CHAPTER 3
Chapter 3
Colt Pov
"Lita, h'wag ka namang umalis ng ganito. Maawa ka naman." Pagmamakaawa ni Daddy kay Mommy.
Umiiyak ako habang tinitingnan si daddy na kino-convince si Mommy na h'wag umalis. Mommy was packing her things in the large bag while Daddy was on her side and begging her to stay with us—in our home.
Mula nang magkamulat ako sa mundo lagi ko nalang nasasaksihan ang ganitong bagay—ang mga ganitong pangyayari. Minsan kahit nga sa kalagitnaan ng gabi ay nag-aaway sina mommy at daddy dahil sa pera. Nag-aaway sila dahil walang maayos na trabaho si daddy at mahirap kami.
Para sa akin ayos lang naman ang buhay namin. Nakakain naman kami sa tamang oras araw-araw. Nakakabili naman kami ng pangangailangan namin sa araw-araw. Kaso si mommy. Mukhang kulang pa ang lahat. Laging pinapamukha ni Mommy kay Daddy na siya ang bumubuhay sa amin, na ang pera niya ang bumubuhay sa amin.
"Anton! This is not the life that you promised to me! The six years of enduring a life like this was enough. Hindi ko na kaya Anton! Uuwi na ako sa pamilya ko!"
Mommy once told me that she lived in a big house before. She said that her life before was way more comfortable and luxurious than our life right now. I really don't understand that thing. I don't know what a comfortable life is. I don't know what she meant when she said luxurious. I just listened to her and pretended that I knew the things she spouted.
A young boy who wakes up to an ordinary and simple life because he was born in this world in that way will never know the difference between a hard and a comfortable life.
"Lita bigyan mo lang ako ng panahon. Naghahanap naman ako ng trabaho e, para sa atin."
Nakita kong hinawakan ni Daddy ang braso ni Mommy kaso winaksi lang ito ni Mommy at tinulak si Daddy.
Sa palagi nilang pag-aaway ay ngayon na yata ang pinaka grabe. All of these make me wish I could hide and cover my ears.
May nakikita akong ibang bata na katulad ko. May mga ka-edarang mga bata ako pero hindi ganito. Hindi ganito ang pamilya nila. Hindi nag-aaway ng ganito ang kanilang mga magulang. Minsan nga napapa-isip nalang ako. Kung ano kaya ang buhay ko kung may pera kami. Ano kaya ang buhay namin kung may trabaho si daddy? Ano kaya ang pakiramdam nang hindi nag-aaway ang mga magulang sa araw-araw.
Sa mga away nila mommy at daddy ang lagi kong naririnig na dahilan ay pera. Pera. Pera. Iyan lagi ang puno't dulo ng kanilang away. At ngayon mukhang hindi na talaga kaya ni Mommy.
"My god, Anton! Ilang beses mo na 'yang sinabi sa akin? Maghahanap ng trabaho. Maghahanap ng trabaho! God! Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na mo iyang sinasabi Anton pero ano 'to?!"
Nanatili lang ako dito sa labas ng kwarto nila ni Mommy. Nakahawak ako sa bastidor ng pintuan at lihim na umiiyak. Wala kasi akong magawa, e. Hindi ko naman kayang pumagitna sa kanilang dalawa.
"Aalis ka talaga? Paano na ang anak natin Lita? Paano na si Colt?"
Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko habang nakamasid kina Mommy at Daddy. Napatingin sa akin si Mommy at malungkot niya akong binigyan ng ngiti.
"Aalis ako Anton! Aalis ako at dadalhin ko ang anak ko." saad ni Mommy at tinulak na naman si Daddy.
Wala akong magawa nang dalhin ako ni Mommy at ilayo kay Daddy. Nangako naman sa akin si Daddy na dadalawin niya ako at magkikita kami.
"Halika ka na Colt!" sigaw ni Mommy na nakasakay na sa isang taxi kasama ang mga gamit namin.
"Dadalawin kita anak."
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko. Sa kabila nang malakas na hangin na nanggagaling sa aircon ay tumatagaktak ang pawis sa dibdib at sa noo ko. Hindi kasi ako nagsusuot ng t-shirt kapag natutulog. Mas komportable akong naka-pants lang or loose pajama. Pumikit ako ng mariin at sumandal sa headboard ng kama ko.
Inabot ko ang switch ng lampshade sa gilid ko at binuksan iyon. Agad ko namang inabot ang bote ng whiskey na nangangalahati na at nagsalin sa baso. Hindi ko alam kung normal pa ba na nakaka-ubos ako ng isang bote ng alak sa isang gabi para lang makatulog ako ng maayos, brandy, beer, whiskey or any alcohol will always do. Hindi kasi ako nakakatulog ng walang alak.
Inisang lagok ko ang isang basong alak na sinalin ko at nagsalin ulit.
Hindi ito ang unang beses na nanaginip ako sa aking mga magulang. Simula nung lumayo ako sa kanila ay lagi ko na itong dala-dala. I'm twenty-nine, yet I'm still hunted by the dark memories of my past—of my childhood. Twenty-nine years of living in a nightmare. A nightmare that I wanted to erase and forget.
Malaki na ang nabago sa buhay ko. Or should I say, nagbago na talaga ng tuluyan ang buhay ko pero hindi kasama doon ang mga alaala ko. Mahirap kalimutan ang bagay na pilit mong kinakalimutan. The more that you want to forget it, the more it ran after you.
Fake friend na ba ako nito kapag sinabi kong pilit akong nagpapakita ng kalakasan kapag kasama ko ang mga kaibigan ko? Hindi na ba ako tunay na kaibigan kapag sinabi kong pilit akong nagpapatatag kahit na sirang-sira na naman talaga ako? Hindi na ba ako tunay na kaibigan kapag sinabi kong pilit akong nagpapakita ng saya at kakulitan kahit na sa loob-loob ko ay nagdudusa ako sa nakaraan ko? At magpa-hanggang ngayon?
Masaya naman akong natulog ngayon. Masaya akong natulog dahil walang nangyaring masama sa boyfriend ni Desmond, si Finnick.
Uminom ako sa alak ko at napangiti ako nang maalala ko ang boyfriend ni Desmond. My asshòlè of a friend finally found his love. Magkaibang-magkaiba sina Finnick at Desmond lalong lalo na sa mga pag-uugali nila. Si Finn napaka-inosente, masasabi kong hindi talaga iyon nakakabasag ng baso sa sobrang kainosentihan. Inosente at ignorante si Finnick kaso hindi iyon nakakairita. Sa katunayan nga ay iyon yata ang nakaka-attract sa kanya. Ibang-iba kay Desmond na walang hiya! At makapal ang pagmumukha. Pero sa kabila noon nagulat akong nagkakaintindihan sila. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Desmond pero hindi ko talaga ma-imagine kung ano ang samahan nilang dalawa.
Ang ngiti ko ay unti-unting napalitan ng lungkot. Ngayon ay unti-unti nang nagkakaroon ng sari-sariling buhay ang mga kaibigan ko—ang mga kaibigan ko na tinuring kong pamilya. Si Lorcan wala na. Si Laszlo naman umuwi na sa Greece. Ang walang hiya ring iyon akala ko, magka-kaibigan kami pero umalis ng walang paalam. Lintek! Tapos si Rap, akalain mo nga namang marunong din pala iyong magmahal. Akala ko kasi wala na siyang emosyon na natitira sa kanyang sarili. At ngayon si Desmond naman.
Masaya ako sa kanila. Masaya ako kaso may lungkot. Kasi pakiramdam ko maiiwan na naman ako. I know my friends will always be there pero iba na rin kasi. Heto na naman ako sa pakiramdam na maiiwan na naman ako kagaya noong nangyari sa mga magulang ko. Ako na naman ang maiiwan ng mag-isa.
I shook my thoughts aside and drank from my glass pero wala na pala iyong laman. Magsasalin na naman sana ako sa baso nang makita kong wala nang laman ang bote ng alak.
Sighing, tatayo na sana ako para kumuha ng ibang alak nang may marinig akong kaluskos galing sa veranda ng kwarto ko.
Hinagilap ko ang pistol na nasa ilalim ng unan ko. Nakasanayan ko ng may dalang baril o anumang hand gun kahit saan ako. Simula noong pinasok ang mundo ng mga mafia ay hindi na talaga mahiwalay sa akin ang mga baril. Parang magkaugnay na iyon sa buhay ko.
Kinasa ko ang pistol at saka dahang-dahang tumungo doon sa veranda. Mabilis kong hinawi ang makapal na kurtina kasabay ng pagtuon ko sa baril doon pero wala namang tao sa veranda.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko yata maalala na may nakapasok na magnanakaw dito sa MV. Hindi naman lumuwag ang security dito ni Rap.
Tumalikod ako at babalik na sana sa kama nang may kaluskos na naman.
Tinuon ko na ang baril ko at unti-unti kong in-unlock ang sliding door tungo sa labas, sa veranda.
Nang makalabas ako ay tinuon ko ang baril ko sa kaliwa pero wala namang tao. At itutuon ko na sana ang baril sa kanan nang may kamay na sumangga sa braso ko at mabilis ang galaw ng kamay nito sa pistol na hawak ko. Kikilabitin ko na ang trigger pero huli na nang makita kong mahulog ang magazine ng pistol na hawak ko.
"Tangìnà! Who the fu--"
"Beibu," paos na garalgal ng lalaki na nakahawak sa kamay ko na may hawak sa baril.
Nakatuon na ang muzzle noong pistol ko sa dibdib niya at nagkalapit na ang katawan namang dalawa.
Matangkad man siya ng kaunti sa akin pero nagkakapantay pa rin ang mga titigan naming dalawa.
"J-johan?"
"Aitakatta, beibu."
Naitulak ko siya nang makabawi ako sa gulat ko at hinablot ko ang kamay ko sa kanya.
"What the hèll are you doing here?"
Tumalikod ako sa kanya at pumasok sa kwarto ko. Isasara ko na sana ang sliding door kaso hinarang na ng paa niya ang pintuan saka sumunod sa akin papasok.
"I miss you."
Mangha ko siyang nilingon at tinapon ko ang baril sa kama na wala nang bala. Nakita kong nasa kamay niya ang magazine.
"Miss me?"
"Ai."
"Fùck you!" Malutong kong mura sa kanya.
"As much as I want to, beibu, you smell like alcohol. I won't fùck you again if you're under the influence of alcohol."
Maarte!
"Tsk! Papaano mo nalaman ang address ko? And what's with climbing on my veranda?"
"I have my ways of knowing beibu. Saka, nahatid na kita dito sa bahay mo, beibu. And about the climbing thing? Raphael Marcet already knows that I'm going to climb on your veranda."
Doon ako napamura.
"Okay." walang gana kong tugon sa kanya at tinuro ko ang pinasukan niyang pintuan. "Ngayon na naka-akyat ka na dito ay umalis ka na. Tutal naman ay dyan ka dumaan sa veranda. Dyan ka na rin bumaba. Talunin mo kung pupwede."
Hindi ba niya alam kung anong oras na? It's fùcking 2am and here he is, disturbing my night. Mas pinapasama niya pa ang paggising ko.
"You still have a responsibility to guard me."
Umismid ako doon at lumapit sa kanya. Tumaas ang kilay ko nang lumakbay ang mata niya sa katawan ko. Napatingin tuloy ako sa topless kong katawan.
"Natutulog kang topless?" Bigla niyang tanong.
"Wala kang paki kung anong hitsura ko kapag tulog Johannes. Ang akin ay umalis ka dito sa pamamahay ko bago kita i-reklamo ng tresspassing. At saka guarding you? Tsk! Ang bilis nga ng kamay mong i-unload ang bala ng pistol ko. Tapos manghihingi ka ng po-protekta sayo? Ako ba ang ginagago mong singkit ka?!"
He sighed.
"I seriously need a guard, beibu. I... I will not come here if I do not."
Kinunutan ko siya sa noo ko. Malapit na akong maniwala sa singkit na ito!
Nilagay ko ang kamay ko sa baywang ko. "But you can protect your own self, Johannes. My two eyes witnessed it!"
"I may be good at close combat beibu, but when it comes to long range and handling guns and ammo, I'm not really into that. I cannot look for myself every time since I have a job. That is why I need you, beibu."
Inismiran ko siya ulit.
"Kung kailangan mo ng proteksyon. Doon ka nanghingi sa NBI or sa mga security agency, Johannes."
"I... I don't trust Filipinos that much, beibu. That is why I need you. Hindi rin naman ito matagal."
Ayaw ko talaga sanang pumayag sa gusto ng singkit na may amoy amerikanong pangalan na ito. Kaso ginagamit niya sa akin ang pangalan ni Lorcan. Alam niya sigurong mahina ako doon kasi malaki ang utang na loob ko doon sa kaibigan ko na iyon.
Tiningnan ko si Johannes na nakaupo sa bar stool. Nandidito kami sa kitchen ng bahay ko ngayon. Napapayag niya ako kasi pinangako niya rin naman na hindi rin daw ito magtatagal.
Hindi naman talaga sa ayaw kong bantayan si Johannes. Ang akin lang kasi ay... pùtangina! Naaalala ko kasi ang gabing pagkakamali namin.
Alam kong sobrang tagal na noon kaso di ko pa rin iyon makalimutan. Isang gabing na parang nagpabaliktad sa mundo ko. Isang gabi lang nangyari pero hanggang ngayon ay alaala ko pa rin.
Tapos nang magkita ulit kami bigla na naman siyang umalis sa bansa ng walang paalam. At bumalik matapos ang halos isang taon. Tapos kung makabalik ay akala mo di siya nawala ng matagal.
"Let's talk about our set-up. I mean, my work as your guard now, Johannes."
Umungot siya.
"Huwag mo na akong tawaging Johannes, beibu."
"Ano bang gusto mo? Ang dami mong satsat, ha." inis kong wika sa kanya.
"What I mean is, Johannes was too formal for me. You can call me Johan or Aijin."
Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Aijin?"
"Mmm." walang biro niyang tugon.
"O-okay... A-aijin."
***
Thank you for reading, Engels!🥰❣
Pasensya na pala at natagalan ang update, hehehehe! Mahal ko kayo sagad!😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top