."

I frustratedly ran my palms over my face.

Paano ako ngayon hihingi ng rescue? Walang sasakyan na dumadaan. Walang mga bahay sa paligid o kahit na payhone area. Kahit na meron ay wala ring silbi dahil wala akong barya dito.

Tinalikuran ko si Johan at naglakad papalayo. Walang choice kung hindi ang baybayin itong napaka-habang daan na 'to.

"Beibu! Beibu, wait!!"

Hindi ko iyong pinakinggan at nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Pahirap pa itong kalagayan ko ngayon dahil masakit ang paa ko kanina dahil mali ang paglanding ko.

Tinanggal ko ang ilang butones ng suot ko. Mas pinili kong maglakad dito sa bahagi ng daan kung saan makikita mo ang dagat sa ibaba. Mahangin sa dito.

The moon from the horizon makes me see the wild waves of the sea below. Tumingin ako sa wrist watch ko ay nakita kong alas 11 na nang gabi.

Narinig ko ang yabag ng sapatos ni Johan sa likuran ko.

"Maglalakad tayo beibu?"

Umikot ang eyeballs ko doon. We're obviously walking.

"Obviously."

"Do you know where are we heading to, beibu?"

Mas tinaasan ko pa ang pasensya ko dito kay Johan.

"I don't know."

Iniisip ko pa kung sino iyong mga humahabol sa amin. Iniisip ko pa kung saan kami tutungo ngayon. Iniisip ko pa kung saan kami pwedeng magpahinga ngayon. Iniisip ko pa kung wala na bang nakasunod sa amin. Ralos dadagdag pa siya.

Mas mabuti nang wala na kami sa lugar na iyon dahil baka may back-up pa ang mga iyon. Tiyak malamig na bangkay na kami bukas nito kapag nagkataon.

Namayani ang katahimikan sa amin ni Johan at patuloy lang kami sa paglalakad sa mahabang daan. Ilang minuto na kaming naglalakad at nangangalay na ang paa ko kaso wala pa rin kaming nakikita na mga ilaw o ilaw ng mga bahay.

Kung minamalas ka nga naman.

"Beibu, aren't you tired."

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko si Johan na nakasampay na sa balikat niya ang suot na coat.

"I am."

"Then we can rest." suhestiyon niya na parang may kakapahingahan talaga kami dito sa gitna ng daan.

"Let's just rest for a minute." anito at hindi  na ako makapalag nang hawakan niya ang balikat ko at humarap kami doon sa malaking buwan na siyang nag-iilaw sa amin ngayon.

Malamig na ang gabi pero nakakaya pa naman iyon.

I decided to sit on the road and stare at the bright big moon in front of us. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Johan.

Hindi ko na maalala kung kailan ako nakatitig sa buwan. Nakakapanibago na nakakamangha ang ganda nito. The moon looks so lovely, so friendly, so comforting.

As my eyes behold the moon, the memories of my childhood embrace my mind. Naalala ko tuloy noong bata pa ako na kapag nag-aaway ang mga magulang ko ay umaakyat ako sa bubong ng bahay namin at doon ako humihiga habang pinagmamasdan ko ang buwan. Ito ang nakakapagpapakalma sa akin noon. Ang buwan ang takbuhan ko noon. Siya ang saksi sa mga luhang tumutulo sa mata. Siya ang saksi sa mga sakit na pinagdaanan ko noon. Now that I am staring at it, it feels so nostalgic.

"Beibu?"

Napabaling ako kay Johan.

I hopped when Johan's fingers brushed my cheeks. The pad of his thumb caresses my cheeks.

Doon ko lang napagtanto na tumutulo pala ang luha sa mata ko habang nakatingin sa buwan.

My tears broke out of nowhere.

Tinampal ko ang kamay ni Johan at ako na ang pumunas sa mga luha ko.

"Beibu."

"Beibu."

"Colton, beib--"

"Shut the fùck up!" Galit akong bumaling kay Johan.

Bigla nalang akong nagalit. I hate it. I hate it, because he saw me crying—weak.

Akala ko magagalit siya. Akala ko papabulaan na niya ako kaso tinitigan niya lang ako.

"Beibu--"

"Tigilan mo nang kakatawag sa akin niya'n Johan. Tigilan mo na ako sa kakatawag mo ng ganyan. Nakakarindi! Hindi ko alam kung minumura mo ako o an--"

"Babe..." sapaw niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Dàmn those hazel eyes!

"What?"

"Beibu that means babe." tugon niya sa akin.

"What the fùck," tanging saad ko.

"Aijin that m-means lover."

Pagak akong napangisi. Putangina! So I was calling him a lover when I called him aijin? And all this time he was calling me, babe? Ang tanga ko.

"Nanggagago ka ba sa talaga sa 'kin Johannes?"

"I am not." seryoso niyang wika.

"Really?" sarkastiko kong saad sa kanya.

"Yes." nanghahamon niyang sabi.

"Ginagawa mo akong tanga Johannes. You make me look like a dàmn fool. You're fùcking fooling me!"

Akmang tatayo na ako nang pigilan ako ng kamay niya sa pagtayo.

"Hindi kita ginagago, Colt."

"Hindi? E, ano itong ginagawa m--"

"I like you, Colton." he shut me up!

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

A | E

‼️Hello engels! Para sa hindi pa nakakaalam may pa-games pala ako para sa aking mahal na mga mambabasa (aking mga beh🥰). Kung gusto ninyong manalo ng mga exciting na mga prizes ay sumali na kayo sa ating Group Page: Amores Engels para sa iba pang kaalaman. Iyon lamang at maraming salamat!‼️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top