CHAPTER 4
Chapter 4
Colt Pov
Napahawak ako sa baba ko habang tinitingnan ko ang gamit ko na nasa silid na sa dalawang maleta. I've never known how I ended up packing my things the next morning. I mean when the morning came. Konti lang ang dinala kong gamit. Mostly mga formal wear ko lang at pambahay.
Sa mga nagdaang mga buwan ay naging tahimik lang naman ang buhay ko. The past few months were always the usual plain and boring days of my life. Laging sa trabaho, sa bar, transactions (illegal and legally) tapos uwi sa bahay. Sa bahay ko naman ay tahimik lang din at wala akong kasama. Ayaw ko kasi ng mga kasama sa bahay ko. Kahit kasambahay ay ayaw ko. Gusto ko mag-isa lang ako sa bahay. Siguro dahil doon ako nasanay. Kasi nung may kasama naman ako dati sa bahay lagi namang magulo ang pamumuhay namin. Kaya siguro naging komportable na ako na mag-isa at walang kasama.
Ngayon na nandidito na naman si Johan mukhang guguluhin na niya naman ang tahimik kong pamumuhay. Ewan ko ba sa lalaking iyon. Aalis tapos bigla namang dadating. Tsk! Wala rin naman akong paki doon. Mas mabuti nga siguro na umalis siya at huwag nang bumalik pa!
Umupo ako sa kama at tinanaw ko ang mga maleta.
I heaved a deep sigh.
Hindi ko talaga aakalain na darating ang panahon na aalis ako dito sa bahay ko para lang tumira sa ibang bahay o lumipat sa ibang bahay. I mean, pansamantalang lipat lang. Kung hindi lang naman ginagamit ni Johan ang pangalan ni Lorcan ay di ko siya susundin at di ako papayag sa gusto niya.
Iba ang pakiramdam ko doon kay Johan. Ewan ko kung praning lang ba ako o ano. Basta pakiramdam ko kasi hindi lang negosyo ang pinunta niya dito sa Pilipinas. Pakiramdam ko rin ay hindi lang siya ordinaryong tao. Saka kung ordinaryo lang siyang Hapones na mangangalakal dito sa bansa ay hindi naman niya siguro kailangan ng proteksyon ko kuno!
Napailing ako.
Kagabi. Hindi. Kaninang madaling araw ay nagkasundo naman kami na doon ako titira sa kanya kasi papaano ko nga naman siya mababantayan kung dito ako sa bahay ko tapos siya naman ay nandodoon sa bahay niya o sa ibang lugar. Pumayag na ako sa gusto niya kasi may pera rin, e. Malaki rin magpasahod. Hindi kagaya ng mga kaibigan ko na walang sahod. Puro lang thank you! Kidding! Mahal ko ang mga iyon. Ang konting tulong ko sa kanila ay di matutumbasan ng anumang salapi sa pagturing nila sa aking pamilya. Hindi kami magkakadugong lima. Si Lorcan, Raphael, Laszlo, Desmond at ako ay may iba't ibang lahi, may iba't ibang pinanggalingan, may mga iba't ibang pinaniniwalaan, at may mga paniniwala kaming magkasalungat sa isa't isa pero hindi iyon naging hadlang sa aming pagkakaibigan.
Si Lorcan na siyang tumatayong haligi naming lima ay para na rin naming nakakatandang kapatid. Kaming apat ay may iba't ibang dahilan kung bakit kami napasama sa organisasyon. Si Raphael may sariling dahilan, si Laszlo na takas sa kanilang kaharian ay may dahilan din, si Desmond at maging ako. Para na kaming magkakapatid, nagdadamayan at nagtutulungan nang walang hinihinging kapalit. At katulad ng magkakapatid nagkakaaway din kami pero sa huli ang isa't isa pa rin ang aming matatakbuhan sa oras ng mga pangangailangan.
At sa magkakapatid na ito ako yata ang tumatayong adviser sa mga ugok kong kapatid!
I was snatched from my deep thoughts when my phone ring. I fished my phone inside my pocket and answered the call... coming from... tsk! Johannes!
"Yeah?" tamad kong sagot.
"Are you on your way?"
Ngumiwi ako.
"Nasa bahay pa, litse!"
Narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang linya. Fùck! Kahit na nagtatagawan lang kami sa telepono ay ang sarap din talagang busalan ng bibig ng lalaking iyon. Hindi ko man siya nakikita pero ang sarap niyang tirisin.
"Okay. Want me to pick you up?"
"Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko."
"Okay, take car--"
Binaba ko na ang tawag nang walang paalam at umalis sa kama. Hinila ko na ang mga maleta ko para na rin makaalis na. Tsk!
Papalabas ako ng MV nang makita ko ang boyfriend ni Desmond. Mag-isa lang siyang naglalakad at hila-hila ang kanyang tuta. Ano nga ba ang pangalan ng tuta niyang iyon?
Napangiwi ako nang maalala ko kung paano ako naghirap makahanap sa aso niyang iyon. Ako kasi ang nakita ni Desmond na bumili ng tutang iyon.
Pero wala na yatang nakakatawa pa sa kaibigan kong si Desmond. Nagpabili siya ng tuta sa akin dahil iri-regalo raw niya ito sa kanyang nobyo sa kanilang monthsary. Hindi ko alam na maalam na pala si Desmond sa ganoon. At iyon na nga nagpabili siya pero iyon din naman ang pinagseselosan niya. Tangìna! Sinong baliw ba ang nagseselos sa tuta na walang kamuwang-muwang? Edi si Desmond Bunsen! Ang nakakatawa pa dyan ay nagpagawa pa siya ng kwarto exclusively for his boyfriend's pup! Prrfft! Baliw din! Di lang masolo ang boyfriend dahil sa aso pinagawan na ng kwarto!
"Hey!" hininaan ko ang takbo ng kotse ko nang maabutan ko si Finnick.
Ngingiti-ngiti pa ito habang naglalakad at kinakausap niya rin talaga ang kanyang tuta!
"Hello po kuya Colt!"
Siya lang ang hinayaan kong tawagin akong kuya! Hindi ako makahindi dito, e. Baka magsumbong pa sa nobyo niyang hindi raw seloso at magpagkanya, prrftt!!
"Saan ka pupunta Finn?" tanong ko dito at sinabayan ko ang maliit niyang lakad sa pagtakbo ng kotse ko.
Tinuro niya ang labasan ng MV.
"Dyan lang kuya Colt. Bibili lang ng nakakain."
Tumango ako.
"Teka kuya Colt tumigil ka muna."
Hininto ko ang kotse ko kagaya ng sinabi niya. Tumaas ang kilay ko nang kargahin niya ang kanyang tuta at ilapit sa akin.
"Kuya ito na pala ang tuta na binili mo. Hehehe! Ang cute po diba?"
Napangisi ako.
"Yeah." Tsk! Nakalimutan ko ang pangalan nitong tuta niya!
"Mag-hi ka kay Kuya Colt, baby Det-Det!"
Fùck! There! It's Det-Det pala!
Finnick was really a cute boy without even trying. Baka dito nahulog ang baliw kong kaibigan!
Tumahol naman ang tuta niya.
"Sa tingin mo kuya Colt lumaki na ang baby namin ni Desmond?"
Muntik na akong masamid doon sa sarili kong laway. Fùck! B-baby? Baby nila ni Desmond? Holyshìt!
"B-baby?"
"Uhm! Baby po namin ni Desmond si Det-Det, kuya Colt."
"Wow!" Manghang usal ko.
Anak pala Desmond, ha. Prfft! Anak pero pinagseselosan ng baliw kong kaibigan. He's really fùcking whipped! Dàmn whipped!
"Y-yeah, lumaki na ang b-baby ninyo."
Natagalan ako sa kakausap ko kay Finnick. Talagang na-a-aliw ako doon sa boyfriend ni Desmond. Ang dami niya kasing nasasabi. Puro ka inosentihan niya pero talagang ma-a-aliw ka.
Kaya habang patungo ako sa bahay ni Johan ay nakangiti ako dahil hindi matanggal sa isip ko ang mga pinagsasabi ni Finnick tungkol sa kanila ni Desmond at sa baby Det-Det nila. HAHAHA!
"Beibu!"
Umasim kaagad ang mukha ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Johan pagkalabas ko sa aking sasakyan.
Hindi ko siya pinansin doon. Nagkunyari akong di ko narinig iyong tawag niya sa akin.
"Ang room ko?" tanong ko sa kanya.
Pero dahil matibay din itong si Johan. Hindi rin pinansin ang tanong ko sa kanya.
"What took you so long? Papunta na ako sa MV sa tagal mo."
Inismiran ko siya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako doon sa accent niya sa tuwing magsasalita siya ng Tagalog. Magaling naman kasi siyang magtagalog. Sadyang may tunog American lang doon.
Kinuha niya sa kamay ko ang isang maleta na dala ko. At nauna na tungo sa main door.
"Wala ka doon kung bakit ako natagalan."
Pagkabukas niya sa pintuan ay tumabi siya at giniya ang kamay na papasukin ako.
Inirapan ko lang siya.
Pagkapasok ko sa bahay niya ay napatango ako. Okay, aminin ko na. Maganda ang bahay niya. Inside, the house was painted black and white. On the right side, we can find the wide living area with long windows covered with thick white curtains. May hagdanan din na patungo sa second floor. Alangan nama'g sa langit! And on my side was the wall made with transparent glass at makikita mo ang garden doon at ang malaking swimming pool. In front of me was the wide hallway.
Maganda ang bahay ni Johan. Makakatipid ka sa kuryente dahil nililibre na nang sinag ng araw ang bahay na ito. Puro salamin ba naman ang dingding!
"You like the house?"
Muntik ko nang masuntok si Johannes nang magsalita siya sa likod ko. Pùnyetà! Wag na wag talaga akong ginugulat nitong Johannes na ito kung hindi ay natatamaan talaga ang lalaking ito sa akin!
"Gagò! H'wag mo akong ginugulat!"
Ngumisi lang siya sa akin.
"Come on, let me show you your room."
Wala akong imik na sumunod sa kanya patungong second floor.
"Wala kang katulong?" tanong ko sa kanya nang makarating kami sa ikalawang palapag ng bahay.
Ang walang kwentang chandelier niya ay kitang-kita mo talaga ang mga kristal noon mula dito sa second floor. Tsk!
"No. Kakarating ko lang kagabi dito sa Pilipinas. And I immediately go to your house, but don't worry beibu, I'll try to call some agency to find a reliable and generous house keeper."
"H'wag na." tugon ko sa kanya na naka-ani nang isang tingin mula sa dito.
"Why?"
"I... I prefer it like this. I hate too many people."
Well, one, two, or even ten people won't crowd this huge house but I really don't like a house na may ibang tao. Aside sa mga kaibigan ko at mga boyfriends nila, sa kanila lang ako komportable. Piling-pili ang mga taong naging komportable ako. One of the reasons why I'm hesitant to take this job and of course the other reason was... the awkwardness, I guess?
"Beibu."
Napailing ako.
"Ahm, bahay mo 'to. You decide." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Wherever you're comfortable beibu, doon ako."
Nakuyom ko ang panga ko.
"T-thank you, Jo—A-aijin."
Mabilis na tumaas ang kilay ko nang makita kong gumuhit ang ngisi sa mga labi ni Johan bago tumalikod.
What the fùck? Did I say something wrong? Something funny? Bùllshìt! Pinagtatawanan ako ng Amerikanong Hapon na ito!
Pagkabigay sa akin ni Johannes sa kwartong tutuluyan ko, iniwan niya naman ako doon para makapag-arrange ako sa gamit ko. Actually, there are a lot of rooms in this house.
Mula pagkapasok ko dito sa bahay ay lihim ko talagang pinagmamasdan ang bawat anggulo ng bahay, ang bawat muwebles na nakasabit at ang mga bagay na naka-display. Isa lang ang masasabi ko, mayaman ang Johannes na ito. Kaya siguro may mga taong naghahabol dito dahil sa yaman niya. Mula sa simpleng painting na minsan ko nang nakita pero hindi ko lang talaga matandaan kung saan. Sa illegal na auction ko ba iyon nakita o sa legal na auction. Sa dami ba naman ng auction na nadaluhan ko ay maaalala ko pa mga iyon? May mga antic na nakasabit sa dingding at pati na nga rin ang chandelier niya kanina ay napansin kong tunay na mga crystal ang mga iyon. Dàmn! It may worth billions.
Misteryoso talaga sa akin si Johannes. Mabilis din kasi ma-iba ang kanyang ugali. Iyong pinapakitang nga tawa at ngisi niya sa akin ay wala akong tiwala doon. I have seen him when he was so serious before. He seems like Lorcan. Like what I have said before, he has the same aura as Lorcan. Well, we cannot judge people lalo na kapag kakakilala lang natin dito. Yet, I really sense something with Johannes.
Who the fùck are you, Johannes Dwyer? Is he a mafia boss as well? A mafia lord? And of all people, why the fùck is he after me? Bakit ako ang napili niyang magprotekta sa kanya? Nakakaduda rin kasi na dahil lang kaibigan niya si Lorcan at ako ang nirekomenda nito ay ako na ang kukunin niya.
---
"Beibu, what food do you prefer for dinner?" tanong sa akin ni Johannes nang dumating ang gabi.
Naabutan ko siya dito sa kusina na naghihiwa ng mga sangkap sa kanyang lulutuin. Nakatulog ako sa kwarto nang di namamalayan at nang magising ako ay gabi na pala at nauhaw ako.
"You can cook?" tanong ko at kumuha ng baso sa glass rack na nasa tabi ng malaking ref.
"Yeah."
"Filipino foods?"
"Japanese, Thai, Hawaiian, you name it. I can cook anything for you, beibu."
Umirap ako. Masarap na sana ang tulog ko kaso bubungad naman sa akin itong hambog na ito! Ang feeling!
Nagsalin ako ng malamig na tubig.
"Ikaw na ang bahala basta walang lason." pagbara ko sa kahambugan niya at uminom nang tubig.
"Nice, so I can add some love-potion, then?"
Nasamid ako sa iniinom ko dahil sa bigla-ang sinabi ni Johannes. Pumasok iyon tubig sa ilong ko at pumitik ang sakit noon sa ulo ko.
Pùtàngìna!
Naubo ako.
"W-what the fuck!"
"I'm sorry beibu. I was just kidding you."
Natauhan ko nang maramdaman ko ang kamay ni Johan sa aking baba na pinupunasan ang nasamid kong tubig.
He was holding my chin while wiping off the water on my chin, neck, and chest. I was too stunned to speak nor to push him. I was like a fùcking statue in front of him. I just let Johannes hold me and wipe off the water on my body.
Nakatitig lang ako kay Johannes na seryosong-seryoso akong pinupunasan. Nawala ang kaninang galit at inis na naramdaman ko sa kanya.
I wanted to punch my face when my eyes landed on his sealed lips. I once tasted those.
"Johannes." I called him out of nowhere, in the midst of my chaotic mind.
Tumigil siya sa kakapunas sa akin gamit ang tissue paper pero ang isang kamay ay nanatiling nakahawak sa baba ko.
He locked his gaze on mine for a moment, and I heard my heart skip a beat! His eyes traveled from my eyes down to my nose and then landed on my lips.
"Gomen ne, beibu." paos niyang saad bago humawak sa likod ng ulo ko at walang sere-seremonyang sinunggaban ang labi kong naka-awang.
***
Thank you for reading, Engels!❤🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top