CHAPTER 26
Chapter 26
Colt Pov
Akala ko madali lang. Akala ko kapag tinulak ko na siya papalayo sa akin ay matutunan ko kaagad na hilumin ang sugat ng nakaraan ko. Pero hindi pala, hindi pala ganon kadali ang bagay na iyon. Nagsisimula palang pala ang lahat sa paglayo ko kay Johannes ang tunay kong laban.
I find it hard to sleep thinking of how he is right now. Dumagdag sa insomia ko ang pag-iisip ko sa kanya. Nakauwi na ba siya sa Japan? Maayos na ba siya? Galit ba siya dahil tinulak ko siya papalayo? Galit ba siya kasi nakipaghiwalay ako sa kanya?
Johannes didn't give me his answer nang sinabi ko dito na maghiwalay na kami. Ang gago ay matigas din ang ulo. Akala niya siguro kasi na kapag di siya pumayag ay di ko magagawa ang nais ko pero nagkakamali siya. I do, what I think is a must during that time.
But in all honesty, that decision was very hard. It was very hard to push your lover away from you. But it is still up to you to choose what's best for both of you.
Ever since Johannes came into life. Aminin ko man o hindi naging panatag ako sa araw-araw. Naging panatag ako na ay tao na nakakaintindi sa akin. Na may tao nang di ako kayang iwan. Despite of what Johannes did. Despite the using phase of me. Nanaig pa rin sa akin ang bagay na kaya niyang gawin na di hindi kaya ng iba... lalo na ng mga magulang ko.
Galit na galit ako sa kanya pero mahal ko siya. Gusto ko siyang burahin sa isip ko ang mga pinagsamahan namin pero alam ko naman na ang mga panahon na magkasama kami ay ang panahon na nagpapakatotoo ako sa naramdaman ko. Iyong panahon na magkasama kami ay ang panahon na tunay akong naging masaya.
Kapag kasama ko siya nakakalimutan kong mafia underboss ako. Kapag kasama ko siya naging si Colton Pauling ako. Hindi ang Colt na laging nagkukunwari at ngumingiti kahit na nasasaktan na.
Huminga ako nang malalim at ihihiga ko na sana ang katawan ko sa lounger nang marinig ko ang hiyaw ni Finnick mula sa pool!
"Huwah! Desmond ko!!!" Ang hiyaw ni Finnick nang sinubukan ni Desmond na bitawan ito sa 5 ft na lalim na pool.
Nagkukumahog sa pagkampay ang dalawang kamay ni Finnick sa tubig. Nilapitan ito ni Desmond at binuhat.
Yumakap ang dalawang braso nito sa leeg ni Desmond. Halos masakal na nito ang leeg ng kaibigan ko sa higpit noong pagkakayakap niya.
Humagalpak ako ng tawa. Pero nang lingunin ako ni Desmond ay tinikom ko naman kaagad ang bibig ko. Ang sama ng tingin niya. Tumawa lang naman ako sa lagay ni Finnick. Parang nakainom na ito ng ilang timba ng tubig, e.
"I thought you wanna learn how to swim?" Binalingan ni Desmond ang nobyo na naiiyak habang yakap-yakap siya.
"Gusto ko pero di ko sinabi na bitawan mo ako, Desmond ko." Nakanguso nitong wika.
"Then, papaano ka matuto kung aalalayan lang kita palagi?"
"Hmp!"
Napailang ako. Sinama nila akong dalawa dito sa swimming lesson nila. Akala ko naman kung ano na itong tinawag ni Desmond sa akin nang madaling araw. Swimming lesson lang pala.
"Balik tayo sa mababaw. Iyong abot ng paa ko ang sahig." Ngumungusong sabi ni Finnick sa kaibigan ko.
Walang angal naman si Desmond na sumunod dito at nagsettle sila sa 3 ft na lalim ng pool.
"Kaya ko na dito, Desmond ko. Bumalik ka na kay Kuya Colt." Pagtutulak niya kay Desmond dahil hanggang kili-kili na niya ang lalim niya lang ang tubig. Tsk!
Naghire naman ng swimming instructor si Desmond kaso di palang dumating. Talagang masyado lang siguro kaming maaga dito.
Umahon si Desmond sa pool kaya naman binato ko dito ang isang towel na dala nila. Mukhang alalay ako dito ngayon.
Tsk! Imbes na tumunganga ako ngayon sa opisina ko ay nandidito ako at nakiki-thirdwheel sa kanila.
Madaling nasalo ni Desmond ang towel at nagpunas sa katawan niya. Umupo siya sa pinakamalapit na lounger sa akin at inabot ang bottled water.
"Ayaw mong lumangoy?" tanong nito matapos uminom sa kanyang bottled water.
Tiningnan ko ang suot ko. Naka-slacks ako, naka-button shirt at sapatos.
"Nagdala ako ng extra na damit panligo in case na gusto mo."
Umiling ako.
"Nah, I'm good. Kontento na akong manood sa inyo ni Finnick." Natatawa kong untag.
Tumaas ang kilay ko kay Desmond nang irolyo niya ang towel na pinangpunas niya kanina sa katawan niya at saka ito pinitik sa akin.
"Tangina!" mura ko nang humagapak sa braso ko ang towel. "Ano ba Desmond? Nagmamagandang loob na nga akong maki-thirdwheel sa inyo! Tapos ako pa ang masasaktan?"
"H'wag mong pagtawanan ang Habibi ko!"
Napamaang ako dito.
"Motherfucker! Natatawa lang ako dahil ang cute niya tingna—Ahh! Fúck!!!" Umalingaw-ngaw ang boses ko sa buong poolroom dahil muli na naman akong hinampas ni Desmond ng towel.
"Desmond ko!" sabay yata kaming dalawa ni Desmond na napabaling kay Finnick. "Wag mong awayin si Kuya Colt."
Napangisi ako sa sinabi nito habang ang kaibigan ko naman ay pinanlakihan ako sa mata niya. Like I care. Hindi siya si Raphael.
Nagiging isip bata na itong kaibigan ko habang tumatagal! Tumatanda na pero nagkakakisip bata ang utak!
"Finnick dapat matuto ka sa backstrokes at butterfly stroke, ah. Huwag ninyong sayangin ang oras ko dito."
Lumapad ang ngiti ni Finnick.
Ngumiti nalang din ako.
"Oo po!" anito at umusong sa babaw na parte ng pool! HAHAHA!
Napatango ako dito at bumaling kay Desmond kaso nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko itong seryosong nakatitig sa akin. Nawala ang dapat kong sabihin sa kanya dahil sa mga titig niya sa akin.
"Tutusukin ko 'yang mata mo, Desmond." untag ko.
"I'm just glad."
Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya.
"You're smiling again. You're smiling genuinely again after he left in your life." Puno niya.
Gusto ko siyang itama na ako ang umalis sa buhay ni Johannes at hindi ang huli.
Umawang ang labi ko sa kanya. Babarahin ko na sana siya nang hangin lang ang lumabas sa bibig ko.
Pinakiramdaman ko ang puso ko. Sa sandaling iyon ay parang ang naririnig ko lang ay ang tubig sa pool na ginugulo ni Finnick at ang malalalim kong hininga.
Gusto kong supuhin si Desmond. Kaso totoo naman ang sinasabi niya. Talagang totoo naman ang pinapakita kong ngiti sa kanila.
Yes, I may be smiling again. I may feel at ease right now, but within me, I'm still broken. I'm not really fine. I'm not yet over it.
It's been months. It's been months since I last saw him—since I last saw his flesh. It's been months since I last held him. It's been awhile since I last talked to him. It's been months since I told him that I still need to fix myself and pick up the broken pieces of myself. Yet, until now, I'm not yet done picking up the pieces of myself and finding the pieces of myself.
I'm happy that Desmond tried to help me. Alam ko naman kasi na kahit hindi nila sabihin sa akin ay ginagawa nila ito upang lumabas ako ng bahay at opisina at makapagpahinga.
Simula kasi noong binisita ko si Johannes ay sinusubukan kong abalahin ang sarili ko. Hindi ako nagtitira ng oras para makapagpahinga kasi pumapasok sa isip ko si Johannes. Ang hirap.
I know Desmond is secretly helping me to heal, to smile and recovered. Yeah, recovered.
Ayaw kong bitawan si Johannes. Ayaw ko pero iniisip ko kasi na kapag di ko siya bibitawan. Mahahawaan ko siya sa pagiging toxic kong tao. Mahahawaan ko siya sa problema ko, sa mga sugat ng nakaraan ko. I will only drag him down kapag pinagpatuloy ko ang relasyon naming dalawa.
Nang ginawa ko ang desisyon na iyon. Nang sabihin kong itigil na namin kung anuman ang meron kami. Hindi lang sarili ko ang inisip ko. Pati siya ay inisip ko. Iniisip ko rin ang kalagayan niya. Kaya sana ngayon ay naayos na rin niya ang kung ano man ang gusot nila ng pamilya niya at gulo.
I sighed.
"Balikan mo na si Finnick." sabi ko dito.
"Have you talk to your parents?" tanong lang nito sa akin.
"No,"
"But they're asking 'bout your whereabouts."
"Natatakot kasi ako."
"Scared of what?"
I shrugged. "I don't know. Siguro dahil kahit na magkakausap kami alam kung wala pa rin. Hindi na mabubuo ang pamilya namin."
"But at least talk to them, hear them out. And try to forgive them."
"Naging uhaw kasi ako, Desmond sa pamilya. Naging uhaw kasi ako sa pagmamahal. Naging uhaw kasi ako sa atensyon. At binabangungot pa rin ako sa panahon na iniwan nila ako. Sobra ang takot ko noon, Desmond. Kahit kasi nag-aaway ang sila Daddy at Mommy noon, sheltered pa rin ako, at noong sabay silang nawala sa akin. Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang sarili ko. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako sa susunod na oras, araw, linggo o aabot pa ba ako ng buwan sa lansangan."
Tumingin ako kay Desmond. Nanlalabo ang mata ko.
"I'm physically fine, Desmond. You can see me smiling. You can see me being an asshole and arrogant. But... I'm emotionally wounded. I don't know how to mend this. Maybe this is the missing piece of myself that I'm still finding kaya di pa ako nakakaahon."
"Every one has its own predicament, Colt. We don't know if that predicament is an omen to make us strong or to prepare ourselves for more hardships in life. But one thing is for sure: we are the writers; we are the authors of our own story. Our challenges, our struggles, and our wins and losses in every fight in our lives will fuel us for what we are in the future." Bumaling siya kay Finnick na parang naglalaro nalang sa tubig.
"Kung noon sumuko ako at di ko pinaglaban si Finn," tumingin siya sa akin. "tingin mo ganito ako kasaya ngayon? Kung hindi ko pinatawad at kinausap ang mga magulang ko. Magiging totoo ba akong masaya ngayon? Of course not, dahil paulit-ulit lang natin iisipin ang noon kaysa sa ngayon. Letting go of our past doesn't always mean we're leaving it. It may also mean accepting them and embracing them as part of who we are right now."
This scoundrel. This philandering friend of mine really did change. Love changed him. Finnick change him. Iyan ang nakikita ko sa kanya.
Magsasalita na sana ako nang umalingawngaw sa buong poolroom ang matalis na boses ng nobyo ni Rap, si Mr. Hernane.
"Student!!!"
Dareen was waving his hands vigorously on Finnick while my friend, Rap, was tailing him and a duffel bag was hanging from his shoulder.
Si Finnick na lumulusong sa tubig ay napaahon doon.
"Hala!" Napatakip pa ito sa kanyang bibig. "Teacher Dareen!"
Dammit! How could this boy be so cute? I mean, even if he is just standing there and do nothing, he is naturally cute.
"Student? Teacher?" Tumingin ako kay Desmond. "Kailan pa naging guro ni Finnick si Dareen, Desmond?"
Kita ko ang pagbuntong hininga ni Desmond at sinamaan ako ng tingin.
"Ikaw ba ang nag-imbita sa kanila dito?" Pag-iiba lang nito sa usapan namin.
Umingos ako. "Damay-damay na kami dito."
Napatalon ako nang binagsak ni Rap ang duffel bag sa tabi ko at kinuha ang bottled water ko na di ko nabubuksan.
"Di na dapat kayo pumunta dito, Rap. Nagpapaniwala ka kay Colt, e." bungad ni Desmond kay Rap na masama yata ang gising.
Umupo ito sa isang lounger.
"As much as I don't want to, but when my baby heard na nandidito si Finnick ay naghanda kaagad siya para dito."
Confirmed! Masama ang gising!
"Linggo pala ngayon. Supposedly alone time ninyo, 'no?" ani ko.
"Yeah, our baby time."
"And daddy time?" tukso ko kay Rap.
Natawa ako nang mabuga ni Rap ang tubig na iniinom. Tsk! Naghahalataan.
"After this may itinerary pa kayo?" tanong ni Rap kay Desmond.
"Much better."
Napatango nalang ako sa kanila. Ano ba itong pinasok ko? Wala na akong oras makapag-emote dahil sa kanila. Magiging fifth wheel pa ako dito ngayon! Tanginang Laszlo kasi umalis pa tapos di na nagpaparamdam. Pero kapag nagkataon na nandidito iyon magiging seventh wheel na ako. Tsk!
Tumingin nalang ako sa pool at nakita kong simahan na pala ni Dareen si Finnick doon sa pool. Kaso kita ko naman na tumatambay lang sila sa tabi. Mukhang seryoso na nag-uusap ang dalawa tapos si Finnick naman ay tango lang nang tango kay Dareen. Mukhang teacher- student talaga ang relasyon nila.
Nginuso ko ang dalawang tao sa pool. "Akala ko tuturuan ni Dareen lumangoy si Finnick. E, bakit nakatayo lang ang dalawang 'yan." Komento ko ilang sandali.
Halos umabot sa buhok ko ang kinataas ng kilay ko nang marinig ko ang maliit na tawa na Rap.
Muntik na akong mahulog sa kinauupuang lounger nang ngumisi si Rap sa akin. Tangina!
"My baby doesn't know how to swim as well, Colt. Kaya nga gusto niya rin pumunta dito."
Pero bakit ngumingisi ito? Nanggagago ba ito?
"Oi! Narinig ko iyon!" sigaw ni Dareen.
Tumawa naman si Rap.
Damn!
"I'm just telling them the truth, baby."
A sly smile formed on Dareen's lips. He licked his lips, probably seducing Rap.
"Yeah, unfortunately I don't know how to swim, but..." pagbibitin nito na sinundan naman ni Finnick.
"Pero marunong manisid si Teacher Dareen! Hehe!" Medyo nanggigil pang turan ni Finnick at sinilip ang Teacher Dareen niyang may pang-aakit na nakatitig sa kaibigan kong si Raphael.
Si Desmond sa isang tabi ay napamura!
Hindi ko sila maintindihan. Anong mayroon sa sisid? At papaanong nakakasid, eh, hindi naman marunong lumangoy? Tangina nabobo ko dito, ah!
Talagang ginagago nila ako dito ngayon. Binabaliw nila ako sa mga salita nila!
Pumalakpak di Dareen sa sinabi ni Finnick.
"Very good! Very good, student!" puri pa nito kay Finnick at talagang ngumiti pa ng malapad ito.
Ako lang yata ang di nakakakuha sa mga pinagsasabi nila.
"Putangina, anong sisid at langoy ba ang pinag-uusapan ninyo?" Gulong-gulo kong wika.
Pa-eksaheradang tumakip si Finnick sa bibig niya.
"W-wala palang alam dito si Kuya Colt, Teacher Dareen. Wala naman kasi siyang sisisirin."
"Huh?" lito kong galgal.
Ngumiting aso itong pilyong nobyo ni Rap. Hanggang ngayon ay di ko pa rin talaga alam kung papaanong nahulog si Rap dito. Ibig kong sabihin, kung sa mukha ang pagbabasihan talaga namang maganda ito. Pero ang ugali kasi nila ni Rap. Masyadong malayo ang ugali nila sa isa't isa. Pakiramdam ko nga palaging umiinit ang ulo ni Rap dito. Tsk. Ang pilyo!
"Colt, kung kailangan mo ng tulong ko when it comes to sisid things. Nandidito lang ako. My service is free for you!" anito na kinagulo lalo ng utak ko.
Fúck nagmumukha akong mang-mang dito.
"Ako! Ako, Dareen gusto ko matuto sumisid para masisid ko na rin si Desmond. Noong una kasi ay di ako nagsuccess."
Nalaglag ang panga ko. Dahan-dahan akong tumingin kay Desmond na namumula ang mukha. Unti-unti ko nang nakukuha ang sinasabi nila dahil sa sinabi ni Finnick. Parang alam ko na ang sisid at langoy na tinutukoy nila.
T-tangina!
"Yeah, it is what you think it is." Kompirma ni Desmond at muntik na akong mahulog sa pagkakaupo ko!
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
(MERRY CHRISTMAS ENGELS!)
We wish you a merry Christmas
We wish you a merry Christmas
We wish you a merry Christmas and a happy new year
— 09104541976
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top